Wakas
“Isang taon narin pala...” sabi ko habang nakangiting nililinis ang kaniyang lapida.
Nandito nanaman ako sa puntod ng taong sobrang mahalaga sakin at nagligtas nang buhay ko. Marami akong gustong ipagpasalamat at ihingi nang tawad mula sakaniya.
Marami ring tanong na bumabagabag sa isipan ko. Katulad nang bakit niya nagawa yun? Bakit niya isinakripisyo ang buhay niya para lang sakin? Pero sobrang nagpapasalamat ako dahil kung hindi sakaniya ay hindi ako magiging masaya ngayon.
Andrei Mikael Alvarez
Parang panaginip ang lahat. Parang sa isang iglap. Hindi ko akalain na babalik pala ang lahat sa dati. Lahat ng hindi ko nagagawa noon. Nagagawa ko na ngayon.
Lahat ng pinagdadasal ko dati na sana mangyari. Nangyayari na lahat ngayon at unti unti nang natutupad.
Lahat ng paghihirap, sakit at luhang nailuha ko ay nagkatotoo. Dahil sa kaniya. Dahil sa bestfriend ko. Hindi ko nga rin alam kung paanong naging si Mikael na ang nagdonate sakin samantalang si Nathaniel daw ang unang nagpresenta.
Pero sobrang nagpapasalamat ako sakaniya.
“Sana masaya ka kung nasaan ka man... Bantayan mo kami palagi, ha? Mahal ka namin, Mikael.” tumayo na ako at nagpagpag bago umalis sa sementeryo.
“Baby...” tawag sakin nang lalaking pinaka-mamahal ko.
“I missed you...” sabi niya habang nakabusangot sa harap ng camera.
Napatawa naman ako. Sa isang taong nakalipas sobrang daming nagbago. Pero hindi ko makakalimutan yung araw na gumising akong wala ng iniindang sakit. Wala ng iniindang kirot.
Isang taon narin simula nang magising ako sa napakahabang panahon nang pag tulog. Alam mo yung pakiramdam na sila ang nakapalibot sakin pati na ang mukha nang lalaking dahilan ko kung bakit kumapit parin ako't lumaban. Medyo nahirapan nga lang ako pero dahil sa pinanghawakan kong aayusin namin ang lahat ay para bang binalik sakin ang wisyo ko at ganun na nga ang ginawa ko. Lumaban ako para saming dalawa. Para sa pamilya ko.
Dun ko rin nalaman ang nangyari. Patay na pala si Liareen. Nalulungkot ako pero masaya rin dahil nalaman kong nagkaayos na ang barkada ngunit nang malaman kong kay Mikael ang pusong nasa loob nang katawan ko ay hindi ko na napigilan rin ang mapahikbi. Sising sisi ako nun.
Isang buwan or dalawa rin bago ako nakarecover. Napagpasyahan narin namin na magpakasal at ito na nga dala dala ko na ang bunga. Ngunit kailangan muna niyang mangibang bansa dahil may aayusin pa raw siya sakanilang kompanya.
“I missed you more...” ngumiti ako sakaniya.
Ngumiti din siya pabalik. Ito yung ngiting hinihiling ko na sana bumalik. Yung ngiti niya saking miss na miss ko na. Ito yun. Ibinigay na rin saking muli.
“I have something to tell you.” seryoso niyang sinabi.
“What is it, hm?” paglalambing kong tanong.
“I'm going back to the Philippines.”
Saglit na tumigil na ang mundo ko. Ang seryoso niyang mukha ay naging maaliwalas.
“Shit!” mura ko sabay tayo.
“Talaga?!” pangungulit ko.
Tumango naman siya habang nakangiti. Shet, ang gwapo niya talaga. Nagtatalon-talon ako habang kinakanta ang happy dance song ko.
“Lalala~ I'm”
“Lalala~ Happy!”
Sinabayan naman niya ako don at parehas kaming tumawa.
Finally...
“Wait for me, baby. I'm going home.” masigla niyang sinabi.
“I love you so much, baby.”
“I love you so much more.”
Nagflying kiss naman ako sabay salo niya naman nito.
“Mahal na mahal kita, Nathaniel. Mamahalin kita nang sobra sobra. At hindi lang pitong araw ang ilalaan ko para lang mapasaya ka kundi panghabang buhay pa.”
THE END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top