Kabanata 7

Tumakbo si Tan palayo samin nang makita niyang ganun ako kasama nang mga bestfriend ko. I wonder why akala niya ba nagtataksil na ako dahil ang huling bumitiw sakin ay si Kael? Si Kael na bestfriend kong lalake.

Sinundan namin siya hanggang sa nakarating kami sa tambayan namin. Sa likod nang building. Maganda kasi ang ambiance dun. Kaya pinangako namin sa isa't isa na kami lang ang pwedeng tumambay dun at samin lang ang teritoryong yun.

Nakita ko siyang lumuluha habang nakatingin sa pangalan naming nakasulat sa puno.

Harlienne x Nathaniel

Alam kong napaka-old school na but what can we do? Gusto namin yun eh. Masaya kami dun sa bagay na yun. Lalapitan ko na sana siya. Nasa likod ko parin ang tatlo. Nang biglang may babaeng sumulpot at walang pasintabing hinalikan si Nathaniel.

What the fuck?

Nakilala ko ang babae. Siya si Nathalie. Yung sexy na babaeng kaklase namin na walang ginawa kundi ang magpaganda.

At sabi rin sa chismis patay na patay ito kay Nathaniel.

Akala ko itutulak niya. Akala ko tatabigin niya at sasabihin niyang may girlfriend na siya at hindi niya ako kayang masaktan.

Pero kabaligtaran ang nangyare, siniil niya rin ito nang halik. Pumikit pa ang dalawa na para bang matagal na silang magkakilala. Na para bang matagal na silang sabik sa isa't isa at ito na ang tamang pagkakataon para ilantad ang kataksilan nila.

I know. Alam kong alam ni Nathalie na nandito lang kami dahil ngumiti siya ng bahagya habang sinusuklian niya ng halik ang boyfriend ko. Wait, boyfriend ko nga ba?

Funny.

Naramdaman ko na lang ang sunod sunod na pagtulo nang aking mga luha. Sumisikip narin ang aking dibdib kaya napahawak ako dun. Unti unting sumisibol ang sakit sakin at hindi ko na napigilan.

Napaluhod ako dahil sa nararamdaman. Narinig ko na ang sunod sunod na pagtawag saking pangalan. Pero parang wala akong pakialam. Hindi rin ata kasi ako nakikita pa ng lalaking mahal ko.

Lahat ng hinala niya mali. Gustuhin ko mang magpaliwanag. Ang tanong may saysay pa kaya ang pagpapaliwanag ko? The answer is, wala. Wala nang kwenta ang lahat ng yun. Dumampi na ang kaniyang labi na dati lang ay sakin. Sobrang hirap. Masakit.

Alam kong nagagawa niya lang yan dahil masama ang loob niya. Alam kong mahal niya ako. Alam kong ako lang. Pero tangina bakit sa lahat nang pagkakataon ngayon pa? Sabi nila, puppy love lang naman daw ito dahil nasa highschool pa lamang ako.

Makakakilala pa ako ng iba. Hindi pa huli ang lahat. Hindi pa nga ba?

Bumagsak ako at wala na akong maramdaman kundi ang pagkabasa ng pisngi ko. Ang tawag ng mga kaibigan ko. Ang kirot at sakit na nararamdaman ko. At ang paghihiwalay nang kanilang labi.

“Harlie, harlie!”

Dinig kong tawag ni Harvey habang tinatapik ang aking pisngi. Half open na lamang ang aking mga mata. Dinig ko narin ang sigaw ni Nathaniel na papalapit. Ngunit inilayo ako ng kambal ko na buhat buhat na ako ngayon.

“Putangina, subukan mong lumapit!” hiyaw ni Kael sakaniya.

Hindi na sila nagaksaya pa at itinakbo na ako palayo at palabas ng escuelahan. I don't know how it feels na makitang ganito ang sitwasyon ko.

If pwede ko lang sabihin sakaniya. Ngunit ayoko. Ayoko na siyang madamay sa drama nang buhay ko. Siguro pwede na ito. Hanggang dito nalang ba kami?

“Nathaniel...” I whispered before everything went black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top