Kabanata 5

“Good morning everyone please return to your assigned chairs and we'll be discussing about the upcoming event of our school and the surprise quiz.” ani Mrs. Ramos

Surprise quiz? Ayos lang. Nakapagadvance review narin naman ako. Tumabi na sakin ang kakambal ko na galing sa upuan ng mga babae niya.

“Nakapagreview ka ba?” bulong niyang tanong.

Tumingin ako sakaniya. “Oo, ikaw? Hindi nanaman no? Ros pa more.”

Tumawa lamang siya kaya napailing na lang ako. Hindi talaga nadadala.

“Class, magkakaroon tayo ng event sa friday pagkatapos lahat yun ng orientation ng buong grade level. I want you all to participate on the upcoming activities which will held in our quadrangle and gymnasium.”

Tumango naman ang mga classmates ko habang ang iba ay walang pakialam.

Ganun naman kaya rin gusto ko sa escuelahang ito. Iba lang sila sa mga students ng highschool na ibubully ka or di kaya'y may pakialam kung anong kamalasan ang nagawa mo. Para bang normal nalang ito sakanila. And i'm also cool with the idea of being with them. I don't need to think about the consequences about me and Nathaniel.

All in all they're also one of our shippers. Supporters ng loveteam kumbaga. But i'm also thinking if that's necessary sa isang couple. Di nalang sila matahimik. Haynako.

“Ma'am, anong date niyan?” tanong ng class president na si Terron.

Nakilala ko siya nung isang araw sa cafeteria and i'm glad na may naging kaibigan narin ako dito. Wala namang angal dun si Nathaniel basta wag lang daw dun sa kay Jayce.

“February 14, 2018.” simpleng sagot niya.

“And oh, class. May gaganaping pageant sa araw na yan. May booths and freedom wall para sa lahat ng hugot ninyo. I'm sure na maraming may drama sainyo rito.”

Nagtawanan ang klase. Maski narin ako kinuha ko na lang ang notebook ko na extra at isinulat dun lahat ng magiging ganap sa nasabing event.

Maybe... just in case na ako ang iassign na magsusulat ng article tungkol sa event na iyon. Mas pinili ko narin na tagalog ang field para mas dama.

“Are you alright?” bulong sakin ni Nathaniel wearing his worried expression.

I smiled at him just to calm him. Ganiyan na siya simula nung maabutan ako sa hagdan ng hospital. Kahit naman anong paliwanag na ayos lang ako hindi parin siya makikinig besides i enjoyed taking care by him.

“Yes.”

“Miss Dela Fuente, are you okay with the idea?” tanong niya.

Napatingin ako sa harap na nakakunot ang noo. Natawag ba ako kanina?

“W-what do you mean, miss?” balik tanong ko sakaniya.

“You and Nathaniel Samson will be the one who will participate the pageant. But the question is, is that okay with you?”

Nanlamig ako. Pageant? This will be my first time participating in that event. Wala bang essay writing na lang or kaya broadcasting? I mean, why me? Pwede namang si Nathaniel na lang may possibility pang manalo. Kasi malay mo matalo pa ang section namin and...

“Arienne?” tawag niya.

Tumikhim na ako at handa nang tumanggi ng biglang sumigaw ang kakambal ko.

“Parehas kaming maganda ang lahi, kambal kami, parehas matalino at palaban. So, it's a yes for me.” hinampas niya pa ang armrest niya na akala niya ata ay isa itong buzzer.

Binatukan ko siya at ngumiti tanda ng pagpapaumanhin aangal na sana ako ng umikot ang upuan ni Nathaniel sa tabi ko.

“Sa lahat ng magagandang dilag sa silid araw na ito'y ikaw lamang ang nakakuha ng aking atensyon. So, it's a yes for me.”

What the? Anong ginagawa nila? Katulad nang naliw kong kakambal tinap niya din ang armrest niya.

Tumingin sila sa katapat naming upuan kung saan naroroon ang kaklase naming kasapi sa federasyon.

“Vice?” tawag nila Nathaniel at Harvey.

“Maganda. Check. Mabait. Check. Matalino. Check. So, it's a yes for me.” tinap rin niya ang upuan.

Napaface palm na lamang ako sa ginagawa nila habang ang mga kaklase ko naman pati narin ang aming guro ay aliw na aliw kahit na hindi na sila nagkakaintindihan.

Magsasalita pa sana ang dalawa sa kay Terron nang humarap na ito na may ngiti sa kaniyang labi.

“It's a yes for me.” nakangiti niyang sabi.

Naghiyawan naman ang lahat dahil sa desisyon raw ng hurado at dahil dun ginaya ko narin ang reaksyon ng mga nakakapasok sa ganiyang audition sa mga variety shows.

Tumalon talon ako at pinapalis palis ang luha kong wala naman bago pumalibot tingin sa mga audience at judges pati narin sa host.

“Thank you. Thank you for this opportunity. I won't disappoint you guys. Mommy, daddy. Nasa tv na ko omg!” hiyaw ko habang nakatingin sa blackboard.

Naghiyawan at nagtawanan naman ang lahat kaya nasama narin ako. I never thought that they'll definitely treat us as their family. Even though we're not related by blood but for us we're far from being classmates. We're also friends and family.

I hope this happiness won't last.

“At dahil diyan, quiz na!!!!” hiyaw ni ma'am na nagpasimangot sa iba kasama ang aking kakambal.

Humiyaw ang iba dahil sa tuwa maliban kay Harvey at Nathaniel na halatang hindi nagreview kaya napailing na lamang ako.

Thanks, G.

I already had enough. I'm already contented on what i have here with me. Akala ko buong buhay ko magisa lamang akong lumalaban. Na dapat kailangan alam nila ang takbo ng buhay ko para lamang magkaroon ako ng kaibigan. Hindi pala.

Kasi kahit hindi ko na isiwalat sakanila ang nangyayari sakin nandiyan parin sila para sakin.

Akala ko buong buhay ko magiging magisa lang ako at ang kakambal ko lang ang kasama ko sa buhay. At magiging kaibigan ko. Hindi pala. Dahil simula nung mapasok ako sa paaralang ito dun nagsimula lahat ng pagbabago. I just need to look at the bright side kasi kung patuloy kong itutulak ang sarili ko sa dilim kahit na may ilaw ng liwanag akong nasisilayan tuluyan akong malulugmok sa kamalasan at kasakitan at kabigatan ng loob.

“Feeling better?” tanong ni Tan.

“Yeah.” ngumiti ako sakaniya at ganun rin siya.

“Get your pad paper and lagyan niyo ng 1-20.”

Binuksan ko naman ang bag ko para kuhanin ang aking papel ng isang batalyon nang tutubi na nakakapaglakad at hindi nakakalipad ang bumalantang sakin.

“Harlie, penge.”

“Harlie, isa lang oh please.”

“Harlienne, friends naman tayo diba? Penge.”

“Ako din, harlie.”

“Ako rin!”

“Kami din!”

“Me! Me! Me!”

Binigyan ko na sila bago pa lumingon si ma'am. Nang biglang wala na akong makapa. Ubos na?

Tinignan ko ang mga kaklase kona isa isang bumalik sakanilang mga upuan.

“Argh!” sigaw ko para mapalingon silang lahat.

Napapikit ako. Nakakahiya.

“Ano nangyare, miss Dela Fuente? Is there anything wrong?”

Hawak hawak ko parin ang buhok ko na sinasabunutan ko habang umiiling. Gusto ko rin magtanong eh. Meron nga bang problema? Meron? Hindi man lang niya pinansin ang nakakairitang ingay ng mga kaklase ko habang nanghihingi tapos nung ako na ayan agad tanong niya?

Sabihin niyo nga, meron nga bang problema? Wala diba? Wala! Naubos lang naman ang papel ko pero walang problema. Oo, wala talaga. Kumuyom ang kamao ko sa inis ng may pad paper na bumagsak sa harap ko.

“Ayan, sorry kung kinuha ko ang papel mo sa bahay.” sabi nang kakambal ko.

Parang cue yung sinabi niya dahilan para sakalin ko siya at sabunutan naramdaman ko nalang ang braso ni Tan sa bewang ko.

“Nakakainis ka! Dinekwat mo pala mga inipon ko. Buset! Buset ka!” sigaw ko habang hinahampas hampas siya.

“Alam mo namang kailangan ko ito kasi ramdam kong pulubi na ang mga kaklase natin pero bakit mo pa ito dinekwat! Bakit ha? Bakit?” gigil kong tanong kay Harvey.

Nakanguso na lamang siya and swear sarap pilipitin. Nagmumukha siyang pato. Kaurat!

Tumingin ako sa paligid at nakatingin rin silang lahat sakin. Sumandal ako saking upuan at unti unti kong tinago ang sarili ko.

“Let's start.” As if on cue umayos na ako ng upo at nagsimulang magsagot.

Nakakahiya. Nakakastress. Nakaka- haynako. But still, masaya ako sa nangyare ngayong araw. Tinap ko ang balikat ko at ngumiti. I can do this.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top