Kabanata 3
Natapos ang klase ngunit hindi na ulit naulit ang paguusap namin ni Nathaniel nung nakipagkilala siya kahit na kilala ko naman na siya.
Iniligpit ko na ang gamit ko at napagdesisyunan na ang kakambal ko na lang ang isasabay ko sa lunch. Akmang lalapit na ako sakaniya ng may humarang sakin.
"H-hi..." narinig ko ang tawanan ng mga lalaki sa likod nung lalaki ding humarang sakin.
Nilingon ko sila bago tinignan ang lalaking nasa harapan ko at nginitian. "Hello."
"I'm Jayce Salcedo. Ikaw?" nahihiya niyang tanong.
Babarahin ko sana ng maalala kong wala nga palang introduce yourself kanina kaya sinagot ko na siya. Atsaka para magkaroon ako ng bagong kaibigan.
"Harlienne Dela Fuente."
Tumango naman siya ngunit namumula parin ang kaniyang mga pisngi. "Pwede ka-"
"No, hindi siya pwede." Isang barinitong boses ang narinig kong nagsabi nun at nang lingunin ko ay hinila na ako palayo ni Nathaniel sakanila kaya naman lumingon ako kay Jayce. "Bye!" kumaway pa ako.
Nang makalabas kami ay padabog na binitawan ni Nathaniel ang braso ko.
"Bakit ba ang bait mo?" nakatiim bagang niyang tanong.
Kumunot naman ang noo ko. "Ha? Ano bang sinasabi mo?"
Gigil niyang ginulo ang kaniyang buhok. "Argh, never mind. Tara na." hinila niya ako papuntang canteen na nakakunot parin ang noo.
Namataan namin ang aking kambal na may mga babae sakaniyang tabi. Pati ba naman dito? Lumapit kami sakanila at umupo sa harap nila kuya.
Padabog kong inilapag ang bag ko bago maghalumbaba. "Anong gusto mong kainin?" tanong ni Tan.
Hindi ko siya sinagot.
"Yo, sis. Oh nathan, anong nangyare nanaman diyan?" tanong ni kuya.
"Wala, nakipagkilala lang naman siya dun sa mga lalake sa classroom natin." inis nitong sagot.
"Siya nga ang lumapit. Anong ako?" mataray kong sagot.
"May pangiti ngiti ka pa. Bakit gusto mo ba yun ha?" tanong niya.
Tumayo na ako at binitbit ang bag ko bago lumapit sa counter kaysa naman makipagtalo ako sakaniya wala rin akong mapapala.
Nang turn ko na biglang may sumingit na babae sa unahan ko. At dahil baguhan pa lang ako rito hinayaan ko na. Alam ko rin naman ang katatakbuhan nito. Pagsumingit ako, edi ibubully nila ko? Sus.
Umatras ako ng biglang may humila sakin sa unahan. "Stay here." gigil na bulong sakin ni Tan at dahil isa akong masunuring bata tumabi ako sakaniya.
Nang makuha namin ang pagkain magbubuhat din sana ako ng ilayo niya sakin ang tray. "Ako na."
Sumunod na lamang ako sakaniya hanggang sa malagpasan namin ang mesa nila kuya at dire diretso siyang umupo sa tabi ng bintana.
Uupo na ko nang bigla kong marealize na kaming dalawa lang sa upuan kaya naman balak kong kunin ang tray ko ng hinila niya ako sa tabi niya. As in, dikit na dikit.
I was like, oh god crush. Don't do this to me. Pero sa ibang parte ng isip ko nahinuha ko na baka pumangit ang first impression sakin ng mga studyante kaya lumipat ako sa kaharap niyang upuan.
Narinig ko siyang huminga ng malalim kaya binalingan ko siya.
"What?"
"Don't you dare go somewhere else, bibili pa ako." ibinigay niya sakin ang bag niya bago pumunta sa counter.
Nagsimula na akong kumain habang naghihintay parin ng maisip ko ang mga nangyayari. This was the first. Anong kaluluwang sumapi sa kaniya at ganito ang nangyayare? Tatawag na ba ako ng santo?
"Harlie!" sigaw ng boses mula saking likod. Haharap na sana ako ng hinatak na ako patayo ng kung sino at aalisin ko na sana ang kaniyang kamay nang mahinuha ko kung sino ito.
"Kuya?"
Hinatak niya ako palapit sa kay Nathaniel at hinagis ang kaniyang bag.
"911." Harvey said.
Nagmadali siyang tumakbo kaya ako rin anong meron ba? Bakit ganito siya? Nakaramdam ako ng konting kirot dahil napapagod na akong tumakbo. Sa layo ba naman ng canteen sa mismong gate ng escuelahan.
Sumakay kami agad ng taxi nang makakita kami at nagmamadali ring sumakay.
Aligaga si kuya na sumalampak sa harap pero wala parin siyang binabanggit kung anong meron.
"Ano bang meron?" tanong ko.
"You don't need to know." sabi niya habang may bahid ng pagaalala sa boses.
Natawa ako. "You don't want me to know pero hinila mo ko rito? Unbelievable."
Gigil na ginulo nito ang kaniyang buhok.
"Nahospital si mommy. Are we done?"
Natulala ako sakaniyang sinabi. Nahospital? Pero bakit?
"Healthy naman si mommy ah!" sigaw ko.
"I don't know. Aalamin ko pagdating natin ng hospital."
Napasandal na lang ako sa aking kinauupuan ko at ipinikit ang mga mata.
"Pakibilisan po please." kuya Harvey pleaded.
At gaya nang inutos niya ay binilisan naman ng driver ang pagmamaneho hanggang sa nakarating kami sa hospital wala na kaming imikan.
"Arienne Dela Fuente." sabi ni kuya sa information desk.
"This way sir." sinundan namin ang isang nurse papunta sa emergency room at naabutan namin si daddy na nakasandal sa pinto ng ER.
"Dad!" ani kuya.
Umangat ang kaniyang tingin samin at walang pasabing niyakap kami agad ko naman siyang niyakap pabalik.
"What happened dad?" tanong ko.
"I don't know. Basta, pagdating ko sa bahay para sunduin siya ay sumisigaw na siya sa sakit ng lower abdomen."
He's hurt and kami rin.
"Bumabalik nanaman ba ang sakit niya?" tanong ni kuya. Teary eyed.
"Hindi ko pa alam. Siguro? But I prayed to God na sana hindi naman."
15 years ago nang nagkaroon ng nagkaroon ng sakit si mommy. It was cancerous. Akala nila daddy hindi na sila magkakababy but miracle happened. Mommy gave birth to us ngunit nahirapan sila nung ako na ang ilalabas.
Then that hit me. Kasalanan ko. Kasalanan ko lahat ng ito. Sakin lang siya nahirapan ipanganak plus may sakit pa akong nakuha.
Busy silang naglalakad ng naglalakad kaya unti unti akong umalis sa pwestong iyon ng liningon ako ni daddy ngunit nginitian ko lamang siya.
"I'll be fine. I'll just get some coffee."
Tumango naman ito. Nung pagtalikod ko ay hindi ko na napigilan kaya nagmadali akong tumakbo palayo sa area na yun at nagtago sa pwesto kung saan walang ibang tao.
I cried. A lot. I can't help it. This... everything. It was all my fault. Napahawak nalang ako sa railing ng hagdanan. Iniyak ko lahat ng sakit ng bigat ng loob. I'm maybe an independent woman but I'm also fragile. When it comes to the things like this my depression would eat me up and then I'll suffered.
I lift up my head and prayed to God na sana kahit si mommy lang iligtas niya.
Mommy, I'm sorry. This is all because of me.
Napahawak ako sa bandang puso ko ng makaramdam ako ng bigat ng paghinga at nahihirapan. Fuck, not now please.
I can't clearly see things because of the tears rolling down my cheeks and before I finally closed my eyes. A baritone voice called my name.
"Harlienne!"
"Nathaniel..." I whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top