Kabanata 23
Tumayo mula sa pagkakasuntok si Kael at bumawi rin ito. Natulala na lang ako. Nang makitang duguan na sila ay hindi ko na napigilan at pumagitna ako.
“Ano ba?!” hiyaw ko habang nakahawak sa dibdib ni Nathaniel.
Ngunit inalis lamang niya ito at bumwelo ng sipa sa tiyan ni Kael. Tumalsik ito kaya naman agad ko siyang dinaluhan ngunit sadyang matigas din ang lalaking ito at inalalayan ako sa gilid bago niya sinalubong ng suntok si Nathaniel.
“Putangina ninyo!” napahiyaw na ako at agad na gumitna sa kanilang dalawa at piningot para makatayo sila.
Parehas silang duguan ngunit hindi nila ito inalintana. At parehas paring masama ang tingin sa isa't isa.
Buti nalang wala pang napapadaan na estudyante dito or teacher man lang.
“Ano bang problema ninyo ha?” mataray kong tanong.
“Ang yabang nito eh.” sabay nilang sinabi at agad ding masama ang tingin sa isa't isa.
Napatingin ako sa itsura nilang dalawa at mukhang mas napuruhan itong si Kael kumpara sa lalaking nasa kanan ko. Parehas silang magaling makipaglaban kaya't nagtataka ako kung bakit hindi kayang labanan ni Nathaniel si Liareen.
Or talagang mahal niya ito kaya ganiyan? Sa isiping iyon ay parang pinipiga ang puso ko.
“Bigyan ninyo ako nang magandang dahilan kung bakit kailangan niyo yang gawin sa isa't isa. Dali!” bulyaw ko.
“Inagaw ka niya sakin!” sigaw ni Nathaniel kay Kael.
“Wala akong aagawin sayo dahil in the first place hindi mo naman na siya pag-aari!” bulyaw rin ni Kael.
At hindi ko na nasundan pa ang nangyari.
Nakatulala lamang ako ngayon na nasa harap nang prefect of discipline. Bullshit nadamay pa.
Duguan silang pareho na nasa magkabilang tabi ko. Parehas pang nakakuyom ang kanilang mga kamao.
“You have your 5 days suspension plus 3 days of community service.” sabi nito pagtapos nang kaniyang sermon.
“Kasali po–” she cutted me off.
“Of course, Dela Fuente.”
Napalabi na lamang ako. Pagtapos kaming pabalikin sa classroom ay hindi parin ako makaget over sa nangyari. 5 days suspension? Really?
“Oh, gumunaw na ba ang mundo at ganiyan yang itsura mo?” salubong sakin ni Kashika pagpasok namin ng classroom.
Mabuti't walang teacher ngayon mukhang nagkaroon nang meeting. Yun kasi ang sabi samin kaya kami pinapunta dito kaagad at hindi na pinadala pa ang mga magulang. Buti nalang din alangan kaladkarin ko si daddy dito galing sicily?
“Wala. Suspended lang.” nakabusangot kong angil.
Natahimik siya at maya maya pa'y nakarinig kami nang paghampas nang lamesa.
“What?! Suspended ka?” sigaw ni Liareen.
Bumaling kami dun at nakita naming si Nathaniel ang kaniyang sinasabihan.
“Don't tell me nasabit ka sa gulo niya?” tanong nang kakarating lang na si Nathalie.
Umirap nalang ako at isinubsob ang aking mukha sa armchair.
Ano nang gagawin ko nito? Wala lang naman sakin kung mangyari yun kasi busy si kambal at si daddy pero ang boring kasi sa bahay.
Maya maya pa ay may pumasok na teacher sa loob nang aming classroom at ngumiti saming lahat.
“Good news.” salubong nito.
Mukhang nakuha niya ang atensyon nang lahat kaya napaayos ang mga ito. Halatang excited narin sa kung anong sasabihin nang guro.
“Suspended ang klase for 1 week.”
Walang nagsalita saming lahat.
Hanggang sa nakarinig na lang ako nang paghampas nang lamesa. Mukhang nakarecover na sila at heto nagwawala na.
“Yes! Yes! Yes!”
“Dininig na ang panalangin ko!”
Napailing nalang ako sa kanilang inihihiyaw. Maya maya pa'y nagdagsaan sa aking pwesto ang barkada.
“So, ano na? Batangas trip na!” sigaw ni Nathalie.
Kaya napatayo narin ako at nakihiyaw. Ngayon na lang ulit kami magkakabonding. Agad kong tinext si Harvey na obvious na wala dito at sinabing mayroon kaming bakasyon sa batangas for 1 week at agad naman siyang pumayag.
“Oh, heavens!”
Matagal na naming plano yun ngunit hindi matuloy dahil nga sa pagkabusy namin. Nagsasaya kami nang may tumikhim sa aking likuran. Pagbaling ko ay si Nathaniel yun at si Liareen.
“May kailangan kayo?” nakataas ang kilay na tanong ni Kashika.
“Pwede ba kaming sumama?” maamong tanong ni Nathaniel.
Namula sa galit si Kashika at akmang susugod. Ngunit inagapan namin agad ito ayoko na mapunta muli doon sa discipline office at baka maging mabigat pa na parusa ang makuha ko.
“Ang kapal nang mukha ninyo pagtapos mong saktan ang kaibigan ko!”
Nailing nalang ako. Kaya mahal na mahal ko itong si Kashika eh. Handa akong ipaglaban hanggang kamatayan.
“We're sorry, kashika. But please, kahit ngayon lang.” sabi niya habang nakatungo.
Hihilahin na sana siya ni Lian palayo dahil halatang napipilitan lamang ito nang dumiin ang hawak sakaniya ni Nathaniel kaya walang nagawa ang babae kundi bumalik.
“Eh mukhang ayaw naman ni Liar, e.” sabad naman ni Nathalie.
Umiling kaagad si Nathaniel. “No, she wants to be friend with you, guys. Don't mind her.”
Tumaas ang kilay nito at akmang aangal nang tingnan siya ni Nathaniel. Aba, mukhang takot sakaniya ang babaeng ito pero bakit ganun nalang ang pagkaayaw niyang humiwalay dito? Siguro nga hindi na niya ako mahal. Kaya mas mabuting magmove on na. Kahit parang ang hirap. Kahit parang gusto ko pang i-insist niya ang naudlot naming pagiibigan.
“Alright.” sabi ko at pilit na ngumiti.
“Pero Harlie–” pinutol ko na si Kael.
“I'm fine. Paano magkita na lang tayo bukas samin ha?” kinindatan ko sila bago tumalikod at nagayos nang gamit.
Parang nawalan ako nang gana. Ngunit iwinaksi ko iyon iisipin ko na lang na kasama namin siya at ganun parin ang turingan gaya lang nang dati.
Kailangan magpakatatag ako ngayon lalo na't kasama pa ang haliparot na yun.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top