Kabanata 22
“Harlie!”
Napalingon ako sa kung saan at namataan ko si Kael na tumatakbo palapit sakin.
“Oh, kael.” ngumiti ako.
Napaiwas naman siya nang tingin halatang may gustong sabihin.
“May sasabihin ka ba?” tanong ko.
Napakamot siya nang batok.
“Ano, gusto ko lang sana humingi nang tawad dun sa...”
“Kiss? Nako, wala yun. Alam kong hindi mo naman sinasadya. Hehehe, sorry din huh? Hindi ko rin kasi naiatras yung mukha ko. Ayun tuloy.” nahihiya akong ngumiti sakaniya.
Kaso mukhang nalungkot pa ata siya dahil sa expression nang kaniyang mukha. May LBM ba siya? Iniba ko nalang ang usapan.
“Sabay tayo pasok?” tanong ko medyo nagaalangan.
Tumingin siya sakin at muling nakangiti na. “Ah sige, tara.”
Sabay na kaming pumasok sa loob nang paaralan at masaya naman akong hindi siya iwas sakin dahil sa nakakahiyang nangyari kahapon. Hays.
“Harlie, hindi ka pwedeng pumasok!” bungad sakin ni Nathalie at Kashika.
“Ha? Eh, bakit naman?” nagtataka kong tanong.
Maski si Kael ay ganun narin. Nagpupumilit na tumingin si Kashika sa likod nila at pinagpapawisan narin ito. Kaya naman pinilit ko rin tingnan ang tiningnan nila.
“Basta, hindi, ah– eh– alis muna kayo ni Kael dito! Dali, bilis!” tinulak tulak niya pa kami kaya hindi ko sinasadyang mapatingin sa loob dahil narin sa ingay nito.
Dun na nalaglag ang libro at panga ko sa nakita. Mukhang napansin narin ni Kashika dahil nanigas na siya.
“Patay.”
Malungkot ang mukha ni Nathalie na tumingin sakin at yumuko. “Sorry harlie.”
Hindi naman na ito bago sakin. Pero bakit ang sakit parin? Hindi ko namalayan na hinila na pala ako dun palayo ni Kael. Palayo sa imahe na sumisira muli saking sistema.
May kahalikan si Nathaniel. Nakatalikod ang babae ngunit alam kong hindi si Liareen iyon. Parehas hipon ang kanilang katawan. Joke, maganda ang likod. Ngunit alam kong straight at medyo maliit ang height niya.
“Harlie, nandito naman ako.” boses ni Kael ang nakapagpabalik sakin sa reyalidad.
“Ha?”
Sumabay agad siya sa drama ko.
“I mean, nandito ako. Para sayo, harlie. Gusto kita. Papasayahin kita. Mamahalin. Hindi mo na siya kakailanganin pa, Harlienne.” may halong sensiridad ang boses nito.
Ako naman ang naguluhan.
“Wag kang magbiro nang ganiyan, kael. Hindi ako natutuwa.” pagak pa kong tumawa na para bang isang malaking joke ang pagamin niya.
Ngunit tahimik at matiim lamang siyang nakatitig sakin. “Bakit ako?”
“May rason ba kapag nagkagusto ka sa isang tao o nagmahal ka sa isang tao? Hindi ba pwedeng naramdaman ko nalang talaga yun.” saad niya.
Naiyak lang ako lalo. Nasaktan ako at mukhang makakasakit pa ako. Muli akong niyakap ni Kael at nasandal sakaniyang matigas na dibdib. Ayoko nito. Isang bagsakan? Parang ang hirap.
“Kaya ko namang maghintay.” hinahaplos niya pa ang buhok ko.
Ngunit hindi ko alam kung bakit kusang umangat ang ulo ko sakaniya at gahibla nalang muli ang tingin naming dalawa. Nalanghap ko ang mabangong amoy ng kaniyang hininga at isahang hakbang lang ay madadampi na niya ang kaniyang labi sakin ngunit bago pa ito mangyari ay para bang the flash na nawala siya sa paningin ko at natumba na.
“What the fuck?” nilingon ko pa kung sino ito at ang galit na galit na mukha ni Nathaniel ang bumungad sakin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top