Kabanata 18
Bumalik na kami sa classroom ngunit wala paring Harvicius Leo Dela Fuente ang nagpapakita. Ano ba talagang plano niya?
Pumasok na ang PE teacher namin at as what we expected may magp-PE class na muli. Tumayo na kami at isa isang nagpunta saming locker upang magpalit.
Isa rin si Tan sa hindi pa bumabalik sa classroom. Bitbit ko rin ang aking maliit na notepad kung saan naroon ang listahan nang aking mga plano.
Handa na rin ba akong magpa-opera?
“Sabay na tayo.” sumulpot sa gilid ko si Kael na may ngiti sakaniyang labi.
Tumango na lamang ako sakaniya pagkarating namin sa gymnasium ay hinati na agad sa dalawang grupo ang section namin. Ano naman kaya ang gagawin ngayon?
Habang nasa pila ay nagsimula na akong magdrawing nang magiging itsura nang date namin na pinaplano ko.
Oo, desidido parin ako sa date na iyon.
“Dela Fuente, Harlienne Niccolaine R.”
Lumakad ako palapit sa harap nang gymnasium dala dala parin ang notepad ko. Ano pa bang pwedeng idagdag?
“...Samson, Nathaniel Evo M.”
Nanlaki ang mga mata ko sa binanggit ng aming teacher at napatingin sa lalaking poker face lang na tumayo saking gilid.
“Ball room, cha-cha or kayo na lang ang pumili nang sasayawin ninyo.” paliwanag ng guro.
Parehas kaming tumango bago bumalik sa aming pwesto. Nagulat nalang ako nang nandun narin ang magaling kong kambal at kahanay niya si Nathaniel.
Marami pang sinabi samin ang teacher bago kami idismissed. Dumiretso kami sa locker at dahil katabi ko ang mga chismosa narinig ko ang pinaguusapan nila.
“Babalik na raw si Liareen next week. Antagal nga niyang out of town eh.”
Natigilan naman ako bago kinuha ang uniform ko upang magpalit. Itinabi ko rin dun ang notepad ko nang makita ko ang isang papel na nakaipit dun.
Schedule nang pagpapa-check up ko. Kailangan ko palang kumulsulta bukas itinabi ko narin yun bago naglakad palabas. Dumaan ako sa walang tao at nasa isa nanamang building ang mismong classroom namin.
Biglang tumunog ang paboritong kanta ng aking mommy at naalala ko siya.
“This superficial love thing,
Got me going crazy,
Baby if you want me,
Then you better need me,
Cause I'm so done not being your number one.”
Nanadya pa ata ang kanta. Hindi ko nalang pinansin naghahumm ako nang biglang may binting humarang sa daraanan ko.
Pag-angat ko nang tingin ay si Nathaniel yun. Ganun parin ang kaniyang expression. Blanko.
“Anong kailangan mo?” nakacross arms kong tanong.
Pagtapos niyang magwalk out kanina haharang siya dito sa daraanan ko?
“Kayo na ba?” tanong niya.
“Ha?”
Anong kami na? Nino? Nagkaron ba ko nang jowa habang tulog? Bakit hindi ko alam?
“Wag kanang magmaang-maangan nung hinaplos ni Kael ang...” hindi niya tinuloy ang kaniyang sinabi.
Dun lang nagsink in sakin ang kaniyang tinutukoy kaya humagalpak ako ng tawa.
Akala niya ba kami na?
“Ano naman?”
Nanlaki ang kaniyang mata at umigting ang kaniyang panga.
“Akin ka lang!”
Napaatras ako. “Naririnig mo ba ang sarili mo, Tan? Pagtapos kong magmakaawa sayo, iniwan mo lang ako!”
“No!”
“Anong no? Hibang kana!”
Umatras akong muli habang siya ay palapit nang palapit sakin nang mabangga ang likod ko sa pader.
Dead end.
“Hindi ako hibang. Akin ka, remember? Wala akong naaalalang–”
Sinampal ko siya. Namula ang palad ko pati rin ang kaniyang pisngi. Hindi ko namalayan na namimilibis na muli ang aking luha. Natigilan siya dun kaya tinulak ko siya at binangga.
Hindi ko na kaya.
Masiyado na niya akong nasasaktan. Oo, gusto ko siyang pasayahin. Limang araw na lang ang nalalabi sakin. Oo, gusto kong akin siya. Oo, mahal na mahal ko siya. Oo, natutuwa akong nagseselos siya.
Pero para itanggi niya yung dahilan kung bakit muli akong nasaktan? Puta. Nakakagago.
Hindi ko na siya aayain nang date. Atsaka na yun. Gusto ko na munang magpahinga. Hindi porket wala si Lian ipipilit niya ang kaniyang sarili sakin.
Oo, magulo pero sana kahit kaunting konsiderasyon rin sa nararamdaman ko.
“Harlie!”
Nakita ko ang labis na nagaalalang mukha ni Kael kaya tumakbo ako sakaniya at niyakap ko siya at hindi ako nagkamali. Kahit punong puno nang luha ang mga mata ko.
Nakita kong nakakuyom ang kamao ni Nathaniel at ang igting ng kaniyang panga ngunit nabaling yun sa babaeng humila sakaniya at walang pasabing hinalikan siya.
Sinaktan mo nanaman ako, Tan.
At higit sa lahat, nagbalik na siya.
Nagbalik na si Liareen Thompson.
Humigpit ang yakap ko kay Mikael. Hindi ko na kaya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top