Kabanata 17
Isang linggo narin simula nung gabing iniwan ako ni Nathaniel sa bisig nang kambal ko.
Isang linggo narin simula nung hindi ko na muli siyang nahagilap. Nagkaklase kami para sa ikatlong subject ngayong umaga nang may dirediretsong pumasok mula sa pinto not minding the teacher who's teaching infront.
Hindi nalang nila pinansin.
“Si Nathaniel oh.” bulong sakin ni Kashika.
“Yeah, nakikita ko nga.”
Sa ngayon wala pa talaga akong balak kausapin siya pagtapos ng ginawa niya nung nakaraan. Wala na ba sila ni Lian? Nabalitaan kong nangibang bansa ang gaga kaya wala dito.
Natapos ang araw na yun na nakayanan kong hindi siya pansinin. Ayoko munang ipilit sa ngayon. Nakokota narin ang puso ko sa sakit.
Inilagay ko lamang ang gamit ko saking locker at sumunod narin sa aking barkada na pupuntang canteen sa lunch nang mamataan ko siya sa itaas.
Hindi ko alam pero may sariling gawa ako nang bigla ko siyang tinawag.
“Nathaniel!”
Sumilip naman siya at ginawa ko ang pinakanakakatangang bagay. Kumunot ang kaniyang noo at natawa naman ako bago umalis sa pwestong yun.
Hindi ko pa alam. Wala pa muna siguro akong balak sakaniya. Pero babawiin ko siya kay Lian by hook or by crook.
“Harlie!” sigaw ni Kael.
Napangiti naman ako sa bestfriend ko. Antagal narin kasi namin hindi nagkakausap simula nung umuwi sila galing sa pagkabisita sakin.
“Antagal mo.” humalakhak siya bago inabot ang bag at librong hawak ko babawiin ko sana ng ilayo niya ito.
“Ako na.”
Sabay naman kaming pumasok sa cafeteria at dumiretso sa pwesto namin palagi. Nagdadaldalan si Nathalie at Kashika habang tulala naman si Terron. Umalis kasi si kuya at babalik na lang daw pagtapos nang oras para sa lunch.
“Anong gusto mo?” tanong niya.
“Spaghetti at soda nalang.”
“Right away.” pinat niya pa ang ulo ko bago siya lumakad.
Inilabas ko ang notebook ko bago nagreview para sa susunod na subject.
“Harlie, anong balak mo?” tanong ni Kashika habang sincere na nakatitig sakin.
Alam kasi nila ng sitwasyon.
Isinarado ko muna ang notebook ko at sumandal sa mesa. “Hindi ko rin alam eh.”
Nagkatinginan silang dalawa at napabuntong hininga.
“May maitutulong ba kami?” tanong nilang dalawa.
Saglit akong napaisip. At binuklat ang aking notebook sa mga listahan.
6. Invite him on a date.
“Mag-set sana ng date. Kaso hindi ko alam kung saan eh.” napakamot ako ng ulo.
“May alam kami.” nagpantig naman ang tainga ko sa narinig.
“Waaah! Talaga?” excited kong tanong.
Ngumiti naman sila.
“Osige, pag-usapan nalang natin kapag nakaisip na ko ng pwedeng gawin ha?” masaya kong sabi sakanila.
Maya maya pa ay dumating na si Kael dala ang order naming dalawa. Bakit parang antagal naman niya.
“Thank you, kael.”
“No worries.” ngumiti lang siya.
Pogi nitong bestfriend ko. Kaso minsan naiisip ko kung bakla ba siya. Wala pa kasing girlfriend. Matanong nga minsan.
Napadako ang phone ko na nakalapag lamang sa isang tabi nang buksan ko yun ay nadetect ang notif sakin.
“Aces Hideout?” napalakas ang boses ko sa pagbabasa. Nahigop ko na ata pati lalagyan nitong juice ko.
Nagkatinginan kami maski si Terron na tahimik at tulala lamang sa isang tabi.
“Anong ginagawa ni Harvey sa hideout?” we said in chorus.
“Something's not right.” sabi ni Terron habang malalim ang iniisip.
May problema nanaman kaya? Kilala ko ang kakambal ko. Hindi naman kasi yun mahilig magpatulong just like my mom. May prefer niyang siya ang magisang kumilos.
Si Nathaniel at si Harvey.
May mali talaga sakanilang dalawa. Nagulat kami nang dumaan sa harap namin si Tan na parang hangin. Hindi man lang siya nagabalang lingonin ako.
Wala naman si Lian ha?
Pero hindi muna yun ang problema. Bumaling ako sa kay Kashika. “Try mong ihack yung device ni Harvey. We'll figure it out.” mahinahon kong sabi.
Napasandal ako saking upuan at sinubukan kong tawagan ang magaling kong kambal.
What now, Harvey?
“Where are you? Its almost class hour, you, idiot!” bulyaw ko sakaniya.
“I'm on my way there. Nasa bahay ako.” inilayo ko ang cellphone ko ngunit nandun parin ang pulang dot.
Sakin pa nagsinungaling.
“Bilisan mo!” ibinaba ko na ang call at tumingin sakanila.
Bakit hindi na lang niya ako patulungin? Kaysa nahihirapan siya diyan. Hindi man pang-defence dahil napahamak ako nung huling nakipaglaban ako kahit na maalam ako sa hand to hand combat.
“Hindi ko mapasok ang device, harlie.” problemadong sabi ni Kashika.
What the fuck are you thinking Harvey? Ang hirap hirap mong basahin.
“Do you mind?” isang barinitong boses ang nagsalita mula sa likod ko at nang liningon ko ito ay nagsalubong ang mga mata namin ni Tan na may hawak na tray.
Umusog naman ako at binigyan siya ng espasyo. Umupo naman ito at nilingon kami sa mesa. Buti nalang hindi ganun kachismoso't chismosa ang estudyante rito.
“Just let me sit here for the old times sake.” malamyang sambit niya.
Tumango naman kami sobrang pabor nun para sakin. Napatingin ako sa plato ko na di pa ubos ang laman at mabilis na inubos yun.
Pagkaangat ng mukha ko ay ang tahimik at mabigat na atmosphere ay binalot ng halakhak ni Kael.
“What?” nakakunot noo na tanong ko.
I was caught off guard nang haplusin niya ang gilid nang labi ko dahil may sauce pala dun nagtawanan kaming dalawa dahil awkward yun.
“Takaw.” humalakhak siya at inirapan ko lang.
Narinig ko ang pagbagsak nang kubyertos at ang haras na pagtayo ni Tan sa tabi ko.
“I lost my appetite.” umigting ang kaniyang panga at hindi na kami tinapunan pa ng tingin.
What now?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top