Kabanata 11
Nagising na lang ako na nandun ulit ako sa kamang iyon. Siguro nga buong buhay ko dito na palagi ang bagsak ko. Ipipikit ko sana ang mata ko nang maalala ko kung bakit ako nandito.
Napatayo ako at naaninag ko ang mga kaibigan ko ngunit wala ang daddy ko at aking kambal.
“Harlie!”
“A-asan sila?” nanginginig kong tanong kay Nathaniel na lumalapit sakin.
Malungkot siya. Namumula ang ilong ganun rin ang kaniyang mga mata.
“Nasa ICU.”
Tumayo na ako ngunit pinigilan nila ako.
“Nandun sa loob ang mommy ko!” napaiyak na ako. Hindi ko kayang manatili lamang dito habang ang nanay ko nasa loob parin ng kwartong iyon.
“Kailangan mong magpahinga, harlie. Hindi na biro yan.” tinignan ako ni Kashika na may malungkot na mata.
Pity?
Hindi ko kailangan ng awa nila. Umiling ako at tumayo ngunit napadako ako sa IV na nakatusok sakin.
“Hindi ko kailangan nito.” tinanggal ko ito kahit na nahapdian ako.
“Harlienne!” sigaw nila ngunit nakalabas na ko.
Dumiretso ako sa ICU ward at nandun parin sila nakayuko si daddy at ang aking kambal ay palakad lakad. Dumako ang tingin ko sa pinto hindi na ko nagdalawang isip at hinampas iyon.
“Harlie!”
”Si mommy ilabas ninyo ang mommy ko!” iyak na lang ako ng iyak habang nanginginig.
“Harlie, magiging okay din si mommy.” naramdaman ko ang yakap ni Harvey.
Masakit.
Kasalanan ko nanaman. Sana hindi na lang ako pumasok tulad nang nakasanayan kapag unang escuela pa lang.
“Kasalanan ko to. Kasalanan ko. Harvey!” dumausdos ako ng kapit sa kaniyang braso.
Ang malas malas ko.
“Shhh, hindi twin. Hindi mo kasalanan okay? Walang may kasalanan.” hinahaplos nito ang buhok ko habang patuloy ako sa pagsisi saking sarili.
“Bakit ganito? Bakit ngayon pa, Harvey. Ang sakit sakit. Napakamalas ko.” hinampas ko ang dibdib ko at inilayo naman niya yun.
Maya maya pa ay naglabasan ang mga nurse na nagkakagulo.
Anong meron?
Pinalis ko ang mga luha ko nang makita kong nagmamadali silang lahat.
“Ate, ano nangyayare sa loob?” kinakabahan kong tanong.
Binitiwan niya ako.
Bakit?
Maski ang kambal at si daddy ay nakikitingin narin. Mula sa labas ay naririnig ko ang sigawan.
“Clear!”
“Bakit? Bakit ganun?” hinampas ko na ang pinto ngunit inilalayo ako ni Harvey.
Napapikit si daddy habang hawak hawak ako ng kakambal ko. Hindi ko na napigilan. Iniyak ko lahat lahat ng sakit.
“Nandito po.” dinig kong sabi ni Terron.
Bago ko pa maiangat ang ulo ko ay naramdaman ko na lamang ang kirot na nanaig saking balat at ang unti unting pagbigat ng talukap ng aking mga mata.
“Rest, baby.” hinalikan ni Nathaniel ang noo ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top