Kabanata 10
Mabilis talaga ang panahon umpisa nanaman ng panibagong taon namin. Means, grade 11 na kami. Hays, iba na talaga. Dito parin kami ni kuya nagaaral sa school namin.
Maraming nagbago. Kasi sumasama na sa barkada si Terron at Nathalie. Ang babait nga nila. Kung sana una pa lang nakilala na namin sila. Marami na agad kami magkakaibigan.
Ngayong araw na lang ulit kami magkikita kita. Namiss ko si Nathaniel. Sumakay na ako agad saking bike at nagmaneho.
“Harlie!” sigaw mula saking likod.
Natanaw ko si Kael na nagbabike rin. Kinawayan ko siya at nagsabay nalang kaming papunta sa escuelahan. Nang nasa pababa na kami ay bumaba rin ako. Saktong nakareceive pa ako ng text message.
Nathaniel: Nasa school ka na ba? I miss you. :(
Natawa ako sakaniyang emoji at habang hila hila ko ang aking bicycle ay nagawa kong magreply sakaniya.
Me: Yup, asan ka?
Agad naman itong nagreply.
Nathaniel: Kasama ang barkada.
Ngayon ko lang naalala mas nauna pa pala sakin si kuya na pumasok. Ewan ko ba pero lately palagi siyang iwas. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon.
“Asan raw ang barkada?”
Napatalon naman ako sa gulat dahil kay Kael ipinark na muna namin ang bike bago kami naglakad sa tambayan which is sa garden. May secret garden pa kasi dito sa escuelahan. Walang may teritoryo nun kaya inangkin na namin.
“Tambayan.” simpleng sagot ko.
Habang naglalakad kami nakakatanggap ako ng ibat ibang pagbati na sinusuklian ko naman ng ngiti.
Simula kasi last year parang nawala na ang hiya namin sa isat isa at nagawang makipagkilala. Kaya kahit wala ako o sila sa circle of friends ng isat isa ay magaan naman ang loob namin.
Yun nga lang, hindi na kami invisible.
Oo, dahil din naman sa kakambal ko nagsimula lahat ng ito. Masaya narin akong nakilala sila lalo na ang barkadahan.
“Baby.” hinalikan ako ni Nathaniel nang makalapit kami.
“I miss you.” bulong niya at yinakap ang braso saking bewang.
Natawa naman ako at kinurot ang kaniyang ilong ng tumingin siya sa kay Kael at nagbatian.
“Oy, parang wala ang kakambal ah.” singit ni kuya at napahawak pa sakaniyang puso umaaktong nasasaktan.
Nagtawanan naman kami dahil sa drama niya.
“Nga pala, bakit hindi kayo sabay ni Harvey?” tanong ni Nathalie. Nagtataka.
Nagkibit balikat ako ng dumako ang atensyon nila sakin.
“Choosy yan eh. May usapan rin kami na hiwalay na kaming papasok pagtapak naming grade 11 kasi nauumay rin kami sa pagmumukha ng isat isa.”
Tumawa sila.
“Nakakaumay ka kasi.” banat ni Harvey.
Sasagutin ko sana ng tumikhim si Nathaniel.
“Nathan, don't tell me pati akong kuya niyan?”
Nagkibit balikat lang ito at hinila na ako palayo.
“I'm jealous.”
Sineryoso niya talaga yun? Eh magkapatid kami yinakap ko nalang siya sakaniyang bewang habang naglalakad kami. Mukha tuloy tanga.
“Oy love birds, nasa escuelahan kayo.” segunda ni Kael.
Napailing na lamang kami. Nang makarating kami sa building ng ABM at mismong classroom namin nagtabi tabi na kaming magbabarkada ngunit may kulang.
“Where's Terron and Kashika?” tanong ni Nathalie.
Dun lang namin napansin. Ngayon kasi magkakasama na kami. Oo, business ad din kasi ang kukunin nila sa college. Pare-parehas kami ng tadhana. Hindi namin ito kinuha para lang magkasa-kasama kami talagang ito na ang choice dahil nga may business ang mga magulang namin. Fortunately, samin ang bagsak. Masaya rin naman magbusiness.
Pumasok na ang teacher namin na may kasunod niya. Si Kashika at Terron.
“Naks naman. May namumuo ah.” biro ni Nathan na ginatungan naman ng aking kambal.
“Mukhang may magdadalang tae for 9 months. Di kaya magmahirap umire Kashika?” nagtawanan kami. Kahit kailan talaga.
Humarap na kami dahil tumikhim ang guro sa harapan. Iginala ko ang mata ko and puro kakilala namin ang kaklase namin. 50 rin ang bilang. Ganun karami ang pundasyon kapag may business ang magulang mo at dun ka itutulak.
As for me and my twin, this is our choice.
“Katulad lang rin last year. No introduction. No expectations. Tignan nalang natin kung hanggang saan tayo dadalhin.” nakangiting sabi ng guro.
Ito pa ang isa sa gusto ko rito. Wala naman problema sa pagpapakilala. Ayoko lang sa expectations na naduduldulan ng disappointment.
Nagsimula nang maglecture ang guro para sa unang lesson namin. Lahat kami nakikinig. Sobrang interesting kasi dinadaan sa kung paano didiskarte kapag nagsisimula ka palang. Lalo na't maraming may kompanya ang may hawak rito.
Ginaganahan tuloy akong magaral.
“As I was saying...” hindi na natuloy ang sasabihin nang guro nang pumasok ang principal saming classroom. Hingal na hingal ito.
“Harlienne and Harvicius Dela Fuente. Please. Come with me.” punong puno ng kaba ang mukha nito kaya nagkatinginan kami ng kambal ko at napatayo siya agad.
“W-why?” tanong ko.
“Mr. Giovanni Dela Fuente called us... he wants you to be excused just for today...” hingal na hingal parin ito. Nanlamig bigla ang kamay ko at natutop ako saking kinauupuan. Inalalayan ako ni Nathaniel at sinubukan naming lumapit sa harap para pagsalitain pa ang principal.
“Okay naman po si daddy kanina–”
“Nabaril ang mommy mo, iha.”
Tila isa itong tinig na nakapagpagising sakin at sa sobrang lakas ng tambol saking puso ay hindi ko nakayanan.
Tumakbo ako palabas. Kahit pa hindi ko alam kung aabot pa ko pababa dahil sa sunod sunod na pagpatak ng aking mga luha.
Naninikip na mga dibdib. Bakit ngayon pa? Kumuyom ang aking kamao. Napahawak ako sa railings ng hagdan at sa hindi inaasahan nadulas ako.
Nakarinig ako ng mga sigawan. At ang braso na bumuhat sakin.
“...Tan...”
“Shh, baby. Wag ka pipikit please.”
Umiling ako dahil hindi ko gagawin yun. My mom needs me. She needs me and I know that she's already looking for me. For us.
“N-no...”
“Shhh...” pagpapatahimik niya.
Nandito na kami sa kotse ni kuya at si Kael na ang nagdrive. Natahamik ang barkada. Pwede kaya silang sumama?
“U-uy... D-dapat m-mas i-nuna n-ninyo a-ang k-klase...” utal kong sambit. Gusto nang pumikit ng mga mata ko.
“Hush, twin. O-okay lang sila.” sambit ng kambal ko.
“H-hold on tight baby... Please...” punong puno na ng luha at katanungan ang mata ni Nathaniel pinunasan niya ang luha ko.
“I-i... love you...” I said with a smile and finally closed my eyes. Di ko na kaya.
“Harlienne!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top