Chapter 9: Introspection
@herpanda04, as requested. Enjoy!!!
"Hindi mo pa din daw inaccept ang friend request ni Lise?"
Kausap ko sa Skype sina Nanay at kanina pa ako kinululit ni Ate kung bakit wala pa din akong response sa request ni Lise.
"Ate, busy ako." Nawawalan na ako ng bala kung anong rason ang ibibigay ko sa kanya.
"Ano ba kasi ang reason at ayaw mo siya maging friend?" Tanong niya habang ngumunguya ng manggang hilaw na sinasawsaw niya sa alamang.
Dahil maasim, hindi niya mapigilan ang mapapikit.
Pati tuloy ako, nangangasim sa ginagawa niya.
Wala pa namang Indian mango dito.
Puro Ixtapa o Itaulfo na walang sinabi sa mga mangga sa Pinas.
"Huwag mo na nga kasing uriratin pa? Bakit ba ang kulit mo?"
"Oo nga naman, Estee. Tigilan mo na nga iyang kapatid mo. Kung ayaw niya, di mo siya mapipilit." Kampi ni Nanay sa akin.
"Eh kasi naman, kailangan ni Lise ng friend ngayon." Kay Nanay siya nakatingin.
Ako naman, naintriga sa sinabi niya.
"Bakit naman?" Tanong ni Nanay.
"Eh mukhang there's trouble in paradise." Sumulyap siya sa screen para tingnan ako.
Nakatutok na din ako sa screen ng laptop dahil curious na malaman kung bakit.
"Hindi niya naman sinabi sakin ng diretsahan pero mukhang maghihiwalay na sila ni Dan."
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa narinig pero parang bumigat ang dibdib ko.
Isa pa, parang naging obligado akong tanggapin ang friend request niya.
Nung kami pa, hindi maiiwasan na magshare siya ng problems niya with Dan.
Ayaw na ayaw niya na sinasabi sa akin pero ako ang makulit.
Alam ko kasi kapag wala siyang gana.
Kahit nakangiti, ang lamlam ng mga mata.
Tapos malimit nakatulala.
Kahit mahirap sa akin na malaman ang personal details tungkol sa kanila ni Dan, tinitiis ko na lang lalo na at nakikishare lang naman ako sa kanya.
Kaya lalo akong napamahal kay Lise kasi bakit daw hindi ako nagseselos?
Noong wala pa si Dan, madali lang kasi wala akong kasalo sa kanya.
Well, meron pero malayo siya.
Pero lumabas lahat ng tinago kong selos nung umuwi na ito at nakikita ko na hinahawakan siya o di kaya hinahalikan.
"Di kaya dahil sa hindi sila magkaanak?" Usisa ni Nanay.
"Hay naku! Hindi lang iyon ang problema nila. Sabi niya, sobrang dominante nung biyenan niya lalo na iyong babae. Sobrang matalak daw. Para siyang bata kung pagsalitaan. Eh kilala niyo naman si Lise di ba? Hindi iyon papatalo. Gusto niya nga daw na humiwalay sila ni Dan pero ayaw nito pumayag."
"Tantiya ko, malabo ng magkaanak si Lise. Ilang taon na ba siya? 43?" Tanong ni Nanay.
"Nay, 37 na siya sa birthday niya. Maliban na lang kung may milagro, baka magkaroon siya ng baby during her menopause."
"Naku! Mahihirapan na siya manganak." Sumawsaw si Nanay sa mangko ng may alamang.
"Matagal na daw siyang unhappy sa marriage nila. Kaso, kahit gusto niya humiwalay, hindi daw ganun kadali."
"Eh anong gagawin niya?"
"Di daw niya alam."
"Hanggang kelan siya magtitiis?"
Napatingin ako kay Nanay.
Sa tono ng pananalita niya, parang pabor siya na hiwalayan ni Lise si Dan.
"Kung kayo, Nay. Hihiwalayan niyo si Tatay kung hindi na kayo masaya?" Tanong ko.
"Depende sa sitwasyon." Sagot niya.
"Kung kulang na lang eh magpatayan kaming dalawa dahil sa hindi na namin matagalan ang isa't-isa, malamang."
"Hindi niyo iisipin ang sasabihin ng ibang tao?" Tanong ko ulit.
"Alam ninyo, kung iisipin niyo lagi ang ibang tao, walang mangyayari sa buhay ninyo. Ano bang pakialam nila? Buhay niyo iyan at kayo naman ang magdadala ng resulta ng desisyon ninyo. Ang importante, kaya ninyong pangatawan ang ginagawa ninyo at maging masaya kayo. Ang hirap na nga ng buhay, pahihirapin niyo pa ba?"
"Wow, Nay." Sabi ni Ate.
"Di ko akalain na pabor para kayo sa paghihiwalay." Dugtong pa niya.
"Pabor ako sa kung anong makakabuti sa buhay natin, sa buhay ninyo. Lahat ng desisyon, may pros and cons. Ang mahalaga, gumawa ka ng desisyon at hindi iyon nakabinbin ang kinabukasan mo dahil hindi mo alam ang gagawin mo sa buhay mo. Baka mamaya, dumating ang time na huli na ang lahat at doon ka pa magsisi."
Two hours after naming mag-Skype, pinag-isipan kong maigi ang sinabi ni Nanay.
Magsisisi ba ako kung hindi ko tatanggapin ang friend request ni Lise?
What's holding me back?
Was it because I expected that after we said goodbye that will be the end of it?
O natatakot akong maging close ulit sa kanya at mabuhay na naman ang feelings ko?
Nung sinabi niya na she will never stop loving me, naisip ko na nabaliw na yata siya.
O baka naman namisinterpret ko yung love na sinasabi niya?
Baka naman this time, hindi na romantic love ang meron siya.
Baka love for a friend na lang?
Pero kahit ako, hindi ako kumbinsido.
I could see in her eyes na she still wants me.
I know dahil when I saw her again, nagising na naman yung feeling na gusto ko siya.
Nung maamoy ko yung perfume niya, binaha ako ng mga memories namin.
I was brought back to all the days we would spend in her bed.
Nakahiga lang kami, nagkikwentuhan, nagpaplano for a future na walang kasiguruhan.
We both know our relationship was fragile pero it didn't stop us from believing we have a chance.
Kahit doon lang sa mga araw na magkasama kami.
We made short-term goals like go to Tagaytay and watch the sunset or write in a journal na babasahin namin kapag nagkita na kami.
Hindi ako mahilig magsulat pero para sa kanya, ginawa ko.
Nandoon din iyong send each other a letter at least once a month using the prompt I love you because.
Meron pa siyang idea na during a moment of spontaneity, what would you do?
Yung una kong ginawa, kumain ng balot.
Ayoko pa naman noon pero napadaan kami sa nagtitinda ng balot sa palengke at naisipan kong kumain.
I almost gagged when I saw the chick.
To help me, pinapikit ako ni Lise at kumagat lang ako ng konti sa sisiw.
Halos laklakin ko iyong suka just to drown the taste.
Feeling ko, kinakagat ko ang mga mumunting buto ng kawawang sisiw.
Hindi ko na iyon inulit.
Siya naman, tawa ng tawa.
Inubos niya din iyong balot na parang wala lang sa kanya.
Yung moment of spontaneity niya was when she showed up in school.
Nagulat ako ng makita siyang nakaupo sa waiting area.
Lumuwas siya just to see me dahil namimiss niya na ako.
Kahit bawal, pinuslit ko siya sa dorm where I made love to her in the single bed I occupied.
Para akong uhaw na uhaw sa kanya kasi hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan at hahalikan.
Bago ko pa mailock ang pinto, halos wala na siyang pang-itaas dahil hindi na ako makahintay.
She was the same with me at kulang na lang kainin niya ako ng buo.
Well, she did. Over and over hanggang sa halos hindi na ako makatayo dahil sa sobrang panghihina ng tuhod.
Naisip ko na dapat kumain ako ulit ng balut.
Di ba sabi nga sa kanta, pampalakas daw iyon ng tuhod?
Nilakasan ko na lang ang radyo to drown out the sounds of our lovemaking.
Pagdating ng alas-tres ng madaling araw, dahan-dahan ko siyang nilabas sa kuwarto na parang illegal goods.
We were crazy for each other.
Sa kanya ko naramdaman ang magmahal ng buong-buo.
Kaya nga ang sakit nung umuwi na ang asawa niya.
Feeling ko kasi, she had all of me.
Wala akong tinira para sa sarili ko.
The only way I could think of to save my sanity was to leave na walang paalam.
Alam kong hindi siya papayag na iwanan ko siya.
Sinabi niya na iyon sa akin dati.
Kahit ano daw ang mangyari, ipaglalaban niya ako.
I was skeptical when she said that.
Paano niya naman gagawin iyon eh she was in a ball and chain dahil kasal sila.
I was disposable dahil kabit lang ako and I have no hold on her other than the love I gave.
Pero ang love, nakakalimutan.
Sa paglipas ng panahon, the feeling faded lalo na kung hindi naman nasusustain.
Wala akong right to demand anything from her.
I couldn't expect her to make me a priority sa buhay niya.
I was always second or third in line.
Lowest priority.
Kumbaga sa Top 40 countdown ng mga kanta, ako iyong matagal ng naririnig ng mga listeners at nanawa na sila.
They don't have to listen to the song or pwede na nilang ilipat ang station dahil wala ng dating.
Doon ako nasasaktan.
I felt devalued.
Kaya isang araw, kahit hindi pa time para bumalik sa dorm, umalis na ako madaling araw pa lang.
Nagdahilan na lang ako kay Nanay na meron pa akong aasikasuhin sa registrar's office.
Pero hindi naman ako sa school tumuloy.
Pumunta ako sa Tagaytay at doon ako nagpahapon.
I watched the sunset by myself and said goodbye to the memories we made there.
May isang cottage kung saan ko sinulat ang date, October 3, 2000, with the words last time in capital letters.
Hindi ko na nakita yung vandalism na ginawa ko dahil napinturahan na.
Pero kahit wala na ang ebidensiya, I knew it was in the same cottage we occupied during my last visit.
Inopen ko ang Facebook sa laptop at nandoon pa din ang friend request ni Lise.
Tinitigan ko ito ng matagal.
Ano bang gagawin ko sa'yo babae ka? Naisip ko.
Kahit kelan, ang hirap mong ispelengin.
Sala sa init, sala sa lamig.
Ang yes mo ay no at ang no ay yes.
Ikaw yata ang tinutukoy ni Justin Bieber sa kanta niya na What Do You Mean?
I let my finger hover on top of the keyboard then after I closed my eyes, I pressed the key, not knowing where the cursor will land.
Bahala na si Batman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top