Chapter 8: Abroad
Wala naman talaga akong pangarap na mag-abroad.
Dati, kapag naiisip ko na malalayo ako sa family ko, lungkot at takot ang nararamdaman ko.
Dahil bunso, spoiled ako kina Nanay.
Kapag meron akong gusto, kahit hindi nila agad naibibigay, sinusubok pa din nilang i-provide.
Kaya nga inggit na inggit sa akin ang mga kapatid ko kasi ang swerte ko daw.
Silang dalawa kasi, sa public school nag-aral.
Ako lang ang pumasok sa private school.
Bago kasi ako pinanganak, kapos sa pera ang magulang ko.
Pero dahil pareho silang matiyaga ni Tatay, biniyayaan ang pagsisikap nila.
Matipid silang mag-asawa at nakaipon ng pera para makabili ng van.
Nung una, isa lang.
Tapos nadagdagan pa ng isa hanggang sa maging tatlo.
Dahil hindi pumapalya sa pagbabayad ng loan, madaling nakakautang si Tatay sa bangko kapag kailangan niya ng pera.
Sabi ni Ate, sobrang paghihigpit daw ng sinturon ang ginagawa nila dati.
Hindi sila basta-basta nakakanood ng sine kasama ang mga barkada nila dahil budgeted ang lahat.
Kung mabibigyan man sila ng extra money, iyon ay kung may malaking natitira.
Nung pinanganak ako, maalwan na ang buhay namin.
Kapag nagkikwento sina Ate at Kuya na malimit daw silang kumain ng Lucky Me Noodles, sardinas at scrambled egg na pinagkakasya nila sa apat na katao, hindi ko maimagine kasi hindi na kasama sa diet namin ang mga pagkain na iyon.
Kumakain lang kami ng sardinas kapag gusto namin, kapag umuulan at trip namin kumain nito o di kaya kapag niluluto ni Nanay para sa agahan.
Mula elementary, sa private school na ako nag-aral.
Kapag tinatamad akong pumasok, laging pinapaalala sa akin ni Ate na napakaswerte ko kasi hindi ko kailangang mamuroblema kung saan ako kukuha ng pambaon.
Minsan naiisip ko na siguro naiinggit siya sa akin.
Pero hindi ko naman siya masisisi kasi things came easy for me.
Kung meron akong kailangan para sa project sa school, huhugot lang si Nanay ng pera sa wallet tapos pupunta na ako sa SM para bilhin ang mga kailangan ko.
Most of the time, sobra pa ang binibigay niya sakin para daw makakain ako sa Jollibee.
Tuwing pasukan, bago lagi ang mga gamit at sapatos ko.
Sabi ni Kuya, nung sila daw, pudpud na ang swelas ng sapatos nila, hindi pa mapalitan.
Akala ko nagjojoke lang siya pero totoo daw sabi nina Nanay.
Matagal na akong manager sa Starbucks ng magkaroon ng opportunity na pumunta ng Canada.
Yung ibang kasama ko, nauna ng umalis.
Ini-encourage nila ako na mag-apply pero ang lagi ko lang sinasabi, sige, susubukan ko.
Hindi naman kasi ako interesado.
Yung sahod ko kasi, solo ko.
Nagbibigay lang ako ng pera kay Nanay para panggrocery tapos sa akin na lahat.
Nabibili ko din ang gusto ko.
Pati hindi ko mga kailangan tulad ng hilig kong rubber shoes, T-shirts at pabango, nabibili ko without any second thoughts.
Okay naman ang trabaho ko until malipat ang general manager namin at mapalitan ng isang dragon.
Kung si Sir Martin eh cool, si Mam Chari, terror.
Sobrang higpit niya sa lahat ng bagay.
Kahit memoryado na namin ang sukat ng mga ingredients kahit visual reference lang, sa kanya hindi uubra ang tingin lang.
Dapat gumagamit ng measuring spoons at cups para daw mamaximize ang laman ng bawat ingredients.
Kapag hindi namin namimeet ang sales target, one-on-one meeting agad.
Ako ang malimit niyang mapagdiskitahan kasi sa counter ako nakatoka at customer service ang assigned sa akin.
Lagi niya akong sinisermonan sa mga Google review na natatanggap namin.
3.2 stars lang kumpara sa mga kalapit na locations na 4 ang stars or higher.
Saan daw ba ang problema?
O baka daw ako ang problema kaya ganun na lang ang performance namin?
Nang sinabi niya yun, nag-init ang ulo ko.
Gusto ko siyang pukpukin ng measuring pitcher dahil sa harap mismo ng counter niya ako kinausap.
Sobrang init ng mukha ko lalo na at nakikita ko na nakatingin sa akin yung mga staff pati ang ibang customers at dinig nila ang paninermon sa akin.
Nagbabanlaw ako noon ng measuring pitcher at kung hindi ko napigilan ang sarili ko, baka nga naipukpok ko sa ulo niya.
Pagdating ko ng bahay ng gabing iyon, dumiretso ako sa kuwarto.
Kahit niyaya ako ni Nanay na maghapunan, sinabi ko na wala akong gana.
Totoo naman kasi.
Mula nung confrontation ko with Mam Chari, nawala na ako sa mood.
Kung dati eh masaya akong nakikipagkwentuhan sa staff habang naglilinis o nagpiprepare ng mga kailangan namin, tahimik lang ako during the entire shift.
Pati mga kamanager ko, ilag na lumapit.
Alam nila na bihira lang ako magalit pero once na naubos ang pasensiya ko, you'd better get out of my way kung ayaw mong masigawan.
Lagi nga akong sinasabihan nina Nanay na huwag masyadong high blood.
Baka mamaya daw, yan pa ang ikamatay ko.
Nagkataon din na nagmessage ang dati kong kasamang manager sa Facebook Messenger.
Two months na siya sa Canada at kinukumusta kung nag-apply na ako.
Nang sinabi ko na hindi pa, ano pa daw ang hinihintay ko?
"You have nothing to lose." Yun ang sabi niya.
Dala na rin ng pagkaburyong sa nangyari sa amin ni Mam Chari, tsineck ko ang website ng Mercan.
Open pa din sila for food attendant.
Kahit hindi ko alam kung anong company at kung saan sa Canada, nagcreate ako ng account para magregister.
Pagkatapos sagutan lahat ng information na kailangan, walang pagdadalawang-isip na nagsubmit ako ng application.
"Bahala na." Sabi ko.
Sabi nga ng dati kong kamanager, I have nothing to lose.
After one week, nagulat na lang ako ng may natanggap na email galing sa agency.
Nagqualify daw ako.
Pumunta daw ako sa office nila para ipasa ang mga requirement.
Hindi ako makapaniwala kaya binasa ko ulit ang email.
Baka kasi mali ang nabasa ko.
Pero nakalagay ang pangalan ko pati ang schedule ng submission ng mga requirements.
Dahil hindi ako restday, nagdahilan na lang ako na maysakit.
Naisip ko kasi na baka hindi ako payagan ni Mam Chari lalo na at ako ang flavor of the month niya pagalitan.
Sinabi ko din kina Nanay ang tungkol sa application at kahit wala pang kasiguruhan eh, naiiyak na agad siya.
Baka daw kasi kung mapaano ako sa Canada, ang layo-layo pa naman.
Dahil malakas ang demand, nakaalis ako after eight months.
Lakas lang ng loob ang baon ko.
Ni hindi ko kilala ang mga makakasama ko na magwowork din sa Tim Hortons—isang iconic na coffee shop sa Canada.
Sa Alberta kami napadpad at pagbaba namin ng eroplano, lumuwag ang pakiramdam ko.
It felt like the start of something good.
Pansamantala kong nakalimutan ang dahilan kung bakit naisipan kong mag-abroad.
Nakalimutan ko din ang heartache na nasa puso ko pa rin kahit ang tagal ko ng hindi nakikita si Lise.
I thought, it was a blessing in disguise na pinahiya ako ni Mam Chari sa harap ng ibang tao.
Kung hindi siguro nangyari iyon, I would still be working for Starbucks, not willing to leave my comfort zone.
Pero kahit napakalayo ko sa family ko, sa mga lugar at bagay na nakasanayan ko na, I was willing to start over with a clean slate.
I have nothing to lose. Naisip ko.
I was given a better opportunity so I might as well make the most of it.
Ito ang naiisip ko habang binabasa ang contents ng Discover Canada booklet na guide for the citizenship exam.
I am moving to another step.
I still don't have anything to lose.
Dahil all this time I was in Canada, I have been blessed with friends, money and opportunities.
Sa trabaho ko binuhos ang energy ko at kahit papaano, naibsan ang pangungulila ko sa family ko at kay Lise.
Hindi naman siya tuluyang nawala sa puso ko.
She was my first love.
Part na siya ng history ko and I couldn't rewrite it even if I tried.
Unknowingly, she was also the reason why I left the country.
It was difficult thinking of uncertainties.
Akala ko, kapag umalis ako, it would be easy to forget her.
I was wrong in some ways.
Dahil kahit pa umalis na ako sa Pinas, binitbit ko naman siya sa puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top