Chapter 7: Citizenship
CITIZENSHIP
Pagbalik ko sa trabaho, excited akong sinalubong ni Arlene, ang isa sa kaclose ko sa work.
Niyakap niya ako sabay sabi na sobrang namiss niya ako.
"Six days lang naman akong nawala." Katwiran ko habang sabay kaming pumasok sa kitchen ng Timmies na pinagtatrabahuhan namin.
Nagwelcome back din sa akin ang baker namin na si Karamjit, bumbay na kasundo ko din sa trabaho.
"Oo nga pero iba pa din yung nandito ka. Mas masarap iyong meron akong katsismisan."
Sasabihin ko sana sa kanya na mamaya ko na ibibigay ang pasalubong ng biglang sumulpot si Kiran sa kitchen.
Tinatawag si Arlene para tumulong sa counter.
"Iwan muna kita at baka mapagalitan na naman ako ni Mam." Imbiyernang sabi niya.
Dumiretso ako sa locker para iwanan ang dala kong backpack at para na din makapag-alis ng suot na hoodie.
Fall season na at unti-unti ng lumalamig ang panahon lalo na sa madaling araw.
Umiikli na din ang liwanag at napalitan na ang kulay ng mga dahon sa puno ng yellow, red at brown.
Kahit sanay na ako sa pagpapalit ng seasons, I'm still not looking forward to winter.
But saying that was like wishing for the sun not to rise or to set.
Fact of life na 'yan.
Kahit magnovena pa ako sa lahat ng santo, hindi mapipigil ang pagdating ng winter.
Pagkatapos kong maglog-in, dumiretso na ako sa counter.
Breakfast time at sa sobrang haba ng pila, bukas na ang pinto sa entrance kung saan nakatayo ang mga customers at maingay na nagkikwentuhan.
Pareho kaming supervisor ni Arlene at nakita ko na busy siya sa paga-assist sa sandwich station.
Si Kiran naman, nakatutok sa drive-thru.
Dahil nakabawi na ako sa jetlag, hindi na umaalon ang pakiramdam ko.
Nakapagfocus ako sa trabaho at bago ko namalayan, naubos na din ang mga tao sa pila at oras na para magrefill ng mga stocks para sa lunch hour.
Nasa stockroom ako ng dumating si Arlene.
"Kumusta ang bakasyon mo?" Tanong niya sabay hugot sa isang sleeve ng extra large coffee cups.
"Masaya naman." Sagot ko habang tinitingnan ang listahan ng mga paper products na kailangan sa counter.
"Kumusta sina Nanay?" Kumuha siya ng isang box ng plastic stirrer at pinatong sa ibabaw ng cart.
"Okay naman sila. Hayun. Masaya kasi kahit papaano, nakauwi ako."
"Excited ka na ba para sa citizenship exam mo?" Nakangiting tanong niya.
"Oo pero kinakabahan ako. Paano kung hindi ako makapasa?"
"Ano ka ba? Huwag mong isipin iyan." Pang-aalo niya.
Eight years na si Arlene sa Canada at citizen na din siya.
Siya ang una kong sinabihan na dumating na ang sulat galing sa embassy.
Sa sobrang tuwa niya, nilibre niya ako sa Nando's para magcelebrate.
Kapag naging citizen na daw ako, ako naman ang taya.
Gusto niya daw, sa downtown kami pumunta at kakain kami sa Stephen's Avenue.
"Kung gusto mo, tutulungan kitang magreview. Isa pa, may mga online exams na pwede mong gamiting guide. Matalino ka naman at kayang-kaya mong i-perfect ang exam."
"Eh di ba three mistakes lang ang allowed?"
"Oo. Pero huwag kang magfocus sa mistakes. Basta mag-aral ka para makapasa."
Narinig namin ang boses ni Kiran sa labas ng pintuan at nagkatinginan kaming dalawa.
"Lalabas na ako. Baka makita na naman tayo ni Kiran eh mapagalitan tayo." Binitbit niya ang coffee cups at nagmamadaling lumabas ng stockroom.
Hindi na kami masyadong nakapagkwentuhan lalo na nung pumatak ang alas-onse ng umaga.
Dumagsa na ang lunch crowd at sa cashiering ako na-assign.
Dahil memoryado ko na ang mga keys na pipindutin sa computer bukod sa alam ko na din ang order ng mga regular customers namin, tinutulungan ko na din ang coffee runner na magbrew ng kape lalo na kung merong big orders.
Minsan, tsinichika ko ang mga regulars to give my assistant time to catch up.
O di kaya tsinicheck ko ang sugar dispenser tapos bubuhusan ng asukal kapag low na ang laman.
Hindi ko namalayan na alas-tres na pala at oras na para umuwi.
Dumaan lang ang araw at nakaramdam ako ng pagod habang naghihintay sa loob ng bus station.
Wala kasi akong kotse.
Kahit laging sinasabi nina Arlene na kumuha na ako ng learners drivers license kahit wala pa akong sasakyan, gusto ko munang makasigurado na okay na lahat ng papeles ko bago ako bumili ng mga bagay tulad ng kotse.
Isa pa, mas convenient ang mag-c0mmute lalo na kung winter.
Pwede akong matulog kung gusto ko.
Hindi din ako mag-aalala na baka maaksidente ako lalo na kung malakas ang snow at madulas ang kalsada.
Pagdating ko ng bahay, nakita ako ni Jackie at saglit kaming nagkuwentuhan.
Tulad ni Arlene, kinumusta niya din ang bakasyon ko.
Nagpasalamat din siya sa pasalubong kong daing na bangus, peanut brittle at lengua de gato.
Binigyan niya ako ng isang mangko ng ginisang sayote na may giniling na baboy pati kanin.
Baka daw kasi hindi pa ako nakakapaggrocery.
Oo nga pala.
Nakalimutan kong bumaba sa Superstore.
Meron pa namang bigas at saka yung sausage sa ref.
Pwede na iyon.
Bukas na lang ako mamimili.
Pagbaba ko sa basement, nilapag ko ang backpack sa sahig at pinatong ang dalang pagkain sa lamesa.
Buti na lang at mabait si Jackie.
Magulang niya ang may-ari ng bahay at dahil kapwa Pinoy, hindi nila masyadong minahalan ang upa ko.
$600 lang kasama na ang utilities tulad ng ilaw, kuryente at tubig pati ang Internet.
Dahil wala naman ako malimit sa bahay at ako lang naman mag-isa, sulit na sila sa binabayad ko.
Malimit na pati pagkain, libre na din dahil lagi nila akong binibigyan.
Mahilig kasi magluto si Tita Minda kaya lahat silang mag-anak, matataba.
Inggit na inggit nga sakin si Jackie kasi kahit ano daw ang ipakain nila sa akin, hindi ako tumataba.
Nagtataka daw sila kung saan ko nilalagay ang mga kinakain ko.
Ngumingiti na lang ako kapag sinasabi nila iyon.
Alam din nila na wala akong time na magluto dahil lagi akong pagod sa trabaho at mas gusto ko na matulog na lang kesa kumain.
Kapag dayoff at kung sinisipag, saka lang ako nagluluto.
Most of the time, pumupunta ako sa McDo para kumain.
Paborito ko kasi iyong French Fries nila at saka yung McFlurry.
Lagi nga akong sinasabihan nina Jackie na masama daw sa katawan ang fastfood.
Unhealthy daw kasi processed at mataas ang calories.
Kaso, sobrang tamad ko talaga magluto.
Isa pa, ako lang naman mag-isa.
Kung magluluto ako, mauumay ako sa putaheng niluto ko dahil wala naman akong kasalo.
Umupo ako sa sofa para makapagpahinga.
Kalalapag ko lang ng phone sa lamesa ng umilaw ang screen.
Tumayo ako para tingnan kung sino ang nagmessage.
Si Ate Estee pala.
Mag-skype daw kami.
Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding.
Alas-siyete ng umaga sa Pinas.
Wala ba siyang pasok ngayon?
Magtatype na sana ako ng reply ng bigla na lang magflash ang video call sa screen.
Si Ate talaga.
She doesn't take no for answer.
Kahit wala ako sa mood na kausapin siya dahil gusto kong magpahinga, sinagot ko ang tawag niya.
Himala naman na malinaw ang reception.
Nakaupo siya sa sofa at nakasando at shorts lang.
May nakapatong na kumot sa balikat niya.
"Wala kang pasok?" Iyon agad ang tanong ko sa kanya.
"Masama ang pakiramdam ko." Sagot niya.
"Masama o tinatamad ka lang?"
"Masama talaga." Yamot na sagot niya.
Tinitigan ko siyang mabuti.
Mukhang nagluluha ang mga mata niya.
Humugot siya ng tissue tapos suminga.
"Napatawag ka?"
Pinunasan niya muna ang ilong bago sumagot.
"Gusto ko lang i-check na safe ka. Si Nanay kasi, walang tigil ng pangungulit. Sinabi ko na kasing bumili siya ng cellphone para matext ka niya pero takot sa technology."
Meron akong naalala.
"Ate, binigay mo ba ang account ko sa FB kay Lise?"
Kumunot ang noo niya.
"Hindi. Bakit?"
"Nagsend kasi siya ng friend request."
"Inaccept mo ba?"
"Hindi."
"Bakit hindi?" Tumaas ang boses niya.
Nang hindi ako sumagot, nagsalita siya ulit.
"Alam mo ba, tuwang-tuwa iyon ng magkita tayo ulit. Miss na miss ka na kaya nun? Di ba dati, close din kayo? Nung lumipat sila sa Batangas, sinabi niya na ako na lang daw ang magsabi sa'yo. Bakit ba kasi bigla na lang kayong hindi nagkibuan?"
Bigla akong nataranta sa tanong niya.
Walang may alam sa namagitan sa amin ni Lise at walang pwedeng may makaalam dahil kapag nangyari iyon, patay kaming dalawa.
Malapit pa naman siya sa family ko.
Kapag nalaman nila na nagkaroon kami ng affair, di lang sermon ang aabutin ko kina Nanay.
Baka ibitin ako ng patiwarik ni Tatay sa puno ng mangga.
Kahit alam na nila na lesbian ako dahil umamin na ako sa kanila bago ako umalis papuntang Canada, I don't think they will accept that I had an affair with a married woman.
Siguro kung single si Lise, may pag-asa pa kahit matanda siya sa akin ng walong taon.
"Basta. Huwag mo na lang alamin."
"Yan ba ang reason kung bakit ayaw mong i-accept ang friend request niya?"
"Basta nga. Huwag ka ng makulit." Sabi ko, halatang umiiwas.
"Kung anuman ang nangyari sa inyo, move on ka na, sis. Life is too short para maging bitter. 2019 na o. Before you know it, lumilipad na ang mga sasakyan." Pabirong sabi niya.
Kung alam kaya niya ang tunay na dahilan, ipagpipilitan pa din kaya niya na tanggapin ko ang friend request ni Lise?
"O paano, 'te? Magbibihis muna ako. Kagagaling ko lang sa work eh."
"Sige na. Uy, Chanel. Mag-iingat ka diyan ha?"
"Oo na."
"Magreview ka para sa citizenship exam mo. Excited na kaming lahat dito na magkaroon ng kapatid na Canadian." Natatawang sabi niya.
"Don't worry. I will study."
"Okay. Sabi nga pala ni Nanay, Skype date daw sa weekend. Saturday night diyan at ten ng umaga dito."
"Sige. Wala naman akong lakad sa weekend eh."
Nagpaalam na kami sa isa't-isa.
Hinintay ko na pindutin niya ang end button bago pumasok sa shower para maligo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top