Chapter 59: Elastic Hearts




On a Friday afternoon, hinatid ako nina Tatay, Kuya Hugo at Nanay sa airport.

Wala si Ate Estee dahil sinama ng boss niya papuntang Singapore.

Hindi ko naman tinanong kung bakit ito umalis pero sinabi pa din sa akin ni Kuya ang dahilan kung bakit hindi niya ako maihahatid.

He didn't need to explain.

Alam ko naman na galit pa din si Ate.

Sa aming magkakapatid, siya ang nagtatanim ng sama ng loob.

Pati iyong mga kasalanan ni Kuya noong elementary pa sila, tanda pa din niya.

Alam ko na it will take a long time bago niya matanggap ang relasyon namin ni Lise.

I was expecting the same thing from Nanay kaya nagulat ako na nagtanong siya kung ihahatid ako ni Lise.

It had been three weeks since the incident at wala na ang mga pasa sa mukha niya.

Mga pilat na lang ang naiwan mula sa sugat na tinamo sa kamay ni Dan.

Emotionally, she's getting stronger.

Except for a few nights na gumigising siya na basang-basa ng pawis dahil sa bangungot, okay naman daw siya.

I advised her to see a psychiatrist.

"Kaya niya na bang magbiyahe?" Umupo si Nanay sa gilid ng kama at  pinagmasdan ako habang tsinicheck ang passport.

"Okay lang po ba sa inyo kung darating siya?"

"Wala na naman akong magagawa anak eh. Siya ang pinili mong mahalin. Ang hiling ko lang ay bigyan mo ako ng time para masanay na kayo na talaga."

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko siya sa kamay.

"Nay, take all the time you need. Hindi naman po kami nagmamadali kung kelan niyo kami matatanggap."

Nginitian niya ako at pagkatapos ay niyakap ko siya.

Namiss ko din sila noong nasa Maynila ako at binabantayan si Lise.

Pero kinailangan ko din ang oras na iyon para makapag-isip.

Sigurado din ako na that time away from them gave my mother the opportunity to figure out kung gaano ako kahalaga sa kanya kahit pa hindi siya pabor sa taong minahal ko.

Kahit naman hindi nagtanong si Nanay, darating pa din si Lise at ang mama niya.

Plinano na namin kung saan ko siya pupuntahan para makapagpaalam ako ng maayos.

Pero dahil sa ginawa ni Nanay, tinawagan ko siya at sinabi na pwede silang pumunta sa waiting area.

"Hindi ba nakakahiya sa pamilya mo lalo na sa nanay mo?"

"Sa palagay ko okay lang naman sa kanya. Siya naman itong nagtanong kung darating ka."

"But it doesn't mean she'll be okay with me there."

Naiintindihan ko kung bakit siya nag-aalala.

Nang pinagtapat ko sa kanya ang ginawa ko, sinabi ni Lise na hindi niya gustong masira ang magandang pagsasamahan namin ng pamilya ko.

"It won't be your fault kung magkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan." I reasoned with her.

"They were shocked because it was you I love. Pero kahit anong gawin ni Nanay o ni Ate Estee, hindi magbabago ang pagmamahal ko para sa'yo. Lise," Hinawakan ko ang mga kamay niya, "I did that on my own before. I tried to forget you. I looked somewhere else. I went out with other people. Pero kahit anong gawin ko, ikaw lang talaga ang nagmamay-ari nito." Tinapat ko ang kamay niya sa puso ko.

"Okay. You win."

Pagdating namin sa airport, umalis din si Tatay para pumarada.

Tinulungan ako ni Kuya Hugo at siya ang humila ng mga suitcases.

Mabilis na hinanap ko si Lise sa waiting area.

Nasa bandang dulo sila nakaupo ni Tita.

Kumaway siya sa akin.

"Nay, nandoon po sina Lise." Tinuro ko ang pwesto nila at nauna akong lumakad papunta sa inuupuan nila.

Nang makalapit ay nagmano ako sa mama niya.

Hindi kami nagkiss and it was her idea.

Ayaw niya daw mashock ang nanay ko.

Nakuntento na lang ako ng tanguan siya.

"Kumusta ka na, hija?" Nakatingin si Nanay sa mga pasa at sugat ni Lise sa mukha.

"Mabuti na po ako, Tita." Sumara agad ang bibig niya.

Nasanay siya na ito ang tawag kay Nanay.

Kinumusta din ni Nanay ang mama ni Lise at nagtabi pa sila sa upuan para makapag-usap.

Tinanong ako ni Lise kung dala ko ang lahat ng kailangan ko para sa flight.

"Dala mo ang passport mo?"

"Oo." Tinuro ko ang bulsa sa harap ng pullover hoodie.

"Safe ba iyan diyan? Baka naman mahulog."

"Lise," Hinawakan ko ang kamay niya, "don't worry, okay? I've done this before. Isa pa maingat naman ako."

"Iyan nga din ang sabi ko sa kanya eh. Bakit di niya ilagay sa backpack niya ang passport dahil baka mawala." Nagsecond the motion si Nanay.

Oh boy. Naisip ko.

Is this what's going to happen kapag nagkasundo ang dalawang ito?

Dalawa na ba silang magna-nag sa akin?

"Okay. Para sa ikatatahimik ng lahat, ilalagay ko na sa loob ng backpack." Binuksan ko ang zipper at doon nilagay ang passport.

Nakatingin silang dalawa sa akin na parang naninigurado.

"Gutom ba kayo?" Tanong bigla ni Kuya.

"Gutom ka na naman?" Balik-tanong ni Nanay.

"Opo eh. Grabe kasi ang traffic."

"May Jollibee dito, Kuya. Gusto mong pumunta?" Huhugutin ko na ang pitaka pero pinigilan ako ni Lise.

"Ako na." Kinuha niya ang wallet sa purse.

"Sure ka?"

"Oo." Inabutan niya si Kuya ng dalawang libo.

"Kasya na ba 'to?" Tanong niya kay Kuya Hugo.

"Sobra 'to. Balik ko na lang ang sukli.

Tinanong niya kung ano ang gusto naming kainin.

Burger and fries ang sa akin at kay Lise, gusto ni Nanay ng chicken at spaghetti at ganoon din ang order ng mama niya.

Dumating si Tatay bago makaalis si Kuya at nagpaorder ng fried chicken at palabok.

Habang hinihintay na bumalik si Kuya at napag-usapan ang nangyari kay Lise at Dan.

"Ano na nga pala ang balita sa kanya?" Tanong ni Tatay.

Sinabi ni Lise na ongoing ang kaso sa pambubugbog sa kanya pati na din ang annulment.

"Nakiusap daw si Dan na ibibigay lahat ng demands ko pero nanindigan si Attorney Salazar sa no deal plea. Criminal case ang ginawa niya at malaki ang chance na manalo ako."

"May apat na babae din daw na naglitawan at nagdidemand ng suporta mula kay Dan."

Napatingin silang lahat kay Tita.

"Sino ang mga babaeng iyon?"

"Nalaman namin na noong nasa abroad siya eh nagkaroon siya ng mga karelasyon. Lahat naanakan niya. Lahat din sila eh nasa abroad."

"Ano ba iyan? Akala pa naman namin eh matino si Dan." Gulat na sabi ni Nanay.

"Iyon din ang akala namin." Sabi ni Tita.

"Pero kataka-taka pa nga ba ang ginawa niya?"

Napailing na lang si Nanay.

Pagbalik ni Kuya ay isa-isa niyang binigay sa amin ang mga pagkain.

Naging masaya ang kuwentuhan at patapos na kaming kumain ng biglang magsalita si Kuya.

"May good news nga pala ako." Nakangiti siya habang nagsasalita.

"Ano iyon?" Tanong ni Nanay.

"Girlfriend ko na po si Maggie."

"Aba!" Inakbayan siya ni Tatay.

"May love life na din ang binata ko."

"Gusto ko nga po sana siyang isama ngayon para makilala kayong lahat kaso may work siya." Bakas sa mukha ni Kuya ang pride.

"Next time, anak." Sabi ni Nanay.

"Pagbalik ulit ni Nel." Nilipat niya sa akin ang tingin.

Nakita ko ang lungkot at saya sa mga mata niya.

Pagkatapos kumain ay nilagay lahat ni Kuya Hugo sa paper bag ang mga empty boxes at wrappers.

Tiningnan ko ang relo.

Kailangan ko ng pumasok para magcheck-in.

Napansin ni Lise ang ginawa ko.

"Kailangan mo ng umalis?"

Tumango ako.

Kahit nakatingin silang lahat sa amin ay hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko.

"You should go."

Tumayo na ako at sinukbit ang backpack sa balikat.

Nilapitan ko si Nanay at Tatay para yakapin.

Niyakap ko din si Tita.

Pare-pareho sila ng habilin sa akin.

Ang mag-ingat sa biyahe at alagaan ko ang sarili ko.

Niyakap din ako ni Kuya.

"Pagbalik mo, ipapakilala kita kay Maggie."

Tumango lang ako.

Unti-unti kong nararamdaman ang pagbalon ng luha.

Pilit na pinipigil ko dahil ang huling taong pagpapaalaman ko ay ang taong ayokong iwan.

"Take care, Nel." Sabi ni Lise pagharap ko sa kanya.

Iyon pa lang ang sinabi niya at bigla na lang bumagsak ang mga luha ko.

"Come here." Tinaas niya ang mga kamay.

I collapsed into her arms and let myself go.

Before this moment, I tried my best to keep my sadness at bay.

So far, I have succeeded.

But now, hindi ko na kayang magkunwari.

I couldn't hide that my heart is being torn apart into pieces.

The more I cried, the tighter Lise held me.

I wanted to stay in her arms forever but I know I couldn't.

I have to let her go whether I wanted to or not.

"We will be okay, Nel." She whispered softly.

"When all of my legal issues are over, you don't have to wait too long para magkasama tayo."

I removed myself from her hold.

"What did you say?"

"I'm working on being with you."

"Talaga?" Kung kanina ay para akong mamamatay sa lungkot, nabuhay ang saya ko dahil binigyan niya ako ng pag-asa.

"Have faith, babe." Marahan niyang hinaplos ang mukha ko.

"I always have."

Huminga ako ng malalim at kinuha ang mga suitcase.

Tumayo na din silang lahat at sinamahan ako papunta sa entrance.

Sa likod namin ay mabilis ang kilos ng mga kapwa ko traveller pati na din ng mga porter na tumutulong sa ibang pasahero.

Tumayo kami sa gilid at niyakap ko ulit ang pamilya ko pati si Tita.

"I will see you soon." Ito ang lagi naming sinasabi ni Lise kapag magkachat kami.

"See you, babe."

Humakbang na ako palapit sa pila pero bumalik ako ulit.

"May nakalimutan ka ba anak?" Tanong ni Nanay.

"Meron po."

Niyakap ko ng mahigpit si Lise.

"I love you." Bulong ko.

"I love you too."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top