Chapter 57: The Law
A week after I was confined, dumating si Attorney sa ospital para dalawin ako.
Nalaman niya ang nangyari sa akin ng makausap niya ang mama niya.
Awang-awa siya ng makita ako.
I could just imagine her reaction kung pumunta siya during the early days of my hospitalization.
Baka bukod sa awa, galit ang maramdaman niya.
Nakaupo siya sa tapat ng kama at ganoon din si Mama at si Nel.
Akala ko nananaginip lang ako dahil naririnig at naaaninag ko si Nel when I was in and out of consciousness.
I was so out of it na hindi ko madetermine ang reality from my drug-induced sleep.
Natakot pa nga ako na baka bumalik na si Nel sa Canada ng hindi ko man lang namamalayan.
When I saw her this morning, nakahinga ako ng maluwag.
The next question I had was, why is she still here?
Hindi ba siya hinahanap sa kanila?
"With what he did to you, Dan effortless managed to turn this into a VAWC case." Sabi ni Attorney.
"A what?" Tanong ko.
"Violence against women and children."
"Anong mangyayari ngayon, Attorney?" Tanong ni Mama.
"Kung magsasampa ka ng reklamo laban sa ginawa niya sa'yo, this will be a separate matter from the annulment case that you filed."
"Di ba sa Makati ka nagwowork?"
"Yes.Why?"
"Abby Binay will crucify him."
Nagkatinginan kami nina Mama at Nel.
Nang dumating si Attorney, I didn't need to introduce Nel to her.
Nakita niya ang mga pictures na pinadala ng abogado ni Dan.
Pinaliwanag na din sa akin ni Attorney ang batas tungkol sa adultery at concubinage pati na din ang infidelity which is not a reason for annulment.
"Do you know what you want to do, Lise?"
"Sasampahan ko siya ng kaso."
"I'm glad to hear that." Ngumiti si Attorney. "He deserves to be punished for what he did." Seryoso ang itsura niya.
"Attorney,"Nagsalita si Mama.
"Hindi ba maapektuhan ang annulment nila?"
"No. With what he did, he only proved that Lise has a strong reason to leave him."
Bago umalis si Attorney, sinabi niya na aayusin niya na ang lahat.
"I have all the evidence I need pati ang medical records. For sure the doctor will testify and if everything goes our way, this case won't take a long time."
Pagkaalis niya, ang gaan ng pakiramdam ko.
Kahit pa I was still reeling from the trauma dahil sa ginawa ni Dan, the fact na may liwanag sa kaso ko against him gave me hope.
After I was discharged, sumama pa din si Nel sa bahay.
Hinintay ko muna na kaming dalawa lang sa kuwarto bago ko tinanong ang mga bagay na gumugulo sa isip ko.
"Nel, hindi ka ba hinahanap sa inyo?"
Tumigil siya sa pagsasalansan ng mga plastic containers ng mga gamot na dapat kong inumin.
There were four of them.
Lahat heavy dosage.
"Hindi naman. They know where I am."
I wasn't satisfied with her answer.
Pakiramdam ko meron siyang tinatago sa akin.
"What happened?"
Umupo siya sa tabi ko.
I saw worry and exhaustion in her eyes.
Ang sabi ni Mama, ito daw ang napupuyat para bantayan ako.
Naawa naman ako ng malaman ang ginawa ni Nel.
Pero matanda na si Mama at hindi na nito kayang magpuyat.
What I didn't expect was for Nel to take on the responbility na bantayan ako.
"I'm not angry." Hinila ko ang kamay niya, "gusto ko lang malaman ang totoo."
"I told them about us."
"What?" Bigla akong napadiretso ng upo.
"Ow!" Napahawak ako sa bandang tiyan dahil tender pa din ito mula sa paulit-ulit na pagkakasuntok ni Dan.
"Be careful." Marahang pinatong ni Nel ang kamay niya sa tiyan ko.
"Ikaw naman kasi. Ginugulat mo ako."
"I didn't want to tell you yet pero makulit ka."
"Anong sabi nila?"
Hindi siya agad sumagot.
Mukhang iniisip kung ano ang sasabihin niya.
"You can tell me. I am weak physically pero kaya ng puso ko." Pinisil ko ang kamay niya.
Sinabi niya ang reaksiyon ng nanay niya at ni Estee.
I wasn't surprised.
What shocked me was how open Hugo and her father was.
I thought sila itong magagalit.
"Are you sure na hindi ka matatanggal sa work?"
It was my way of telling her na I agree with her mother.
Ayoko namang maapektuhan ang trabaho niya sa Canada dahil sa inextend niya ang bakasyon.
"I emailed my boss so you don't have to worry."
"Anong binigay mong reason?"
"I told them there was a family emergency. I didn't have to elaborate."
"Is that enough?"
"Wala naman siyang magagawa eh. Isa pa, you are my family, Lise. Hindi man tayo legal pero that's what you are to me."
Could it be possible to be even more in love with her?
Hinila ko ang kamay niya.
She leaned closer to kiss me gently on the lips.
Gusto ko man siyang halikan ng madiin, hindi pwede dahil my lips were split open noong sinapak ako ni Dan.
Nakuntento na lang ako na yakapin si Nel.
"Meron pa akong gustong itanong sa'yo."
"Ano iyon?" Umupo siya ng diretso.
"Did you pay my hospital bills?"
Pinaglapat niya ang mga labi.
"Why did you do that?" Mahinahon ang tono ko.
"Ayoko na nag-aalala ka o si Tita. I'm here to take care of you, Lise. Gagawin ko ang lahat to make you comfortable."
"You didn't have to do that. May naipon naman ako at babayaran ko naman si Mama eventually." Paliwanag ko.
"Nagtataka lang si Mama kasi when she was about to settle the bill, ang liit lang daw ng binayaran niya. Tinanong niya yung cashier pero binayaran daw ng pinsan ko. We don't talk to my cousins but that's a story for another day."
"I saw how worried your mom was when she talked to the doctor about you being discharged. Hindi man siya magsabi, alam ko kung gaano kamahal ang maospital sa Pilipinas. Gusto ko lang naman tumulong as much as I can. Kung mago-offer naman ako, baka mahiya siya at hindi pumayag so ako na ang gumawa ng paraan."
"You're too kind, Nel." Naluha ako bigla.
"Huwag ka na umiyak." Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki.
"I want to take care of you as much as I can. Hangga't kaya ko, Lise, I will provide for you as long as you're okay with it."
"Babe, baka maspoiled ako ng sobra."
"It's okay. I'm sure you'll return the favor naman eh." Kinindatan niya ako at nagets ko ang gusto niyang ipahiwatig.
"Gusto ko din naman. But with my condition right now, mukhang aalis ka ng hindi nakakascore."
Natawa si Nel sa sagot ko.
"I'm just kidding. Ang dumi ng utak mo."
"Kunyari ka pa diyan. If I know gustong-gusto mo naman."
"You know I can't get enough of you. Pero makakapaghintay naman ako eh. Hindi naman ako manyak ano?"
Niyakap ko siya ulit.
There's a long battle ahead but with Nel by my side, I know I can handle anything.
Natatakot man ako sa consequences ng ginawa ni Dan, haharapin ko siya at ang pamilya niya.
In my attempt to get my freedom back, he almost killed me.
But I'm getting better everyday.
Looking into Nel's eyes and seeing how much love she has for me, I know I have enough reason to keep fighting.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top