Chapter 51: Reality Bites




Wala akong expectation for our trip to Batangas kasi I don't really have fond memories of the place.

I associate it with Dan and his family that's why it's difficult for me to think of something good kapag naiisip ko ang lugar na ito.

When we lived there, I never made any friends kasi bihira naman akong lumabas ng bahay.

Binansagan nga akong suplada ng mga kamag-anak ni Dan kasi hindi daw ako masyadong nakikipag-usap sa kanila.

Yung mga time naman na nakikita ko sila, maayos naman ang pakikitungo ko.

Pero dahil hindi ako palakibo, they've concluded na suplada ako.

For my part, hinayaan ko na lang sila kung ano ang gusto nilang isipin.

Being with Nel and her family was different.

Masaya silang kasama.

Naexperience ko ulit yung dynamic ng isang pamilya na buo.

Si Estee at Hugo, parang aso at pusa pa din.

Kahit matanda na sila, wala na silang ginawa kundi magtalo at mag-asaran.

Si Nel naman, tahimik lang.

Alagang-alaga siya ng Nanay niya dahil pinagbabalat siya nito ng mangga o di kaya ng saging.

Kulang na lang ay subuan nito ang bunsong anak.

Namimiss niya daw kasi ito.

Ang tatay naman nila, busy sa pag-iihaw ng dala naming isda, pork at chicken barbecue.

Hinahayaan niya lang ang mga anak sa ginagawa at nagsasalita lang ito kung merong iuutos.

Naalala ko tuloy noong buhay pa si Papa.

He would take us on road trips during summer vacations.

When he passed away, it was hard for me to leave my mother by herself.

Close ako sa kanya at dahil solong anak ako, I always knew I had to take care of her.

Bago kami lumipat sa Cavite, I even told Dan na baka pwedeng isama namin si Mama pero hindi siya pumayag.

Kaya na daw ni Mama ang sarili niya.

Sumama ang loob ko sa kanya kasi alam niya na katulong lang ang kasama ni Mama sa bahay pero nagtalo lang kami.

Kinausap ko si Mama to make sure that she would be okay.

Ang sabi niya, huwag ko daw siyang alalahanin.

May asawa na daw ako.

Ayaw niya daw maging burden sa akin.

Bukod sa paga-asikaso kay Nel, wala ring tigil ang nanay nila sa kakasabi tungkol sa pagbalik nito sa Canada.

Lagi daw itong mag-iingat.

Kapag malamig daw, magsuot ng makapal na jacket

Uminom daw ito ng vitamins para hindi magkasakit.

Higit sa lahat, huwag daw itong gastos ng gastos para sa mga sapatos at damit.

"Ipunin mo ang pera mo dahil mahirap kumita ng pera." Winagaygay ng nanay nila ang kutsilyo at kahit malayo sila ay umatras ang magkakapatid.

Tinukso ni Estee ang nanay niya na nagiging drama queen.

"Ano naman ang masama kung drama queen ako? Totoo lang naman ang sinasabi ko. Malayo siya satin at mag-isa lang siya doon.

Dahil sa kakabanggit ng nanay nila tungkol sa pag-alis ni Nel, pati tuloy ako nalungkot.

Pinipilit ko talagang alisin sa isip ko ang napipintong paghihiwalay namin pero mahirap.

Kapag magkasama kami, hangga't maaari ay hindi namin pinag-uusapan ang pag-alis niya.

Baka daw kasi umiyak lang siya lagi.

Hindi ko lang masabi sa kanya na ganun din ang nararamdaman ko.

You would think na after going through this with Dan, masasanay ako na laging naiiwan.

But Nel is not Dan.

Sa kanya ko naramdaman yung need na gusto ko siya laging kasama.

Yung tipong kung pwede ko lang siyang itali sa bewang ko, ginawa ko na.

Corny man pakinggan pero ang bigat sa puso ko na aalis siya at matagal ulit kami bago magkita.

Nagkatinginan kami ni Nel.

Nabasa niya yata ang laman ng isip ko kasi bigla siyang tumayo at nagpaalam sa nanay niya na maglalakad-lakad lang daw kami.

Kinuha ko ang malaking sumbrero at nagbalabal naman siya ng tuwalysa sa balikat.

Sinuot niya din ang baseball cap at nagdala ng isang bottled water bago kami umalis.

"Are you alright?" Tanong niya ng makalayo na kami.

"Not really."

"What's wrong?" Aakbayan niya sana ako pero maraming tao sa resort.

Mainit na kasi ang panahon kaya naman ang dami na ding naga-outing.

"I was just thinking of you leaving." Ang sakit ng dibdib ko dahil this is something I can't do nothing about.

"Pasensiya ka na kay Nanay."

Narating namin ang falls at pinauna niya akong tumawid sa tulay.

May mga grupo ng kalalakihan na nakaupo sa ilalim ng tubig at nagpipicture.

Patuloy kaming naglakad palayo sa mga metal benches na okupado ng mga teenagers na nagtatawanan.

"Reality is so close, Nel." Lumunok ako to push back my emotions.

Sumisikip ang dibdib ko and I'm on the verge of tears.

But I don't want to break down in front of all these people.

"Lise," Hinawakan niya ang kamay ko.

I pulled it away pero lalo niyang hinigpitan ang hawak niya.

Tumigil si Nel sa tapat ng water slide.

"I want to say it's going to be okay but I'm not going to lie. I feel the same way you do and I don't know how to make things easy or how to stop the time para hindi dumating ang araw ng departure ko."

Natigil ang pagbalon ng luha ko.

In her eyes were reflected my own sadness.

I'm not the only one who feels like shit right now.

I squeezed her hand tight before withdrawing from her hold.

"We're going to be okay." I heard myself say.

"We wanted this and this is a part of the deal di ba?"

Tumango siya.

Lalakad na ako palayo ng bigla na lang may tumawag sakin.

Napalingon kami ni Nel.

Ang lakas ng kaba ko lalo na ng makita ko kung sino ang nakakilala sakin.

Si Delia pala na pinsan ni Dan.

Isang bloke ang layo ng bahay nila pero lagi siya kina Dan kasi tumutulong siya sa mga gawaing bahay.

Mapayat siya at may malaking nunal sa gilid ng pisngi.

Mabait siya sa akin at lagi niya akong inaalok na kumain kasi malimit wala akong gana.

Mas bata din siya sakin ng limang taon.

"Ate Lise, kumusta ka na?" Tuwang-tuwa niyang tanong.

Napatingin siya kay Nel.

"Okay naman ako, Delia. Ikaw? Kumusta?"

"Mabuti naman ako. Di mo kasama si Kuya Dan? Tumingin siya sa likuran ko na parang may hinahanap.

"Wala siya."

"Hinahanap nga kita nung dumating si Kuya pero nahihiya akong magtanong kasi parang mainit ang ulo niya."

Kinabahan ako sa sinabi niya at nagkatinginan kami ni Nel.

Nandito si Dan?

Noong huling nag-usap kami, ang sabi niya sa April pa siya uuwi.

Hindi ako nagpahalata kay Delia na wala akong alam.

"Sige, Ate. Babalik na po ako sa cottage dahil baka hinahanap na ako ng asawa ko."

"Okay."

Nginitian niya si Nel bago siya umalis.

Pagkaalis niya, nanlamig ang buong katawan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top