Chapter 5: The Long Overdue Talk




During my second day of vacation, nakahiga lang ako sa sofa at tahimik na nagi-scroll sa Facebook habang tinitingnan ang mga posts ng mga barkada ko sa Canada.

Dahil hatinggabi na at siguradong tulog na sila, walang nangungulit sa akin sa Messenger.

Mabuti na rin kasi wala ako sa mood na makipagkuwentuhan.

Ngayon ko lang naramdaman ang full effect ng jetlag at gusto ko lang magrelax.

Ako lang mag-isa sa bahay dahil pumasok sa call center si Kuya Hugo at si Ate naman, may meeting sa  bangko na pinagtatrabahuhan niya.

May biyahe si Tatay dahil meron siyang ihahatid sa airport at si Nanay, nag-iwan ng pinilas na notebook sa ibabaw ng dining table para sabihin na pupunta siya sa SM para magpagupit.

Solo ko ang bahay kaya ang lakas ng patugtog ko ng stereo.

Sinaksak ko ang iPod sa USB port at pinatugtog ang mga playlist ko.

Dumadagundong sa loob ng bahay habang pinakikinggan ko ang kanta ng Fall Out Boy na My Songs Know What You Did In The Dark.

Kung nandito si Ate, siguradong hihinaan niya ang volume dahil halos matanggal daw ang tutuli niya sa lakas ng patugtog ko.

Yun ang isa sa malimit naming pag-awayan dahil bingi daw ako bukod sa mahilig sa pop-rock songs na maiingay.

Ang trip niya kasi yung mga makalumang kanta.

Not that there's anything wrong with it pero how many times can you listen to Diana Ross' Baby Love or Ain't No Mountain High Enough na sinasabayan niya pa ng kanta at dance moves?

Si Kuya Hugo naman, hiphop ang gusto.

Magkasundo kami kasi pareho kaming malakas makinig ng music.

Kung hindi pa tumunog ang doorbell, hindi ako babangon sa sofa.

Napabalikwas nga ako kasi wala naman akong ine-expect na bisita.

Wala ding nabanggit si Nanay kung may darating na kaibigan niya.

Pinindot ulit ng kung sinumang nasa pintuan ang doorbell at nairita na ako kasi hindi makahintay kung sino man ang nasa labas.

"Sandali!" Inis na sigaw ko at nagmamadaling sinuot ang leather sandals.

Halos hablutin ko ang pinto para buksan ito at natulala ng makita kung sino ang nasa labas.

"Lise?" Nagtatakang tanong ko.

Nakaparada sa tapat ng bahay namin ang asul na Toyota RAV4 at mukhang wala siyang kasama.

"Can I come in?"

"Yeah..su..sure." Tumayo  ako sa gilid para papasukin siya.

She looked very casual in a denim jacket, gray cotton shirt at skintight jeans na pinaresan ng baby blue Toms shoes.

"What are you doing here?" Mataray na tanong ko.

"Hindi mo ba ako pauupuin?"

Kahit naguguluhan sa biglaan niyang pagdating, napilitan akong ituro ang sofa.

"Would you like something to drink?"

Pupunta na sana ako sa kusina ng bigla niyang hilahin ang kamay ko.

I looked at it, suddenly feeling the familiar warmth of her hands.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"You still haven't answered my question about what you're doing here." Umupo ako sa tabi niya.

"I really want to talk to you." Hindi niya binitawan ang kamay ko.

"About what?" Hindi ko na maitago ang pagkainis.

I never thought na bigla na lang siyang susulpot.

After the incident at Picnic Grove, I thought that would be the last time I'll see her.

But I was wrong because here she was kaharap ko at nangungusap ang mapupungay na mga mata.

Suddenly, the room felt so small.

Para akong nasusuffocate dahil I couldn't handle the nearness of her.

I felt eighteen again, vulnerable and weak.

Back then, hindi niya kailangang makiusap kung may gusto siyang ipagawa sa akin.

I would willingly volunteer mapaligaya ko lang siya.

Kung iutos niya sakin dati na pitasin ang mga bituin sa langit at ialay sa kanya, gagawin ko.

Ganun ako kahead over heels in love kay Lise.

I would give her the world just to prove how much she meant to me.

Kahit maraming taon na ang lumipas, Lise still makes me weak in the knees and hot between the legs.

Ewan ko ba kung anong gayuma meron siya dahil para akong namamagnetize when she's with me.

Gusto ko siyang hawakan, yakapin, halikan.

Pero pinigil ko ang sarili ko dahil hindi pwede.

I suffered so much when I left her.

Ayokong danasin ulit ang sakit na pinagdaanan ko.

"We have to talk about us." Giit niya.

"There is no us." Pagtatama ko sa sinabi niya.

"Okay. How about the way we were then?"

"Past tense na di ba? Bakit pilit mong binabalikan?"
"Correction. Hindi ko binabalikan. The truth was, I was fine until yesterday."

"Same here."

Natahimik kaming dalawa.

Suddenly, I became aware of the music that was playing in the background.

Scared To Be Lonely ni Martin Garrix at Dua Lipa.

Great!

Pati ba naman ang kanta, nakikisama sa amin?

I remembered listening to this song in a loop hanggang sa pati sa pagtulog, napapanaginipan ko na din.

"Alam mong ayoko ng loose ends." Sabi niya.

"You were my loose end nung umalis ka without even saying goodbye. I know you were angry pero parang wala naman tayong pinagsamahan para bigla ka na lang umalis ng walang paalam. That time, I felt like I didn't mean anything to you."

"I was saving you from the pain you cause me." Pag-amin ko.

"Ganun ba ang tingin mo? That by leaving without saying goodbye, you saved me from the pain? Paano kung sabihin ko sa'yo na until now, I still wonder kung ano na ang nangyari sa'yo? I sent you countless text messages. I called you so many times but you never picked up. I even asked Estee kung nasaan ka na. I know what you were doing. Obvious na umiiwas ka sa akin pero bago man lang sana tayo naghiwalay, nakapag-usap tayo ng maayos. Ganun ba ako kasama para dedmahin mo? Are you that immature na mas pinili mong iwanan ako sa ere kesa kausapin ako?"

Morena siya pero her face turned red from anger.

Ako naman, biglang nakonsensiya.

Mali ba ang ginawa ko na bigla ko na lang siyang iniwan at hindi na kinausap?

Did I make my moving on harder by not saying goodbye to her for good?

What does it even matter now?

Ang tagal na nun.

Bakit ba ngayon pa niya binabalikan ang nakaraan namin when I barely remember the details dahil sa ang dami ng nangyari sa amin when we were apart?

"Don't you think it's a little late to be discussing this now?"

"I know but I still need to talk to you." Pamimilit niya.

"Why does it even matter?" Lumakas ang boses ko.

"You have your own life, I have mine. You're still together with your husband at mukha namang masaya kayo. Ano pa ba ang gusto mo?"

"Just because I'm smiling doesn't mean I'm happy."

"So, pumunta ka dito para lang sabihin sa akin iyan? Ganun ba?"

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Nel, I still love you."

Hinablot ko ang kamay ko.

"You don't really mean that."
"But I do."
"Huwag mong guluhin ang buhay mo. Yung nangyari sa atin was from a long time ago. How can you say you love me when we haven't talked for years?"

"Dahil yun ang sinisigaw ng puso ko." Walang kagatol-gatol na sabi niya.

Tiningnan ko siya ng diretso, naghahanap ng sliver of doubt sa mga mata niya pero all I saw was determination.

"Lise, baka naexcite ka lang ng makita mo ako kahapon."

"No." Umiling siya.

"Inisip ko na din iyan. Ang totoo, hindi ako nakatulog magdamag. I was trying to make sense of everything dahil I thought it was stupid how I could still be carrying the torch for you after all these years?"

"Baka naman unhappy ka lang sa marriage mo?" Prangkang tanong ko.

"Matagal na akong unhappy." Pag-amin niya.

May kumurot sa puso ko ng marinig ang sinabi niya.

"Pero I was never tempted to do anything foolish." Tumingin siya sa mga mata ko at nakita ko na nangingilid ang luha niya.

"I always tell myself na after what happened to us, that will be the last time I would cheat on Dan. Inayos ko ang sarili ko. I busied myself sa church na kinabibilangan namin. I've been a good wife to him. Our marriage wasn't perfect pero natuto akong magtiis, umunawa, makipagcompromise. I thought I was doing great until I saw you yesterday."
Hindi ako nagsalita dahil I was at a loss for words.

After the fallout of our relationship, it burned me that I stopped believing in happy ever afters.

Walang forever. Sabi ko.

Natakot akong magtiwala.

I would meet people, occasionally hook up with them but it was always under the understanding that it would just be a one-time thing, nothing serious.

Kahit yung mga kaibigan ko, tinatanong kung kelan ko balak makipagseryoso pero ang lagi kong sinasabi,  I'm still young.

Hindi ako nagmamadali to settle down.

Isa pa, it I was meant to be with someone for the long haul, I would know.

The thing was, I never bothered to figure it out.

Okay na ako sa mga flings.

Walang expectations, free of commitments.

There was a part of me na ayaw magpatali.

Could it be because my heart was tied to the past?

Kahit pilit kong sinasabi ko sa sarili ko na I'm over Lise, the truth was I'm still hung up on her kasi she was my first love?

"Do you remember what I used to tell you?" Nakatitig siya sa akin.

"What?"

"About how I would never stop loving you?"

Napailing ako.

"It sounds stupid but I meant it. Napatunayan ko iyon kahapon. It was one promise I held on to kahit hindi ko alam kung magkakatotoo."

"Lise," Hinawakan ko ang mga kamay niya.

Her nails were still short and trimmed, walang nail polish.

Malambot pa din ang palad niya at masarap hawakan.

"What are we going to do? You're still married and I don't want to be your side chick. I think I deserve more than that."

Pinisil niya ang kamay ko.

"I don't know."

"If that's your answer, I think you have no reason coming here. I'm not that eighteen-year-old girl anymore who was crazy for you. I cannot sacrifice my heart again. Kung para sa'yo, it was selfish of me to leave you hanging, I was doing it to save the remaining piece of me. Yung kakarampot na dignidad na natitira sa akin para hindi ako mabaliw sa selos o sa kakaisip sa'yo." Tumulo na ang luha ko at hinayaan ko lang.

"Lise, nung panahon na iyon, gusto kong ipaglaban ang sarili ko. Ilang beses kong inisip na bakit di ko kaya sabihin sa'yo na iwanan mo siya at magsama tayo? Bahala na kung ano ang mangyari. Kung kailangan kong lumayas, gagawin ko. Saka ko na lang sasabihin sa magulang ko kung bakit ako umalis.

Pero dahil mahal na mahal kita, I chose to walk away from everything. Sa feelings ko, sa love na ayaw akong patahimikin. Inisip ko na kung hindi ka papayag sa gusto kong mangyari, baka magpakamatay na lang ako dahil sobra akong nagpakababa para sa'yo. Ang dami namang babae pero ang gusto ko yung hindi pwede." Pinahid ko ang luha ko.

"Pero naisip ko yung corny na kasabihan. Yung if you love somebody set them free. Naisip ko din na ayokong dagdagan pa ang damage na nangyari sa buhay mo when I came into the picture. Mali na nakipag-affair ako sa'yo. Sa umpisa pa lang, alam ko na hindi pwede pero sumige ako. Nakipagsugal kahit alam ko na kahit itaya ko lahat ng alas, talo pa din ako."

Nanginginig ang labi ni Lise at tumulo na din ang luha niya.

"Bakit hindi mo ako kinausap noon?"

"What's the point?"

"I was ready to leave him."

Pagkasabi niya nito, para akong nabingi.

Hindi ko na narinig ang tugtog o ang malakas na dagundong ng dibdib ko.

There was complete silence but it was uncomfortably loud.

"When I couldn't find you, when you didn't respond to any of my texts, I took it as a sign na maybe my plans weren't meant to happen. Siguro, it was the universe's way of telling me to fix myself, to stick to my marriage. Yun ang pinanghawakan ko, Nel. But hearing your side now, I regretted that I didn't try harder. Dapat pinuntahan kita sa school mo. I should have gone the extra mile. Nagmakaawa sana ako sa'yo. I should have bared my heart and never held anything back. Kung alam ko lang, Nel. I could have fought for you too."

Humagulhol na siya.

Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit.

Once again, I inhaled her exhilarating scent.

I took a deep breath and let her sweet smell penetrate my lungs hoping the vapor would make a detour to my heart and warm it for a brief second.

Because right now, my heart is lifeless from the realization that I missed my shot at my own happy ever after only because I thought letting go of Lise was the right thing to do.

Humiwalay sa pagkakayap sa akin si Lise at pinunasan ng kamay niya ang luha niya.

"We're both stupid." Natatawang sabi niya.

"Love is stupid." Natawa na din ako.

"Stupid love."  Sabi ni Lise.

Kung kanina ay tulo ang uhog namin dahil sa kakaiyak, para kaming tanga na tawa ng tawa.

Naisip namin pareho yung kanta ng Salbakuta.

"I'm sorry." Hinawakan niya ang pisngi ko.

"I'm sorry too."

"What are we going to do?"

Huminga ako ng malalim.

" I think this is the part where we say goodbye for real."

Bumalik ang lungkot sa mga mata niya pero alam niya na this is the end of the road for us.

May mga tao na hindi pwedeng ipilit sa buhay natin.

The more we hold on to them, the more na masasaktan lang tayo.

May pagkakataon na kailangang itaas na ang white flag.

This was one of those moments.

"Take care of yourself." Tumayo siya bigla.

Tumayo na din ako at hinatid siya sa pinto.

Bago siya umalis, niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top