Chapter 48: Invite




Biyernes ng tanghali at naghahanda si Nanay ng hapunan sa kusina ng bigla niya akong tinawag.

Nasa sala ako at busy sa pakikipag-text kay Lise.

Si Tatay naman, nasa labas ng bahay at nakikipagkuwentuhan sa may-ari ng dating inuupahan nina Lise.

Pinapapinturahan kasi ang bahay dahil luma na ito.

"Chanel, bakit di mo imbitahin si Lise sa outing natin?"

Inalis ko ang tingin sa screen.

"Po?"

"Eh lagi mo naman siyang pinupuntahan sa Maynila. Bakit di mo na rin yayain na sumama satin sa Batangas?"

"Ah eh..."

"Anong ah eh?" Tinutok niya sakin ang kutsilyo.

Kahit ang layo niya sakin, iniwas ko ang ulo ko.

"Text mo na. Alam ko naman na gustong-gusto mo siya kasama. Mula ng dumating ka eh lagi mo siyang pinupuntahan."

Hindi ko masabi kay Nanay na inimbita ko na si Lise.

Kaso, hindi siya pumayag dahil nahihiya daw siya.

Sabi niya, yung outing was my time with my family.

Ayaw niya daw makisingit.

Pinilit ko pa din siya kahit valid ang reason niya.

But when she said that she doesn't have any good memories of Batangas, hindi na ako nangulit.

Sinabi din niya na kahit malaki ang Batangas, baka daw may makakita sa kanya doon dahil maraming kamag-anak si Dan.

"Busy po siya, Nay." Palusot ko.

"Busy eh Sabado iyon?" Ayaw niya talaga tumigil.

Bumukas ang pinto ng kuwarto ni Ate Estee.

Kagigising lang nito at nakasimangot.

Gulo-gulo pa ang buhok at mukhang may natuyong laway sa gilid ng bibig.

"Ano bang pinagtatalunan ninyo, Nay? Natutulog ang tao ang ingay-ingay ninyong dalawa?"

Lumapit siya sa kusina at tiningnan ang mga hinihiwang gulay ni Nanay para sa lulutuing pinakbet.

"Ikaw na nga, Estee."

"Ako po ang ano?" Aburidong tanong niya.

"Imbitahin mo si Lise na sumama satin. Ewan ko ba dito sa kapatid mo at ayaw."

"Hindi naman sa ayaw ko, Nay. Kaso busy nga iyong tao."

"Busy naman pala eh."

"Para mas masaya tayo. Isa pa, para naman malibang siya. Eh di ba nga problema yun kay Dan?"

Tumigil ako sa pagtitext.

Sinabi ko na kay Lise ang binabalak ni Nanay.

"Sige. I will try para tumigil na kayo sa kakatalak."

Bago pa man kunin ni Ate Estee ang phone niya, alam na ni Lise na magtitext ito.

Hindi ko alam kung anong sinabi ni Ate pero nang magtext si Lise, sasama daw siya.

We were supposed to meet that night pero mababago ang plano.

Ate Estee volunteered, no, voluntold me to pick her up later as part of the deal para sumama lang siya.

"Don't be mad, babe. Hindi ko lang talaga matanggihan ang kapatid mo."

I typed a quick reply.

"It's okay. Gusto din naman kitang isama eh."

"I'll make it up to you." May winking emoji pa sa text niya.

How can I be mad when she's being this cute?

Pagkatapos magtanghalian, naligo na ako para sunduin si Lise.

Mahigpit ang bilin ni Nanay na dahan-dahan ako sa pagmamaneho.

"Dalawang kamay sa manibela ha?"

Natawa na lang ako.

Si Kuya Hugo talaga.

Pati ang bagay na iyon sinumbong pa kay Nanay.

I texted Lise at sinabi na on the way na ako.

Mag-ingat daw ako sa pagdadrive.

Magbaon din daw ako ng maraming pasensiya dahil matraffic.

Sa ilang araw ko sa Pinas, I know what to expect kapag lumuluwas ako.

It was really a test maneuvering the roads.

Hindi takot ang mga tao sa sasakyan.

Kung saan-saan sila sumusulpot at I really have to pay attention.

Pagbukas ko ng makina, tumugtog ang Whatever It Takes ng Imagine Dragons.

I remembered the last time na kasama ko si Lise.

Nilakasan niya ang volume kasi favorite niya din daw ito.

The funny thing was, she knew the rap lyrics and even demonstrated it.

She waved her hands and imitated the gestures of rap singers at tawa ako ng tawa.

Hinalikan ko siya sa noo kasi I was impressed dahil bukod sa marunong naman siyang kumanta, she never missed a single word while she was rapping.

But there was one thing na hindi ko mapigilang isipin.

I will be leaving.

As the days go by, umiikli din ang araw na kasama ko siya.

Kahit pilit kong winawaksi sa isip ko ang bagay na iyan, nagsusumiksik pa din.

"Babe, let's just focus on the now." Payo ni Lise when I mentioned it to her.

"I'm trying." Naiyak pa ako kasi my loneliness was so strong.

"We'll be okay." Niyakap niya ako ng mahigpit.

I held on to her as if letting her go would kill me.

Pagdating ko sa office nila, I found a spot sa sulok.

Puno pa kasi ang parking lot and it was the only one left.

Hindi muna ako lumabas ng sasakyan.

I texted Lise to let her know na dumating na ako.

Nagreply din naman siya agad at sinabi na bababa na siya.

Pinatay ko ang makina at lumabas na ng kotse.

Sumandal ako sa pinto at hinintay na makalabas siya.

Nang dumating siya, meron siyang kasama.

Tinitigan kong maigi ang matangkad na babae with the undercut hairstyle and plaid shirt.

That must be Liezl.

Nagtatawanan sila ni Lise.

Kung hindi ko lang alam na she's with someone else, mati-threaten ako kasi bukod sa they look good together, she's a cute lesbian.

Buti na lang at hindi na siya available.

Napatingin sa pwesto ko si Lise.

Yung temporary jealousy na naramdaman ko when I saw her with Liezl, it disappeared when she smiled at me.

Alam ko na that smile was meant for me alone.

I could feel her love radiate from a feet away.

Akala ko, she was going to say goodbye to Liezl.

Nagulat ako ng lumapit silang dalawa sa akin.

Up close, mas matangkad si Liezl and she look buffed.

Nagboboxing nga pala ito according to Lise.

Pinakilala niya kami and we shook hands.

"So, you're Nel?"

"The one and only." Pabirong sagot ko.

Nameet na nga pala siya ni Ate Estee dati.

Liezl glanced at her Apple watch.

"Sorry I can't stay long. Shirley is waiting for me."

"No problem." Sabi ni Lise.

"It was nice meeting you." Nakangiting sabi niya bago nagpaaalam ulit.

Pagsakay namin sa kotse, I asked Lise why she introduced me.

"It's the right thing to do. Nakita ka din kasi niya."

"I thought you don't want them to know anything personal about you?"

"It's not that I don't want them to know anything. Kung dati, I was worried ngayon naisip ko na why should I always be afraid? Besides, I considered Liezl a friend. Nag-aalangan lang ako kasi nga lagi akong natatakot."

Pinisil ko ang kamay  na nakapatong sa lap niya.

"As long as you're okay in doing this, then it's fine with me."

Pumunta muna kami sa bahay nila to pick up her stuff.

Habang hinihintay ko siyang bumaba, nasa sala naman kami ng Mama niya at nanonood ng isang afternoon game show.

"Nel, ingatan  mo ang anak ko ha?"

Inalis ko ang tingin sa TV at tiningnan ko ang mama ni Lise.

"Po?" Gulat na tanong ko.

"Alam ko na para sa mga tinuring kong kaibigan, isa akong kunsintidora. Nang malaman nila na bumalik  dito si Lise dahil iniwan niya si Dan, they were telling me na dapat daw pagbatiin ko sila. Dapat daw maging tulay ako para magkaayos ang dalawa. But I told them to mind their own business at hindi iyong anak ko ang pinagpipistahan nila." Bumuntong-hininga niya.

"She was very unhappy for a long time. Alam ko na hindi niya sinasabi sa akin ang lahat dahil ayaw niyang mag-alala ako pero I can see it in her eyes. She used to be so full of life. Laging nakangiti kahit meron siyang problema. But that changed after she got married. She lost the fire in her eyes and I was worried."

"But when I saw you that morning, noon ko lang siya ulit nakita na buhay na buhay at iyon lang naman ang gusto namin bilang magulang eh. Ang makita na masaya ang anak namin."

"I will do my best po to make her happy."

"I think you already do, hija. Nagpapasalamat ako dahil you're in her life." Nginitian niya ako.

Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi niya at thank you na lang ang nasabi ko.

"Why are you smiling like that?" Tanong ni Lise pag-alis namin.

"I'm just happy."

"What happened?"

Tumigil ako sa intersection at pinatawid muna ang dalawang bata.

"I think your mother likes me."

"She does, babe." Hinawakan niya ako sa kamay.

Somehow, the thought na may isang tao who wasn't opposed to this relationship made me a little stronger.

Not only did I make a promise to Lise.

Unknowingly, I did the same thing to her mom.

At dahil involved na ang mama niya, there's no other way but to keep that promise kahit anong mangyari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top