Chapter 47: Before Sunrise




The cold breeze from the air conditioning woke me up.

Pagbukas ng mata ko, it took me a few seconds to realize kung nasaan ako at kung sino ang taong kasama ko.

Oo nga pala.

Nel is here.

How can I forget eh bukod sa matamis niyang amoy, she had one arm wrapped around my waist?

Hindi pa din ako makapaniwala na kasama ko siya.

She's in the flesh and very naked under the sheets.

Her warm breath tickled my breast kaya tumayo tuloy ang nipple ko.

I looked at the digital clock on the bedside table.

It's almost three in the morning.

I looked at Nel na tulog na tulog pa din.

Malamang napagod siya.

We made love again before we went to bed after midnight.

I wasn't planning on doing any of this.

Well, at least not until the weekend.

Yun kasi ang napag-usapan naming dalawa.

But I was still happy she showed up unannounced.

It was the sweetest thing.

Nawala lahat ng stress ko that day.

Sa sobrang tuwa ko, bigla ko tuloy siyang nayakap.

Umungol si Nel tapos hinigpitan ang yakap sa bewang ko.

I kissed her forehead.

Dumilat ang isang mata niya.

"You're awake?"

"Yeah. Keep sleeping. Maaga pa naman." Pinalis ko ang bangs niya na tumakip sa noo.

"No. I should wake up. You have work, right?" Kinusot niya ang mga mata at akmang babangon but I pulled her back down on the bed.

"Babe, it's fine. Tatawag na lang ako ng taxi so you can sleep some more."

"Why would you do that eh pwede naman kitang ihatid?"

"Eh napagod ka yata." May panunuksong sabi ko.

"I wonder why?" Sumilay ang pilyang ngiti sa mukha niya.

"Hindi ka na kasi sanay." Kiniliti ko siya sa tagiliran.

"Wala kasi akong practice eh."

"Dapat pala bumili tayo ng balut." Umunan ako sa braso niya at nagsumiksik sa loob ng kumot.

"Oh hell no!" Nadidiring sabi niya.

Ako naman, tawa ng tawa.

Hindi ko pa din nakakalimutan iyong first time na kumain siya nun.

Halos masuka siya ng makita niya ang sisiw.

"I have something else I want to eat." Bigla siyang umibabaw sa akin.

"Babe, hindi pa ako nagtotoothbrush or nagsashower." Tinakpan ko ang bibig ng kumot.

"Then let's go." Hinila niya ako patayo.

Pagbangon, medyo nanginig ang tuhod ko.

Buti na lang at nakahawak pa din siya sa kamay ko.

"Are you okay?" Tanong niya.

"I'm fine."

Hindi pa naman ako masyadong matanda pero mukhang ako ang dapat kumain ng balut.

Nel and I made love in the shower.

Aware siya na we don't have enough time kaya we got right down to business.

I don't mind really.

The pleasure she gave me was still earth shaking.

Last night's memory was still seared in my brain and I thought of that while Nel hungrily possessed my body once more.

When we were getting ready to check out, napangiti ako when I realized I was still wearing yesterday's clothes.

Nel noticed it habang nagsusuot siya ng pantalon.

"Why are you smiling?" Sinara niya ang zipper ng suot na dark denim jeans.

Kahit kulang sa tulog, she looked so fresh.

Gusto ko siyang halikan sa gigil.

"Should I bring an extra set of clothes in case you show up again?"

Natawa siya.

"I'll text you na lang kung susunduin kita para you'll come prepared."

Lumapit siya sa dresser kung saan ako nakaupo at pinagmamasdan siya habang nagbibihis.

Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo.

"I love you." She said gently.

I looked up to meet her warm brown eyes.

"I love you too."

Gusto sana niya na magbreakfast kami but I suggested na magtake-out na lang.

Akala ko McDo na naman ang gusto niyang kainin.

"Okay lang ba sa'yo ang Jollibee?" Tanong niya.

"I should ask you that question. Di ba favorite mo ang McDo?"

"Nah. Nasa Pinas ako so Jollibee naman." She smiled na parang batang munti.

Pumasok siya sa drive-thru at umorder ng chicken joy,dalawang aloha burger, dalawang large French Fries, coffee, pineapple juice, regular yum with cheese at hindi niya nakalimutang humingi ng sangkaterbang catsup.

Natawa tuloy ang cashier kasi ng abutan niya si Nel ng limang pakete eh humirit pa ng sampu.

Mukha namang aliw na aliw ang babae kasi nakasmile sa kanya si Nel at super sweet pa ang pagtathank you.

"May crush yata sa'yo yung girl." Sabi ko ng pinaandar niya ang sasakyan.

"Nagseselos ba ang baby ko?" Marahan niya akong pinisil sa hita.

"Oo 'no? Ang cute mo kaya." Napatotoong simangot tuloy ako.

Tawa lang siya ng tawa.

Malamang naaaliw sa reaksiyon ko.

"Natawa ka pa diyan." Kinurot ko siya sa tagiliran.

Bigla tuloy niyang nakabig ang manibela pakanan.

Buti na lang at wala kaming katabing sasakyan.

"Mamaya mo na ako kilitiin, love. Baka madisgrasya tayo."

Nakonsensiya naman ako.

"Sorry." Hinawakan ko siya sa pisngi.

"I got carried away. Ikaw kasi. Super smile ka dun sa cashier."

"Sige na. Next time sisimangutan ko na lang sila para di ka na magselos."

I took her hand na nakapatong sa gear shift.

"I'm sorry." Sabi ko.

"Iba kasi iyong nakikita mo ng live ang reaction ng ibang tao pagdating sa'yo. Hindi naman ako normally selosa pero ngayong kasama kita, iba ang pakiramdam ko."

"It's okay. Ang cute mo nga eh. Gusto tuloy kitang yakapin para i-comfort."

"Mamaya mo na lang gawin iyan kapag hindi ka na nagdadrive."

Nang makarating kami sa bahay, pinarada niya ang kotse sa gilid ng gate.

Pinatay ni Nel ang makina at inabot  sakin ang isang take-out bag na may lamang aloha burger.

"Don't forget to give this to your mom."

"Why don't you give it to her yourself?"

Nagulat siya.

"Hindi ba nakakahiya?"

"Kesa naman naghihintay ka dito?"

Napalunok siya at mukhang ninerbiyos.

"Nel, it's fine. I think she'd appreciate it kung papasok ka."

"Give me a kiss." Sabi niya.

Tinted naman ang windows ng kotse at medyo madilim pa ang iskinita kaya pinagbigyan ko siya.

The problem with kissing Nel is para siyang Pringles.

Once I start, I can't stop.

Buti na lang at siya ang naunang lumayo.

"Let's do this."

Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto.

I let myself in with my key.

Mula sa labas ay naamoy ko ang matapang na kape.

Mas maaga gumigising si Mama sa akin.

On our way to Jollibee, nagtext na ako to let her know na pauwi na ako at ihahatid ako ni Nel.

It was her idea na papasukin ko ito pagdating namin sa bahay.

Binuksan ko ang pinto at nauna akong pumasok.

"Ma, I'm home." Sabi ko.

"Nandito ka na pala." Narinig ko ang boses ni Mama galing kusina.

Nasa likuran ko si Nel.

Dati na siyang maputi pero ngayon maputla na sa bagong lutong kanin.

"You'll be fine." Palihim kong pinisil ang kamay niya.

Tinanggal ko ang suot na high heels at yumuko naman si Nel para hubarin ang sapatos niya.

Paglapit ni Mama, nagmano ako.

Binati naman siya ni Nel ng good morning.

"Pasensiya na po kung inumaga kami." Dugtong pa niya.

"No problem, hija. Pasok kayo. May hinanda akong almusal at baka gutom na kayong dalawa."

Inabot ko kay Mama ang paper bag.

"Ano 'to?" Binuksan niya ang bag.

"Binili po ni Nel para sa inyo."

"Nag-abala ka pa."

Kita ko na natutuwa naman si Mama.

Nagpaalam ako sa kanila dahil kailangan ko pang maghanda para sa trabaho.

"Hindi ka ba kakain?" Pahabol ni Mama habang papaakyat ako.

"Coffee na lang po siguro. May take-out din naman na binili si Nel."

"Sige. Ipagbalot na lang kita ng lunch mo."

"Thank you, Ma."

Umakyat na ako at iniwan ko na sila.

Bago ko sinara ang pinto sa kuwarto, narinig ko na niyaya ni Mama na mag-almusal si Nel.

Hindi naman ito tumanggi.

I went inside the bedroom na nakangiti.

She already ate the cheeseburger at isang chicken leg dahil sinusubuan ko siya on the way here.

Nel was just too polite to say no to my mother.

Kabaliktaran ni Dan who always said no kapag niyayaya siya nitong kumain.

Isang dahil para magtanong si Mama kung allergic ba si Dan sa luto niya.

What Nel did was a small thing.

But that tiny detail endeared her to me even more.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top