Chapter 43: Bad Day
My days are usually predictable, routine.
Gigising ako ng alas-kuwatro ng umaga, maga-almusal kasama si Mama, kakain ng kung anumang hinain niya which is usually hot pandesal with cheese, isang over medium sunny side-up egg and a cup of freshly-brewed coffee.
Pagkatapos mag-almusal, naliligo na ako.
Mabilis ako kumilos kaya in less than half an hour, ready na ako pumasok.
By five thirty in the morning, dapat nakaalis na ako sa bahay kung ayaw kong maipit sa traffic.
Fifteen minutes bago mag-alas otso, dumarating ako sa opisina which is just enough time for me para i-reboot ang computer at maglog-in ako sa mga programs na kailangan ko for work.
But on a Wednesday morning, mukhang there was a conspiracy going on in the universe, a plot I wasn't aware of.
First, my alarm didn't go off.
Kung hindi pa kumatok si Mama sa kuwarto, hindi ako magigising.
Ten minutes na lang at alas-singko na.
I didn't even have time to rationalize or justify kung bakit tinanghali ako ng gising.
Except for coffee, I skipped breakfast altogether if I wanted to make it on time.
Paglabas ko ng bahay, nagmamadali akong sumakay ng kotse.
Lo and behold, naghihingalo ang makina when I switched on the ignition.
Sinubukan ko ulit hoping na during the second time, aandar ng maayos ang sasakyan.
No luck.
Pupugak-pugak ang makina at ang tunog nito ay lalo lang nakadagdag sa pagkainis ko.
Lumabas si Mama ng bahay at tinanong kung dapat na akong magbook ng Grab.
Siya na daw ang bahalang kumontak sa mekaniko.
Buti na lang at on-time ang driver.
I made it to work and I was relieved.
Inaalagaan ko ang attendance ko dahil ang sabi ni Liezl, he's very particular about attendance and punctuality.
Madali daw humingi ng pabor dito kung hindi ka pala-absent.
Hindi naman ako naniniwala sa kasabihang bad luck comes in threes pero mukhang ganun nga ang mangyayari.
Ang isang accounting software namin, laging nagpi-freeze.
I reset my computer pero ganun pa din.
Nagha-hang kapag nagi-encode ako ng numbers.
I asked Liezl if she was having the same problems pero hindi naman daw.
I reset ko daw ulit ang computer at kung wala pa din, magsend na ako ng ticket sa IT for them to look into the problem.
Sinunod ko ang sinabi niya.
Ang ending?
I had to send a ticket to IT.
When they called, I asked kung gaano katagal bago nila maayos ang issue.
Wala daw silang ETA.
Great!
May hinahabol pa naman akong deadline that day.
Mr. Mendoza wanted me to submit the report by three o' clock.
Without a software, it won't be easy.
It also means I have to compute manually.
Doing that is going to take up a lot of time.
Pero may choice ba ako?
I told Mr. Mendoza to let him know what's going on.
He asked what I plan to do about it.
"Use the calculator?" Sagot ko.
"Get on it then." Tumalikod na siya.
Mukhang mainit din ang ulo niya kaya I went back to my desk frantic.
At dahil wala namang ibang solution, I have to go back to basics.
Dahil naghahabol, I forgot to go on breaks.
Kung hindi pa sumakit ang pantog ko, hindi ako tatayo para pumunta sa CR.
Bumalik din ako agad sa desk to continue working.
When it was time for lunch, niyaya ako ni Liezl pero I declined.
Sinabi ko na I'll go on a working break.
"Why do you have to do that?"
Tinuro ko ang computer.
"Are you sure ayaw mong sumama? You can think better if you leave your desk for a bit."
"No, thank you."
Hindi na siya nagpumilit.
I was glad when she left.
The longer she tries to convince me, the more time I lose.
There was a transaction na hindi ko mareconcile.
May discrepancy sa amount and it took me a while to figure out na may nawawalang resibo.
Unluckily, I have to talk to Mabel.
Kahit pa tinantanan niya na nag pagkakalat ng tsismis tungkol sakin, I don't talk to her kung hindi naman importante.
This is one situation I considered important kaya pinuntahan ko siya sa cubicle niya to ask about the receipt.
Of course, wala siya doon.
Lumabas daw for lunch sabi ng katabing cubicle niya.
Bumalik ako sa desk ko with mounting anxiety.
Hindi ko alam kung bakit tensiyonado ako kahit pa alam ko na babalik naman si Mabel at maaayos din ng IT ang software.
Alam ko din na with my determination, aabot ako sa deadline.
I'm more than halfway done and if I continue with the fast pace I'm doing, baka bago magalas-tres, tapos na ako.
Pero kinakabahan ako at hindi ako mapakali.
I didn't like the feeling na parang something is going to happen but I don't know what.
Following Liezl's advice, tumayo ako at pumunta sa kitchen.
Nakalimutan ko ding i-microwave ang baon kong kanin, fried chicken at atsara.
Si Mama mismo ang naghahanda ng lunch ko at magagalit iyon kapag inuwi ko ang baon ko.
Ang dami daw nagugutom sa mundo.
Hindi daw kami dapat naga-aksaya ng pagkain.
Habang hinihintay na matapos ang two-minute timer, doon ko lang naalalang tingnan ang cellphone ko.
Ang dami ng message ni Nel.
Ni hindi ko nabasa dahil sa sobrang busy ko.
Mabilis na nagtype ako ng reply.
I told her I'm really busy at work at mamaya ko na siya ire-reply kapag pauwi na ako.
"I'm having a bad day, babe."
"Sorry to hear that." Nagresponse siya agad.
"Will the thought that someone loves you a lot make you feel better?"
Napangiti ako.
Sweet siya talaga kahit noon pa.
Nagtype ako ulit.
"It will." I added a red heart emoji.
Umupo ako sa isang sulok ng kitchen at nakakadalawang subo pa lang ng dumating si Mr. Mendoza.
Tinanong niya kung okay na ang software.
I told him na hindi pa.
Ang susunod na question was kumusta na ang progress ng report na hinihintay niya.
Sinabi ko na nangangalahati na ako.
He glanced at his gold watch.
"I know you're on lunch but I hope to get that report by three....today."
He emphasized the last word.
"Yes, sir."
Tiningnan ko ang pagkain na umuusok pa sa init.
Nawalan na ako ng gana kaya tinakpan ko na lang ulit ang pagkain at uminom na lang ng tubig.
Bago ko binalikan ang report, tinawagan ko ang IT.
Hindi daw nila matatapos ngayon dahil they haven't figured out the problem.
Nagtataka din daw sila kung bakit ako lang ang affected.
I even asked if they have a spare computer I can use.
Meron naman daw.
"How long will it take for you to install it?"
"An hour."
Tumingin ako sa wall clock.
Twenty minutes na lang at ala-una na.
Dalawang oras na lang ang natitira bago ko matapos ang report.
I don't have an hour to waste and told IT about it.
Bukas na lang daw nila aayusin ang computer ko.
Pinagpatuloy ko ang pagcocompute.
I told myself not to keep looking at the time on my desktop dahil lalo akong ninenerbiyos.
The more I rush, the more mistakes I will make.
I cannot afford to make a mistake dahil this is one of the big accounts we handle.
When Mr. Mendoza gave me the account, ang sabi niya ay tiwala daw siya na kaya ko itong i-handle.
I cannot fail him now dahil pati siya, mukhang nangangarag din.
Kung hindi pa naglagay ng take-out burger si Liezl sa gilid ng table ko, hindi ko mapapansin na nakabalik na pala siya.
Tinanong niya ang status ng software.
Dismayado din siya na hindi pa din ito gumagana.
She asked if I needed help but I told her I'm almost done.
I called Mabel to ask for the receipt I needed.
Sinabi ko na kailangan ni Mr. Mendoza ASAP.
The namedropping work dahil saglit lang akong naghintay at binigay niya sa akin ang details ng transaction.
I didn't even ask her to bring it over pero dineliver niya mismo sa desk ko.
I thanked her sincerely.
By two thirty, I was reviewing the report.
Nareconcile ko naman ang lahat ng transactions.
Kahit masakit ang likod, balikat pati na ang ulo ko, I felt accomplished dahil nagawa ko ito without the use of a software.
Kinatok ko si Mr. Mendoza to give him the report.
Pagkaabot ko sa kanya ng folder, binuklat niya ito and he was very pleased with the result.
"I knew you have what it takes to handle this." Nakangiti na siya at parang nabunutan ng tinik.
I went back to my desk and one last time, naisipan kong i-reset ulit ang computer.
Tinanggal ko lahat ng nakasaksak sa outlet and counted twenty seconds bago sinaksak ulit.
With fingers crossed, naghintay ako.
What do you know?
Nang maglog-in ako ulit, gumana na ang software.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis pero wala na akong magagawa.
The report was done and it was almost time to go home.
Normally, sabay kaming umuuwi ni Liezl.
Pero dahil may lakad sila ni Shirley, nauna na siyang nagpaalam sa akin.
I took my time going to the elevator.
Sa sobrang busy ko, nakalimutan ko na kailangan ko ng Grab para makauwi.
"Hay naku. Wala na bang katapusan ang kamalasan ko ngayong araw?" Naisip ko habang nakasakay sa elevator.
Dahil walang signal, kailangan kong maghintay na makalabas bago makapagbook sa Grab.
Pagdating sa ground floor, uupo sana ako sa waiting area para doon na magbook ng ride pero occupied ng tatlong babaeng maiingay ang upuan.
Wala akong pasensiya para makinig sa tawanan nila kaya lumabas na lang ako.
Nakatungo ako habang lumalakad at hinahanap ang number sa phone ko ng may tumawag sa pangalan ko.
Tumigil ako sa paglalakad at nag-angat ng tingin.
Muntik ko tuloy mabitawan ang phone ko dahil sa gulat.
"Hi." Nel smiled at me.
Imbes na magsalita, bigla ko siyang nayakap.
Nanigas ang katawan niya dahil sa gulat pero ng makarecover, she wrapped me in her arms.
Suddenly, all the stress I felt that day, all the things that went wrong and the events that made me feel like I was heading for a train wreck, vanished.
I was enveloped in Nel's warm body and in that moment, it was the only place I want to be.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top