Chapter 41: Flight




Sa araw ng pag-alis ko, hinatid ako sa airport nina Jackie at sumama din si Maricar.

Lately, she's on cloud nine dahil tuloy-tuloy ang pagproprocess ni Ely ng papeles niya papuntang Canada.

Pareho lang kaming dalawa ng sitwasyon.

Naiintindihan niya ang hirap ng long-distance relationship.

Ang lungkot at pangungulila na malimit naming maramdaman lalo na kung stressed kami sa work, malamig ang panahon o di kaya ay may mga special na occasions when we wished na sana kasama namin ang mga mahal namin sa buhay.

Sa kanya ko din pinagtapat ang sitwasyon ni Lise.

Hindi niya naman ako hinusgahan dahil I'm in love with a married woman.

Ang sabi pa nga niya, she will always be there to support me.

"Mahirap kalaban ang batas, Nel. Tatagan mo ang loob mo." Payo niya.

Sumama si Jackie at Maricar sa loob ng airport.

Tinulungan nila akong timbangin ulit ang mga suitcases to make sure na hindi sobra sa timbang ang dala ko.

Isa rin iyon sa reason kung bakit ko sila sinama.

Baka kasi kung sakaling lumampas sa limit na fifty pounds, nandoon sila para iuwi ang mga excess baggage.

Nang okay na ang lahat, niyakap ko silang dalawa.

"Mamimiss ka namin, Nel." Sabi ni Jackie.

"Mamimiss ko din kayo."

"Behave ka doon ha?" Kumindat si Maricar.

Tumawa na lang ako.

Buti na lang at hindi nakita ni Jackie ang pagkindat ng pinsan niya dahil siguradong mangungulit siya.

Kinawayan ko sila bago ako pumila.

Doble ang excitement na naramdaman ko for this trip.

Bukod kasi sa I will have a longer vacation, I get to be with Lise.

Unlike noong huli ko siyang makita na puno ng uncertainty ang naramdaman ko, ngayon, alam ko na sa sarili ko kung sino at ano siya sa buhay ko.

She's no longer the woman I couldn't move on from.

She's the one I want to move on with.

Kahit malaking tanong pa din ang status nila ni Dan, kapag sinasabi niya sa akin na she's mine, I don't have any doubts.

Just like what I told her before, faith and trust helped.

Kung hindi kami magtitiwala sa isa't-isa, kung hindi kami naniniwala na may future para sa aming dalawa, what is the point of all the sacrifices na ginagawa namin?

Mahal na mahal ko pa din siya kahit ilang taon din kaming nagkahiwalay.

She said she feels the same way about me.

Hindi niya nga daw maipaliwanag kung bakit ganoon na lang kalakas ang tama niya sakin.

"I should get you a helmet para kahit mauntog ka, you're protected."

Tawa lang siya ng tawa.

The flight to Manila, kasama ang stopover na three hours sa Vancouver, is almost seventeen hours long.

Pero this is nothing compared to all the years when I was living my life in limbo.

Ang mga taon na naiisip ko pa din si Lise lalo na kapag nakakakita ako ng mga happy couples while I was lonely and single.

There was that what-if question that hung over my head for a long time.

Ang tanong na, what if hindi ko siya iniwan ng walang paalam?

I think it will be harder kung pinagpatuloy namin ang relasyon naming dalawa.

Baka mag-away lang kami dahil sa selos hindi lang sa atensiyon niya na hati between Dan and I kundi pati na din sa mga oras na siguradong hihingiin ko sa kanya.

I was very immature then.

My childishness will surely come out dahil alam ko na I don't have her a hundred percent.

The fact that I wasn't her priority will surely kill me.

But all of these painful memories and unbearable days are almost behind me.

Almost dahil there's a big hurdle in na kailangan naming harapin.

But unlike before na isip lang ako ng isip ng mga posibleng scenarios, Lise and I will face this battle hand-in-hand.

Bago ako nagpaalam sa kanya kanina, I made a promise.

That promise involves not running away.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top