Chapter 39: Monster-In-Law




Habang lumilipas ang mga araw, hindi ko maitago ang excitement na nararamdaman dahil sa pagdating ni Nel.

Kahit pagod sa work, masaya akong gumigising.

Kahit sobrang busy sa trabaho, ganado pa din ako.

Everyday brings me closer to her and it gives me the fuel I need to keep going.

Pati si Liezl, nahalata na parang may kakaiba daw sa akin.

"What do you mean?" Tumigil ako sa pagtatype at nilingon ko siya.

"You have a nervous energy and I see it bouncing off of you."

Ngumiti lang ako.

Mahigit tatlong buwan na din kaming magkakilala pero hindi pa din ako nagcoconfide sa kanya tungkol kay Nel.

Ewan ko ba pero I'm always holding back.

Hindi lang talaga ako ready na magshare sa kanya tungkol sa personal life ko.

Ramdam ko naman na pwede ko siyang pagkatiwalaan pero I'm waiting for the right moment.

Nahalata ni Liezl ang apprehension ko.

"Sorry at hindi ko mapigil na mapansin. Whatever it is, I'm happy for you."

Naguguilty man ako dahil I'm so secretive, I told myself that it's my prerogative if I want to keep things private.

Naiintindihan din naman niya iyon dahil she went through the same thing dati when Shirley and her started dating.

But my happiness was short-lived dahil pagdating ko sa bahay, napansin ko na may puting van na nakaparada sa tapat ng gate namin.

I recognized the license plate at bigla akong kinabahan.

Pumarada ako sa likod ng van at nagmamadaling bumaba.

Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko dahil naabutan ko sa sala si Mama at ang biyenan ko.

Lumapit ako kay Mama at humalik sa pisngi niya.

Magmamano sana ako sa biyenan ko pero pinalis niya ang kamay ko.

"Hindi na kailangan." Masungit na sabi niya.

"Balae," Nagsalita si Mama, "hindi mo naman kailangang bastusin ang anak ko."

"Balae," Hinarap niya si Mama, "hindi ko ugaling makipagplastikan at alam ko na ganun din ang anak mo."

"Bakit po kayo napasugod dito?" Nagsalita ako ulit bago pa magkainitan ang dalawa.

"Hindi alam ni Dan na pumunta ako dito pero nasabi niya na dinaan mo na sa abogado ang lahat."

"This is between Dan and I." Sabi ko, "hindi na kayo dapat pumunta dito."

"Wala naman talaga akong balak pumunta dito pero nag-aalala ako sa anak ko. Bakit kailangan mo siyang pasakitan ng ganito?"

"Hindi ko po siya pinapasakitan. Sinabi ko sa kanya ang gusto ko pero siya itong ayaw pumayag."

"Kasal kayo, Lise. Buti pa ang anak ko at pinaninindigan ang salitang binitawan niya sa harap ng Diyos pero ikaw na babae, ganun na lang kung talikuran ang pangakong ginawa ninyo."

Napatingin sa akin si Mama.

Alam ko na gusto niyang magsalita pero umiling ako.

"Wala na pong saysay kahit magpaliwanag ako sa inyo. Si Dan lang naman ang pakikinggan ninyo eh."

"Natural." Tumaas ang boses niya.

"Nasa tama ang anak ko. Kahit hindi ko maintindihan kung bakit pinagsisiksikan niya ang sarili niya sa'yo, ayaw niyang makipaghiwalay. Ako na nga mismo ang nagsabi na ibigay niya na ang gusto mo para matahimik na ang lahat."

"Ang ibig niyong sabihin, para matahimik na kayo."

"Oo." Pasinghal na sabi niya.

"Sinabi ko na sa kanya dati na maghanap ng babaeng simple pero ayaw niyang makinig. Gusto niya yung mga moderno at independent. Anong napala niya?"

"Wala hong masama sa pagiging modern at independent." Katwiran ko.

"Eh tingnan mo ang nangyari? Hindi ka nga masuweto. Pinapasakitan niya ang sarili niya sa paghahabol sa'yo."

"Hindi ho ako nagpapahabol sa kanya. Ang gusto ko maging maayos ang paghihiwalay namin pero pinagpipilitan niya ang gusto niya."

Tumayo na ang biyenan ko.

"Wala naman akong tutol sa gusto mong mangyari. Ang sa akin nga, mabuti ng maghiwalay kayo kesa para kang nasasakal sa piling ng anak ko kahit pa wala naman siyang ginagawang masama sa'yo. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit nilulunod niya ang sarili niya sa alak at trabaho. Kung may halaga siya sa'yo, kausapin mo siya ng matino bago siya mamatay sa ginagawa niya."

Kinuha niya ang handbag na nakapatong sa gilid ng upuan.

Sinundan ko siya sa pintuan at hinatid sa gate.

Bago siya lumabas ay nagsalita siya ulit.

"Mahal ko ang anak ko, Lise. Ang kapakanan niya ang mahalaga sa akin."

Pinagbuksan siya ng van ng driver at pumasok na siya ng walang paalam.

Pagbalik ko sa bahay, nasa kusina si Mama at naghahanda na ng hapunan.

Pinatong ko ang purse sa bakanteng upuan at lumapit sa lababo para maghugas ng kamay.

"Anong oras po siya dumating?"

"Mga bandang alas-singko."

"Nag-usap po ba kayo?" Hinila ko ang hand towel na nakasabit sa handle ng oven at pinunasan ang kamay ko.

"Medyo. Hindi naman daw siya kontra kung gusto niyang maghiwalay kayo. Ang sabi pa nga niya, mas mabuti pa nga kung ganun ang mangyari kesa naman pareho kayong miserable ni Dan."

"Sinabi niya po iyon?"

"Oo." Nilapag ni Mama sa lamesa ang mangko na puno ng ginisang sayote na may halong giniling na baboy.

"Ngayon ko napatunayan na mainit talaga ang dugo niya sa'yo."

Hinila ko ang upuan at inabutan ako ni Mama ng plato at kubyertos.

"Oo, Ma. Ganun na talaga ang trato niya sa akin noon pa."

"Kung hindi ka niya gusto, eh bakit pumayag na pakasalan ka ni Dan?"

"Eh wala naman po siyang choice eh. Kung ano ang gusto ni Dan, iyon ang nasusunod. Sabi pa nga niya sakin bago kami ikasal, kung hindi papayag ang nanay niya, itutuloy pa din namin ang kasal."

Umupo si Mama sa kabisera.

Nagkrus ako bago sumandok ng pagkain.

"Umpisa pa lang pala eh marami ng red flags sa pagsasama ninyo."

"Oo nga po, Ma. Pero akala ko kasi dati, love will be enough."

"Minahal mo din talaga siya?"

"Oo naman po. Pero kung nalaman ko yung sinabi ng boss ko before kami kinasal, baka nagbago ang isip ko."

"Anong sinabi ng boss mo?"

"Na kaya daw po ako pinursue ni Dan kasi I was hard-to-get. Nachallenge siya sa akin."

"I hate to say this pero ano kaya ang iniisip niya ngayon?"

"Malamang iniisip niya na I remain a challenge to him after all these years."

"At dahil diyan, hindi ka niya mabitawan. Pinapahirapan mo pa din kasi siya."

Nang gabing iyon, hindi ako makatulog.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ng biyenan ko lalo na iyong part na umiinom si Dan.

Madalas naming pagtalunan ito dati dahil he drinks a little too much.

Para siyang isda na mauubusan ng tubig kapag kasama ang mga barkada niya at nag-iinuman sila.

Nag-aalala din ako dahil kahit papaano, may pinagsamahan din naman kami.

Kahit hindi maganda ang trato ng biyenan ko sakin, hindi naman ako masamang tao.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko.

Alas-nuwebe na ng gabi.

Hapon pa sa Dubai.

Bumangon ako ulit at kinuha ang phone sa nightstand and dialed Dan's number.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top