Chapter 32: Kindred Spirits




I was quietly reviewing the invoice from one of our accounts ng maramdaman ko na umatras ang swivel chair ni Liezl.

"What?" Nilingon ko siya.

"May nangungulit sakin." Aburido ang itsura niya.

"Si Shirley?" Wala sa loob na tanong ko.

"Buti nga kung siya kaso iba."

"Bakit ka kinukulit?"

"Dahil hinihingi sakin ang phone number mo."

Binaba ko ang hawak na invoice.

"What?"

"Do you remember Greg?"

How can I forget him eh first time  ko siyang mameet, kulang na lang hubaran ako dahil sa lagkit ng tingin sakin.

"Oo. Yung guy na halos pumutok ang damit dahil sa sobrang fit?"

Tumawa si Liezl sa description ko.

"That's him."

"I hope you didn't give him my number."

"Of course not. Kaya nga walang tigil sa kakatext."

"Tell him I'm not interested."

"You're not?" Surprise siya sa response ko.

"Uh uh. Busy ako. Kita mo naman na kulang na lang iuwi ko sa bahay ang trabaho." Nilingon ko ang nakatambak na folders na inaasikaso ko.

"Kung hindi ka busy, does it mean you'll be interested?"

"Hindi pa rin."

"I see." Ngumiti siya as if meron siyang narealize.

"Bakit ganyan ang ngiti mo?"

"Basta. Mamaya ko na lang sabihin during lunch. Alam mo na," Dumikit siya sa tenga ko at bumulong, "may pakpak ang balita, may tenga ang lupa."

Bumalik na siya sa cubicle niya.

Nahiwagaan ako sa sinabi niya pero I have no time to dissect what she said kaya pinagpatuloy ko ang pagtatrabaho.

Hindi na din sumagi sa isip ko ang request ni Greg na hingin ang number ko dahil may deadline ako from Mr. Mendoza na i-submit ang summary of accounts at the end of the work day.

Kung hindi pa ako tinapik ni Liezl sa balikat, hindi ko mamamalayan na time na pala para kumain.

I plan to work through lunch pero hindi siya pumayag.

Ilang weeks na daw akong subsob sa trabaho at baka magkasakit ako sa ginagawa ko.

"Payday today at sagot ko." Pangungumbinsi niya.

"It's not that." Katwiran ko.

"I can pay naman kaso I have to finish this today dahil kailangan ni Boss."

"Lise, it will still be here pagdating natin. If you want, I can help you dahil tapos na ako sa ginagawa ko."

"You don't have to. I'm halfway done na din naman."

"Ganun naman pala eh. Sumama ka na. You owe it to yourself to eat."

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya.

Kinuha ko ang purse na nasa drawer at sabay kaming lumakad papunta sa elevator.

Japanese food ang gusto niyang kainin kaya pumunta kami sa isang restaurant dito sa Makati.

Bukod sa mango ebi salad, I ordered California rolls at hot green tea.

Liezl ordered beef teppanyaki, shrimp tempura, miso soup and red iced tea.

Habang hinihintay na i-serve ang orders namin, I remembered the conversation we had kanina sa office.

Tinanong ko siya tungkol dito.

"When I told Shirley na kinukulit ako ni Greg sa number mo, she warned me not to do it."

"Alam din pala niya."

"Oo. Una kasi siyang tinanong ni Greg kung pwede ko nga daw hingin ang phone number mo."

"Why did she warn you?"

"Kasi babaero si Greg at ayaw niyang masira ang friendship nating dalawa."

"I see. That's good of Shirley to do that."

"Wala naman talaga akong balak na ibigay ang number mo sa kanya eh. Kasi, the first time we met, meron akong nasisense sa'yo. Hindi nga lang ako sure at ayokong mag-assume."

I took the cup of green tea at uminom ako.

I'm trying to buy a little bit of time kasi medyo kinakabahan ako sa patutunguhan ng usapan namin.

"I often see you looking at your phone at nakangiti ka. I figured that person must be special dahil kapag narereceive mo ang message niya, kahit gaano ka kabusy sa work, you take the time to reply."

I didn't realize na nakikita niya pala ang ginagawa ko.

"Naalala ko lang nung nag-uumpisa kami ni Shirley. Our relationship was a secret and we were also long distance. Everytime she sends a text, kahit simpleng good morning lang, halos magkandarapa ako sa pagsagot. I see myself in you, Lise. Wala naman akong balak na tanungin ka about it dahil it's none of my business. Kaya lang, when you introduced me to Estee, nabuhay ulit ang curiosity ko."

"Which part made you curious?"

"The part where you wanted to surprise her sister."

"Close kasi kami ng sister niya. Wala naman sigurong masama kung sorpresahin ko siya di ba?"

"No. Wala naman. I thought, she must be special dahil when you told Estee about it, your eyes were shining and you looked excited."

I sank back on the chair.

Mukhang wala na akong kawala.

Nagsalita ulit si Liezl.

"Okay lang naman sakin kung ayaw mong magshare tungkol sa personal life mo. Nahalata ko naman na you're a private person and I understand dahil pareho lang tayo. Gusto ko lang malaman mo na if you're ready to trust me, you can."

"Hindi naman kasi ganun kadali, Liezl. My situation is very complex right now."

"Kaya nga I am offering na kung kailangan mo ng mapaghihingahan ng problema, nandito ako. You're not alone, Lise."

"Thank you. Hindi mo lang alam kung gaano kacomforting na marinig ang mga salitang iyan."

"Kung kailangan mo akong i-text, just let me know. You don't have to be scared na baka magselos si Shirley dahil alam naman niya ang lahat. The truth is, she really likes you. Natutuwa nga siya at pumunta ka sa bahay."

"Ako din naman. I don't have any friends and didn't expect na magkakasundo tayo agad."

"I'm happy to know na you consider me as a friend."

"You are."

Dumating ang server dala ang mga orders namin.

During lunch, napunta ang usapan sa nalalapit na Christmas party.

"Are you going to attend? Bukas na ang deadline to RSVP di ba?"

"I'm not sure yet. Medyo nahihiya ako eh."

"Shirley and I are coming. If you want, you can join us."

"I don't have a plus one though."

"It's okay. Hindi naman required na may kasama. Since dito sa Makati ang party, why don't we pick you up?"

"Are you sure okay lang kay Shirley?"

"Oo naman. It's on our way naman eh. Pwede ka din namin ihatid pauwi."

"Naku. Sobrang nakakahiya na."

"It's okay. At least we know you'll be safe."

"Sige. I'll register mamaya pagbalik natin."

"Great. I'll let Shirley know. Matutuwa iyon."

Pinagpatuloy na namin ang pagkain.

I was thankful na hindi niya ako tinanong tungkol kay Nel.

It's one of the good things about Liezl.

Kahit alam ko na may kutob siya, she respects my privacy.

There was something in me that was holding back from telling her about my past and my present.

I don't know why but I'd rather listen to my instincts than be proven wrong if I ignore it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top