Chapter 30: Housewarming Part 2




Pinarada ko ang sasakyan sa likod ng isang silver van.

Tama nga ang guwardiya na mula sa labas ay kita ang mga bonsai trees sa kanang bahagi ng pader ng Spanish-inspired na bahay nina Liezl.

Red ang tiled roof at light yellow ang kulay ng bahay.

Malalaki at mataas ang rectangular glass windows.

Arched ang entryway at L-shaped ang two-storey house.

Bago lumabas ng sasakyan ay binaba ko ang visor at tiningnan ang itsura sa maliit na salamin.

Binuksan ko ang purse at kinuha ang Maybelline matte coral lipstick para magretouch.

Nung satisfied na ako sa itsura ko,inabot ko sa passenger seat ang Pinot Grigio wine na dala ko.

I looked at my wristwatch.

Ten minutes pa bago mag-alas kuwatro.

Pinindot ko ang doorbell at naghintay.

Narinig ko ang pagtahol ng isang aso at ang boses ng isang babae.

Paglapit sa gate ay bumungad sa akin ang isang matandang babae na may magandang ngiti.

Puti na lahat ng buhok niya at medyo kuba na siya pero buhay na buhay ang ilaw sa mga mata.

Nakasunod sa kanya ang isang aso na nakalabas ang dila at nag-aabang na pumasok ako.

"Good afternoon po." Magalang na bati ko.

"Ako nga po pala si Lise, officemate ni Liezl."

"Ikaw pala." Binuksan niya ang gate.

"Ako si Yaya Flora. Pasok ka. Kanina ka pa nga hinihintay nina Liz." Pinapasok niya ako at bigla na lang tumayo ang aso at niyapos ako sa binti.

"Jackie ano ba?" Hinila ng babae sa collar ang aso pero tumalon lalo ito.

"Pasensiya ka na, hija. Ganito talaga siya eh. Masyadong friendly."

"Okay lang po." Nginitian ko siya.

"Dumiretso ka na lang sa loob. Nandiyan sila sa sala."

Nagpasalamat ako sa kanya at pumasok na sa bahay.

Bukas ang pinto at tumayo si Liezl para salubungin ako.

May mga dumating na pala na bisita at kausap ni Shirley ang isang lalake na napatingin sa akin pagdating ko.

Mataas ang ceiling ng bahay, dark ang hardwood floor at modern ang furniture at appliances.

Malawak ang living room at sa gilid ay may kulay puti na baby piano.

"Thanks for coming, Lise." Masayang bati sa akin ni Liezl.

Inabot ko sa kanya ang wine.

"Naku. Nag-abala ka pa."

Nakasunod na si Shirley at hinalikan ako sa cheeks after niya bumati.

"We're so glad you can come." Tulad ni Liezl, masaya din si Shirley sa pagdating ko.

"Would you like something to drink?" She looked so elegant sa suot na short-sleeved red dress at gold stilettos.

"Water lang."

"I'm on it." Sabi ni Liezl na pumasok sa isang arched hallway which I assumed was the kitchen.

"Why don't you come with me so I can introduce you to the other guests?" Hinila ako ni Shirley sa kamay.

Pinakilala ako ni Shirley sa lalake na kausap niya kanina.

Greg ang name niya and he looked very pleased habang nakikipagkamay sa akin.

I noticed him giving me a quick once-over and immediately felt uncomfortable.

That was the same look Dan gave me the very first time we met.

Afterwards, Shirley introduced me kay Arthur who was the head of HR sa Lumis na company nila.

Kung si Greg eh mukhang manyakis, si Arthur naman looked very kind and fatherly.

Tinanong niya ako kung paano ko nakilala si Shirley at ito na ang nagsabi na officemates kami ni Liz.

"Tukayo pala kayo." Biro ni Sir Arthur.

"Pareho lang po ng tunog ang names namin."

Tumawa siya sa sagot ko.

I also met Nella na bestfriend ni Liezl.

Ang una niyang tinanong pagkatapos naming magkamay ay kung Maybelline ang gamit kong lipstick.

Nang sumagot ako ng oo, natawa siya kasi yun din daw ang favorite brand niya ng lipstick.

"Mahilig 'to sa lipstick." Inakbayan ni Liezl si Nella na nakabalik na galing sa kitchen.

Inabot niya sa akin ang tubig na nakalagay sa wine glass.

"Pwede na nga siyang magtayo ng museum dahil sa dami ng collections niya."

"Lipstikan kita gusto mo?" Ngumuso si Nella kay Liezl at nilayo nito ang pisngi niya.

Si Shirley naman, tawa lang ng tawa.

Tumunog ulit ang doorbell at lumabas si Yaya Flora mula sa kitchen pero sinabi ni Liezl na siya na ang magbubukas ng pinto.

"Magpahinga na lang po kayo. Nandiyan naman si Angelica."

Napansin ko na malambing ang trato niya kay Yaya Flora.

"Naku. Hayaan mo na akong tumulong, anak. Asikasuhin mo na lang ang mga bisita."

Bago pa makapagsalita si Liezl eh lumakad na si Yaya Flora palabas ng bahay.

"Second mother na ni Liezl yan si Yaya Flora." Kuwento sakin ni Shirley.

"When her mom passed away, si Yaya na ang tumayong nanay niya."

"I see."

Ang babaeng dumating ay may kasamang batang lalake na cute na cute sa suot na pink long-sleeved shirt, dark blue jeans at aviator glasses.

Patakbo itong lumapit kay Shirley at niyakap siya sa binti.

"Tita S!" Tili ng bata.

"Hey, Robbie. How are you?" Kinarga siya ni Shirley at hinalikan siya nito sa pisngi.

"Sobrang kulit." Sagot ng babae who I assumed was the mom.

"Lise, this is Renee."

"Hello." Nagkamay kaming dalawa.

Napansin ko ang tiyan niya and I hid my discomfort.

"Kumusta ang buntis?" Tanong ni Nella.

"Heto. Laging aburido." Hinimas niya ang tiyan.

"Why don't you sit down?" Anyaya ni Shirley na karga pa din si Robbie.

"Ako na muna ang bahala kay Robbie."

"Thank you." Mabagal na lumapit si Renee sa sofa.

"Gusto mo ba ng maiinom?" Tanong ni Liezl.

"Orange juice please?" Sagot nito.

Pagkaalis ni Liezl, si Nella ang nakadaldalan ko.

Para akong nasa interview dahil tulad ni Arthur, she asked how I met Liezl.

Pareho sila ng sinabi ni Shirley na buti na lang at may kaibigan na si Liezl sa office.

"Suplado kasi iyan. Kung hindi ka niya feel, hindi ka niya kakausapin."

Nang dumating ang ibang bisita, naging abala na sina Shirley at Liezl  sa pag-istima sa mga ito.

Dumating din ang parents ni Shirley na may dalang ice cream at chocolate cake.

Si Nella naman, nakikipaglaro kay Robbie habang nagpapahinga sa guest room si Renee dahil biglang nakaramdam ng hilo.

Nakaupo ako sa sofa at nakikinig lang sa kuwento ni Sir Arthur ng tumabi sa akin si Greg.

He sat so close to me na umusog ako to give more space between us.

Nakisalo siya sa conversation dahil tungkol sa work nila sa Lumis ang topic.

When it was time to eat, hindi ko alam kung may seating arrangement pero siya ang katabi ko sa upuan.

There were about thirty people sa party at bago kumain, nagpasalamat si Shirley at Liezl sa pagdating namin.

Naguumapaw ang lamesa dahil sa dami ng hinanda.

May seafood dishes tulad ng shrimp paella, baked salmon at rum glazed shrimp, stir-fry vegetables, Mongolian beef, Pot Roast Beef and Potatoes, Caesar Salad, fried chicken at spaghetti meatballs na favorite ni Robbie.

During dinner, I learned na Shirley and Liezl came back to Manila after Shirley got promoted as Chief Finance Officer ng Lumis.

Dati pala silang magkatrabaho at doon din nabuo ang love story nila.

While looking at them, I saw how much they love each other.

Kapag tinitingnan ni Shirley si Liezl, parang siya lang ang tao sa paligid at ganun din si Liezl.

Nakakainggit na kahit ang dami pala nilang pinagdaanan, they remained strong and supportive of each other.

Shirley said na mabuti na lang at nakinig siya sa puso niya.

"If I didn't follow what my heart wanted, I don't think I would end up with this wonderful person beside me." She gave Liezl her sweetest smile.

I thought of what she said while I was on my way home.

Kung sinunod ko ang gusto ng puso ko dati, will I be as happy as they are?

Will Nel and I still be together knowing her family doesn't know about us?

Or will the opposite happened?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top