Chapter 28: Misery Needs Company
What Dan did made me really angry.
Nanatili akong nakaupo at nag-iisip long after marinig ko na pinaandar niya na ang sasakyan.
Kung hindi pa bumaba si Mama, hindi pa ako kikilos.
Pinaghanda niya ako ng hapunan kahit pa sinabi ko na ayokong kumain.
She insisted at sinabi na kahit may problema ako, hindi ko pwedeng pabayaan ang sarili ko.
"You have a long battle ahead of you, anak. Kailangang maging malakas ka para harapin ang bagay na ito." Sabi niya habang nilalapag ang plato sa lamesa.
Hindi niya na ginising ang kasambahay namin na si Lita para makapag-usap kami ng maayos.
Nabanggit niya na bago ako dumating, tinanong niya si Dan kung bakit ito napasugod.
Kay Mama ko nalaman ang detalye ng bigla niyang pagdating.
Tinawagan pala siya ng dati nitong boss for a new project sa Dubai.
Hindi daw siya makatanggi dahil malaki ang utang na loob niya sa project manager na iyon bukod sa malaki din ang bayad.
Nasabi din ni Dan kay Mama na hindi siya makikipaghiwalay sa akin.
Gagawin niya daw ang lahat para magsama kami ulit.
Binibigyan niya daw ako ng space para makapag-isip ng mabuti.
"I don't know, Ma. I'm not going back to him at sinabi ko na iyon sa kanya ilang beses na. The two of us were done a long time. How can you call a union as such if my opinions doesn't matter? I don't have a say and I wasn't made to feel like my words have value. Kung hindi siya ang masusunod, ang nanay niya."
I saw pity in my mother's eyes.
"I think you need to talk to someone who is an expert in these matters. Alam ko na buo na ang desisyon mo. You've been unhappy for a long time. Kahit hindi mo sabihin sa akin, nararamdaman ko na merong bumabagabag sa'yo." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Dan is being an ass."
"Sinabi ko naman sa'yo na he doesn't look like the type na gigive-up ng ganun na lang."
Lalong bumigat ang pakiramdam ko.
Hindi ko tuloy malasahan ang kinakain ko but I finished it just the same dahil nag-effort si Mama para ipagluto ako.
That night, hindi ako makatulog.
After mapagod sa kakatitig sa dilim bumangon ako at binuksan ang lamp shade sa gilid ng kama.
Kinuha ko ang paperbook na The Girl With The Dragon Tattoo mula sa nightstand at binuklat ito para basahin pero I could barely get through a paragraph.
Binaba ko ulit ang libro at kinuha ang laptop.
After rebooting, I logged in to Facebook at dumating ang message ni Nel.
She said hi.
I looked at the time.
It was three in the afternoon sa kanila.
She was supposed to be at work dahil 10-6 ang shift niya.
Ano kayang ginagawa niya sa bahay?
"Hi. Wala kang work?" Kinuha ko ang isang unan at pinatong sa likuran ko.
"May trangkaso ako."
Bigla akong nag-alala.
"Can I see you?"
"Okay."
Naglog-in ako sa Skype and after what seemed like forever dahil sa bagal ng internet, I saw her calling.
When the video came on, nakaupo siya sa kama.
Namumula ang ilong niya at naluluha siya.
May hawak siyang tissue at pinunasan ang mata niya.
Nakabalot siya ng blue quilted blanket na may stars and crescent moon design.
Tulad ko, may unan din na nakapatong sa likuran niya.
"Are you okay, Nel?" Napahawak ako sa screen at tinapat ang daliri ko sa mukha niya which was very puffy.
"No." She was breathing through her mouth dahil sa congestion.
"Kumain ka na ba?"
"Oo."
"What did you eat?"
"Pinagluto ako ni Maricar ng arroz caldo."
"Good." Mabuti na lang at merong nag-aalaga sa kanya.
Mahirap magkasakit lalo na kung mag-isa ka lang.
"Uminom ka ng gamot?"
"Oo. Pumunta dito si Jackie at binigyan ako ng Tylenol at Robitussin."
"It's good you have good friends."
"Oo nga eh. Kung wala sila, itutulog ko lang 'to."
"Ilang days ka ng maysakit? Alam na ba sa inyo?"
"Tumawag sila kanina kasi nagtext ako."
"Anong sabi ng nanay mo?"
"Hayun. Nag-aalala siya. Baka daw kasi masyadong tumaas ang lagnat ko. Magpahid daw ako ng Vick's sa dibdib at likod ko. Huwag ko din daw kalimutang uminom ng gamot."
"Siguradong worried iyon si Tita kasi ang layo mo."
Hinugot ni Nel ang kumot para takpan ang dibdib niya.
Naisip ko na mas mabuti siguro kung makapagpahinga siya.
I was about to tell her na saka na lang kami ulit mag-usap pero bigla siyang nagsalita.
"Ikaw, Lise? Kumusta ka?"
The way she said it made it sound like she knows something.
Pero we haven't had the chance to really talk dahil busy ako sa work.
Aside from the daily photographs na binansagan namin na "one shot a day", maikli lang ang mga message ko sa kanya dahil I barely have time even to take a break.
"I'm okay." Sagot ko.
I really don't want to talk to her about what happened sa amin ni Dan kanina lalo na at maysakit siya.
"You don't sound okay to me."
Huminga ako ng malalim.
Dati pa, makutob na ito si Nel pagdating sa akin.
Kahit ako, hindi ko maipaliwanag kung paano.
There was one time na bigla na lang siyang umuwi from university.
It was a weekday.
Hindi daw siya mapakali.
Para daw hinihila ang mga paa niya na sumakay ng bus at pumunta sa Cavite.
She was surprised when she saw me in bed with a cast on my right leg.
Natapilok kasi ako while doing my daily run.
Kaya daw pala parang mabigat ang pakiramdam niya.
"Saka na lang tayo mag-usap. When you're better. Right now, you have to rest."
"Is it Dan again?"
Mukhang wala siyang balak i-drop ang subject.
"As usual."
"What did he do this time?"
"Nel, it's not important." Pagtanggi ko.
I really don't want to burden her now with my personal life.
Yun pa naman ang lagi kong ginagawa sa kanya lately and it makes me guilty.
"You're important to me. You know that right?"
"Yes and you're important to me too. I want to take care of you in a way na pwede kong gawin. If sparing you from the drama will do that, I'd rather na huwag na muna nating i-discuss ang nangyari."
"Are you sure you'll be okay?" I saw a tear run down the side of her cheek. It was probably from her cold.
"Yes. I'll be fine."
"Sige. Matutulog muna ako. I feel so tired."
"Good idea. Gusto mo bantayan kita? I will keep the laptop on para makita kita."
"Baka mapuyat ka niyan. Anong oras na ba diyan? Past midnight?" Inalis niya ang unan sa likod niya at nilagay sa ulunan.
"It's 12:47 am na."
"Mabuti pa, matulog ka na rin. Sabay tayo."
"Sige."
Inalis ko ang unan sa likuran ko.
Dahil I was staying in my parents' house, sa dating kuwarto ko ako nagi-stay.
Mama had to buy a double bed dahil tinapon na nila yung dati kong kama.
I said I'll pay her back kapag sumahod na ako.
She didn't want me too.
Happy daw siya kasi magkasama na kami ulit.
I should consider the bed as a gift.
Humiga na ako at ganun din si Nel.
Her lamp was on at hindi pa din pala siya nakakatulog with the lights off.
I pulled the blanket up to my chin and left the lamp shade on para makita niya ako.
Tumagilid si Nel and her face occupied most of my screen.
Para siyang lumpia sa higpit ng pagkakabalot niya sa kumot.
"Good night, Lise." She touched the monitor with her forefinger.
"Good night, Nel. Feel better okay?"
She nodded then closed her eyes to go to sleep.
Seeing her sick and alone made me forget my own misery.
From the bottom of my heart, I wished I were beside her para alagaan ko siya.
She always took care of me when we were together.
But seeing how far apart we are, I can only manage with what little resource I have.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top