Chapter 27: Adjustment




Dalawang linggo na ako sa trabaho at bukod sa isa kong officemate na hindi ko alam kung bakit parang ang init ng ulo sa akin, okay naman ang takbo ng mga bagay-bagay.

Magkakasama sa isang opisina ang lahat ng staff ng accounting department.

May kanya-kanya kaming cubicle and on my first day, pinakilala ako ng boss ko na si Mr. Phillip Mendoza sa mga makakasama ko.

When he introduced me to the woman beside my cubicle, nagtawanan kami dahil sa first names namin.

Liezl ang pangalan niya at sabi niya, Liz ang tawag sa kanya ng mga katrabaho namin.

Pati tuloy si Mr. Mendoza, nagulat.

He even apologized for the oversight.

Nag-offer pa siya na ilipat ako ng pwesto para hindi maconfused ang mga kasama namin but Liezl said na it won't be a problem.

Instead of moving desks, she suggested changing the silver-plated name plate on her cubicle to her full name.

Mr. Mendoza was pleased with the idea and said he'll order it right away.

Mabuti na din at kami ang magkatabi sa cubicle kasi mabait siya at nakagaanan ko agad ng loob.

Pagkakita ko pa lang sa kanya, nasense ko na baka lesbian siya kasi ang iksi ng buhok niya at undercut ang gupit.

Pati ang pananamit, puro panlalaki.

During my third day at work, niyaya niya akong maglunch at nagkakwentuhan kami.

Sinabi niya na three years na siya sa company as a first level senior accountant tulad ko.

Dati siyang nakatira sa Laguna kasama ang long-time partner niya na si Shirley.

Doon ko naconfirm ang hinala ko at lalo akong napalagay sa presence niya.

Feeling ko, nakahanap ako ng kindred spirit.

Tinutulungan niya din ako sa mga process at workflow namin kaya kahit papaano, gumagaan ang workload ko.

Bukod kasi sa mga sistema na kailangan kong pag-aralan, may limang tao pa sa department namin na kailangan kong pakisamahan bukod sa boss namin.

Maayos naman ang pakikitungo nilang lahat sa akin bukod sa isang junior accountant na ang pangalan ay Mabel.

Umpisa pa lang, hindi na maganda ang vibes ko sa kanya kasi noong pinapakilala ako ni Mr. Mendoza, napansin ko na siya lang ang hindi nakangiti.

Nalaman ko from Liezl na matagal na palang ina-aspire ni Mabel na mapromote as a senior accountant.

Nagulat na nga lang daw ito ng malaman na naghire sila externally to fill up the position na nabakante ng mag-abroad ang dating senior accountant nila.

When I confided in Liezl na malimit akong irapan ni Mabel, sinabi nito na huwag ko na lang pansinin.

"Masama ang loob niya kasi she didn't get the promotion.

Pareho sila ng sinabi ni Nel ng ikuwento ko sa kanya ang tungkol kay Mabel.

Sinabi ko na lang sa sarili ko na may mas makabuluhang bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin kesa pinoproblema ko ang attitude ni Mabel.

There are seven people in the workplace who gets along with me and I shouldn't let one person ruin my concentration at work.

Hindi naman talaga nawawala sa workplace ang ganitong bagay eh.

Kailangan ko lang habaan ang pang-unawa at pasensiya.

Habang lumilipas ang mga araw, nae-enjoy ko na din ang pagtatrabaho.

I even get to meet Shirley noong sabay kaming bumaba ni Liezl papunta sa basement parking.

Sinundo siya nito dahil nasa dealership ang sasakyan niya for maintenance.

Shirley was warm and very friendly.

Mukhang naikwento na ako sa kanya ni Liezl dahil she mentioned that she heard so much about me.

She even invited me sa housewarming party nila.

I was about to decline kasi ngayon ko lang sila nakilala at nahalata ni Shirley na magbaback-out ako kaya sinabi niya it would really be nice kung makakapunta ako.

Para naman daw madagdagan ang friends ni Liezl.

"Loner kasi itong baby ko eh." Hinapit niya si Liezl sa bewang at kita ko sa mga mata ni Liezl na head-over-heels siya kay Shirley dahil pati mata niya, nakasmile.

"Kaya naman when she mentioned na may bago siyang officemate na kasundo niya, I was so happy."

I said yes to the invitation.

Natutuwa din si Mama ng sabihin ko sa kanya na unti-unti na akong nasasanay sa bago kong routine.

Kahit mahirap dahil hindi ko na solo ang oras ko, I told myself na if I want to be independent, I have to start from scratch.

There was one thing that bothers me lalo na kapag pumipirma ako sa mga documents.

I wish I could change my last name back to Lopez.

Everytime na pumipirma kasi ako ng Guevarra, naiisip ko na hangga't hindi kami nag-uusap ni Dan tungkol sa sitwasyon namin, nakatali ako sa kanya.

Mukhang may nakarinig naman ng wish ko kasi on a Friday evening, nagulat ako ng makita siya sa bahay.

Kausap niya si Mama si sala.

I was looking forward na makapagpahinga dahil it was extra hectic at work dahil sa mga deadlines na kailangang habulin.

Pero sa seryosong itsura ni Dan, mukhang hindi siya makapaghihintay.

Iniwan kaming dalawa ni Mama para makapag-usap kami ng maayos.

"What brings you here?" Iritadong tanong ko bago pumuwesto sa single armchair.

"Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?"

"Dan, I'm tired and I wasn't expecting you."

"Bakit mo kasi pinahihirapan ang sarili mo? Kung bumabalik ka na lang sa piling ko, eh di hindi mo na kailangang mahirapan ng ganito."

"I told you already. I'm not going back to you. Why do I have to keep repeating myself?" Tumaas na ang presyon ko.

Gutom na din ako dahil sa sobrang traffic at pagpasok ko, naamoy ko ang nilagang baka na niluto ni Mama.

Pero ng makita ko si Dan, nawalan tuloy ako ng gana.

"I won't argue with you dahil hindi naman iyan ang pinunta ko dito."

"Then why are you here?"

"Para sabihin sa'yo na I'm going to Dubai for three months."

"Dubai? But Dan, we haven't even discuss the issue."

"There's nothing to discuss, Lise. Aalis ako with the hope na my absence will give you plenty of time to clear your head."

"Are you fucking kidding me right now?"

"Don't you dare speak to me like that!" Mahinahon ang tono niya pero nanlilisik ang mga mata niya.

"You going abroad is not going to change my mind. Kahit saang lupalop ka pa makarating, kahit gaano ka katagal umalis, I will never go back to you."

Umangat ang kamay niya pero malayo ang agwat namin kaya binaba niya din ito.

His gesture wasn't new to me.

Kapag nag-aaway kami, hahablutin niya ako sa braso o di kaya itutulak sa pader.

Never pa niya akong nasampal.

Narealize niya siguro kung nasaan siya kaya siya natigilan.

"You're trying my patience, Lise. Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa'yo na I will never give you what you want. May sinumpaan tayong dalawa sa harap ng Diyos. Hindi ako papayag na talikuran mo ang sumpang iyon."

"I agree. Meron tayong sinumpaan. But for years, you never made me feel that I am your partner. Was it because you never really love me anyway?"

"I don't know what you're talking about."

"Yeah. You don't know. It was stupid of me to marry you kahit pa nalaman ko na the only reason why you pursued me was because I was a big challenge."

"Sino naman ang nagsabi sa'yo niyan?"

"My former boss. Nadulas siya minsan ng tinanong niya ako if we are together. Sinabi niya na nagtagumpay ka na makuha ako."

Napanganga si Dan.

"That's not true."

"Yan din ang sinabi ko sa sarili ko. Na hindi ako isang trophy para sa'yo. But then, sa matagal na panahon ng pagsasama natin, that's all I ever was. Isang dekorasyon who you proudly introduced to your colleagues. I'm only good enough to smile and shake hands with them. God forbid I expressed my opinions at masira ang all-around sweet and loving image you created for me."

"You've lost your mind."

"And my heart too."

Nanliit ang mga mata niya sa galit.

Kulang na lang umusok ang ilong niya sa mga sinabi ko.

"Right now, you are doing the same thing. Dismissing what I'm saying dahil ayaw mong i-acknowledge ang katotohanan."

"Anong katotohanan?"

"That you lost me a long time ago."

Tumayo na siya at kinuha ang jacket na nakapatong sa upuan.

"Hindi kita bibitawan, Lise, and that's that."

"Then I'm ready to fight you kahit saan tayo makarating." Tumayo na din ako at nagtama ang paningin naming dalawa.

Apoy sa apoy, parehong nangangalit ang tingin namin sa isa't-isa.

"Lilipas din ang nararamdaman mo. I have no doubt na magbabago din ang isip mo and you'll beg me to take you back."

"Don't delude yourself because that will never happen."

Nagtiim ang bagang niya sa narinig.

Lumakad na siya palapit sa pinto pero bago ito binuksan ay hinarap ako ulit.

"Pakisabi sa Mama mo na umalis na ako."

Tiningnan ko lang siya habang lumalabas ng pinto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top