Chapter 24: Truth
Kasasara ko lang ng pinto at aalis na sana papasok ng bumukas ang pinto sa taas at lumabas si Maricar.
Mukhang aalis din siya pero hindi niya suot ang uniform ng Tim's.
Nagulat siya ng makita ako at mukhang ganun din siya kasi nagkatinginan kaming dalawa.
Siya ang naunang nagtanong kung papasok na ako.
Oo lang ang sagot ko.
"Sabay na tayo papunta sa bus station." Anyaya niya.
"Okay." Pinagbuksan ko siya ng pinto at nauna siyang lumabas sa gate.
Noong una, tahimik lang kaming naglalakad.
Tatlong linggo na din ang lumipas mula ng umiwas ako sa kanya.
Nasanay na din ako sa set-up namin na sa work lang nag-uusap.
Napansin ko na nabawasan na din ang pagpunta niya sa basement.
"Galit ka ba sakin?" Tanong ni Maricar ng marating namin ang alley.
"Hindi naman. Bakit?"
"Umiiwas ka kasi sakin eh. Kung hindi ka galit, bakit bigla kang nagbago, Chan?"
"Mas maigi na yung ganito, Maricar. Alam mo kung anong nararamdaman ko para sa'yo. I don't want to be your friend but I know that's all you can offer."
Malungkot na ngiti ang binigay niya sa akin.
"Naguguilty kasi ako. Dati, we used to be so close tapos ngayon, parang naiilang ka kapag magkasama tayo. Gusto ko sanang ibalik yung dati."
"Ayoko kasing makagulo sa inyo ni Ely. Bigyan mo lang ako to get over my feelings for you then maybe things will go back to the way it was."
"Hirap lang kasi akong tanggapin na iniiwasan ako ng taong tinuring kong bestfriend."
"Ouch!" Sinapo ko ang dibdib ko to emphasize how much it hurts to hear that word.
Yun lang pala talaga ang papel ko sa kanya.
"Chan," Hinawakan niya ang braso ko, "hindi ko intention na saktan ka."
"Alam ko naman. Kaya nga ako na lang ang umiwas eh. Kita ko din naman kasi na you're really in love with Ely."
"Speaking of Ely, nag-usap na kami."
"That's good then. Di ba iyon ang gusto mo?"
"Oo. Nalaman ko ang reason kung bakit hindi niya ako kinocontact."
"Anong reason?"
"He wanted to surprise me."
"Anong surprise?"
"Nag-apply siya papuntang Canada."
"Wow!" Ako naman ang nagulat.
"Talaga? Ginawa niya iyon?"
"Oo. Gusto niyang siguraduhin na okay na ang application niya bago niya ako kausapin."
"Are you happy sa ginawa?"
"Oo. Doon ko napatunayan na mahal niya talaga ako."
"Good for you. At least magkakasama na kayong dalawa."
"Fingers crossed. Mahaba ang proseso pero I'm hoping na maging smooth sailing ang lahat. Kaya nga pupunta ako sa simbahan eh. Gusto kong ipagdasal ang application niya."
From her words, I realized how much Ely meant to her.
A part of me was relieved I decided not to pursue her.
Kung pinagpilitan ko ang sarili ko, I have no doubt Maricar will choose Ely over me.
Siguradong masasaktan ako kapag ganun ang nangyari.
Narating namin ang crosswalk at tumayo sa tabi ko si Maricar habang hinihintay namin na magpalit ang walk sign.
Nagbi-blink ang orange number at may ten seconds pang natitira bago kami makatawid.
"Siyanga pala, Chan. Gusto ko lang sabihin sa'yo na kung kailangan mo ng kausap, huwag kang mahiyang lumapit sa akin. Thankful ako kasi noong bago lang ako dito, nandiyan ka para tulungan ako. Kahit papano, naging madali ang paga-adjust ko dito."
"No problem."
Nagpalit na ang signal at sabay kaming tumawid.
Sinamahan niya akong maghintay sa bus bago siya lumakad papunta sa train station.
Pagkasakay ko, naalala ko ang mga araw na magkasabay kaming pumapasok.
Ang mga kulitan namin habang naghihintay kami sa bus stop.
Ang mga pagsi-share niya tungkol sa problema niya.
Mabuti na din at siya ang naunang nag-approach sa akin.
At least ngayon, alam ko na kung ano ang real score between her and Ely.
Mahal din talaga siya nito.
Hindi madaling desisyon ang mag-abroad.
There's so much at stake.
Hindi madaling iwanan ang comfort zone para makipagsalaran sa ibang bansa.
Bukod pa dun, hindi mo alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa'yo.
Ang tanging pinanghahawakan mo lang ay ang pag-asa na things are going to be okay.
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng biglang magvibrate ang phone ko.
Inalis ko ito sa bulsa ng suot na navy blue hoodie.
Si Lise pala ang nagmessage.
Natanggap daw siya bilang accountant sa isang call centre at kauuwi niya lang from her final interview.
"Can I call you?"
Nagtype ako at sinabi na nakasakay ako sa bus.
"Okay. Pero pwede ba kitang tawagan?"
"Wait lang." Sagot ko.
Binuksan ko ang zipper ng gamit na backpack para kunin ang earphones.
Pagkasuot, sinabi ko na pwede na siyang tumawag.
A smiling Lise beamed at the screen.
She still had make-up on and she looked very dignified in her black blazer and red shirt underneath.
Lise had her long hair in a tight bun and she looked like a sexy librarian with the black rounded glasses she wore.
"Wow!" I couldn't help myself but expressed my admiration.
Iiling-iling tuloy siya sa reaction ko.
"Parang ngayon mo lang ako nakita."
"Matagal na kitang hindi nakita na nakaayos eh."
"I'm glad I got the job. I was starting to feel depressed dahil I haven't been getting any calls."
"Congrats, Lise. I'm proud of you." I smiled at the camera.
"Kung nandito ka, yayayain kitang magcelebrate. Kaso ang layo mo." Inalis niya ang pearl earring na suot niya.
"Oo nga eh. But it's okay. Pwede pa din tayong magcelebrate kahit hindi tayo magkasama."
"Ganito na lang. Text mo sakin kung kelan ang dayoff mo. Gusto kasi ni Mama na ipagluto ko siya ng arroz valenciana. Imbes na lumabas daw kami, dito na lang sa bahay. Bakit di tayo mag-Skype that time para kasama ka sa celebration namin?"
"Okay lang ba sa Mama mo? Baka nakakahiya."
"Para ka namang others." Saway niya.
"Tinatanong ka nga sakin ni Mama eh."
"Natatandaan pa niya ako?"
"Oo naman. Naalala niya kasi yung time na dumalaw siya sakin sa Cavite at pinakilala kita."
We weren't together then.
Nang sinabi sa akin ni Lise na darating ang mama niya, I offered to help her cook the same dish.
Yun kasi ang specialty niya.
Sinamahan ko siyang mag-grocery at maghiwa ng mga ingredients.
"Alam ba niya ang tungkol satin?"
Natigilan siya sa sagot ko.
"Lise, okay ka lang ba?"
"Yes. I'm fine."
"Eh bakit hindi ka nakasagot."
"Mama and I had a long talk after I moved back."
"Bakit parang kinabahan ako bigla?"
"Baka dahil that talk included you."
"By that you mean inamin mo sa kanya ang lahat?"
"Hmmm...." Her face crumpled as if she was weighing what she was going to tell me.
"I didn't tell her all the details."
"But?"
"But I did mention na I fell in love with a girl."
"You told her what?" Napalakas ang boses ko.
Tiningnan tuloy ako ng matandang lalake sa katabing upuan.
"Nel, relax. Kahit palayasin ako ni Mama dahil hindi siya agree sa sinabi ko, the important thing for me is to be honest with myself. Matagal na panahon na akong nagtatago and I don't want that anymore."
"What if malaman ni Dan?"
"Sa palagay mo ipapahamak ako ni Mama sa kanya? I don't think so."
"Anong reaction ng Mama mo?"
"She hugged me. Sinabi niya na it's time for me to be happy and that she loves me very much."
"Wow!" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
"Totoo ba ang sinasabi mo or nananaginip ako?"
"I'm telling you the truth. You have nothing to worry about. I'm free as a bird. Well, that's not completely true dahil Dan is still begging me to come back to him and fix things but I'm not going to."
"I'm really happy for you, Lise."
"Me too. I'm not scared anymore. Gagawin ko ang bagay na alam kong tama para sa akin. As long as wala akong nasasagasaang tao, I'm good."
Nakakainspire ang newfound confidence at strength niya.
"So, kelan ang day off mo?"
"Sunday."
"We're in opposite time zones di ba?"
"Oo."
"Gising ka pa ba ng alas-otso ng gabi?"
"Oo naman."
"Good. That will be eleven dito ng umaga so lunchtime."
"Sounds good."
"Can't wait."
Natanaw ko na ang Tim's kung saan ako nagwowork.
I said goodbye to Lise pero before I could hung up meron pa siyang gustong sabihin.
"Thanks for celebrating with me. It means a lot."
"Anytime."
I ended the call and pulled the string bago pa makalampas ang bus sa bababaan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top