Chapter 22: Fall
Umiikli na ang araw at nagpalit na ng kulay ang mga dahon.
Kung dati ay luntian ang mga puno, ngayon ay dilaw at kahel na ang nangingibabaw.
Ramdam ko na rin ang malamig na simoy ng hangin at ang mabilis na pagdating ng gabi.
Bukod sa mga pagbabagong ito ay nandiyan din ang DST or Daylight Savings Time.
We have to turn back the clock an hour which is good in a way.
Hindi ko kailangang gumising ng maaga dahil I get an extra hour of sleep.
Kasama sa pagpapalit ng season ang pagbabago sa amin ni Maricar.
Medyo binabawasan ko ang pakikipagmalapitan sa kanya.
After ng usapan namin sa mall kung saan inamin ko kung ano ang tunay kong nararamdaman, nagdecide ako na umiwas ng konti.
Ayokong paasahin ang sarili ko.
Baka kung ipagpatuloy ko ang pagiging close sa kanya, ako lang ang mafall.
Kapag nasa work kami, normal ang turingan namin.
Nagbabatian kami, nginingitian ko siya at nakikipag-usap ako ng maayos.
Pero kung dati ay ako ang nauunang magyaya sa kanya para kumain kami sa labas lalo na kung sweldo, ngayon ay hindi ako nangi-imbita.
Naglie-low din ako sa pagtatanong sa kanya tungkol kay Ely.
Wala naman din siyang nababanggit kung ano na ang nangyayari sa kanila at ayokong ako ang mag-open ng topic.
It's not my business anymore.
Mabuti din at nabago ang schedule niya kaya hindi na kami magkakasabay papasok at pauwi.
Ginawa siyang graveyard shift habang hindi pa nakakapaghire ng permanent coverage.
Sinabi pa nga niya na natatakot daw siya kasi baka delikado ang panggabi.
I assured her na safe naman.
Bukod sa may security cameras sa store, minsan ay may mga pulis din na tumatambay para magkape.
Isa pa, tahimik naman ang lugar kung saan nakatayo ang coffee shop.
Aaminin ko na nakakapanibago.
Kung dati ay wala kaming boundaries, ngayon ay naiilang ako.
I regret admitting what I felt.
Feeling ko, I was jilted kahit wala pa namang nangyayaring ligawan.
Perhaps it was because what I felt wasn't reciprocated.
I should take it as a sign na mahal niya talaga si Ely.
Ayoko din namang maging rebound lalo na kung dumating ang time na iiwanan niya lang din ako kapag narealize niya na she's not over her ex.
Mas masakit kapag invested na ako sa kanya tapos she would just break up with me.
Pero mukhang ako lang naman ang nakakaramdam ng ganun kasi wala namang nagbago kay sa kanya.
Malambing pa din siya at maasikaso.
Pumupunta pa din siya sa basement para makipagkwentuhan at manood ng movies sa Netflix.
Pero kung dati ay nakakaramdam ako ng comfort kapag naglalambing siya, ngayon ay napalitan ng lungkot na may kasamang panghihinayang.
Hindi ko kasi alam kung saan ako lulugar sa kanya.
Feeling ko, naging complicated ng umamin ako na may gusto ako sa kanya.
Si Lise ang napaghingahan ko ng lahat.
Tumawag kasi siya after ko makipag-usap sa family ko.
Nakita niya daw na online ako at dahil matagal na kaming hindi nakakapag-usap, sinamantala niya ang pagkakataon.
Namimiss niya na din daw kasi ako.
Kinongratulate niya ako dahil sa pagkakapasa ko sa citizenship exam.
Tuwang-tuwa siya kasi natupad na ang gusto kong mangyari.
Nagpasalamat ako sa tulong na ginawa niya noong nagrereview ako.
"Wala iyon." Nakangiting sabi niya.
"Nandito ako para suportahan ka."
Bigla akong natahimik at nahalata niya yata na malungkot ako kasi nang magsalita siya ulit, tinanong niya kung bakit parang hindi ako masyadong excited.
"Excited ako." Pagtatakip ko.
"Nel, kilala kita. Alam ko kung merong gumugulo sa isip mo."
"Wala nga." Todo pagtanggi ko.
"Yan." Inangat niya ang hintuturo.
"Yan mismo ang lagi mong sinasabi kapag meron kang iniisip. Babae ba?"
Hindi ako sumagot.
"Silence means yes?"
Bumuntong-hininga ako.
Nagdadalawang-isip kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol kay Maricar o hindi.
"Sa akin ka pa ba mahihiyang magsabi?" Pangungumbinsi niya ng matagal akong hindi nagsalita.
Eventually, inamin ko na din sa kanya ang sitwasyon.
Tahimik lang siya samantalang tuloy-tuloy ako sa pagkikwento.
"Gusto mo talaga siya?"
"Oo. Kaso hindi pwede."
"Malay mo break na talaga sila nung Ely."
"Ayokong magtanong."
"Bakit naman?"
"Ayokong magmukhang desperada."
"Never ka naman naging desperada, Nel. Mapride, oo. Desperada, hindi."
"Mapride ba ako?" Di ko mapigilan ang sumimangot.
"Hindi mo alam?"
"Hindi ako mapride ano."
"Talaga? Eh kapag nagkakatampuhan tayo dati, ako ang laging nanunuyo sa'yo. Kahit hindi ako ang may kasalanan, ako pa din ang nauunang makipagbati sa'yo."
Naalala ko bigla ang sinabi ni Maricar tungkol kay Ely.
Pareho ba kami ng ugali?
"Ganun ba ako sa'yo?" Nakonsensiya tuloy ako.
"Oo. Dati, inisip ko na baka dahil bata ka pa."
"Sorry kung naging ganun ang behavior ko dati."
Ngumiti si Lise.
"Matagal na iyon. Isa pa, mas marami ka namang magagandang katangian kesa sa mga panget na ugali."
"Pero bakit ganun?"
"Anong bakit ganun?"
"Mabait naman ako, responsable at hindi naman ako panget. Bakit hindi ko makuha iyong taong gusto ko?"
"Timing na din siguro." Sagot niya.
"Tulad nung sa atin dati. Kahit siguro sinundan kita sa dorm at nagmakaawa ako ng huwag tayong magbreak, wala na ding mangyayari kasi ayaw mo na sakin."
Dinig ko ang panghihinayang sa tono niya.
Bumigat tuloy lalo ang pakiramdam ko.
"Hindi naman kasi sa ayaw ko na sa'yo, Lise."Tumitig ako sa camera lens as if nakikipag-eye-to-eye ako sa kanya, "kahit mahal na mahal kita, hindi na talaga tayo pwede."
"Alam ko naman iyon. Pero alam mo ba walang araw na hindi ako umiiyak dati?"
"Bakit ka naman iiyak? Nandiyan naman si Dan."
"May nagbago kasi sakin nung naging tayo. Sa'yo ko naranasan ang maging tunay na masaya. Feeling ko, kaya kong harapin lahat. Binigyan mo ako ng lakas ng loob para i-confront ang isang bagay na matagal ko ng iniiwasan."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Before I met Dan, I had close relationships with women."
"Tulad ng satin?"
"No. Not really. Emotional relationships lang, nothing physical."
"Pero bakit sakin?"
"Wala eh. I fell in love with you the more we get close to each other. Bukod kasi sa ang cute mo, parang amoy bagong ligo ka palagi kapag pumupunta ka sa bahay. Isa pa, ang bait mo talaga. Maasikaso ka tapos you're fun to be with. Kapag kasama kita, hindi ko namamalayan ang oras. Hindi ako nakakaramdam ng lungkot. Your innocence was so endearing. Everytime na sinasabi mo na mahal mo ako, I felt your sincerity."
Napangiti ako dahil bumalik sa ala-ala ko iyong mga araw na lagi kaming magkasama.
Malimit kaming tumambay sa bahay niya at naglalaro kami ng baraha.
She tried to teach me tong-its pero di ko talaga ma-gets.
Malimit kaming maglaro ng solitaire o di kaya pusoy dos.
Ako ang laging nananalo.
She hated that pero she's a good sport naman.
Kunyari magtatampo para lang suyuin ko siya.
In a way, siya pa din ang panalo kapag nilalambing ko na siya.
"Uy, Nel. Anong ngini-ngiti mo diyan?"
Napakurap ako nang marinig ang boses ni Lise.
"Wala." Nagblush ako.
Kita niya kaya sa computer ang pamumula ng mukha ko?
"Meron lang akong naalala."
"Alin?"
"Basta. Huwag mo na akong pansinin." Pag-iwas ko.
"May tanong nga pala ako sa'yo."
"Ano iyon?"
"Bakit kailangan mong umiwas kay Maricar?"
"Hindi ba obvious kung bakit?"
"I have an idea but I want to hear it from you."
"Baka kasi one-sided lang ang lahat. Baka kahit anong effort ang gawin ko, sa wala din mapunta."
Natigilan siya sa sinabi ko.
Naalala niya siguro ang nangyari sa amin dati.
"Iba si Maricar, Nel. Hindi mo pwedeng ikumpara ang nangyari sa atin sa maaaring mangyari sa inyo."
"Yun na nga eh. Hindi pa kami nag-uumpisa pero feeling ko, problema na agad."
"Di ba ganun din naman ang sa atin dati? Alam mo na may asawa ako pero that didn't stop you."
"I'm not the same girl anymore. Ayoko ng complicated."
"So now you're looking for something safe?" Nakakachallenge ang tono niya.
"I want someone I can call my own. Is that so hard?"
I think I saw pity in Lise's eyes.
"No. But love doesn't work that way. Sometimes, you have to fight for who you want. You can't just give up on the first sign of a struggle. Kung talagang mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo hanggang kamatayan."
"Did you do that for me?"
"You didn't give me a chance."
"Paano napunta sa ganito ang usapan natin?"
"Nel, decades separate the two of us. When I came over sa bahay ninyo at nag-usap tayo, there were plenty of words left unsaid. I never really found closure. Bumalik lahat ngayon dahil sa sitwasyon ko."
"What do you mean?" Naguluhan ako bigla.
"I left Dan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top