Chapter 2: Picnic Grove
"Lise!" Tumitiling tumakbo si Ate Estee papunta sa kinatatayuan nito.
Nagulat ang mag-asawa ng makita ang kapatid ko.
Nang makilala kung sino ang babaeng sumisigaw, ngumiti si Lise at sinalubong niya si Ate.
Nanatili ako sa pwesto ko habang si Kuya eh naglakad din papunta sa kanila.
Talaga naman.
Sa dinami-dami ng araw na makikita namin sila, ngayon pa.
Lord? Bakit ang cruel mo?
Pinaglalaruan mo ba ako?
Dahil nandoon si Ate, nakita ko sa mukha ni Lise na parang may hinahanap ito.
Tumingin siya sa pwesto ko at nang magtama ang paningin namin, I felt uneasy.
Dahil kakakain ko lang, parang may humahalukay sa sikmura ko.
Malamang acidity ito.
Na-stress kasi ako ng makita ko siya kasama ang asawa niya.
"Kumusta ka na? Long time no see?" Excited na tanong ni Ate.
Close kasi sila ni Lise.
Nalaman ko na nung dumating si Dan, wala pang isang buwan itong nakakabalik ay umalis din sila sa lugar namin.
Matanda na kasi ang mga magulang ni Dan at gusto nito na doon na sila tumira.
Sabi ni Ate, wala naman daw choice si Lise kundi pumayag.
Wala nga ba siyang choice?
O hindi niya lang kayang ipaglaban ang gusto niya?
Manila born and raised si Lise.
The only reason why napunta sila sa Cavite was because of Dan's job as an engineer.
May project na ginagawa ito sa Cavite at the time and instead of leaving her sa Pasig kung saan sila dati nakatira, kinumbinsi siya nito na sumama sa kanya.
"I'm good. Ikaw? Kumusta ka na?" Nakangiti si Lise.
Ang puso ko, kinabog ng marinig ang malambing niyang tinig.
Kapag naririnig ko dati ang boses niya, para akong dinuduyan sa hangin.
Kahit mainit ang ulo ko, kapag kinausap niya na niya ako, kumakalma ako.
There was something soothing about her voice.
But when we're in the bedroom, it was a different story.
"Okay naman ako." Sagot ni Ate.
Nakalapit na si Kuya at nagkamay sila ni Dan.
Ayoko namang magmukhang tanga kaya lumakad na din ako papunta sa kanila.
"Hi." Kumaway ako kay Lise at kay Dan.
"Kelan ka dumating?" Sa akin nakafocus ang tingin ni Lise.
"Kahapon lang." Matipid na sagot ko.
Pinipilit ko to act cool dahil deep inside, I was the opposite.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at gusto kong maihi sa nerbiyos.
Mula ng dumating si Dan, iniwasan ko si Lise.
Pero tulad ng sinabi ko, mahirap na hindi ko sila makita dahil ang bintana sa kuwarto ko, katapat ng bintana ng kuwarto nila.
Minsan kong nakita na hinahalikan siya ni Dan habang nakapulupot ang mga braso nito sa bewang niya.
Nagpupuyos ang damdamin ko kaya hindi ko na hinawi ang kurtina sa bintana.
Kahit mainit, nagtitiis na lang ako sa electric fan.
"How long are you here for?" Tanong niya ulit.
"Six days." Si Ate ang sumagot.
"Six days?" Kumunot ang noo niya.
Napatingin tuloy sa kanya ang asawa na kasalukuyang nakikipag-usap kay Kuya.
"Oo." Sagot ko.
Magpapaliwanag pa sana ako pero she doesn't need to know the reason why I'm only here for a short period of time.
"Namamasyal din kayo?" Usisa ni Ate.
"Not really." Sagot ni Lise.
"May project kasi si Dan dito at may meeting sila. Sumama ako kasi gusto kong mag-unwind."
"Lise?" Lumingon kaming tatlo ng marinig ang boses ni Dan.
Naglalakad na sila ni Kuya papalapit sa amin.
"Since ngayon lang kayo ulit nagkita-kita, why don't you join them para hindi ka mainip?" Mungkahi nito.
"Huwag na. Nakakahiya naman sa kanila." Tiningnan ako ni Lise.
"Ano ba? Para ka namang others." Niyugyog siya ni Ate sa braso.
"Are you sure? Baka nakakaistorbo ako sa inyo."
"Sus! Perfect timing nga. Ang tagal na nating hindi nagkikita. At least we can catch up di ba?"
Perfect timing for Ate but not for me. Naisip ko.
"That's great!" Natutuwang sabi ni Dan tapos tumingin ito sa relo.
"Hopefully, this meeting will only last for two hours."
"Don't worry, Dan. Kami na ang bahala kay Lise." Sabi ni Ate.
"Okay." Lumapit siya sa asawa at humalik sa pisngi nito.
"I'll text you once we're done."
Isang matipid na ngiti lang ang sagot ni Lise.
Pagkaalis ni Dan, imbes na tumuloy sa paglalakad ay niyaya ni Ate na sumama si Lise sa pwesto namin para kumain.
Hindi kami sumama si Kuya sa kanila dahil gusto naming maglibot.
Nang makaalis na sila, nagtanong si Kuya kung bakit ang tahimik ko.
"Jetlag." Yun lang ang nasabi ko.
It wasn't a complete lie dahil I was a little tired from the trip.
Pero mas lalo akong napagod ng bigla kong makita si Lise.
I stopped counting the years since I last saw her.
Wala kaming maayos na breakup.
Hindi din siya malimit lumabas ng bahay noon.
Kapag naririnig ko nga ang sinasabi ni Kuya dati na baka busy sila ni Dan dahil naghahabol sa mga panahon na hindi sila magkasama, umiinit ang ulo ko.
Ayokong isipin na intimate silang dalawa.
Kahit they have all the right to be that way dahil they were legally married, ayoko pa din.
I owned her body for a year.
I knew every single curve, moles and beauty marks.
There were three diagonal black moles stretching from her breastbone down to her left breast.
I called it a constellation.
A star guiding me to her pleasure center which was actually her nipples.
Gustong-gusto niya when I sucked on them hungrily.
I could still hear her moans when I bite on them.
"Nel?"
Kumurap ako.
Nakatitig pala sa akin si Kuya.
"Gusto mo bang bumalik sa cottage para makapagpahinga? Kanina ka pa nakatulala?"
"No. It's okay, Kuya."
"Are you sure?"
"Oo."
Naglakad-lakad kami papaba sa mga puno.
Kinuha ni Kuya ang phone niya and took lots of selfies.
Pero kahit I was enjoying myself, hindi maalis sa isip ko na kasama namin ni Lise.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top