Chapter 17: Unsolicited Advice
Bago dumating ang winter, niyaya ako ni Jackie na sumama sa kanila na pumunta ng Banff para maipasyal si Maricar.
Nasa laundry room kaming dalawa at nakaupo ako sa hagdanan habang hinihintay siyang alisin ang mga damit sa dryer.
"Libre ka ba sa Sabado?" Inalis niya ang tingin sa dryer.
"Hindi pero magrerequest na lang ako."
"Sige. Sana makasama ka. Sabihin mo sakin o di kaya text mo ako kung pinayagan ka ha?" Sinara niya ang pinto ng dryer at nilabas ang plastic laundry basket.
Tumabi siya sakin sa hagdanan.
"Chanel, may itatanong nga pala ako sa'yo." Sumeryoso ang mukha niya.
Kinabahan ako bigla.
"Ano iyon?"
"Close kayo ni Maricar ano?"
"Oo. Bakit?"
"Alam mo na les din siya di ba?"
"Oo." Sagot ko habang nag-iisip kung saan papunta ang sinasabi niya.
"Alam mo din na may boyfriend siyang tomboy sa Pinas?"
"Oo. Alam ko din. Bakit?"
"Alam mo din na sobrang seloso ni Ely?"
Hindi na ako sumagot at hinintay na lang siya na ituloy ang sasabihin niya.
"Mabait yun si Ely. Masarap magluto at nagtatrabaho bilang assistant chef. Nameet ko na siya nung huli akong umuwi sa Pinas. Bonus na pogi din siya. Pero..."
"Pero?"
"Alam ko na malimit silang mag-away ni Maricar dahil lagi ko siyang naririnig na umiiyak sa gabi."
This was news to me dahil kahit nagkikwento sakin si Maricar, hindi niya naman dinidetalye ang lahat.
Isa pa, lagi siyang nagpapatawa at ginagawang biro ang sitwasyon niya.
Now I know she was keeping things from me.
Ayaw niya din sigurong magmukhang kawawa o baka nahihiya din siya lalo na at malimit siyang magsabi sa akin ng problema nila ni Ely.
"Sinabi ko na sa kanya dati na mabuti pa kung magbreak na lang sila para pagdating niya dito, wala siyang alalahanin." Patuloy ni Jackie.
"Sinubukan niya naman daw pero nagmakaawa si Ely kaya pumayag siya ng long-distance relationship. Hayan tuloy. Wala na silang ginawa kundi magtalo dahil sa kakaselos ni Ely. Kung tutuusin, maswerte si Ely sa pinsan ko. I'm not saying this dahil kamag-anak ko si Maricar pero alam ko na loyal yun. Siya yung tipo na kapag nagmahal, binibigay niya lahat. Hindi marunong magtira sa sarili kaya sobrang masaktan kapag merong problema."
"Bakit mo sinasabi sakin 'to?"
"Dahil kilala ko din na palabiro si Maricar. Minsan, naririnig ko ang usapan ninyo ng hindi sinasadya."
Di daw sinasadya eh may pagkatsismosa talaga siya.
"Nakikita ko din na sweet kayong dalawa. Malambing talaga yun kahit noon pa. Kaya nga pati mga lalake, minsan namimisinterpret ang kilos niya kaya nililigawan siya kahit pa chicks ang type niya."
"Anong point mo?"
Tiningnan niya ako ng seryoso.
"Ayokong mafall ka kay Maricar."
"Don't you think it's up to me to decide that?" Naoffend ako kasi parang pinangungunahan niya na ang mangyayari.
"Oo. But you won't be the first person to make that mistake. Isa pa, kaibigan kita. Close kami ni Maricar at close din tayong dalawa. Ayokong dumating ang time na maipit ako sa inyo dahil sa love love na iyan."
Tumayo siya at kinuha ang laundry basket sa lapag.
Nanatili akong nakaupo sa hagdan kahit pa narinig ko na sinara niya na ang pintuan.
Habang nakaduty, hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Jackie.
Busy si Maricar dahil tini-train na siya sa sandwich station kaya hindi niya nakikita na tinitingnan ko siya.
Aminado ako na I like spending time with her at sobrang close na kaming dalawa.
Kapag sahod, malimit kaming lumabas para kumain o di kaya para manood ng sine.
Kung wala kaming gala, malimit siya tumambay sa basement at nanonood kami ng movies sa Netflix.
Sumasama din siya sakin sa park para magjogging.
Narealize daw kasi niya how out of shape she was nung tumatakas kami kay Austin.
Gusto din daw niyang tumakbo para kung sakaling may masamang balak ito, at least meron siyang laban kahit sa takbuhan man lang.
Maasikaso din si Maricar.
Kapag tinatamad akong magluto, siya ang nagluluto ng pagkain ko.
Huwag daw akong kain ng kain sa fastfood dahil masama sa kalusugan ang processed foods.
"Okay lang yung paminsan-minsan. Kung may cravings ka. Pero hindi pwedeng araw-araw, nagki-crave ka for fries o di kaya McFlurry." May halong sermon na sabi niya sakin nung minsang nasa basement kami at nagluluto siya ng spaghetti.
Sa work naman, lagi niya akong nireremind na magbreak.
Kapag pinapawisan ako, bigla na lang niyang pupunasan ang noo ko.
Nakokonscious ako minsan sa ginagawa niya pero siya naman, dedma lang.
Pati tuloy si Arlene, tinutukso kami.
Baka meron daw something sa amin na hindi namin sinasabi.
Tinatawanan lang namin siya.
Hindi ko alam kung nasabi nito sa kanya na hindi na siya available.
Pero mukhang hindi dahil walang tigil sa kakatukso sa amin si Arlene.
Ang tawag ka niya kay Maricar, dyowa ko.
Kahit ilang beses ko na siyang sinaway, ayaw pa din niyang magpaawat kaya tinigilan ko na.
"Nel, samahan mo ako mamaya sa Superstore ha?" Nagulat ako dahil nasa tabi ko na pala si Maricar.
Inaalis niya ang plastic gloves na hinagis niya sa garbage bin na nasa gilid ko.
"Oo."
"Okay ka lang ba?" Nakakunot ang noo niya.
"Oo naman. Bakit?"
"Kanina ka pa sa bus tahimik. May problema ba?"
"Wala naman."
"Is it that time of the month?" Tukso niya.
"Oo." Sagot ko kahit hindi naman.
Ayoko lang na kulitin pa niya ako.
Hindi ko din naman mashare sa kanya ang sinabi ni Jackie.
Baka magalit siya kapag nalaman niya ang nangyari lalo na at unsolicited ang advice na binigay sakin ng pinsan niya.
I hate when people do that pero kita ko naman na genuine ang concern ni Jackie.
Pareho kaming mahalaga sa kanya.
Pero bakit after ng usapan namin, naguluhan na ako?
I was analyzing my behavior towards Maricar na hindi ko naman dati ginagawa.
Normal na kasi sa amin ang magbiruan.
Nasanay na din ako na lagi siyang nakahawak sa braso ko o di kaya bigla niya na lang akong yayakapin kapag nakatalikod ako lalo na kung kaming dalawa lang sa basement.
Ang hilig niya ding magsumiksik sa tabi ko lalo na kung nanonood kami ng suspense o horror movies.
Kahit kasya ang apat katao sa sofa, gustong-gusto niya na sinisiksik ako sa pinakagilid ng upuan.
Nung una, lagi ko siyang sinasaway.
Pinapaalala na baka magalit si Ely.
Ang lagi niyang sinasabi sakin, wala daw malisya.
Friends lang daw kami.
Minsan, I wonder if that was just an alibi.
Yung salitang friends, sobrang gasgas na.
A cover up for the truth.
A euphemism for something else.
Excuse ng mga taong secretly inlove with their bestfriends dahil hindi nila maamin ang tunay nilang feelings for the other person.
Am I secretly in love with Maricar?
Masyado na ba akong nasasanay sa sweetness at paga-alaga niya sakin?
Yun ba ang reason kung bakit kapag hindi ko siya nakikita, hinahanap ko siya?
Tama ba si Jackie to warn me not to fall in love with her cousin?
I should know better.
This was what happened to me and Lise.
Look at what happened years later?
Sino ba ang naiwan at brokenhearted?
Isa pa, gusto ko na naman bang maging kabit?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top