Chapter 16: Stalker




Kapapasok ko pa lang sa staff room at napalundag ako sa gulat ng marinig ang boses ni Maricar.

"Ano ka ba naman? Ba't ka nanggugulat?"

Nakaupo siya sa metal shelves at hinihintay pala ako.

"Sorry."

"Bakit nandito ka pa?" Napatingin ako sa wall clock sa.

"Alas-otso na. Di ba out ka ng alas-siyete?"

"Oo. Meron kasi akong tinataguan." Sabi niya.

"Sino?"

"Kilala mo yung regular customer natin na puti?"

Tiningnan ko siya ng masama.

"Maricar, halos lahat ng customer natin, puti."

"Si Austin. Yung payat tapos  baliko yung ilong tapos may earring na diamond o baka fake diamond, baggy ang pantalon, laging nakaitim na cap na may nakalagay na gangsta in white bold letters at mahilig sa oversized hoodie?"

"Ah. Si Austin. Oo. Bakit?"

"Eh kasi, kinukulit ako nun na mag-date daw kami."

"Bakit di mo sabihin na ayaw mo?"

"Sinabi ko na. Ilang beses na. Pero kanina, sinabi niya na hihintayin niya daw ako. Nung mag-out ako, nakaupo pa din sa dining area. Nung mag-out ka, nandun pa ba?"

"Oo. Nakakailang order na nga ng Iced Capp eh. Baka di na yun makatulog dahil sa dami ng caffeine sa katawan."

"Natatakot kasi ako lumabas. Pag nakita ako nun, siguradong di ako nun titigilan."

"Meron ka palang admirer. Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?" Lumapit ako sa coat rack at kinuha ang red fleece hoodie na may nakalagay na Canada sa harapan.

"Eh kasi di ko naman akalain na seryoso siya. Akala ko, joke lang yung mga patutsada niya. Totoo pala."

Hindi ko alam kung oblivious siya pero napapansin ko na maraming tumitingin sa kanyang lalake lalo na kapag siya ang kahera.

Nung una, akala ko kasi magiliw lang siya pero iba yung tingin na nangungursunada.

Di ko alam na may naglakas-loob na lumapit sa kanya.

"Huwag kang mag-alala. Di tayo dadaan sa harap. Dito na lang tayo sa backdoor."

Kinuha ko ang backpack sa loob ng locker at sinara ang pinto.

Dinampot ni Maricar ang backpack niya na nakapatong sa shelf at sabay na kaming lumabas.

Hindi pa kami nakakalayo ng makita kong naninigarilyo si Austin sa tapat ng tindahan.

Mabuti na lang at nakatalikod siya kaya hindi niya kami nakita.

"Shit!" Hinila ko si Maricar paatras.

Nagulat siya sa ginawa ko at magsasalita sana pero tinakpan ko ang bibig niya tapos tinuro si Austin.

Nanlaki ang mata niya dahil sa gulat at takot.

Naisip kong bumalik kami sa store pero bago pa kami mapagbuksan ng pinto, baka nakita na kami ni Austin.

Hinila ko siya sa braso at tumakbo kami papunta sa gilid ng store kung saan kami nagtago.

Sinilip ko si Austin at naninigarilyo pa din ito.

"Anong gagawin natin?" Bulong ni Maricar.

Naramdaman ko ang init ng hininga niya dahil ang lapit niya lang sa tenga ko.

Tinagilid ko ang ulo ko at muntik ko na siyang mahalikan.

Napaatras ako para hindi magtama ang labi namin.

"May isa pang bus stop pero medyo malayo dito."

"Gaano kalayo?"

"Mga five minute walk?" Sagot ko.

"Okay lang. Basta makalayo tayo sa lalakeng iyan."

"Sige. Pero bilisan natin para hindi tayo maiwan ng bus."

Bago kami lumabas sa pinagtataguan, sinilip ko ulit kung nandun pa si Austin.

Di pa din ito umaalis.

Ilang pack ba ng sigarilyo ang uubusin ng lalakeng ito bago siya umalis?

Hinila ko ulit si Maricar sa braso at tumakbo kami palayo sa store.

Dahil sanay ako tumakbo, balewala lang sa akin.

Pero nararamdaman ko na bumibitaw sakin si Maricar kaya binagalan ko ang pagtakbo para sabayan ang pace niya.

Nang marating namin ang bus stop, hingal na hingal siya.

"Tang-ina. Daig ko pa ang preso na hinahabol ng mga pulis." Habol-hiningang sabi niya ng tumigil kami.

Malayo na kami sa Tims at hindi na kami makikita ni Austin.

"Ang haba kasi ng buhok mo eh. Yan tuloy."

"Eh paano nga kaya kung mahaba talaga ang buhok ko. Paano na?" Pabirong sabi niya.

"Baka hindi ka na nakalabas ng store niyan."

"Pero walang biro. Natakot ako ha?"

"Bakit naman?"

"Minsan kasi nung kinausap niya ako, amoy na amoy yung marijuana tapos ang pula ng mata niya."

"Legal ang marijuana dito so masanay ka na."

"Alam ko naman pero mas natakot ako kasi namimilit na siya na lumabas kami. Nung una, maayos pa ang pakiusap ko pero nung nagtagal, natarayan ko na. Parang di naman natinag si gago."

"Gusto mo, kausapin natin si Tyler para alam niya na hinaharass ka ng customer."

"Hindi ba nakakahiya?"

"Ano ka ba? Kargo ka ni Tyler. Isa pa, safety concern ito. Paano kung may mangyari sa'yo? At least alam niya na may threat sa'yo."

"Ano ba iyan? Kabago-bago ko, problema agad."

Hinawakan ko siya sa braso.

"This is not your fault. Hindi mo kasalanan na may nagkagusto sa'yo. Nangyayari naman talaga iyan."

Tumingin siya ng diretso sakin.

"Bakit? Nangyari na ba sa'yo?"

Hindi ako nakasagot.

Paano ko sasabihin sa kanya na merong mangilan-ngilan na humingi ng number ko without sounding arrogant?

"Nangyari na rin ano?" Nawala na ang takot niya kasi nangungulit na siya.

"Oo."

"So, kinausap mo din si Tyler?"

"I don't have to kasi hindi naman sila katulad ni Austin who can't take no for an answer."

"Mga chicks ba?"

"Alin?"

"Yung humingi ng number mo."

Tumango ako.

"Chick boy ka din pala eh."

Tumawa lang ako.

"Kung chicks ang hihingi ng number mo, ibibigay mo?"

"Di ba sinabi ko na sa'yo na hindi ako two-timer?"

"What if they just want to be friends?"

"Really?" Tumaas ang kilay niya.

"If someone gives you their number, you think friendship lang ang habol nila? I wasn't born yesterday. I know if someone likes me or not."

"Wow! Ikaw na." Panunukso ko.

"Kung friendship lang ang habol ng mga chicks na nagbigay ng number sa'yo, ibig sabihin ang dami mo ng friends."

"Not really."

"Eh ano sila? Mga hookups lang? Parang Tinder ganun?"

Di na naman ako nakasagot.

"Nel, alam mo naman siguro na silence means yes ano?"

"I don't agree. For me, pinaprocess ko lang ang sasabihin ko."

"Hay naku! May process-process ka pang nalalaman diyan. Siguro nga hindi ka kiss and tell pero yung mga pauses mo, I think it as an admission na marami kang nakasex dahil sa mga nakilala mo sa work natin."

"Grabe! You make me sound like a slut."

"Uy! Walang slut shaming ano? Ang sa akin lang, maging totoo ka sa sarili mo at hindi yung madami kang tinatago. I won't judge you naman eh. Ang prinsipyo ko, live and let live. As long as hindi ka nakakasakit ng ibang tao, do what makes you happy."

"Yun na nga eh. What if yung ginagawa mo, nakakasakit kaya hindi mo masabi?"

Bigla na lang lumabas sa bibig ko.

Tiningnan tuloy ako ni Maricar na nagtataka.

"Humuhugot ka ba?"

"It's just a thought. Isn't it better to keep a secret when you know it will save others from pain?"

"Depende sa sikreto."

"So, anong sikreto ang itatago mo para masave ang mga taong mahal mo?"

"Sa totoo lang, hindi pa naman nangyayari sa akin na kailangan kong magtago ng isang bagay."

"Honest ka lagi?"

"I'm not saying that. Hindi naman ako santo ano? Pero wala namang damaging na secret na kailangan kong pangalagaan. Di ko naman naexperience na magkaroon ng affair while I'm with someone."

Ano kayang magiging reaction niya kapag nalaman niya ang tungkol kay Lise?

"Ikaw? Anong secret mo?"

"Wala." Mabilis na sagot ko.

Inakbayan ako ni Maricar.

"Alam mo, Nel. Kahit saglit pa lang tayo magkakilala, kita ko sa mata mo na meron kang tinatago." Tumigil siya sa saglit at tiningnan ako.

"Kung ready ka ng mag-open sa akin at ibaba ang mga walls that you've built to protect yourself, you know where to find me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top