Chapter 15: Bad Connection
Habang lumilipas ang mga araw, lalo kaming naging close ni Maricar.
Naging okay na din siya sa work lalo na nung nahuli niya ang kiliti ni Simran.
Proud na proud pa nga ito sa kanya kasi mabilis matuto si Maricar.
Three days pa lang, siya na ang nagkakaha.
Ang bilis din kumilos at dahil sharp ang memory, walang missed or mixed-up orders.
Pati mga customers lalo na ang mga regulars, tuwang-tuwa sa kanya kasi lagi siyang nakangiti at hindi madaling mangarag kahit minsan eh natatarayan ng mga difficult customers.
Nakikinig lang siya at hindi inaalis ang ngiti sa mukha niya kahit parang kakainin ng buhay ng mga mainitin ang ulo at hindi makahintay na uminom ng kape na mga tao.
Dahil pareho ang schedule namin which was 10-6, sabay na kami pumapasok.
Sinusundo niya ako sa basement tapos sabay kaming naglalakad papunta sa bus stop.
Kahit minsan eh nai-extend ang duty ko, hinihintay niya akong lumabas para di daw ako mag-isang maghintay lalo na at mabilis ng dumilim sa gabi.
"Baka mag-away na naman kayo ni Ely niyan." Minsang sabi ko sa kanya habang nakaupo kami sa loob ng bus stop.
Isa lang ang upuan sa loob at maliit lang kaya halos magdikit ang balikat namin.
"Hindi na ako aawayin nun." Kampanteng sabi niya.
"Talaga? Anong ginawa mo?"
"Sinabi ko sa kanya na kung hindi niya titigilan ang pagiging praning, break na kami."
"Di nga? Sinabi mo iyon?"
"Oo 'no? Ako pa ang hinamon niya."
"Seryoso ka naman ba na iiwan mo siya?"
"Can I be honest with you?" Sumeryoso ang mukha niya.
"Oo naman."
Huminga muna siya ng malalim.
Dahil lumalamig na ang gabi, lumabas ang usok sa bibig niya.
"Alam ko na mahirap ang LDR pero hindi ko akalain na mahirap pala talaga."
"Bakit mo naman nasabi?"
"Una, kapag nag-uusap kami sa Skype, hindi mo totally macapture yung essence ng sinasabi ng isa't-isa lalo na kung panget yung connection. Tapos minsan, daldal ka ng daldal yun pala nag-hang na at nakafreeze na yung kausap mo. Alam mo iyon?"
Tumango ako, nakakarelate dahil malimit ding mangyari sa amin yun nina Nanay kapag nagi-Skype kami.
"Minsan pa nga natatawa ako kasi nakabuka yung bibig ni Ely tapos satsat ako ng satsat yun pala nag-hang na yung computer."
Natawa ako ng maimagine ang sinasabi niya.
"Iba pa din talaga iyong kausap mo ng harap-harapan. Para kung gusto mong sampalin, isang angat lang ng kamay mo, sapul di ba?"
"Ang violent mo naman. Nananakit ka ba sa tunay na buhay?"
"I'm a lover not a fighter." Nagquote pa siya ng lyrics ng kanta.
"But seriously, ang hirap ng malayo sa mahal mo. Lalo na kung nabuburyong ako sa kanya at bigla ko na lang tatapusin ang call at hindi nareresolve kung anuman yung pinag-awayan namin. Kung pumayag lang sana siya na magbreak na lang kami bago ako lumipad papunta dito, eh di sana hindi ganito kacomplicated."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Nakipagbreak ka sa kanya? Akala ko ba, mahal mo siya?"
"Nag-away kasi kami a week before ako umalis. Kasi nga, napaparanoid na baka ipagpalit ko siya. Sabi ko, kung gusto niya, eh di maghiwalay na lang kami para hindi na siya nababaliw sa kakaisip na baka may makilala akong blonde and blue-eyed lesbian. Eh ayaw naman niya pumayag."
"Mas malimit ba kayong mag-away ngayong nandito ka na?"
Bumagsak ang balikat ni Maricar tapos tumingin sa bandang kaliwa para silipin kung padating na ang bus.
Four minutes pa ang ETA sabi sa app kasi sinulyapan ko ang phone habang nagkikwento siya.
"Oo. Minsan nga, nagsasawa na ako sa kakapaliwanag sa kanya na busy ako sa work. Sa totoo lang, kahit mapupuyat ako, naglalaan ako ng time para magkausap kami bago siya pumasok sa work. Sous-chef kasi yun sa isang restaurant sa Makati. Gabi ang pasok nya at umaga dito. Minsan, apat na oras lang ang tulog ko tapos gising na para pumasok. Di mo ba nahahalata na mukha na akong raccoon?"
"Hindi naman. Maganda ka pa rin naman." Tiningnan niya ako at nagulat sa sinabi ko tapos biglang ngumiti.
"Sus!" Tinulak niya ako gamit ang balikat niya.
"Binola mo pa ako."
"Totoo nga. Di halata na puyat ka."
Natahimik siya kaya ako naman ang nagtanong.
"Anong balak mo?"
Bumuntong-hininga na naman siya.
"Ano pa? Eh di magtiis. Mahal ko nga kasi. Isa pa, naiintindihan ko din naman kung bakit siya nagseselos kasi ako din naman, nararamdaman ko ang ganun eh. Malimit kong maisip na baka nagtataksil siya sakin tapos di niya lang sinasabi. Buti na lang merong mga reporter sa paligid. Meron akong Ely Updates courtesy of my friends. Bantay-sarado daw sa kanila at kapag may ginawang kalokohan, siguradong lagot sa kanila."
"Eh paano nga kung magloko si Ely? Anong gagawin mo?"
"Naisip ko na din iyan. Hindi ko siya masisisi kung maghanap siya ng iba kasi nalulungkot siya. Ako din naman, tinanong ko ang sarili ko. What if ako naman ang makakita ng iba? Anong gagawin ko?"
"Anong nga ang gagawin mo kung meron kang makilala tapos main-love ka? Sasabihin mo sa kanya o itatago mo?"
Hindi siya agad sumagot.
Nakatitig lang siya sa akin at malalim na nag-isip.
Sa di kalayuan, nakita ko ang headlights ng bus na sasakyan namin.
Nakahinto ito sa tapat ng traffic lights at naghihintay na maging green.
"Never akong naging two-timer." Sabi ni Maricar.
"That's good."
"Mahal ko siya kaya kahit umiinit ang ulo ko sa kanya at malimit akong matempt na makipagbreak dahil sa kakulitan niya, magtitiis ako."
Nginitian ko siya.
"Ang swerte ni Ely sa'yo. Kung gusto mo ng witness na magpapatunay na faithful ka sa kanya, tawagin mo ako."
Ngumiti si Maricar.
Umandar na ang bus at tumigil sa tapat namin.
Bumukas ang pinto at nauna ko siyang pinapasok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top