Chapter 13: Makeover
On a Wednesday afternoon, katatapos ko lang ilagay ang mga bagong labang damit sa closet ng may kumatok.
Tatlong magkakasunod na katok tapos biglang tumigil.
Nung una, hindi ko pinansin dahil wala naman akong inaasahang bisita.
Isa pa, kung si Jackie iyon, siguradong may kasunod na pagsigaw ng pangalan ko dahil iyon ang gawain niya.
Palabas na ako ng kuwarto ng tumawag na ang nasa labas.
Si Maricar pala.
"Sandali." Sabi ko bago lumapit sa pinto.
Pagbukas, nakangiti na siya agad.
"Gala tayo." Bungad niya.
Kaya pala hindi siya nakauniform ng black slacks at black shirt bukod sa hindi siya amoy kape.
Amoy bagong ligo at amoy ang lavender scent ng body wash.
Orange matte lipstick ang gamit niya at saka powder lang.
Ang kilay, perfectly-arched.
Star ang silver earrings at may white gold necklace na buwan naman ang hugis.
She looked younger than her thirty-four years kasi baby face siya.
Blue fleece-lined hoodie ang suot niya, ripped jeans at puting Converse.
"Wala ka bang pasok?" Tumayo ako sa gilid ng pinto para papasukin siya.
Hinubad niya muna ang sapatos at tinira ang kulay itim na medyas na may design na character sa Angry Birds bago pinatong ang rubber shoes sa metal rack na nasa gilid ng pinto.
Sinuri niya ang basement at mabuti na lang bago siya dumating eh nakapaglinis ako ng konti.
Nawalisan ko ang brown hardwood floor at nagdusting ako ng mga appliances.
Bukod sa TV, Bluetooth Bose speaker na may nakasalpak na iPod, dark brown leather sofa na binili ko sa Kijiji at six-layer bookshelf na puno ng libro na iba't-ibang genre, wala akong masyadong gamit sa bahay.
Wala ngang nakasabit na frame sa dingding dahil naisip ko na kapag lumipat ako, ayokong pagmaselyahin ako o di kaya pagbayarin nina Tita Minda dahil sa mga butas sa dingding.
"Meron pero kanina pa ako out." Sumalampak siya sa sofa.
"Eh bakit di ka na lang magpahinga?"
"Basta! Gusto kong makalimot." Sumimangot siya.
"Sino naman ang gusto mong kalimutan?" Umupo ako sa tabi niya.
"Eh di sino pa kundi ang kaisa-isang tao na nagpapasama ng mood ko?"
"Si Simran?" Hula ko.
"Hindi 'no? Close na kami nun. Konting bola lang pala ang kailangan at saka isang bar ng Snickers chocolate ang katapat niya."
"Alam mo, hindi ako si Manang Bola kaya sirit na."
"Sino pa eh di si Ely?" Pag-amin niya tapos biglang sumimangot.
"Bakit? Ano na naman ang ginawa niya?"
Niyakap ni Maricar ang kulay dilaw na throw pillow na may design na mukha ng leon na nabili ko lang sa Value Village sa halagang fifty cents.
"Puro selos ang nalalaman."
"Siya pa talaga ang nagseselos sa'yo? Eh di ba siya ang machicks?"
"Kasi, tatlong beses na akong late sa Skype date namin dahil lagi akong nago-OT di ba?"
Alam ko na laging extended and duty niya dahil malimit kaming magkasabay ng uwi kahit na dapat alas-sais pa lang eh out na siya.
Malimit kasing umabsent ang mga kasama namin kaya lagi siyang napapakiusapan na mag-stay.
Hindi naman marunong tumanggi dahil sa bago lang siya.
"Anong nangyari?"
"Ano pa eh di nag-away kami? Pinagbibintangan niya kasi ako na baka lumalandi ako dito. Kesyo wala daw kasi akong bantay kaya ang lakas ng loob ko. Kung alam lang niya na pagod na pagod ako sa trabaho. Sa sobrang inis ko, pinatay ko yung Skype tapos tinakasan ko siya."
"Eh di lalong magagalit iyon sa'yo?"
"Hayaan mo siya." Nilapag niya ang throw pillow sa sofa. "Hindi niya naman ako mapupuntahan eh. Ang layo kaya ng Canada?" Tumawa siya.
"O ano? Tara na. Samahan mo akong gumala." Niyugyog niya ang braso ko.
"Saan tayo pupunta?"
"Bahala ka na. Bukod sa Chinook Mall, wala naman akong alam na ibang lugar na pwedeng puntahan."
"Sige na nga." Tumayo na ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Napatingin ako sa kanya.
"Teka. Baka naman naiistorbo ko ang pagrereview mo?"
"Hindi. Isa pa, break muna ako sa pagrereview. Nakukorta na ang utak ko eh."
"O sige. Libre kita." Natutuwang sabi niya.
"Talaga?"
"Oo. Sumahod na tayo di ba? Treat ko."
"Sige. Bihis lang ako." Pumasok na ako sa kuwarto para magbihis.
Hindi ko sinara ang pinto kaya naririnig ko na nag-play ng music si Maricar sa phone niya.
Kanta ni Rita Ora na Let You Love Me ang pinatugtog niya.
Hinubad ko ang suot na black track pants at black shirt.
Habang naghahanap ng susuotin eh medyo kumekembot-kembot pa ako at sinasabayan ng kanta at sayaw ang tugtog.
Kinuha ko sa hangeran ang white and blue paisley short-sleeved shirt at maong.
Pagsara ko ng pinto ng closet, nagulat na lang ako ng makitang nakatayo sa pinto si Maricar.
Bigla kong tinakpan ang dibdib ko gamit ang T-shirt pero ang manggas lang ang nahawakan ko.
"Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ko habang hopeless na tinatakpan ang katawan ko na tanging bra at panty lang ang suot.
"Ang sexy mo pala." Nakakaloko ang ngiti niya.
"Lumabas ka nga." Pinagtabuyan ko siya pero imbes na umalis, sumandal pa sa doorframe at tinaas isang kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Kinagat pa ang bottom lip niya na parang isa akong very delectable dessert.
"Kung di ka aalis, hindi kita sasamahang gumala." Pagbabanta ko.
"Sige na nga." Dumiretso siya ng tayo.
"Wala ka namang dapat itago eh. Ang sexy mo kaya." Dugtong pa niya bago tumatawang lumabas ng kuwarto.
Pagkaalis niya, nilock ko ang pinto.
Dala siguro ng gulat kaya ang init ng pakiramdam ko.
Hindi ko inaasahan na bigla na lang siyang susulpot sa kuwarto ko at makikita ako sa ganung itsura.
It's been a long time since someone saw my body.
Hindi ko na nga matandaan kung sino kasi mula ng bumalik ako sa Canada, hindi na ako gumigimik bukod sa sinabi ko sa sarili ko na babawasan ko muna ang pakikipaghook-up at tututukan ko ang pagrereview.
Pero dahil sa ginawa ni Maricar, naconscious ako bigla.
Hindi naman panget ang katawan ko.
Medium ang build ko at kahit may konting bilbil, hindi naman masasabing mataba.
Medyo lang.
Ang kutis ko, maputi at makinis dahil lagi akong naglalagay ng moisturizer sa mukha at body lotion sa buong katawan.
Iyan ang isa sa namana naming magkakapatid kay Nanay.
Pati nga si Kuya Hugo, mahilig din sa body wash at lotion.
Ang isang bagay lang na hindi ko gusto ay ang pagiging balbon.
Twice a week ako kung magshave ng legs.
Yung kilikili ko naman, winawax ko.
Ganun din ang ginagawa ko sa mustache.
Yung eyebrows naman, tiyane lang ang katapat pero masakit pa din.
Beauty is cruelty talaga.
Buti na lang at nakaligo na ako bago dumating si Maricar.
Nagbihis ako agad at pumili sa tatlong bote ng cologne na gusto ko—Light Blue ng Dolce & Gabbana, Chanel Allure Sport o The One Sport ng D & G din.
I settled for Light Blue kasi fresh and sweet.
Brush up lang ang suklay na ginawa ko sa buhok na undercut ang gupit.
Natural na straight at glossy ang buhok ko at di ko ginagamitan ng gel o mousse kasi hindi naman mahirap i-style.
Isa pa, ayoko ng malagkit na buhok.
Sinuot ko ang Apple watch na picture naming pamilya ang nakadisplay at tiningnan ko ulit ang itsura ko sa salamin.
Untuck ang shirt, bagong laba ang maong na sukat ang 34 inch-length sa height ko.
Pwede na. Sabi ko sa sarili ko.
Binuksan ko ang pinto at paglabas ko, tinitigan ako ni Maricar na parang ngayon lang niya ako nakita.
"Uy! Bakit parang nakakita ka ng multo diyan?"
"Kung single lang ako, liligawan kita." Sabi niya.
"Puro ka kalokohan." Lumapit na ako sa shoe rack at kinuha ang brown Timberland boots na sadyang loose ang pagkakatali ng shoelaces.
"Ang tanong, sasagutin ba kita?"
"Bakit? Di mo ba ako type?"
"Sino naman ang nagsabi sa'yo na babae ang type ko?"
"Tayo pa ba ang maglolokohan eh first time na nakita kita, amoy na amoy kita."
"Ang sabihin mo, in-out ako ni Jackie sa'yo."
Natawa siya.
"Kahit di naman niya sabihin, hindi pa pumapalya ang gaydar ko ano?" Pagmamalaki niya.
Nagsuot na ako ng sapatos at ganun din ang ginawa ni Maricar.
Sabay kaming tumayo at ngingiti-ngiti siya ulit na parang nanunukso.
"Hay naku! Bakit kasi ngayon lang kita nakilala, Chanel?" Bulalas niya.
"Tama na nga iyan. Namimiss mo lang ang dyowa mo kaya kung anu-ano ang sinasabi mo." Saway ko sa kanya dahil medyo naaasiwa ako ng konti.
Alam kong palabiro siya pero parang half meant ang mga banat niya sa akin ngayon.
Kinuha ko ang susi na nakalagay sa pulang ceramic bowl.
"Halika na." Lumabas na ako ng pinto.
"Okay."
Nilock ko ang pintuan at nang makalabas kami ng bahay, kinawit ni Maricar ang braso niya sa braso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top