Chapter 12: Review







A/N: Sorry for the delay in updating this story. I have been very sick.

***

Isang linggo na din ang lumipas since I decided to accept Lise's friend request.

Noong umpisa, akala ko magkakailangan kami dahil sa ang akala ko talaga, malinaw na tapos na ang lahat sa amin.

Pero noong una siyang tumawag, ang sabi niya, hindi naman daw siya manggugulo.

Naging masaya daw siya ulit ng makita niya ako.

Kahit matagal na daw kaming hindi nagkita at nagkausap, narealize niya na what we had was special.

Ayaw niya daw itapon na lang ang lahat.

Kung willing daw ako na bigyan siya ng chance, she wanted us to be friends.

Hindi ako nakasagot agad.

The truth was, I told her I would think about it.

"Ganoon ba ako kasama, Nel?"

"It's not that."

Lumungkot ang itsura niya at nakonsensiya naman ako.

"Do you really believe na pwede tayong maging friends after everything that happened to us?"

Tumingin siya ng diretso sa camera at parang nanunuot ang mga titig niya sa kaluluwa ko.

"Yes. Naniniwala ako. Pero hindi iyon mangyayari kung hindi mo ako bibigyan ng chance to prove to you na I can be a very good friend."

"At kung hindi iyon mangyari?"

"Then ako ang unang iiwas sa'yo." Kampanteng sagot niya.

I was hesitant not because I was afraid she would fall in love with me but because I don't trust myself when it came to my feelings for her.

Nabasa yata ni Lise ang iniisip ko dahil nagsalita siya ulit.

"If ever ikaw ang maging problema, then ako pa rin ang iiwas sa'yo if that's how I prove to you na wala akong masamang intensiyon."

Huminga ako ng malalim bago pumayag.

In that span of time, naging confidante niya ako lalo na when it came to her marital troubles with Dan.

Noong una, ayaw niyang magshare.

Pero dahil alam ko naman kung ano ang real score between them dahil na din kay Ate Estee, ako na ang unang nagtanong kung okay lang ba siya.

Alam niya kung ano mismo ang tinutumbok ko.

I can see na she's deeply affected by the situation dahil parang pumayat siya at nangangalumata.

Lagi ding may lungkot sa mga mata niya.

Kahit pinipilit niyang maging masaya kapag magkatext kami or during video calls, hindi niya maikakaila na nahihirapan siya.

Natural ayaw pumayag ni Dan sa gusto niyang mangyari.

Feeling ni Lise, she's running out of options at nasasakal na siya.

Her mother-in-law was a domineering woman na araw-araw ay wala ng ginawa kundi ungkatin ang pagiging childless nilang mag-asawa.

The worst part was when Lise was compared to a young niece of Dan who got pregnant at seventeen.

"Kung sino daw iyong hindi dapat mabuntis, yun pa ang nabuntis."

It was as if she was being blamed for what happened to the girl.

"Kasalanan ko ba kung malandi ang batang iyon?" Bulalas ni Lise.

Most of the time, nakikinig na lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Isa pa, kailangan niya lang siguro ng tagapakinig.

Kahit pa it was her ex-girlfriend na nasasaktan din na she was going through a difficult time in her life.

Minsan nabanggit niya na sana, noon pa siya nakipaghiwalay.

Nung naisip niya na iwanan ito para sa akin.

"It's too late for that now don't you think?" Bigla kong naitanong.

Lalo tuloy lumungkot ang itsura ni Lise.

"Ano bang plano mo?" Tanong ko.

"One last workup and that's it." Sagot niya.

Yun daw ang suggestion ni Dan.

"It was like trying to catch the last train." Sabi ni Lise.

"If I don't make it to this trip, then I give up." Dismayado niyang sabi.

Hindi ko mapigilan ang makadama ng awa sa kanya but I kept the thought to herself.

Lise is a very strong woman.

Sa lahat ng ayaw niya iyong kinakaawaan.

Sa akin at kay Ate Estee lang naman talaga siya nakakapagkwento dahil alam niya na maiintindihan namin siya.

"Nel, thank you ha?"

"For what?"

"Dahil nandito ka pa din kahit nag-usap na tayo the last time na it's over between us."

"Is it really over between us?"

"Tanggap ko na you don't love me the same way."

"Bakit mo nasabi?"

"Dati kasi, you couldn't wait to get your hands all over me. When I saw you the last time, hanga ako sa self-control mo. Napigilan mo ang sarili mo when I hugged you."

Kung alam lang niya kung anong pagpipigil ang ginawa ko huwag ko lang siyang halikan.

"We can't keep going back and forth, Lise. Tumatanda na tayo pareho."

"I know. Kaya nga hindi ko na pinilit ang gusto ko." Tumahimik siya saglit.

"Ang selfish ko naman kung ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa'yo knowing na ayaw mo na talaga. Tinanggap ko na that's it for us. Wala ng sequel ang love story natin. Hanggang doon na lang talaga iyon."

Nalungkot na naman siya.

At that moment I knew na tinuldukan na din niya ang nakaraan namin.

Bago namin tapusin ang video call, nagpasalamat ulit siya na matiyaga pa din akong nakikinig sa mga frustrations niya.

"You were my sounding board kahit noon. Napakapatient mo pa din and I'm thankful for that, Nel."

"You're welcome." Yun na lang ang nasabi ko.

Patuloy kami sa pagti-text sa isa't-isa through Messenger.

Naisishare ko din sa kanya ang problems ko sa work pati na din ang anxiety ko over the citizenship exam.

But unlike others na laging sinasabi na kayang-kaya ko or matalino naman daw ako, Lise was generous enough to offer na tutulungan niya akong magreview.

"Why don't you give me the link and I will study with you?" Suggestion niya.

"Bakit mo naman gagawin iyan?"

"Di ba mas madaling mag-aral if you have a study buddy?"

I agreed so I emailed her the link.

Wala din naman daw siyang ginagawa kaya imbes na lagi na lang siyang nabuburyong sa bahay, at least there was something to keep her occupied.

The next time na nagreview ako, tapos niya na daw basahin yung Discover Canada book.

It was my day off at nasa sala ako at kausap siya sa Skype.

"Really? Natapos mo agad?"

"I did. Alam mo naman na mabilis ako magbasa di ba?"

She even printed the sample questionnaire from the Internet at yun ang ginamit niya to quiz me on the exam.

Buti na lang at very similar ang nahanap niya dahil most of the answers can be found on the book.

Tama nga siya na it was easier to study kung may kasama.

Actually, hindi ako sanay mag-aral with another person pero it's different now dahil kailangan kong isingit ang pagrereview sa work schedule ko.

Kung hindi pa ako pipilitin ni Lise na mag-aral kahit thirty minutes lang everyday, malamang hindi ko magagawa dahil stressful sa work.

May tatlo pang dumating na temporary foreign workers and Simran and her friends started a rumor na sisibakin na sila kaya naghire ng mga bago.

Gustong-gusto silang sabunutan ni Arlene dahil halatang affected ang work namin kasi nga natatakot ang mga bumbay.

Hindi tuloy makakilos ng maayos at palaging aligaga.

Nalaman ni Arlene ang tungkol sa tsismis dahil na din sa kaclose naming bumbay na si Baljinder.

Kinausap ni Arlene si Tyler tungkol dito at nagkaroon ng close door meeting kasama sina Simran and friends.

"Ready ka na for your exam." Natutuwang sabi ni Lise ng maperfect ko ang sample test.

"I don't know about that."

"Magtiwala ka sa sarili mo. You've been reviewing and you're doing great."

Tiningnan ko siya sa screen.

Malabo ang reception kaya blurry ang image niya pero kita ko pa din na she was happy.

"Salamat ha?" Sabi ko sa kanya.

"No worries. Natutuwa nga ako kasi I know more about Canada than Philippine History." Tumawa siya.

"Ako din."

Nagpaalam na ako sa kanya.

As much as possible, I shy away from asking her about babies and her workups.

Alam ko kasi na it causes her stress.

"Text mo ako bukas ha?" Habilin niya.

"Oo naman. Kelan ba naman ako pumalya?"

I said goodbye then ended the call.

Kahit reluctant ako noong umpisa na maging friends kami ulit, during the days na nag-uusap kami, hindi na makulit ang puso ko.

The flame that burned in my heart before was replaced by a warm light.

I am comforted with Lise's presence in my life and I am starting to believe that yes, she could be a good friend.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top