Chapter 11: Training Day
"Naloloka ako!" Yun agad ang bungad sa akin ni Arlene pagdating ko sa store.
Tiningnan ko siya at mukhang stressed na stressed ang itsura niya dahil kumalat ang gamit niyang eyeliner sa gilid ng pisngi niya.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Ito kasing si Simran, hindi ko alam kung nai-insecure kay Maricar. Ayaw magturo ng maayos kaya hayun, ako na lang ang nag-train sa kanya."
Napatingin ako sa counter.
Kasalukuyang nagrerefill ng paper cups si Maricar.
Sa likuran niya, nagbubulungan sina Simran at ang mga kalahi niya tapos titingin kay Maricar ng nakairap.
Naalala ko tuloy yung first day ko.
Si Simran din ang trainer ko nun.
Bully talaga ang babaitang ito at hindi na lang ako kumibo dahil kailangang magtiis.
Kalaunan, nahuli ko ang kiliti.
Gusto niya ang laging pinupuri.
Nagbago ang pakikitungo niya sa akin mula ng lagi ko siyang pinapaliguan ng compliments.
"Magpahinga ka na. Ako na ang bahala kay Maricar." Sabi ko kay Arlene na umaliwalas ang mukha sa sinabi ko.
"Thank you, friend. Ni hindi pa ako nagbibreak."
Pagkatapos kong magsuot ng hairnet at cap, naglog-in na ako.
Dumiretso ako sa counter kung saan naabutan kong nagsasanitize ng countertops si Maricar gamit ang blue towel at red bucket na may lamang sanitizer.
"Kumusta?" Tanong ko ng makalapit sa kanya.
"Heto. Okay lang." Kahit hindi siya magsabi ng totoo, bakas sa mukha niya na pagod na siya.
"Kumain ka na ba?"
"Oo. Nagbreak na ako. Fifteen minutes lang pala ano? Grabe! Hindi na ako ngumuya. Lunok na lang ng lunok. Ang bagal ko pa naman kumain."
Natawa ako.
"Masasanay ka rin."
Tinanong ko siya kung ano na ang alam niya sa trabaho.
"Ang magbrew ng magbrew ng kape." Sagot niya.
Tumawa ako ulit.
"Ang sakit sa balikat ha? Ang bigat pala ng coffee pot na punong-puno ng kape."
"Hayaan mo. Lahat yan makakasanayan mo tapos magiging madali na lang ang lahat."
"Sigurado ka ba? Eh ngayon pa lang, parang give up na ako."
"Ano ka ba? First day mo pa lang, suko ka na?"
"Ang hirap kasi ng adjustment." Pag-amin niya.
"Kung dati sa Jollibee, meron akong inuutusan, dito ako ang utusan. Talk about a reversal of fortune."
"Alam mo, ngayon lang mahirap. Konting tiyaga lang."
"Sabi nga ni Tita, sa umpisa lang naman ang hirap eh. Pero kapag nakita ko na daw ang sahod ko, mag-iiba ang feeling ko. Dito daw kasi, kung masipag ka, compensated ang pagod mo. Di tulad sa Pinas na lawit na ang dila mo sa hirap, di pa din sapat ang kinikita mo."
"Tama naman si Tita."
Nakita kong papalapit sa amin si Kiran kaya niyaya ko si Maricar sa loob para gawin niya ang mga computer exercises na required sa training.
Gusto ko din siyang bigyan ng break from Simran and friends.
Baka mademotivate ang tao eh biglang mag-quit.
Pagkatapos ng dalawang oras, tinawag ko ulit siya para i-explain ang mga products at equipment sa Tims.
May dala siyang maliit na notebook at kapag meron akong importanteng sinasabi, sinusulat niya.
Napansin ko na magaling ang memory niya dahil kapag bigla kong tinatanong, naibibigay niya ang sagot ng hindi binubuklat ang notebook.
Dahil isang oras lang ang pagitan ng uwi namin, hinintay na ako ni Maricar.
Baka daw kasi maligaw siya kaya mas minabuti niyang sumabay na lang sa akin.
Madilim na din sa labas kaya mabuti naman at naisip niya na sumama sa akin.
Baka nga kung saan siya mapadpad.
Habang nasa bus kami, nakaidlip siya.
Pinatong niya ang ulo sa glass window at hinayaan ko na lang matulog.
Malamang pagod ang katawan at utak niya dahil sa training.
Nakakarelate ako kasi ganun din ako nung bago pa lang.
Hindi na nga ako nakakain dahil patang-pata ang katawan ko.
Bago tumigil ang bus sa tapat ng Sunridge Mall, ginising ko na si Maricar.
Pupungas-pungas pa siya at parang hindi alam kung nasaan na siya.
"Bababa na tayo." Tumayo na ako dahil bumukas na ang pinto at nagbababaan na ang mga pasahero.
Sinukbit niya ang itim na Jansport backpack at sumunod sa akin palabas ng bus.
Nagthank you ako sa babaeng driver at ganun din ang ginawa ni Maricar.
"Iba talaga dito ano?" Sabi niya habang naghihintay kami sa crosswalk.
"Anong iba?"
Napalitan na ng walk sign at tumawid na kaming dalawa.
"Pati driver, pinapasalamatan."
"Polite nga kasi ang mga Canadians di ba?"
Tumango siya.
"Malapit ka na din daw maging Canadian sabi ni Jackie."
"Depende kung papasa."
"Kayang-kaya mo iyan." Siniko niya ako at nagulat ako sa ginawa niya pero balewala lang sa kanya.
"Sabi ni Tita, magna cum laude ka daw nung grumaduate."
Ang daldal talaga ng nanay ni Jackie. Naisip ko.
Pero okay lang kasi hindi naman masama ang sinabi niya.
Ayoko lang kasi ng expectations.
"Alam mo, hanga ako sa mga tulad mo."
Naglalakad na kami sa sidewalk at paakyat na sa damuhan na shortcut pauwi sa bahay.
"Bakit naman?"
"Kasi, tamad akong mag-aral. Ewan ko nga kung paano ako nakagraduate sa college eh." Natatawang kwento niya.
"Bulakbol kasi ako nun tapos halos tres ang grade ko. Ayoko kasi ng course na pinakuha sakin ni Papa."
"Ano bang course mo?"
"Accounting."
"Eh bakit ka pumayag?"
"Kasi hindi ako binigyan ng choice ni Papa. Kung gusto ko daw ng ibang course, pag-aralin ko ang sarili ko. Eh ayoko naman kaya tiniis ko na lang."
"Paano ka naman napunta sa Jollibee?"
"Admin assistant ako nung umpisa tapos after one year, nag-aaply ako as manager kasi mas nagustuhan ko."
"I see." Very open si Maricar at interesado ako sa mga kuwento niya.
"Mas gusto ko ang nag-uutos kesa ako ang inuutusan."
Nagtawanan kaming dalawa.
"Pero mukhang dito ang karma ko. Ako ang tsimay." Sabi niya.
"Makakasundo mo din ang mga iyon. Bola-bolahin mo lang at sakyan mo ang trip. Pasasaan ba at bibigay din ang mga iyon. Ganun lang talaga sila sa umpisa. Bossy at maangas."
"Ano pa nga ba? Ang lagi ko na lang iniisip, this will be the key to a better future." Ngumiti siya.
"O di ba? Parang pang-Miss Universe lang?"
Nakalampas na kami sa alley.
Katatawid lang namin ng magvibrate ang phone niya.
Tiningnan ni Maricar ang screen tapos pinasok din agad sa bulsa ang phone.
"Boyfriend mo?" Bigla na lang lumabas sa bibig ko.
"Hindi." Nahihiya ang itsura niya kaya lalo akong naintriga.
"Girlfriend?" Di ko napigil ang bibig ko.
Maputi siya pero namula ang pisngi dahil sa sinabi ko.
"Sorry. I couldn't help but ask. Lagi ka kasing nararattle kapag may nagmimessage sa'yo eh." Nahihiyang paliwanag ko.
"Tama ka naman kasi."
"Saan ako tumama?"
"Sa sinabi mo."
"Alin dun?"
"Yung huli."
"I see. So, Ely is a girl?"
"Oo. Elizabeth pero Ely ang nickname niya."
"Matagal na kayo?" Kapag talagang nagsimula akong magtanong, dire-diretso ang bibig ko.
Sabi ni Kuya sakin dati, pwede daw akong maging reporter dahil ang hilig kong mag-imbestiga.
"Two years na." Sagot niya.
"Alam sa inyo?"
Tumango siya.
"Pero ayaw nila kay Ely."
"Bakit naman?"
"Playboy kasi."
"Pero mahal mo?"
"Oo."
"Eh paano iyan, ang layo mo. Hindi mo na siya pwedeng bantayan?"
"Ako nga ang binabantayan eh. Baka daw kasi may magustuhan akong blonde at blue-eyed lesbian, hindi niya daw kayang bugbugin dahil malayo."
"Mukhang loyal ka naman."
"Bakit mo naman nasabi?"
"Halos magkandarapa ka kasi para lang masagot ang tawag niya."
"Eh ayoko kasing mag-alala siya."
"Buti pumayag ng LDR?"
"Ayoko nga sana pero nung nakipagbreak ako, hayun. Lumuhod. Kesyo magbabago na daw siya at di na mambababae."
"Naniwala ka naman?"
"Hindi. Ngayong wala na ako sa Pinas, malaya siya sa gusto niyang gawin."
"Bakit pumayag ka kung alam mo na lolokohin ka lang niya?"
"Kapag mahal mo kasi, may isang bahagi sa puso mo na naniniwala na kaya niyang pangatawanan ang pangako niya. Yun na lang ang pinanghahawakan ko."
Narating na namin ang bahay.
Hinatid ko si Maricar sa pintuan bago ako tumuloy sa basement.
Umupo ako sa sofa at inopen ang Facebook sa phone.
May walong notification sa Messenger.
Isa dun ay galing kay Lise.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top