Chapter 10: Newcomer




Nasa Superstore ako at nagogrocery ng magtext si Jackie.

Pumunta daw ako sa bahay nila dahil may konting salo-salo.

Huwag na din daw akong magluto dahil maraming pagkain.

Buti na lang at hindi pa ako nakakaalis dahil dumaan ako sa liquor store para bumili ng isang bote ng Jose Cuervo Tequila.

Iyon kasi ang favorite naming inumin bukod sa nakakahiya kung pupunta ako na walang bitbit.

Noon pa man, hindi ko naging ugali na pumunta sa isang handaan na appetite lang ang dala.

I try to be a good guest by bringing something kahit maliit na bagay lang.

Dahil konti lang naman ang pinamili ko, hindi na ako nagtaxi.

Sayang naman ang bayad na almost fifteen dollars din lalo na at after bumaba sa train eh dalawang kanto lang naman ang layo ng bahay ko sa station.

Bumili ako ng cart na gawa sa light metal at waterproof tarp cover at yun ang hila-hila ko kapag nagogrocery.

Hindi stylish tingnan pero I'm more of a functionality kind of person.

Stylish ka nga pero kuba ka naman sa pagbibitbit ng mga pinamili.

Minsan, sinasama ako nina Jackie at ng nanay niya para pumunta sa Costco.

Dinadamihan ko ang binibili at mostly mga non-perishable items tulad ng toilet paper, laundry detergent at sabong pampaligo.

Pagdating ko ng bahay, dumadagundong ang bubong dahil sa lakas ng tugtog ng videoke.

Binaba ko muna ang mga pinamili at nilagay sa ref bago nagshower.

Nakakahiya naman kung pupunta ako sa bahay nila na amoy pawis.

Mabuti kung sina Jackie at ang pamilya lang nila ang nandoon.

Nagsuot ako ng pulang polo shirt at maong.

Rubber slippers na lang ang ginamit ko tutal aakyat lang naman ako.

Kinuha ko ang bote ng tequila na nakapatong sa table at umakyat na ako sa bahay nila.

Sakto namang kakatok ako ng bumukas ang pinto.

Ang tatay niya ang nakakita sa akin at pinapasok ako.

Mataba si Tito Nestor, usli ang tiyan at laging oily ang noo kahit taglamig.

Lalabas daw siya dahil kinulang sila sa yelo.

Inabot ko sa kanya ang bote ng alak pero sinabi niya na ibigay ko na lang kay Jackie.

Pagpasok ko sa sala, naabutan kong kumakanta ang bunso nila na si Marco.

Mang Jose ng Parokya Ni Edgar ang binabanatan niya.

Kahit sintonado, feel na feel niya ang pagkanta.

Tumayo si Jackie ng makita ako at inabot ko sa kanya ang tequila.

Napansin ko din ang isang babae na ngayon ko lang nakita.

Nakaupo siya sa gilid ng sofa at kumakain ng barbecue habang nakatitig sa lyrics sa TV.

"Nag-abala ka pa." Sabi ni Jackie sabay kuha ng dala ko.

"Nakakahiya naman kasi." Sabi ko.

"Ano ka ba?" Hinataw niya ang braso ko.

"Part ka na ng family namin ano?" Hinila niya ang kamay ko at niyaya pabalik sa dining area.

Inabutan niya ako ng paper plate at saka plastic spoon at fork.

"Pumili ka na lang ng gusto mo." Sabi niya bago binuksan ang ref para maglabas ng isang litro ng Coke.

"Anong okasyon?" Tanong ko habang nagsasandok ng kanin.

"Dumating kasi iyong pinsan ko galing Pinas." Sagot niya habang nagsasalin ng Coke sa red plastic cup.

"Sino?" Kumuha ako ng dalawang stick ng barbecue.

"Ipapakilala kita pagkatapos mong kumuha ng pagkain."

Naglagay din ako ng palabok at lechon kawali.

Pinagsalin ako ni Jackie ng Coke bago kami bumalik sa sala.

Buti na lang at tapos ng kumanta si Marco dahil sa totoo lang, ang sakit sa tenga ng pagkanta niya.

"Maricar, si Chanel nga pala." Pakilala sa akin ni Jackie sa babaeng nakaupo sa sofa.

"Hi." Masayang bati niya sa akin.

Maganda siya, maputi at light brown ang kulay ng pixie cut na buhok.

Kahit nakaupo, mukhang hindi nagmana ng height at weight kina Jackie kasi mahahaba ang binti at payat ang pangangatawan.

Magpinsan nga kaya sila?         

Baka naman ampon itong si Maricar?

Umupo si Jackie sa single chair kaya tumabi na lang ako kay Maricar.

"Kelan ka dumating?" Tanong ko bago kumagat sa barbecue.

"Kahapon lang." Nakangiting sagot niya.

"Welcome to Canada."

"Thank you."

"Sa Tim Hortons din siya magwowork." Sabi ni Jackie na abala sa pagkain ng buko pandan.

"Talaga? Sinong franchisee mo?" Curious na tanong ko.

"Si Tyler Johnson." Sagot niya.

Natigilan ako sa pagkain.

"Talaga?"

Nagulat naman si Maricar dahil naexcite ako ng konti.

"Oo. Kilala mo siya?"

"Eh siya yung may-ari ng Tims kung saan ako nagwowork." Ewan ko kung bakit natuwa ako ng malaman na iisa lang ang franchisee namin.

"Baka magkasama kayo?" Tanong ni Marco.

"Hindi ko alam. Di kasi ako updated sa mga chismis sa tindahan." Sumubo ako ng kanin.

"Busy ka kasi sa pagrereview ano?" Tanong ni Jackie na nilalantakan naman ang bag ng Ruffles sour cream potato chips.

"Oo. Isa pa, laging busy sa store."

"Kelan ba naman hindi naging busy sa Tims?" Sabad ni Marco.

"Mahirap ba ang trabaho?" Nakita ko na parang nag-aalala si Maricar.

"May trabaho bang madali?" Banat ni Jackie.

"Meron, Ate." Sabat ni Marco.

"Yung papetik-petiks tulad mo."

Binato siya ni Jackie ng throw pillow. Buti na lang at nasalo niya dahil kung hindi, sapol siya sa mukha.

"Uy! Tigilan niyo iyan. Para kayong mga bata." Lumabas ang nanay nila galing sa banyo.

Tumayo ako at nilapag ang pagkain sa lamesa para magmano sa kanya.

"Kaawaan ka ng Diyos." Sabi ni Tita sa akin.

"Hindi pa ba dumarating ang iba ninyong pinsan?" Baling ni Tita kay Jackie na barbecue naman ang tinitira.

"Mali-late daw po sila kasi galing pa sa trabaho."

"Chanel, hija, iinom ka ba?" Tanong ni Tita.

"Pwede po. Day off ko po bukas at saka sa Lunes."

"Aba swerte. Pwede kang magpuyat." Sabi ni Jackie.

Niyaya ni Tita si Jackie na tulungan siya sa kusina kaya naiwan kami nina Marco at Maricar sa sala.

Napunta ang atensiyon ni Marco sa phone niya na lihim kong pinagpasalamat.

At least makakapag-usap kami ni Maricar ng maayos.

"Mababait ba ang mga katrabaho mo?"

"Okay naman sila." Sagot ko.

"By okay, ibig sabihin, may mabait at may hindi?"

Nagkibit-balikat ako.

"Ganun naman sa lahat ng work di ba? Ang importante, marunong kang makisama."

Tumango siya.

"Bakit? Natatakot ka ba?"

"Medyo."

"Bakit naman?"

"Eh bukod sa mapapalaban ako ng Englisan, baka hindi ko makasundo ang mga kasama ko."

"Huwag kang mag-alala. May mga Pinoy naman sa bawat tindahan kaya for sure, meron kang makakausap. Isa pa, kasama mo naman ako."

Napangiti siya sa sinabi ko at lalo siyang naging cute sa paningin ko.

Para madistract siya, tinanong ko kung saan siya nakatira sa Pinas.

"Sa Sampaloc."

"Sa Manila ka ba pinanganak?"

"Oo. Doon na din ako lumaki."

Naikwento niya na bago siya pumunta sa Canada, manager siya sa Jollibee.

Eight years na siyang nagwowork dun.

"Eh bakit ka nag-abroad?"

"Sobrang stressful na kasi. Tapos nakabanggaan ko yung kitchen manager dahil lagi akong binubungaan sa food and paper cost. Nabwisit na ako dahil kahit madaling araw, text ng text. Nakakaloka!" She flipped her long bangs for emphasis.

"Buti at nagdecide kang mag-abroad na lang."

"Eh kasi nga, baka masapak ko lang yung kitchen manager namin. Bago pa mangyari iyon, ako na ang umalis. Ang sabi nga di ba? If you can't stand the heat, get out of the kitchen. Hayun! Literal na iniwan ko ang kitchen."

Natawa ako.

"So, ikaw lang ba mag-isa dito?" Tanong ko.

"Oo."

"Ikaw?"

"Ako lang din."

"Saan sa Pinas ang family mo?"

"Sa Cavite."

"Taga doon ang...." Hinintay kong tapusin niya ang sasabihin pero di na niya tinuloy.

Naisip ko na baka boyfriend niya ang nasa Cavite.

Ewan ko pero iyon agad ang pumasok sa isip ko.

Timing naman dahil biglang umilaw ang phone niya.

Nagmamadaling tumayo si Maricar at nilapag ang paper plate sa centre table para sagutin ang tumatawag.

Ni hindi na siya nakapag-excuse.

Papalayo na siya ng marinig ko na sinabi niya ang pangalan ng kausap.

Ely.

Boyfriend niya nga siguro.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top