Chapter 1: Outing
"Nasa sasakyan na ba lahat ng kailangan natin?" Tanong ni Nanay paglabas niya sa sala.
"Opo, Nay. Nacheck ko na lahat." Sagot ni Ate Estee, ang panganay namin.
Tatlo kaming magkakapatid.
Lahat kami were named after fragrances dahil mahilig sa pabango si Nanay.
"Ready na kayo?" Tanong ni Kuya Hugo paglabas niya ng kuwarto.
"Kanina pa." Sagot ko ng hindi inaalis ang tingin sa phone screen.
"Nasaan ba ang ama ninyo?" Iritadong tanong ni Nanay.
"Nasa CR pa po." Sagot ni Ate.
"Eh umihi na siya kanina ah."
"Nay, huwag kang high blood. Kilala niyo naman si Tatay. Kailangan laging nagsi-CR bago umalis."
Pagkasabi niya nito ay lumabas si Tatay sa sala.
"Ano na naman ba iyang tinatalak mo, Fernanda? Ang aga-aga, nagbububunganga ka."
"Eh tanghali na, hindi pa tayo nakakaalis."
"Wala pang alas-siyete." Katwiran ni Tatay sabay tingin sa wall clock.
"Parang ngayon ka lang nakapunta sa Tagaytay."
Hindi ko mapigil ang matawa.
Tiningnan tuloy ako ng masama ni Nanay.
Si Ate at Kuya naman, parang walang narinig dahil busy din sa kanya-kanyang phone.
"Eh ngayon lang natin makakasama ulit ang anak mo. Isa pa, six days lang siya nandito bago siya bumalik sa Canada. Ayokong mag-aksaya ng panahon." Mataray na sabi ni Nanay.
"Siya. Tama na ang satsat." Tiningnan kaming tatlo ni Tatay.
"Uy. Tumayo na kayo at aalis na tayo."
Sumunod kami sa sinabi ni Tatay at isa-isang lumabas ng pinto.
Nangunguna si Nanay na agad na binuksan ang passenger seat.
Sa pinalikod ako umupo samantalang sa likuran naman ni Tatay pumuwesto si Ate.
Si Kuya, umupo sa tabi niya.
"Ang dami-daming upuan dito ka pa talaga pumuwesto?" Mataray na tanong ni Ate.
"Bakit ba? Eh gusto ko dito umupo?" Katwiran ni Kuya.
"Tumigil nga kayong dalawa. Para kayong mga bata." Nilingon sila ni Nanay.
Tahimik ko silang pinagmasdan.
Sa totoo lang, namiss ko ang kakulitan at bangayan ng mga kapatid ko.
Apat na taon na kasi mula ng umalis ako papuntang Canada.
Nang mag-open ng program para sa temporary foreign workers, sinubukan kong mag-apply.
Hiring sila ng food attendants.
Kahit seven years na akong manager sa Starbucks, sumubok ako.
Sayang naman ang opportunity.
Isa pa, paano ko malalaman kung meron akong chance kung hindi ko susubukan?
Sa pinaghalong swerte, experience, dasal at pananalig, natanggap naman ako.
Matagal akong hindi nakauwi dahil sa pagpaprocess ng permanent residence status ko.
Tiniis ko ang homesickness dahil kailangan kong manatili sa Canada.
I realized na kung masipag ka, masusuklian ang pagod mo.
Dahil first world, ang daming opportunity para sa mga tulad ko na immigrants.
Ang kapalit nga lang, yung lungkot at sakripisyo na malayo sa pamilya.
Mas lalong mahirap kapag winter.
Ang lamig, nanunuot sa buto.
The very first time na nakakita ako ng snow, para akong bata na tuwang-tuwa habang nakatayo sa gitna ng kalsada at nakatingalang pinagmamasdan ang pagbagsak ng mga snowflakes sa kalangitan.
Gabi noon at lalong naging magical kapag naliliwanagan ng poste ang marahang pagbaba ng snow.
I was enthralled, speechless.
Dati kasi, sa movies ko lang nakikita ang ganoon.
Hindi ko akalain na darating ang araw na it would become a reality.
But after two weeks of the continuous cold, nawala na ang novelty.
I question myself kung ano bang naisip ko at iniwan ko ang family ko at ang napagandang weather sa Pinas?
Nawala ang pagmumuni-muni ko ng may dumapong cornick sa mukha ko.
"Hoy! Earth to Chanel." Nakangising sabi ni Kuya.
"Ha?" Tulalang tanong ko.
"Sabi ko, gutom ka na ba?"
"Kakain lang natin di ba?"
"Kaya hindi ka pumapayat dahil kain ka ng kain." Tukso ni Ate Estee.
"Eh ano naman ang masama dun?"
"Ang masama," lumapit si Ate sa kanya, " sobrang laki na ng tiyan mo. Daig mo pa ang buntis. Ilang buwan na ba iyang dinadala mo?" Tinusok niya ang tiyan ni Kuya.
"Eh ikaw, malnourished." Bwelta ni Kuya.
"Di bale na. At least hindi ko problema ang magpapayat ano?"
Sa pamilya namin kasi, hindi even ang weight distribution.
Si Ate, malakas kumain pero sobrang payat.
Dinala pa nga siya sa doktor dati ni Nanay dati dahil akala niya, may bulate.
Pero healthy naman daw sabi ng doktor.
Si Kuya, ang bilis tumaba.
Dahil malakas kumain, lalong lumalaki.
The last time I was here, he was trying to lose weight kaya nag-enrol sa gym.
He lasted for a month and lost fifteen pounds.
After that, tinamad na.
Nasa two hundred twenty pounds na yata ang weight niya.
Buti na lang matangkad siya.
Pero dahil nga malaki ang tiyan at mga braso, hindi maitago ng height ang katabaan niya.
Parehong matangkad ang parents namin at buti na lang, namana namin ito sa kanila.
Can you imagine kung may isang pandak sa amin?
Ang lakas pa naman mang-asar ng mga kapatid ko.
Ako, medium built pero matangkad din sa height na five feet nine.
Pwede kong kainin kahit anong gusto ko pero nakuha ko yung gene na madaling tataba kung magpapabaya.
Dahil puro trabaho ang ginagawa ko sa Canada bukod sa swing shifts, wala akong time mag-exercise.
But since I always loved running since high school, iyon na lang ang ginagawa ko.
I run bago pumasok or after my shift.
Kahit thirty minutes lang in a day, okay na sa akin.
"Malapit na tayo." Sabi ni Tatay.
Tumingin ako sa labas ng bintana.
Puro kakahuyan at puno ang nakikita ko mula sa matarik na burol.
This was my request pagdating ko.
Ang pumunta kaming lahat sa Tagaytay for an outing.
Dito kasi ako malimit pumunta dati kung gusto kong mag-unwind.
Kahit nagpoprotesta ang puso ko na huwag bumalik sa lugar na 'to, I silenced it by saying na kaya ko na.
Ang dami kasi naming memories dito ni Lise.
Nung nag-aaral pa ako at kami pang dalawa, malimit kaming pumunta dito kapag umuuwi ako during weekends at during sem break.
Matagal na kaming walang communication since we broke up.
I believed na sa tagal ng panahon na iyon, nakapagmove on ako.
Ang tanong, totoo nga kaya yun o nasa isip ko lang lahat?
Kaya ko na bang harapin ang mga memories without feeling pain or resentment?
There was only one way to find out and that is to revisit the place that have so much a part of our relationship.
Pinarada ni Tatay ang van sa tapat ng booth para bumili ng ticket.
"Ako na po ang magbabayad." Dinukot ko ang wallet sa pantalon.
"Ako ng bahala. Kayang-kaya ko na 'to."
Pagkatapos kunin ang ticket, pinaandar niya na ulit ang sasakyan.
Tiningnan ko ang relo at wala pang alas-otso ng umaga.
Hindi naman kasi masyadong matraffic dahil bukod sa maaga kaming umalis, Sabado ngayon.
Tinahak ni Tatay ang paakyat na daan papunta sa parking lot.
Pumili siya ng pwesto sa ilalim ng puno para daw kung uminit ang panahon, nasa shade ang van at hindi masyadong iinit ang loob ng sasakyan.
Bumaba na si Nanay para kunin ang mga dala naming baon.
Kagabi, tulong-tulong kami sa paghihiwa ng mga sangkap para sa niluluto niyang adobo at fried chicken.
Meron din kaming baon na egg sandwich na specialty ni Ate Estee.
Gumawa din siya ng leche flan at fruit salad para sa dessert.
Nagdala kami ng cooler para sa drinks at doon na din nilagay ang dessert.
Siyempre, pwede ba namang mawala ang kanin?
Dinala na lang namin ang rice cooker at di na nag-abalang ilipat sa Tupperware.
"Ikaw na ang magdala nito." Inabot ni Kuya sa akin ang tatlong plastic bag na punong-puno ng tsitsirya.
Lahat kami mahilig sa potato chips.
Noong pumunta kami sa grocery kahapon, iyon agad ang una naming nilagay sa cart.
Kumuha din siya ng isang malaking pack ng Boy Bawang, Chippy, Piattos, Clover Chips at Growers Peanuts.
Sigurado daw kasi niya na namiss ko ang mga ito.
Natuwa naman ako sa thoughtfulness ni Kuya.
Kahit lagi niya akong inuutusan at pinapaiyak nung maliliit pa kami, siya naman ang laging nagtatanggol kapag may nang-aaway sa akin.
Si Kuya din ang unang nakaalam na I was into girls.
Narinig niya kasi akong may kausap sa phone dati.
Dahil pakialamero, hindi niya ako tinantanan kung sino ang sinasabihan ko ng I love you.
Todo ang pag-iwas ko ng time na iyon kasi nabigla ako eh.
Pero di siya tumigil.
Kinonsensiya pa ako kasi naglilihim na daw ako sa kanya.
Kesyo close daw kami at kung anuman ang mangyari sa akin, sila daw ni Ate ang laging sasaklolo sa akin kung meron akong problema.
Magaling mang-guilt trip si Kuya.
Kahit nabigla ako sa ginawa niya at walang balak magcome-out nung oras na iyon, medyo vulnerable ako kasi sinusuyo ko ang girlfriend ko.
Nag-away kasi kami dahil I forgot about our monthsary.
Galit siya kasi feeling niya daw, work ang priority ko at hindi siya.
Dahil sa mga reasons na iyan, napaamin tuloy ako kay Kuya.
Mabigat din kasi ang loob ko dahil I was still in the closet at the time.
Isa din iyon sa mga reasons kung bakit nagtatampo ang girlfriend ko.
Siya kasi, open sa family niya.
Napakilala niya na ako at okay naman ako sa kanila.
Pero kapag napapag-usapan yung sa family ko, nagtatampo siya dahil nga hindi ko siya maisama sa bahay.
Dahil takot ako sa magiging reaksiyon ng family ko, hindi ko magawang isama siya.
Ayoko naman na i-introduce siya as a friend.
Lalo kasi akong makokonsensiya bukod pa sa gasgas na ang alibi na iyon.
It doesn't seem fair to lie to her especially to my family.
Kuya Hugo listened when I told him the truth.
Ni hindi siya nag-interrupt ng umamin ako.
After ko magkuwento, hinawakan niya ang kamay ko tapos nagtanong kung sigurado daw ba ako.
"Sigurado saan?"
"Na babae ang gusto mo? Are you sure you're not experimenting?"
"No, Kuya. Bata pa lang tayo. I knew I was into girls."
Siya naman ang nagulat sa sinabi ko.
"Really?"
"Oo. Do you remember that cute classmate of mine na transferee?"
"Sino? Si Christine? Yung iba-iba yung ribbon sa ulo kapag pumapasok?"
"Siya nga."
"Crush mo?"
"Oo. She was my first crush. Kaso, umalis din sila after six months kasi they migrated to London di ba?"
"Kaya ba wala kang ganang kumain nung mga time na iyon?"
Natawa ako kasi naalala niya ang detalye na iyon.
"Oo. I was so depressed kasi we were best friends di ba?"
"I see." Nagliwanag ang mukha niya at naintindihan na din sa wakas ang sinasabi ko.
Sinundan ko sila habang naglalakad pababa sa burol.
Nagtututuro pa si Nanay kung saan kami dapat pumuwesto.
Kahit maaga pa, tirik na ang sikat ng araw.
Naramdaman ko ang init at nasilaw ako sa liwanag.
Nakakapanibago kasi nasanay na ako sa panahon sa Canada.
Long cold winters, maulan kapag fall season, nagi-snow kahit June.
Nasanay na din naman ako pero there were times na naloloka ako sa papalit-palit na panahon.
"Dito na lang tayo." Kinawayan kami ni Nanay.
Ang napili niya ay isang cottage sa gitna kung saan kita ang Taal Lake.
Pinatong ni Ate ang dalang food containers sa lamesa.
Kinuha naman ni Nanay ang plastic table liner na may design ng mga pulang apples.
Tinulungan siya ni Ate na ihanda ang mga baon namin habang si Tatay eh nakatingin sa mga puno.
"Gutom na ba kayo?" Tanong sa amin ni Tatay.
"Si Hugo, gutom na yan for sure." Nakakaloko ang ngiti ni Ate.
"Ako na naman ang nakita mo." Asar na sabi ni Kuya habang nilalapag ang dalang water jug sa upuan.
"Ikaw, Nel, baka gutom ka na?"
Iiling sana ako pero inabutan ako ni Nanay ng egg sandwich.
Kinuha ko na lang at kinain na ito.
Tinawag ni Nanay si Tatay at binigyan din ng sandwich.
Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain at pagkatapos ay naisipan naming magkakapatid na maglibot-libot.
Nagpaiwan sina Nanay kasi magpapahinga lang daw sila.
Para kaming mga bata na naghabulan paakyat.
Si Kuya ang nahuli at ng makahabol eh hingal na hingal.
"Okay ka lang, Porky?" Pang-aasar ni Ate.
"Ang sama mo talaga." Nahagip siya ni Kuya at sinakal siya nito.
"Ew. Ang lagkit ng kamay mo. Yuck!" Tinulak siya ni Ate.
Magkakatabi kaming naglakad sa patag na daanan ng may nakita kaming puting Ford Explorer na pumarada.
"Wow! Ang gara!" Di napigil ni Kuya ang humanga.
Paano ba naman, kumikinang ang alloy rims bukod sa sobrang shiny ng sasakyan.
Hindi sana namin papansinin kung sino ang may-ari ng kotse kaso bumukas ang pinto at sabay na bumaba ang driver at ang nasa passenger seat.
Tumigil ako sa paglalakad.
Kasabay nito ang panandaliang pagtigil ng pagtibok ng puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top