Chapter 7
One week after namin lumipat, sina Maricar naman ang sumunod.
Nagtext siya kay Nel para sabihin na darating sila sa Sabado ng umaga.
Wala akong sideline kaya sinabi ni Nel na abangan ko ang dalawa.
Bandang alas-diyes ng marinig ko na may pumaradang sasakyan sa loob ng bahay.
Kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho online at tinigil ko ang pagtatype para tingnan kung sino ang dumating.
May itim na truck sa tapat ng bahay namin.
Magkasabay na bumaba si Maricar at Ely.
Pareho silang nakasimangot at mukhang nag-aaway dahil kumukumpas ang mga kamay ni Maricar habang kausap si Ely.
Ang boyfriend niya naman, ang lalim ng mga guhit sa noo habang nakikipagtalo sa kanya.
Bumuntong-hininga na lang ako.
Naikuwento na ni Nel sa akin na mas malimit kesa sa hindi, laging nag-aaway ang dalawa.
Hindi niya na daw iniintindi ang problema ng mga ito dahil kahit anong payo ang ibigay niya kay Maricar, hindi naman nakikinig.
Nakikinig na lang daw siya kapag nagkikuwento ito ng mga drama nila sa buhay.
Nang marinig kong bumukas ang pinto pababa sa basement ay tumayo ako.
Binuksan ko ang pintuan sa kusina.
Buhat ni Maricar ang isang malaking kahon.
Natigilan siya ng makita ako tapos pilit na ngumiti.
Hindi pa man nagsisimula ang paglilipat ng mga gamit nila ay tagaktak na ang pawis niya sa noo.
"Tulungan na kita." Alok ko.
"Naku, Lise. Huwag na. Kaya na namin ito."
"Ano ka ba? Wala naman akong ginagawa."
"Nakakahiya naman sa'yo."
"Okay lang."
Tinulak ko ang pinto as a sign na hindi na siya dapat makipagdiskusyon pa.
Papalapit na ako sa truck at nakita na may kausap si Ely sa phone.
Nakatalikod siya kaya hindi niya napansin na paparating ako.
Mahina lang ang boses niya pero naulinigan ko na tinawag niyang honey ang kausap niya.
Sorry din siya ng sorry at ang lambing ng boses habang kausap kung sino man ang nasa phone.
Nang mahalata niya na mukhang may tao, bigla niyang binaba ang phone.
Matipid na ngiti ang binigay niya sa akin bago kinuha ang isang kahon sa truck bed.
Naging awkward ang pakiramdam ko.
It took me back to that time when I was still married.
Takot na takot ako when I had an affair with Nel.
I only felt redeemed when I learned about Dan's infidelities.
Oo at hindi ako dapat umasta na parang santa dahil hindi naman ako malinis.
But in hindsight, kung puwede kong I-rewrite ang nangyari, I should have just separated from Dan.
Pero I held on for as long as I can hoping that what's left of us could still be saved.
Tahimik lang ako habang tinutulungan silang dalawa.
Pagkatapos naming ibaba sa basement ang mga kahon, niyaya ko silang kumain.
Tumanggi si Ely dahil hindi pa naman daw siya gutom.
Ang sabi ni Maricar, nagdrive-thru sila sa McDo.
Pero ng sinabi niya na tutulungan niya si Ely na mag-alis ng mga gamit, halos ipagtulakan niya ang girlfriend na sumama sa akin.
"Eh busog pa din naman ako eh." Katwiran ni Maricar.
"Nakakahiya naman kay Lise." Tiningnan niya ako.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Okay lang sa'yo kung pass muna kami?" Tanong ni Maricar.
"Oo naman. Katok lang kayo kung meron kayong kailangan." Tumalikod na ako.
Hindi pa ako nakakaakyat ng hagdan ay nagsalita si Maricar.
Pinagsabihan si Ely na matutong makisama at hindi iyong lagi na lang tumatanggi sa mga imbitasyon.
Kung tama ang hinala ko, baka kaya hindi pumayag sumama si Ely ay dahil sa kausap niya.
Baka balak niyang tawagan ulit.
Pag-uwi ni Nel, kinuwento ko sa kanya ang nawitness ko.
"I shouldn't judge dahil I cheated before pero bago ko nalaman ang mga indiscretions ni Dan, I used to feel so guilty."
Tumigil sa pagnguya si Nel at hinawakan ang kamay ko.
"Lise, we paid for what we did. Ikaw? Matagal kang nagtiis sa piling niya. You were kept in the dark tungkol sa mga ginagawa ni Dan. Iniwan kita dahil we tried to do the right thing."
"Masakit ang malagay sa ganitong sitwasyon, Nel."
"Anong balak mong gawin? Gusto mong sabihin kay Maricar ang narinig mo?"
"Wala ba siyang alam?"
"I think she knows. Kaya lang sobrang mahal niya si Ely. Baka iyon ang reason kung bakit nagbubulag-bulagan siya. Martir iyon eh."
"Paano kung dumating ang time na hindi niya na kayang magtiis?"
"I don't know."
Pagkatapos kumain, si Nel ang naghugas ng mga pinagkainan namin.
Kahit pa sinasabi ko sa kanya na hindi niya kailangang kumilos dahil pagod na siya galing sa trabaho, ayaw niyang pumayag.
She has to do her part daw.
Isa pa, kailangan ko ding magpahinga dahil nakakapagod din ang mga gawaing bahay.
Hinayaan ko na lang siya.
Maigi na din ang hindi siya ma-spoiled.
Habang naghuhugas siya ng mga plato ay inalis ko sa backpack niya ang madumi niyang uniform.
Kalalagay ko lang sa laundry basket ng mga damit ng mag-ring ang phone.
Lumabas sa call display ang pangalan ni Arlene.
Kinumusta niya ako pagkatapos kong maghello.
"Libre ka sa darating na Sabado?"
"Oo naman. Saan ang raket?"
"Eh baka di ka pumayag." Sa tono niya ay parang kinutuban ako.
"Bakit? Sa Sunnyvale ba?" Inunahan ko na siya.
"Oo eh. Hindi kasi puwede ang isang cleaner ko dahil pupunta sa BC. Magbabakasyon daw soon ng tatlong araw. Nagtanong na ako sa iba pero may mga lakad din sila." Apologetic ang tono ni Arlene.
Nahiya tuloy ako dahil parang siya pa itong nakikiusap eh ako na nga itong walang trabaho.
Noong huling nagkausap kasi kami, nabanggit ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Skylar.
Abot-abot ang paghingi ni Arlene ng pasensiya.
Ganoon daw talaga ang ugali ni Skylar.
Bigla na lang dumarating ng walang pasabi.
Hindi din daw nito ugali ang mag-lock ng pinto.
Pati daw siya, napagbuksan niya minsan at nagulat siya ng makita ito na nakapanty lang.
"Buti nga ng makita mo siya, may panty." Sabi ko.
"Sa akin, wala talaga."
Iiling-iling na natawa si Arlene.
"Sabi ko nga sa asawa ko dati, kung pupunta sa Sunnyvale, katukin muna ang pinto bago pumasok. Mahirap na. Alam mo naman ang mga lalake."
Nagtawanan kami.
"Sige. Ako na ang pupunta. Walang problema. Alas-nuwebe pa din ba?"
"Oo. Naku. Salamat ha? Ilang araw na akong namumuroblema kung sino ang pupunta doon eh. Fully-booked na kasi kami." Para siyang nabunutan ng tinik.
"Wala iyon."
Paglabas ko ng kuwarto, naabutan ko si Nel sa sala.
Katabi niya sa sofa si Maricar.
Ni hindi ko man lang narinig na pumasok siya sa bahay.
Nabaling ang atensiyon ko sa itsura niya.
Umiiyak ito at ng nag-angat ng mukha, may kulay talong na pasa sa kanang mata.
"Anong nangyari?" Umupo ako sa tabi ni Nel.
"Nag-away kami ni Ely." Humihikbing sagot niya.
Nagkatinginan kami ni Nel.
"Naliligo kasi siya ng mag-ring ang phone niya. Hindi ko naman sinagot kasi di ko naman ugali ang pakialaman ang telepono niya. Pero ng may pumasok na text, nabasa ko ang message. Tinatanong ng kung sinumang impakta na H ang name sa phone kung kelan babalik si Ely sa Edmonton. Miss na miss niya na daw ang honey bear niya."
Tumigil si Maricar sa pagsasalita dahil naiyak na naman siya.
"Kuha lang ako ng tubig." Tumayo ako.
Si Nel naman, inabot ang box ng tissue na nakapatong sa centre table.
Pagbalik ko, nagpupunas si Maricar ng mata.
Pulang-pula na ang ilong at pisngi niya dahil sa kakaiyak.
"Eto. Uminom ka muna." Inabot ko sa kanya ang baso na puno ng tubig.
Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang baso.
"Ang tanga ko talaga. Hindi na ako natuto." Sabi ni Maricar pagkatapos uminom.
"Kahit kinukutuban ako, binalewala ko lang. Ang katwiran ko, baka tamang-hinala lang ako. Kahit sinabihan ako ng mga barkada ko sa Pinas na bantayan si Ely dahil mukhang kinakati na naman, hindi pa din ako nakinig. Baka kasi kapag inaway ko si Ely, magalit siya at hindi matuloy ang paglipat niya sa Calgary."
"Ang masakit pa, kanina noong kinumpronta ko siya tungkol sa text, nalaman ko na hindi pala niya tinanggap ang offer sa kanya. Kesyo ang baba daw ng sahod at hindi maganda ang benefits. Balak niya daw maghanap ng trabaho sa ibang restaurant. Tambay daw muna siya habang wala pa siyang nahahanap." Napailing si Maricar.
"Saan nagpunta si Ely?" Tanong ni Nel.
"Baka bumalik sa Edmonton para puntahan ang impaktang honey bear niya."
"Eh bakit may pasa ka?" Tanong ko.
"Napikon siya sa kakabunganga ako. Ayaw ko kasing tumigil sa kakadakdak. Hayun. Sinapak ako."
"Kahit na." Sabi ni Nel.
"Hindi ka niya dapat pinagbuhatan ng kamay."
Tahimik lang si Maricar.
Tiningnan ko siya.
Sa tingin ko, hindi lang ito ang unang beses na sinaktan siya ni Ely.
"Kumain ka na ba?" Iniba ko ang usapan.
Umiling siya.
"May natira pang tinolang manok at kanin. Kumain ka muna."
"Huwag na. Wala naman akong gana eh."
"Maricar, kailangan mo ng lakas. Hindi mo kayang lumaban kung pati ang tiyan mo, walang laman." Tumayo na ako at pumunta sa kusina.
Sa bahay siya natulog ng gabing iyon.
Nakiusap siya sa amin ni Nel na baka puwedeng sa amin muna siya.
Ayaw niya daw mag-isa.
Bukod sa natatakot siya na baka bumalik si Ely at may gawin sa kanya, ayaw niya daw mag-isip ng kung anu-ano.
Pumayag kami ni Nel.
Bumaba lang si Maricar para maligo at magbihis.
Pagbalik niya, sa spare bedroom namin siya pinatulog.
Ayaw pa nga niya pumayag.
Okay na daw siya sa sofa pero pinilit ko siya.
Habang mahimbing na natutulog si Nel, gising na gising naman ako.
Pinapakiramdaman ko ang kabilang kuwarto.
Wala akong narinig na kaluskos o pag-iyak.
Baka nakatulog na si Maricar dahil sa pagod.
Naisip ko ang kalagayan niya.
I've been on both sides of the fence.
I cheated and been cheated on.
Parehong may kaakibat na sakit ang sitwasyon.
Sakit para sa taong sinasaktan mo at sakit para sa taong mahal mo.
Ayokong mangyari iyon ulit sa akin.
Hindi madali ang sitwasyon na kinalalagyan ni Maricar.
Bago matulog, pinagdasal ko na sana bigyan siya ng lakas at malinaw na pag-iisip.
Sana siya na ang magdesisyon na makawala sa relasyon nila ni Ely.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top