Chapter 6
Natapos namin ang paglilinis sa loob ng tatlong oras.
Tama nga si Arlene.
Ang perang binigay ni Skylar ay para sa apat na oras na trabaho.
Kahit imbiyerna sa akin si Skylar, may tip pa na fifty dollars.
Pero ang tuwa ko ng papunta kami dito ay napalitan ng inis at pagtataka.
Kahit napagod sa ginawa namin, hindi pa din maalis sa isip ko ang nangyari kanina.
Pagkalabas namin ng bahay, tahimik kaming naglakad ni Nel papalapit sa kotse.
Binuksan ko ang passenger side at mabilis na pumasok.
Pagkaupo niya, tinanong niya ako kung gusto kong kumain.
"Sa bahay na lang." Matamlay na sagot ko.
Pinaandar niya ang sasakyan at walang nagsalita sa amin.
Pagkalabas namin ng gate, doon lang ako nagtanong tungkol kay Skylar.
"Babe, puwede sa bahay na lang?" Pakiusap niya.
Lalo lang akong nainis sa sagot niya.
Ang akala ba niya, makakalimutan ko ang tungkol sa babaeng iyon kung patuloy siyang hindi iimik o di kaya ay magpapaligoy-ligoy?
"Gusto kong malaman ngayon na."
Tiningnan ko siya.
Nakatutok ang tingin niya sa kalsada.
"Okay." Sumulyap siya sa puwesto ko tapos bindlik ulit ang tingin sa kalsada.
Buti na lang at wala kami masyadong kasalubong na sasakyan.
"Nakilala ko si Skylar sa isang bar. That was during Arlene's birthday party. Gusto niya daw magsayaw so pumunta kami sa bar sa downtown kasama ang iba pa niyang kaibigan. That time, nandoon din si Skylar kasama ang mga barkada niya."
"So, paano kayo nagkakilala?" Naiinip ako na malaman ang sagot pero mukhang Nel was taking her time.
"Sa dance floor. Habang nagsasayaw, she was holding a beer bottle.
Nabangga niya ako tapos natapunan ng beer ang T-shirt ko. Lasing na siya noon and she was so sorry sa nangyari."
"Then what happened?"
"I told her it was fine pero mapilit siya. Sinamahan niya ako sa washroom para linisin ang T-shirt ko pero pagdating doon, bigla siyang tumakbo sa cubicle kasi nasusuka siya. Iyon lang."
"Iyon lang?" Hindi ako makapaniwala na hanggang doon lang ang kuwentong ito.
"Oo." Nagtataka ang itsura niya. "Bakit? Is there more to it?"
"Narinig ko ang sinabi niya sa'yo noong nagsorry ka sa kanya."
Naglapat bigla ang labi niya.
"Akala mo hindi ko narinig ano?"
"Wala namang masama kung magsorry ako."
"Ang taong nagsosorry, siya ang may kasalanan. Nel, wala akong ginawa sa kanya so hindi ka dapat humingi ng tawad."
"Lise, she's paying us."
"So what? Kung ako lang, sa kabastusang ginawa niya, iiwanan ko siya."
"You don't understand."
"Enlighten me then," Naghahamon ang tono ko.
"Isa sina Skylar sa big clients nina Arlene. Isipin mo na lang na ang negosyo nila ay umaasa sa mga referrals from their clients. So far, dahil satisfied sila sa service nina Arlene, may lima pang kliyente na referred nina Skylar. Kung masira ang reputasyon nila dahil sa nangyari, puwedeng mawala din ang iba nilang kliyente."
"Sinisisi mo ako ganoon?"
"Lise, I'm not blaming you. I was just explaining. Ang company nina Arlene, maliit lang siya. Marami silang kakumpetensiya. Without the testimonials, hindi madaling makakuha ng kliyente." Huminga siya ng malalim.
" Sa nature ng trabahong ito, tulad ng trabaho ko sa coffee shop, malimit kong lunukin ang pride ko." Matigas ang tono ng boses niya.
"Hindi dahil sa hinahayaan ko silang tapakan ang pride ko. Minsan, kailangan talaga ang magpakumbaba kahit napakadaling magalit at gumawa ng marahas na desisyon."
"But you heard what she said to me di ba? Tinawag niya akong help. Katulong iyon, Nel. Tapos pinamukha pa niya na wala akong modo."
"Dahil iyon naman talaga tayo eh. We are helpers." Saglit siyang tumigil na parang iniisip kung ano ang sasabihin sa akin.
"When you told me na inalok ka ni Arlene na magsideline sa cleaning, I expected you to say no. To be honest, I was really wishing na hindi ka pumayag. Bukod sa hindi naman talaga ito ang linka mo, doing this kind of job is a hard pill to swallow. Skylar is not rude."
Nagsalubong ang kilay ko.
"I know you think otherwise dahil sa nangyari kanina pero the few times I was there, isa siya sa mabait na tao na nakaharap ko. Iyong ibang client nina Arlene, hindi kami pinapaalis hangga't hindi iniinspect ang ginawa namin. The worst ones are those who make us feel like thieves. Oo nga at it's better for them to lock up their valuables pero kung alam ko sa sarili mo na hindi ka naman magnanakaw, it's a rude awakening when you actually see people do that."
Isang malalim na buntong-hininga na naman ang pinakawalan niya.
"This is why I asked kung gusto mo talagang gawin ito. Aminin man natin o hindi, karamihan sa mga Pinoy, kilala sa ganitong linya ng trabaho. We do these kinds of job dahil kahit meron tayong mga degree na natapos, our credits our not enough kung ikukumpara sa Canadian education. I mean, there's nothing wrong with what we are doing. Marangal naman ito eh. Kaso, may mga tao na mababa ang tingin sa atin. Isa pa, hindi naman mapangmata si Skylar. Baka meron lang iyong pinagdaanan. Or kung ikaw ang nasa puwesto niya, magugulat ka din di ba?"
"Sige. Ipagtanggol mo pa siya." Nanggagalaiti na sabi ko.
"Okay. She was harsh when she called you the help. At hindi mo kasalanan kung hindi ka kumatok dahil ang alam natin, walang tao. There. Is that better?" Ngumiti siya.
Sumimangot ako lalo.
"Ano iyong sinabi niya sa'yo na you know how she is when she's in the bedroom?"
Naglapat ulit ang bibig niya.
"Siguro ex mo si Skylar ano? Umamin ka."
Hindi siya sumagot kaya lalo tuloy akong naririndi.
Bakit may pa-mysterious effect pa na nalalaman itong si Nel?
Dumiretso ako ng upo at tumingin sa kalsada.
Asul ang langit at walang ulap pero ang nakikita ko, itim.
"She told me she likes me."
Nilingon ko siya.
"At anong nangyari?"
"Walang nangyari. That time, I don't want to be with anyone. Ikaw pa din ang laging laman ng isip ko dati."
"Sus. Nambola ka pa." Nagpakipot ako kunyari.
Kahit kinikilig ako, may isang bahagi sa isip ko na hindi makapaniwalang tinanggihan niya si Skylar.
Oo at mukha siyang bruha kanina dahil galit na galit siya pero ngayong nahimasmasan na ako, naisip ko ulit ang itsura niya.
Matangkad ako pero ilang inches na lang eh six feet na ang height ni Skylar.
Alo siyang tumangkad kasa ang posture, straight body talaga.
Shoulders back, head held high, Skylar exuded confidence.
Payat siya pero hindi naman skeletal.
Hazel yata ang kulay ng mata kasi natitigan kong maigi during our confrontation.
Hindi naman pula talaga
More like dark orange with flecks of gold.
Ang kutis, makinis na parang porselana.
Para siyang vampire sa movie na Twilight.
Napansin ko din na meron siyang tatlong maliliit na nunal sa gilid ng kanang pisngi malapit sa panga.
Brunette ang buhok na abot hanggang balikat at may bangs.
Nang lumabas siya ng kuwarto, amoy rose at coconut oil ang lotion niya.
"So, ba't di mo siya pinatulan? Tumanggi ka sa grasya eh siya na ang lumapit sa'yo?"
"She just turned eighteen when we first met."
"Oh." Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.
"If I not mistaken, twenty-three na siya ngayon."
"Kaya naman pala ganun ka-immature magsalita. Walang pakundangan."
Pero hindi pa din niya sinasagot ang tanong kaya inulit ko na naman.
"Nabuksan ko din dati ang kuwarto niya ng hindi kumakatok."
Unlike kanina na gulat ang naramdaman ko when I saw Skylar in all her naked glory, nagtawanan na lang kami ni Nel.
"Hubadera pala ang lola mo."
"You should have seen my face then. Sobrang pula ng mukha ko. Ako ang nahiya, hindi siya."
"I bet hindi siya nagalit sa'yo when that happened."
"Hindi naman."
"Was she actually seducing you?"
"I don't know. Di naman siguro. I was a last minute replacement at hindi niya alam na I was coming over para maglinis."
"Baka kung alam niya na ikaw ang darating, baka kung ano ang ginawa niya sa'yo."
"Are you jealous?" Pinatong ni Nel ang kamay niya sa hita ko.
May init na gumapang sa binti ko.
"Hindi ano?" Pagtanggi ko.
"You have nothing to be jealous of. If I turned her down noong single pa ako, walang reason for me to give in lalo na at magkasama na tayo."
I took her hand and gave it a light squeeze.
Somehow, alam ko na I can hold on to Nel's words.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top