Chapter 5




"What the fuck?" Sigaw ng babae na nakahubad pero nanatili lang siya na nakatayo.

Ni hindi man lang niya kinuha ang robe na nakapatong sa kama.

Kita ko tuloy ang lahat sa kanya hindi lang ang galit sa mga mata kundi pati na din ang boobs at ang well-trimmed soft hairs between her legs.

Ako ang biglang tumalikod.

Napasandal ako sa dingding dahil sa gulat.

Narinig ko ang mga yabag na tumatakbo paakyat.

"Lise? Anong nangyari?" Nasa harap ko na si Nel.

Suot pa niya ang blue rubber gloves at hawak sa isang kamay ang plastic dust pan.

"Ma...may tao," Tinuro ko na lang ang kuwarto.

Sinundan ni Nel ng tingin ang kamay ko.

Napanganga siya.

Nakahubad pa din ba ang babae?

Nasagot ang tanong ko ng lumabas ito ng kuwarto.

Nakasuot na siya ng makapal na maroon na velvet robe.

"Don't you know how to knock?" Sa akin siya nakatingin.

"Don't you know how to lock?" Buwelta ko naman.

Nagtitigan kaming dalawa.

Her eyes were like balls of fire.

Ang talim ng tingin niya sa akin.

"Skylar?"

Sabay kaming napatingin kay Nel.

"Chanel?"

Kilala nila ang isa't-isa?

Paano?

"What are you doing here?" Hindi na masyadong galit ang tono niya.

"I'm...we're cleaning." Inangat niya ang dust pan, "obviously."

Nginitian niya ang babae.

Ako naman ang nagulat sa reaksiyon niya dahil bigla siyang bumait.

Kahit nagtataka, this was not the right time to ask her anything.

There's a very tall and a very angry girl between us.

"Next time, can you teach the help some basic manners?" Tinaasan ako ng kilay ng babaeng hubadera.

The help?

Putsa.

Napagkamalan pa akong katulong.

"Eh sira ulo ka pala eh?" Hindi ko na napigil ang sarili ko.

Katulong na ang tingin sa akin tapos pinagbintangan pa ako na walang modo.

"What?" Lalong naimbiyerna itong si Skylar dahil nag-Tagalog ako.

"I said you're crazy."

Nanlisik na naman ang mga mata niya.

"Who hired you?" Dinuro niya ako ng mga mahahaba at matitilos niyang daliri.

She had red nail polish but the nails were cut close to the skin.

Bago pa ako makasagot ay pinagitnaan na kami ni Chanel.

"Please, no fighting."

"Eh itong mahaderang babaeng ito, hinahamon yata ako." Umabante ako pero hinarang lalo ni Nel ang katawan niya.

"You bitch!" Buwelta naman ni Skylar.

"I'm gonna have you fired." Pagkasabi nito ay tumalikod siya.

Binalibag niya ang pinto pagpasok sa kuwarto.

Tiningnan ako ni Chanel na parang ako pa ang may kasalanan.

"Ba't ganyan ang tingin mo sakin?"

"Hindi mo dapat siya inaway." Para siyang nagsesermon sa isang bata.

"First of all, hindi ko siya inaway. Ang sabi ni Arlene, walang tao dito. Malay ko ba na nandiyan siya sa kuwarto?"

"Kahit na." Mahinahon ang tono niya.

"Di mo na siya dapat pinatulan."

Lalo akong nairita.

"Teka nga." Namewang ako.

"Bakit parang mas kinakampihan mo pa siya? At tsaka bakit kilala mo iyon?" Tinuro ko ang pintuan ng nakasarang kuwarto.

Baka kung banggitin ko ang pangalan ng mahaderang si Skylar eh lumabas ng kuwarto at magkaroon ng Round 2.

"Hindi ito ang tamang lugar para magpaliwanag. Isa pa, may gagawin pa tayo." Paiwas na sagot niya.

Lalo tuloy akong nahiwagaan.

Halatang umiiwas si Nel sa mga tanong ko.

"Ang mabuti pa, maglinis na tayo para matapos na." Lumakad siya pabalik sa hagdanan.

Sa ginagawa niyang ito, mas nacurious akong malaman kung paano niya nakilala si Skylar.

Kahit nanggagalaiti, tama naman siya.

Bukod sa kakaumpisa pa lang namin maglinis, hindi ito ang tamang lugar.

Lagot ka sakin mamaya.

Pagkababa ni Nel, pinuntahan ko ang pinakadulong kuwarto.

Nakahawi ang makakapal na kurtina at natatamaan ng sikat ng araw.

Sa gitna ng kuwarto ay may king-sized bed na natatakpan ng makapal na green and white checkered bedsheets.

Nakasandal sa headboard ang apat na malalaking unan.

Sa kanang bahagi ay may oak nightstand kung saan nakapatong ang silver statue ng isang astronaut.

Sa tapat ng kama ay may malaking picture frame ng isang lalake na nakablue and red hockey jersey.

May logo ng white horse sa gitna ng jersey shirt.

Nakaharap ang lalake pero dahil nakasuot ng helmet, hindi ko makita kung kamukha siya ni Skylar.

Tama nga si Nel na mukhang matagal ng hindi nagagamit ang kuwarto.

Kulob ang amoy at walang kalat o indication na may nago-occupy dito.

Sinimulan kong magdusting at hindi nga kailangang mag-effort dahil malinis naman.

Pati ang ilalim ng kama, walang nakatagong sikreto.

Oo nga at regular itong nililinis ni Arlene but the room lacked the energy of the people who inhabits it.

Masyadong organized ang lahat.

Nakakadepressed tingnan.

There were no signs of life.

Dahil iniwan kong bukas ang pinto, narinig ko ang pagsara sa pintuan ng kuwarto ni Skylar.

Lumapit ako at narinig ang mga yabag niya habang bumababa sa hagdan.

Lumabas ako ng kuwarto at nakinig.

Pinatay ni Nel ang vacuum.

Sinabi sa kanya ni Skylar na I-arm ang security pagkatapos naming maglinis.

Oo ang sagot ni Nel.

Binigay din sa kanya ni Skylar ang bayad.

May banat pa na dapat daw bawasan niya dahil sa attitude na pinakita ko.

"But I'm not going to do that because of you."

Ganun?

Anong mga banat iyan?

Nilalandi ba niya ang girlfriend ko?

Babalik na sana ako ulit sa kuwarto ng marinig kong tinawag niya si Skylar.

Nag-sorry siya dito.

"Just make sure she knocks next time. You know how I am when I'm in the bedroom." Sabi ni Skylar bago lumabas ng pinto.

What?

Nakuyom ko bigla ang mga kamay ko.

Naku, Chanel. Ang dami mong dapat ipaliwanag sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top