Chapter 27
The sky was bright and there was a slight chill in the air on the day of Kuya Hugo's wedding.
Bago dumating ang araw na ito, worried si Nanay.
Ilang araw na kasing umuulan.
Ang balita sa TV, may low pressure area na namumuo.
Kaya naman ng gumising kami at sumisikat ang araw, napasigaw si Nanay ng praise the Lord.
We stayed in a hotel sa Makati para malapit sa simbahan kung saan ikakasal si Kuya at si Maggie.
Doon kasi nakatira ang family nila pati mga kamag-anak.
Pagdating namin sa simbahan, halos mapuno ang parking lot.
Buti na lang at nakareserve ang space para sa bride and groom kaya hindi na kailangan ni Tatay maghanap ng mapaparadahan.
Kuya got out of the passenger seat first.
The night before, hindi siya masyado makatulog.
Tumambay kaming tatlo sa terrace at nagkuwentuhan.
Tuwang-tuwa si Kuya dahil bati na kami ni Ate Estee.
"Alam ko naman na darating ang time na magkakaayos kayo eh."
Nang araw na nag-usap kami, naabutan kami nina Nanay at Tatay sa sala na nanonood ng movie sa Netflix.
Sabi ni Ate, hindi pa daw niya napapanood ang The Old Guard.
Kahit napanood na namin ni Lise, sinamahan ko si Ate.
Nang makita kami ni Nanay na magkatabing nakaupo sa sala, tinanong niya kung anong milagro ang nangyari.
Nagkatinginan lang kami ni Ate.
Tinawagan ko si Lise that night.
Nang magkabati kami ni Ate, nabawasan na din ang tampo ko kay Lise.
When I told her I finally talked to my sister, tuwang-tuwa siya.
But when I asked kung darating siya sa wedding, the disappointment came back.
Her mind was set on not going.
"Pero Lise, okay na kami ni Ate. You have nothing to worry about." I couldn't hide the excitement in my voice.
"I know and I'm happy na nag-usap na kayo. You should enjoy it. You have a lot to catch up on."
"Hindi ka talaga pupunta?"
"Nel, please?"
"Can you at least think about it?"
There was a long pause.
Inalis ko ang phone sa tainga to check if we got disconnected.
"Okay. Pag-iisipan ko."
Nicole was inside the church when we came in.
Lumapit siya sa amin at naghello.
Bago siya umalis to do the final checks, tinanong niya si Kuya Hugo kung ready na ito.
"Ready na." He smiled.
Ang galing ng naging transformation ng maliit na parokya.
Noong sinama ako ni Kuya sa lugar, the church was old and needs repair.
The wall paint was peeling and there were brown water spots sa ceiling.
Ang sabi ni Kuya, Maggie's family was a member of the church mula pa noong maliliit sila.
Kaya kahit they can go to a bigger and better church, loyal sila dito.
Nicole weaved her magic by decorating the pews with dozens and dozens of pastel colored roses.
Naglatag din sila ng red carpet sa makipot na aisle.
The sunlight streaming from the stained glass windows gave the pulpit an ethereal reflection.
Even the statue of Jesus on the cross glistened.
Bukod diyan, the place smelled really good from the roses.
Halos puno na ang mga upuan sa simbahan.
My parents walked to the front pew kung saan sila sinalubong ng magulang ni Maggie.
Nagkamay ang mga tatay ng ikakasal at nagbeso naman ang mga nanay.
Nagpaalam si Ate Estee dahil she had to join the bridesmaids at niyaya ako ni Kuya Hugo sa harap ng simbahan.
I was his best woman.
Hindi niya daw alam kung ano ang ginawa ni Nicole at napapayag ang pari na ako ang gumanap sa role na iyon lalo na isa itong Catholic church.
Nagulat na lang daw siya ng sinabi nito na approved na ako ang maging best woman niya.
It felt weird standing there in my dark suit.
Hindi na kasi ako nagsisimba when I realized I was gay.
My phone felt warm in my pants pocket.
I took it out and felt sad when I didn't see the text I was expecting.
Umaasa pa din ako na Lise will change her mind.
When I woke up this morning, there was a text.
Good luck daw for today.
Tinanong ko ulit siya if she was coming.
She said she wasn't sure then told me to have fun.
Her refusal to go dampened my excitement.
Big time.
This is a major event sa family namin at hindi ko siya kasama.
I'm still praying na magbago ang isip niya.
Kagabi habang sinasamahan namin ni Ate Estee si Kuya Hugo, tinanong ako ni Ate kung may balak kami ni Lise na magpakasal.
I was surprised by it not only because it was a significant thing but also because it was Ate who asked.
Sinabi ko na hindi namin napag-uusapan ni Lise ang tungkol dito.
"Bakit hindi? You live together. You're practically married."
"Hindi pa ako handa." Sagot ko.
Nagulat sila sa sagot ko.
"Ikaw itong hindi handa? You were so excited when you reunited with Lise. Niyaya mo siya to go to Canada." Sabi ni Ate.
"I know but it doesn't mean I'm ready to settle down. Iba iyon, Ate. We're talking about a lifetime commitment."
"Bakit? May balak ka pa bang maghanap ng iba?"
"Hindi naman sa ganoon, Ate. But Lise and I are taking our time. Alam niyo na. She just got there and it was a big move. Hindi madaling mag-start sa ibang bansa. It took her a long time to find work. Naging cleaning lady nga siya dahil walang trabaho for accountants. Alam niyo naman ang nangyari sa world economy dahil sa Coronavirus di ba?"
Tumango sila.
"Ngayon ako naman ang walang trabaho."
"Sabi nga ni Nanay." Sang-ayon ni Ate.
"Napatunayan mo ba kung sino ang nagsulsol sa boss mo?"
"Hindi na. Hinayaan ko na lang. Darating din ang karma."
"Alam mo," Inakbayan ako ni Ate, "take it as an opportunity. Mag-aral kang mabuti para masuklian mo ang hirap ni Lise."
I smiled because I saw that she meant what she said.
"What if si Lise ang magpropose?" Biglang tanong ni Kuya.
"I don't know." I felt uneasy all of a sudden.
Para akong nacorner.
"Does it mean maghihiwalay kayo if you said no?" Tanong ni Ate.
"Hindi naman siguro. Isa pa, I don't think she's in a rush to get married."
"Kunsabagay. The last one was a disaster. Hindi pa din ako makapaniwala na ginawa iyon ni Dan." Sabi ni Ate.
"I mean, after ko mapag-isipan ang mga nangyari, nashock ako na bukod sa ang dami niya palang babae, halos mapatay niya si Lise sa bugbog."
"Hindi ako nagulat." Sabi ni Kuya Hugo.
Napatingin kami sa kanya.
"Noong minsan kasing nakasama ko siya sa inuman, ang dami niyang kuwento tungkol sa mga kasamahan niya. Hindi ko alam kung totoo ba o hindi. Akala ko nagyayabang lang siya na ang mga babae ang lumalapit sa kanya. Kaya noong nagkabukingan na, doon ko napatunayan na totoo pala iyong mga kuwento niya."
"Kaya ikaw, Hugo, magtino ka. Baka mamaya, lokohin mo lang si Maggie lagot ka sa mga kapatid noon. Di ba may mga kapatid siyang lalake? Iyong isa, sundalo. Iyong isa naman, pulis?"
"Oo na. Ba't ko naman lolokohin si Maggie eh love na love ko iyon?"
"Malay mo di ba? Lalo na ngayon. Hindi ka na mataba. Lalo kang gumuwapo mula ng pumayat ka."
Namula ang pisngi ni Kuya.
"Ikaw din, Chanel." Paalala niya.
"Bakit ako?"
"Kapag nakita ka ni Lise na kausap ni Nicole, baka magselos iyon."
"Ano naman ang kinalaman ni Nicole?"
"Mukhang type ka niya eh."
"Ano ka ba, Ate? Friends lang kami noon."
"Friends. Basta. Huwag mong bigyan ng dahilan si Lise na magselos. Alam ko naman na mahal ka noon or else hindi ka niya susundan sa Canada."
When we said goodnight, I went to bed peaceful.
Happy with the thought na Ate Estee cares about my relationship with Lise.
May lumapit na babae sa pulpit at nag-announce na magi-start na ang ceremony in ten minutes.
Kuya Hugo stood up straight.
"Ready ka na, Kuya?" Tanong ko.
"Oo, Nel. Handa na ako."
Five minutes before the ceremony was about to start, I heard Nanay said something that made me turn around from where I was standing.
Lumingon ako and what I saw made me smile.
Lise came.
She was talking to Ate Estee.
They were standing so close to each other that even from far away, their smiles were enough to tell me that my prayer was answered.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top