Chapter 26
I like Christmas.
Noong maliliit pa kami, I was the most excited pagdating ng September.
Kapag sinabi ni Nanay na ilalabas na namin ang Christmas tree, ako ang nangungunang kumuha ng mga decorations.
Gumagawa din kami ng mga simpleng parol na sinasabit namin sa harap ng bahay pati sa bawat bintana.
Pagkatapos buuin at itayo ang Christmas tree, sa akin binibigay ni Tatay ang honor of plugging it in.
I would clap as if it was the very first time I have seen it.
I wished I could feel the same way now.
But sitting in front of the bay and watching the waves ebb and flow, hindi ko maramdaman ang saya.
I was shocked with Lise's announcement.
Hindi ko talaga inexpect na magbabago ang isip niya.
Months before we were scheduled to fly to the Philippines, we went shopping for her clothes.
She chose a simple pastel gown in keeping with the color scheme.
Excited din siya sa kasal ni Kuya.
That was why I was very disappointed na ayaw niyang pumunta.
Naiintindihan ko naman ang reason niya.
Alam ko din na it will be awkward kapag nagkasama sila ni Ate Estee.
Pareho silang prangka.
Parehong hindi kayang makipagplastikan.
I just wished na sana man lang, kahit sa ilang oras ng kasal ni Kuya, magkaroon ng ceasefire.
It's asking a lot dahil alam ko din na hindi iyon mangyayari.
I really wanted Lise to be there.
It would be the first time na magkasama kami as a couple sa isang importantent family gathering.
Gusto ko siyang ipakilala sa mga bisita.
I don't care kung tumaas ang kilay nila if they learned who she is.
Hindi na mahalaga iyon sa akin.
I am finally out of the closet.
Wala akong balak bumalik doon just because others disapproved of me or my relationship.
In a perfect world, gusto kong maging okay kami ni Ate Estee.
Gusto kong tanggapin niya kami ni Lise dahil she is already a part of our family.
I don't like na hindi kami nagkikibuan.
Nasasaktan din naman ako sa silent treatment na binibigay niya sa akin dahil magkapatid kami.
But I tell myself na ilang linggo lang naman kaming nasa Pinas.
Titiisin ko na lang until makabalik kami ni Lise sa Canada.
But it's hard to ignore the wall between us.
Mataas ito, matibay.
Hindi agad matitibag.
Or hindi nga ba?
O baka naman dahil ayaw lang namin parehong magbaba ng pride kaya habang tumatagal, lalong lumalaki ang gap naming magkapatid?
I thought of what Nicole said.
How it boils down to two things.
May issue nga ba si Ate Estee sa pagiging lesbian ko?
O dahil ayaw niya kay Lise para sa akin?
Naputol ang pagmumuni-muni ko with the sound of the seagulls squawking.
Two birds gliding smoothly in the air and then suddenly dipping their beaks in the water for a catch.
They have to do that to eat.
Kailangang mag-effort.
The fishes won't magically offer themselves as sacrificial dinner.
You should do the same. A small voice said.
"What thing?" Pinatulan ko ang boses.
"Make an effort with Estee. Tear the wall one brick at a time. Be the sacrificial dinner."
I scoffed.
"Ako pa talaga ang gagawa ng effort?"
"If you don't, who else will?"
"Why not her?"
"Then your dream of your family and Lise getting along will just be that. A dream."
Pinarada ko ang kotse ni Kuya Hugo sa gilid ng gate namin.
Alam ko na wala sina Nanay at Tatay sa bahay dahil pumunta sila sa mall para mamili ng mga ireregalo sa mga inaanak nila.
Pagpasok ko sa gate, nagulat ako dahil bukas ang pintuan ng bahay namin.
Pero tahimik naman.
Hindi nakabukas ang radyo o TV.
Di kaya nakabalik na sina Nanay?
Lumakad ako papasok sa pinto.
Bago tumuloy, inalis ko muna ang suot na sapatos.
Katatanggal ko pa lang ng isang pares ng biglang lumabas sa terrace si Ate Estee.
May hawak siyang baso na may lamang iced tea.
Nagkatinginan kaming dalawa.
Pareho kaming hindi nakapagsalita dahil nagkagulatan.
Tatalikod na siya pero bigla ko siyang tinawag.
"Ate, puwede ba tayong mag-usap?"
Tumayo siya ng tuwid tapos bumuntong-hininga.
"Anong pag-uusapan natin?" Sumandal siya sa pinto.
"Alam mo naman kung ano di ba?"
"Okay. Ano bang gusto mong sabihin?" Mataray na tanong niya.
"Galit ka ba sa akin dahil isa akong lesbian o galit ka dahil I'm with Lise?"
Hindi siya agad sumagot.
"I came out almost three years ago. During that time, hindi na tayo nag-usap. Ano ba talaga ang problema?"
"You lied, Nel. Ginawa mo akong tanga. Iyan ang dahilan kung bakit ako nagalit sa'yo."
"Paano kita ginawang tanga? Kahit gusto kong sabihin sa'yo ang totoo, hindi ganoon kadali."
"Tinanong kita dati. Noong malimit kang tumambay kina Lise."
"Hindi ko matandaan."
Totoo naman.
I'm not making excuses.
"Siguro nga hindi mo na maalala. Pero may kutob na ako kaya nilapitan kita. Nagtanong ako kung meron kang gustong I-share sa akin. Noong bata ka pa, hindi ka naglilihim sa akin. Lahat sinasabi mo. Kahit nakakahiya o magmumukha kang katawa-tawa, kinukuwento mo sa akin. Tapos noong nakilala mo si Lise, bigla kang nag-iba. I thought excited ka lang kasi may bago kang kaibigan. Pero minsan umuuwi ka tapos ang saya-saya mo. I never thought anything of it. Akala ko, happy ka lang kasi may bago kang best friend. You know that term? Blooming? Alam mo kung anong ibig sabihin noon di ba?"
Hindi ako sumagot.
"Hindi ko masyado inentertain ang mga naiisip ko. Baka kasi I was just imagining things. Para sa akin hindi mo naman siguro papatulan si Lise dahil may asawa siya. Isa pa, bata ka pa. Malaki ang agwat ng edad ninyo. Hindi ka naman siguro tanga para sirain ang buhay mo di ba? I guess I expected too much from you."
"Ate, hindi ko naman sinasadya eh. I fell in love."
"Kaya nga tinanong kita. Bukod kasi sa happy ka, may mga times din na uuwi ka pagkagaling mo kina Lise na aburido ka. Hindi ko maintindihan kung bakit moody ka. Kahit hindi mo naman period, ang init ng ulo mo. I asked because I want you to know that you can talk to me."
"It's not that easy, Ate. Kung ganoon kadali eh di sana hindi nagalit si Nanay. Sana hindi tayo nag-away."
"Ang sabihin mo, it's not easy having a secret. How to hide it makes it even harder."
"Kaya ba nagalit ka sa akin?"
"Oo. Sa inyo ni Lise. Lalo na sa kanya. You were what age then? Eighteen? Ang bata mo pa. Ang dami mo pa sanang tao na makikilala. Feeling ko hindi mo na-enjoy ang pagiging teenager dahil you built your world around her. You could have met someone your age. Someone...unmarried."
"Pero siya ang mahal ko."
"Dahil she's the only one you know."
"Hindi naman niya ako pinilit if that's what you're implying."
"How am I supposed to know that when I don't know anything? You kept us in the dark for so long. Tapos noong dumating si Dan, lalo kang nag-iba. You had this look on your face. Parang lagi kang nag-iisip. There were nights when I heard you crying in your room. Kinatok kita once tapos biglang tumigil ang pagsinghot mo. Do you see it now? I was giving yourself the chance to confide in me pero you didn't take it."
"It was my choice to make. Isa pa, pinangunahan ako ng takot. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nalaman ninyo na bukod sa isa akong lesbian, I was with Lise. It was too much for me. I was drowning."
"I was standing behind your door ready to take you out of the water."
Hindi ako nakasagot.
Tumulo bigla ang luha ko.
Pinunasan ko bigla ng kamay ko.
"I hate that we don't talk." Sabi ni Ate.
"You're my little sister. Ako ang kakampi mo. Ako ang unang makikipag-away para ipagtanggol ka. Nagbago ang lahat when you met Lise. You changed when you fell in love. You forgot I was here."
"That's not true, Ate."
"You're saying that to make yourself feel better but that's the truth. Kahit naman masungit ako sa'yo, iyon ay dahil sa ayaw kitang mapahamak. Pero tulad nga ng sinabi ni Nanay, hindi ka na bata. You are an adult and you are making decisions and mistakes."
"I'm sorry."
Wala siya agad reaksiyon.
Habang nakatayo ako at naghihintay kung ano ang sasabihin niya, kinabahan ako.
This is the first time that I reached out to her.
"Halika nga dito." She opened one arm and pulled me close.
Nagyakap kami.
I felt the warmth of her tears slide down the side of my neck.
"Tama na ang drama." She gently pushed me away while wiping her tears with the back of her hand.
"Bati na tayo ha?" Nakangiting tanong ko.
"Oo na. Hindi na tuloy malamig ang iced tea ko."
"Painom nga. Uhaw na ako eh." Aagawin ko sana ang baso pero nilayo niya.
"Meron sa ref. Gumawa ka ng sarili mo."
"Okay." Lumakad ako palayo sa kanya.
Dumiretso si Ate sa terrace at umupo sa rocking chair.
I glanced at her and saw her smiling to herself.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top