Chapter 15
Kahit alam ko na sinusubukan ni Nel na huwag ng magselos kay Skylar, gumagawa din ako ng paraan para hindi bumalik ang nararamdaman niya.
Alam ko na jealousy is a monster.
Kahit pa nag-usap na kami, gusto kong makita niya na she can fully trust me.
Kapag nasa bahay kami, hindi ako nakatutok sa phone ko.
Buti na lang din at hindi nang-iistorbo si Skylar.
Abala na din kasi siya sa paga-asikaso ng tinatayo nilang negosyo.
Kapag nagtetext naman siya sa akin, sinasabi ko kay Nel kung sino at kung bakit nagmemessage.
Maingat ako lalo na kapag si Skylar.
Tinitingnan ko kung ano ang reaction ni Nel.
Pinapakinggan ko ang tono ng boses niya.
Mukhang paranoid ang dating ko pero ngayon ko lang talaga siya nakasama.
I realized na hindi ko talaga siya lubos na kilala.
Maigi na din na nangyari sa amin ang ganito para alam ko kung paano ko ihahandle ang emosyon niya.
Kapag tumatawag naman si Arlene para I-confirm kung ako ang maglilinis sa bahay nina Skylar, tinatanong ko si Nel kung okay lang sa kanya na tanggapin ko ang schedule.
Nagtataka nga siya kung bakit daw ako nagpapaalam.
"Babe, okay na ako. You don't have to ask for my permission."
"Gusto ko lang makasiguro na hindi ito magiging issue sa'yo."
Ayos lang naman daw siya.
Humingi pa nga siya ng pasensiya dahil sa pagseselos na pinakita niya.
Sinabi ko naman na normal lang ang ganoon.
Mas mabuti na din na alam ko kung ano ang feelings niya kesa nangangapa at nanghuhula ako.
Alam din naman ni Nel na masigasig ako sa paghahanap ng trabaho.
Kahit pa inalok ako ni Skylar na maging accountant sa negosyo nila, sinabi ko na pag-iisipan ko.
Ayoko siyang umasa sa akin.
May tumawag din naman at nagpa-interview ako.
Kaya lang ng araw ng interview, hindi ko nagustuhan ang treatment sa akin ng mismong may-ari ng maliit na construction company.
Ang manyak kasi ng dating niya.
Sa tantiya ko, almost seventy years old na ang owner na ang pangalan ay Kurt Stephens.
Mapayat siya, silver gray ang buhok at maayos pa din ang tindig.
Ang outfit niya, pang-cowboy.
Stetson hat, black and white Western shirt, denim jeans at black leather boots.
Nakasandal siya sa upuan at dumiretso lang ng upo pagpasok ko.
Tumayo naman siya para makipagkamay pero I didn't get the impression that he was a gentleman.
Malagkit siya tumingin bukod sa sinipat niya ako mula ulo hanggang paa.
There was nothing inappropriate with what I'm wearing.
I looked professional in my navy blue blazer na terno sa gray pants at sapatos.
Ang dress shirt na suot ko, I only opened the top button kaya walang malaswa sa itsura ko ng araw na iyon.
Light ang color ng lipstick na ginamit ko kaya walang indication na Ise-seduce ko siya because I was desperate to have a job.
During the interview, relaxed noong umpisa.
Makuwento si Kurt at nabanggit niya na family company sila.
Wala pa akong nararamdamang inappropriate at that point hanggang sa umabot sa part na nagtanong siya kung may asawa na ako.
I said I'm not.
Tapos nagremark siya na sa ganda ko daw, single ako?
What's wrong with those men? Nakatawa siya.
Hindi ko masyadong pinansin ang comment niya pero ng sinabi niya na kung nagkakilala daw kami dati, noong bata-bata pa siya, hindi daw siya mag-aaksaya ng panahon.
"A beautiful woman like you should not be single for long."
Kumindat pa siya.
Kinilabutan ako.
Kahit alam ko na I have a chance of getting hired, ang pinakita niyang behavior freaked me out.
Creepy dating niya.
No.
Creepy siya.
I was very disappointed.
I mean, hindi ba siya nanonood ng balita?
His behaviour towards me was uncalled for.
Hindi ako magiging comfortable na magtrabaho sa company niya lalo na at sinabi ni Kurt na ang office ko ay katabi lang ng office niya.
I told Nel about what happened.
Hindi din siya natuwa sa nangyari.
Sinabi ko na lang na may iba pa namang opportunity na darating.
We both agree that my safety comes first.
Kahit saang lugar talaga, kahit saang bansa, hindi nawawala ang mga manyakis.
Pagbalik ko sa Sunnyvale, naabutan ko si Skylar sa sala.
Sa harap niya ay nakalatag ang mga resibo at iba pang papeles.
Sapo niya ang mukha sa mga kamay niya.
Parang pasan niya ang daigdig.
Nang tanungin ko siya kung ano ang problema, sinabi niya na they have to let go of the accountant they hired.
May mga discrepancy kasi sa mga reports.
Ang hinala ni Skylar, she was using the company credit card for her personal expenses.
Buti na nga lang daw at habang maaga ay natunugan niya.
"Is this a bad sign?" Tanong niya.
Umupo ako sa sofa.
"What is?"
"This." Tinuro niya ang mga bungkos ng papel sa harapan niya.
"We haven't even opened the store and yet, we're already having money problems." Sumandal siya sa sofa at tinitigan ang higanteng chandelier.
"I wish you would just take the job, Lise." Nilingon niya ako.
"Then I wouldn't have to deal with any of this."
Imbes na mag-commit na maging employee ng startup company nila, tinulungan ko siyang ayusin ang mga resibo.
Hindi niya na nga ako pinaglinis.
Mas kailangan niya daw ang accounting expertise ko kesa sa cleaning skills.
Habang ino-organize ko ang mga finances nila, tumawag si Skylar for food delivery.
Magfocus na lang daw ako sa pagtulong sa kanya.
Siya na ang bahala sa pagkain.
Natutuwa naman ako kasi nakakamiss din ang magbalanse ng mga accounts.
Kinuha ni Skylar ang laptop niya at meron silang software para sa finances.
Hindi naman mahirap maintindihan kaya mula sa sala ay lumipat kami sa dining area.
Habang ini-encode ang mga nagastos nila, tinuturo ko sa kanya ang ginagawa ko.
Nakikinig naman siya pero mas mabuti daw if she leaves these matters to the expert.
"Like you." Obvious na kinukumbinsi niya talaga ako.
Nang tumigil ako para magpunta sa CR, inisip ko si Nel.
Oo nga at okay na siya when it comes to Skylar.
Pero ayokong dumating ang oras na bumalik na naman ang selos niya.
Complicated ang emosyon na ito.
Ayokong maging complicated ang relationship namin.
Inisip ko na lang na kung tatanggapin ko ang alok ni Skylar, lagi kaming magkikita.
Baka mamaya eh kapitan na naman ng selos si Nel, mag-away na naman kami.
Ayokong mangyari iyon.
Kaya nga ganoon na lang ako kadismayado sa ikinilos ni Kurt.
Akala ko talaga, magkakaroon na ako ng trabaho.
Pagbalik ko sa dining area, dumating na pala ang food na in-order ni Skylar.
Dalawang large pizza—pepperoni at Canadian Bacon.
May kasama pang mini-cinnamon rolls at 2-liter Coke.
"Are you okay with this?" Nilalatag niya ang mga plato sa centre island.
"Sure." Bumalik ako sa puwesto ko sa lamesa.
"You're not on a diet or anything?" Nanunukso ang tingin niya.
"Do I look like I'm dieting?" Spontaneous ang sagot ko.
"You're perfect."
Tumalikod na siya para kumuha ng baso sa cupboard.
Naiwan ako na nakatulala.
Alam kaya ni Skylar na flirty ang dating niya?
O normal lang sa kanya ang mga ganitong banat?
Bago ako makapag-encode ay bumalik na si Skylar.
Mamaya ko na daw ituloy ang ginagawa ko.
Kumain daw muna kami.
"What would make you accept my offer?" Tanong niya habang kumukuha ng slice ng Canadian Bacon.
"You really are relentless, aren't you?" Nagsalin ako ng Coke sa empty glass sa harap ko.
"I really, really need your help." Pinagdaop niya ang dalawang kamay.
Hindi ako sumagot.
Sa halip ay kumagat ako sa pepperoni pizza.
"I'm kinda the official CFO of the company. Tell me what your terms are and I'll give it to you."
Hindi talaga siya titigil.
Paano ko ba iibahin ang topic para hindi niya na ako kulitin?
"Have you tried hiring again?"
"I am trying. Like right now." Kinuha niya ang isang cinnamon roll at sinubo ng buo.
"I mean, do you have any postings online?"
"That last woman we hired was from our online posting. Look at how it turned out."
"It doesn't mean you won't find someone better."
"I know we will. The problem is, that person is making me beg very hard right now."
Tumigil ako sa pagnguya.
Nagkatitigan kami.
You flashed that radiant smile of hers.
All teeth. The light in her eyes dancing. Dimples deep and adding more electricity to Skylar's charm.
Ah.
This must be the reason why Nel was so jealous.
Kung single ako, baka pati ako nain-love kay Skylar.
The problem was, hindi niya yata alam ang power ng charm niya.
"Look, Lise. You're good at what you do. I don't even need to teach you anything because it's obvious that this is your expertise. I didn't have to walk you through the software. You played with the menu and figured it out in minutes. Why won't you take the job offer?" Saglit siyang tumigil sa pagsasalita.
"Did you get hired from that last interview?"
Oo nga pala.
Nabanggit ko sa kanya ang tungkol dito.
"No."
"Why not?" Nagtatakang tanong niya.
"It wasn't the right fit." Pagsisinungaling ko.
"How was it the right fit?"
Oh my god.
Why do I need to explain?
"Look, the manager was a creep, okay?"
Natigilan siya.
"Why didn't you tell me what happened?"
"What are you going to do? Call him?"
"No, but I mean you didn't have to deal with that kind of bullshit."
"That's why I didn't take the job."
"They hired you then?"
"Yes. But I declined."
Kahit medyo nairita ako kay Skylar dahil sa kakulitan niya, medyo gumaan ang pakiramdam ko ng sabihin ko sa kanya ang nangyari."
"Then what's keeping you from taking my offer? You don't have to worry about the salary and benefits. I can give you more than what the other companies are offering. How does seventy grand sound like for starters? You'll get medical and dental benefits. Sick days even. I will give you a four-week vacation to start. I'll even throw in a yearly bonus to sweeten the deal."
"Don't do that."
"Why?"
"You're just starting. You shouldn't be giving away money this early."
"Because I want you to take the job. I won't do this to anyone else."
"But why are you doing this? You hardly know me."
"I let you inside my house. You haven't taken anything valuable."
Kumunot ang noo ko sa narinig.
Was she monitoring me?
Sa seryosong itsura niya, mukhang hindi nga siya nagbibiro.
"Are you watching me?"
"Lise, this house has security to rival Fort Knox." Ngumiti siya.
"I've seen the videos. You've opened my mom's drawers. You've been in everyone's closet. Mother has a gazillion designer shoes. You don't even bother trying them on."
"Why would I do that?"
"Others have done that in the past."
"Oh."
"Lise, I know we've only known each other for a short time but I know I can trust you. Don't ask me how I know. I just do. I told you about my life. I mean, I don't usually do that. It will take a lot for me to open up to someone. But there was something in you that awakened something in me. I often asked myself what it was but with you, I know I can trust you and not regret I did. That's why I'm practically pleading with you to be the accountant of Lavender Rose Apothecary."
"Is that the name of your company?"
"Yes." She smiled, proud.
"Nice name."
Ngumiti si Sky.
Habang kumakain kami, my attention wasn't on Sky rambling about fragrances and her grand plans for Lavender Rose Apothecary.
I was thinking about the job offer.
Maganda ang binibigay niyang opportunity.
She didn't just sweeten the deal.
She made it tempting.
Would it really kill Nel kung tatanggapin ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top