Chapter 10
"I shouldn't be telling you this." Nagbaba ng tingin si Skylar.
"So, why did you?"
Isusubo niya na sana ang pagkain pero binaba niya ulit ang tinidor.
"You remind me so much of Maria...er...Tee-tah Mary."
Ngumiti ako.
Fast learner ang lola mo.
"Whenever I'd get myself in trouble, she was the only one who can make me tell the truth."
"My parents can't get it out of me but she does it effortlessly." Nagliwanag ang mga mata niya.
"She would ask what happened and before I knew it, I was telling her the whole story."
"What happened to her?" Pati ako, curious malaman ang tungkol sa dati nilang katulong.
"When she got the papers for her family, they told her to stop working. Tee-tah Maria was like old, you know. I think she was already in her late-fifties when she worked for us. But she was strong and hardworking. My parents liked her. I do too. When she left, I cried. She was the only one who understands me. She was always there for me." Bumalik na naman ang lungkot sa boses niya.
"You're parents don't love you?"
"Maybe. I don't know. They have a different way of showing it."
"How do they show it?"
"If you do well enough in school or as long as you keep the Macleod name in high esteem, you're golden.
Macleod.
Iyon pala ang apelyido niya.
"I have two siblings." Tuloy-tuloy sa pagkikuwento si Skylar.
Nakikinig lang habang kumakain.
"My sister, Morgan, is the pride and joy of my dad. She's a mechanical engineer. She's barely here because the oil and gas company she works for flies her all over the world."
"Are you close?"
"Nope."
"Who's your other sibling?"
"Axel."
"Is he the one in the picture?"
"Which one?"
"The one hanging in the room upstairs."
Tumango lang siya.
"Where is he now?"
Hindi siya sumagot.
Tinapos niya ang natitirang omelette tapos inubos ang orange juice.
Nag-iba bigla ang mood niya.
Nawala ang ngiti sa mukha at ang mga mata, dark ang shade.
"I'm tired now." Tumayo na siya at kinuha ang plato.
Dinala sa lababo at mabilis na hinugasan pati na din ang kawali at sandok bago nilagay sa dishwasher.
Pinagmasdan ko si Skylar habang nakatalikod.
Anong nangyari at nag-iba bigla ang mood niya?
Kanila lang eh tawa ng tawa at nasa mood na makipag-asaran.
Ngayon, biglang nag-shut down emotionally.
Pagkatapos niyang maghugas, pinunasan niya ang kamay tapos humarap sa akin.
"Thanks for the food, Lise." Matipid ang ngiti niya.
"I'll leave the money on top of the mantelpiece. Just arm the house when you leave. I'm gonna sleep."
"Okay." Iyon lang ang nasabi ko.
Tumalikod na siya at umakyat na sa kuwarto niya.
Pagkaalis niya, naiwan akong nagi-isip.
Nagbago ang mood niya ng binanggit ang kapatid na si Axel.
Naalala ko bigla ang picture niya sa kuwarto.
Sa ilalim ng frame ay nakasulat ang pangalan nito pati ang pangalan ng team kung saan ito naglalaro.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ng pantalon.
Ang dami na palang texts ni Nel.
Sunod-sunod ang mensahe niya.
Nagtatanong kung tapos na akong maglinis at kung kumain na ako.
Nag-type ako ng reply.
Sinabi na baka hindi ako makauwi agad dahil hindi pa ako tapos dahil sa maraming kalat mula sa party na nangyari kagabi.
Tinanong ko din siya kung kumain na siya.
Ang pinakalast message niya ay I love you.
I replied with I love you too.
Dinagdagan ko pa ng mamaya na ako magkikwento.
Kung mauna siyang makauwi, may pagkain sa ref.
I-microwave niya na lang.
Dahil ako na lang mag-isa at hindi ako mapakali kung bakit biglang tumahimik si Skylar, inopen ko ang Safari at tinype sa search bar ang Axel Macleod.
Lumabas agad ang name niya at pinindot ko ang unang article.
Habang binabasa ko ang nakasulat, doon ko naintindihan kung bakit biglang nawalan ng gana si Skylar.
Hindi ko nilinis ang kuwarto ni Axel.
Dahil sarado ang kuwarto ni Skylar, hindi ko din nalinis.
Ang kay Morgan na lang ang inasikaso ko pero hindi ako nagvacuum.
Baka kasi tulog na si Skylar.
Kinuha ko sa mantelpiece ang talent fee ko.
Pagbilang ko, parang mali yata.
Hindi kaya hilo na siya ng nilagay ang pera.
Labing-dalawang fifty-dollar bills ang iniwan niya.
Sinabi niya na babayaran niya ang pagluluto ko pero okay lang naman kung wala.
Nag-isip ako kung ano ang gagawin.
Kakatukin ko ba siya para tanungin?
O kunin ko lahat at pagbalik ko, saka ko na lang ibalik ang sobra?
Binulsa ko na lang lahat.
Saka ko na lang siya tatanungin kapag nagkita kami ulit.
Bago ako bumaba, nilingon ko ang saradong pinto sa kuwarto ni Skylar.
Dalawang beses na akong pumupunta sa bahay na ito.
Pero lagi ding hindi ko nalilinis ang kuwarto niya.
Ganunpaman, kumpleto pa din ang bayad.
Ang laki ng bahay nila pero ang lungkot.
Nang mabasa ko ang article tungkol sa kapatid niya, kinilabutan ako.
Bumaba na ako at niligpit ang mga ginamit sa paglilinis.
Paglabas ko ng bahay, pinindot ko ulit ang code para I-arm ang bahay.
Bago ako sumakay sa kotse, nilingon ko ang napakalaking bahay.
There was only Skylar inside it.
The rest were soulless empty spaces.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top