UNIVERSITY

~~~~

Maaga akong nagising ngayong umaga dahil excited na ako sa pagpasok ko sa University.

Makakapag-aral na ulit ako. Ahm... medyo late lang naman ako nang pag-aaral pero nag-aaral ako sa Mansyon kaya madalas sumasakit ang ulo ko.

Mabilisan akong naligo kahit alam ko namang hindi ako male-late dahil last check ko sa alarm clock ko, 5:20 Am palang eh 8:00 ang first subject ko.

Excited lang talaga ako.

Bumaba na ako nang hagdan at naabutan ko si Kuya na kumakain mag-isa.

" Good morning, Kuya. "

" Good morning too, Princess. "

Umupo ako sa katapat niyang upuan at nagpalaman na ako nang chocolate sandwich.

" Bakit ang aga mong gumising? Sumakit ba ang ulo mo? "

Kumagat muna ako sa chocolate sandwich ko bago sinagot ang tanong ni Kuya.

" Excited lang ako Kuya... Medyo lang naman pero uminom ako nang gamot. "

" Mabuti. "

Wala na ulit kaming imikang dalawa. Nagce-cellphone lang siya at ako kain lang nang kain.

" I hahatid na kita--- "

" No need Kuya. May kotse naman ako. "

" Paano kung sumakit ang ulo mo ha!? "

" Kaya ko naman sarili ko kuya. "

" Tsk. Talaga lang ha? Itext mo ako agad pag sumakit ang utak mo. Hahaha. "

" Utak talaga? Baka ulo naman? "

" Hahaha. Ewan. "

Sumimangot nalang ako kay Kuya at patuloy na kumain.

Bwiset. Iniinis niya ako.

" Aalis na ako. "

" Hindi ka pa nakakapag-paalam kayla Mom? "

" Nakapag-paalam na. "

Iniwan ko na siyang mag-isa doon at pumasok na ako sa lamborghini ko.

Hmmm. Hindi ako mayabang ahh. Regalo lang sa akin 'to ni Dad nung nag-17 years old ako.

OmG!! Malapit na pala ako mag-debut.

Sa next month na pala.

Hayst. Hindi na pala ako aabot.

Pinaandar ko na ang kotse ko dala yung mga requirements ko. Dideretso muna daw kase ako sa Dean bago pumasok sa magiging room ko.

Nang mai-park ko ang kotse ko sa Parking Lot, halos lahat nang tao napalingon sa akin.

Omg. Sino siya?

Oo nga. Ang ganda naman niya.

Pwede nating isali sa club natin?

Yeah right.

Dinaanan ko lang silang lahat at dumiretso ako sa Dean.

" Good Morning po. "

Napalingon naman sa akin yung dean at nginitian ako.

" Good Morning too. Take your seat. "

Sumunod ako sa dean kaya naka-upo ako ngayon sa harap niya.

" You must be the transferee? "

Tinanguan ko lang siya at binigay sa kanya lahat ng requirements ko.

" Ipapaalala ko lang sa'yo hija na may malaking share ang pamilya mo dito sa school na 'to kaya malaya kang gawin ang lahat nang gusto mo. Walang rules dito sa Universty na 'to. Ang mga studyanteng may share ang magulang nila ay siyang may kayang gumawa nang rules dito sa University na ito. Actually, dalawa lang naman kayo. Si Brian Kyle Gomez at ikaw. He's the King here and probably you're the Queen. So, any questions Madam Rain? "

Ha?! Ano daw?

Queen? Ako? Nitong University?

What the!?

" Bakit ganto po yung school uniform? Ang ikli nang palda. "

" Ahm... dahil ikaw naman ang Queen dito sa Universty-ing ito, pwede kang magsuot nang ibang damit. "

Ang raming ka ekekan nitong University nato.

Queen kuno daw ako?

Ehh?

" Ahhh. Sige po. "

Nilisan ko na ang office nang Dean at tinignan ko ang map ng University.

Finding Room A Sapphire

Sapphire? Ano namang kabaliwan yun?

Nasaan naba si bessy. Siya daw ang magtu-tour sa akin dito eh.

Hindi ko naman kase 'to kabisado. Ngayon ko nga lang nalaman na may share si Dad sa mga University.

*booogsshh*

" Ay shet!! "

Napa-upo ako sa lupa kaya sumakit yung ano ko.

Huhuhu.

Ang sakit nun ahh.

" Are you okay Miss? S-sorry. "

Tinignan ko nang masama yung lalaking nakabangga sa akin at bigla akong umiyak.

Childish attack.

" Hey... I said s-sorry. Wag kang umiyak. "

" Huhuhu. Sakit!! "

Bigla niya akong kinarga nang pa bridal-style kaya bigla akong natauhan.

" Hey... where are we going? Put me down. Hey. "

Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa paglakad.

Halos lahat nang taong nadadaanan namin napapahinto.

Omg! Si King Brian at yung transferee.

Sila ba?

Obviously noh.

Kyaaa. Bagay sila.

Oh noooo!!

Paano na lang si Kuya Clifford ko? Baka makita niya ako na karga-karga nitong Poncio Pilato na 'to.

May nakita akong bulto nang isang lalaki sa di kalayuan.

Si Kuya Clifford yun.

Tama ako!! At kitang-kita niya kung paano ako buhatin nang lalaking ito?

Huhubells.

Pero ganun pa rin ang itsura niya.

Still..... nerd.

Pero------ waaaaaahhhh.

I'm doomed.

Geez!! Sumasakit ulo ko.

~~~~~

QUEEN_RAINIVEE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top