DAY 2
~~~
Ang saya-saya ko ngayong araw na 'to kase niyaya ako ni Kuya Cliff na mag-date? Hehehe.
Hindi ko alam kung date nga ba ang matatawag ko dun.
Hehehe!! Nekekeleg tuloy ako.
-Flashback-
Sinusundan ko lang si Kuya Cliff dahil papunta siyang library.
Syempre, kung nasaan siya dapat nandoon rin ako noh.
Nakita ko siyang kinuha yung libro all about Algebra?
What the lang noh.
Umupo siya sa isang table at matiwasay na nagbabasa.
Umupo naman ako sa isang table malapit sa likod niya at kinuha ko yung libro na hiniram ko rin kanina at pinang-takip ko yun sa mukha ko.
Merong pagkakataon na sisilip ako at titingin siya sa likod ko kaya agad akong magtatago sa libro.
Nung lumingon ako nakita kong wala na siya doon.
Ibinababa ko ang libro ko at tumingin ako sa paligid ko.
Laking gulat ko nalang ng may mag-salita banda sa tenga ko.
" Are you following me Ms. Sta.Ana? "
Agad akong napatili sa sinabi sa akin ng isang lalaki.
" Ha!? Nagbabasa kaya ako dito. "
Humarap ako sa libro na hiniram ko at hindi ko pinansin si Kuya Cliff.
" Nagbabasa ka kahit nakabaliktad ang libro mo? Amazing. "
Ngayon ko lang napansin na nakabaliktad pala ang librong binabasa ko. Nakaramdam ako ng hiya.
" E-eh... Ito ang... B-bagong technic noh. "
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko kahit alam kong pahiyang-pahiya na ako. Ramdam ko rin na namumula na ang mukha ko.
" Well, can you teach me Ms. Sta.Ana how to use that new technic of yours? "
Gustong-gusto kong tanggalin sa mga mukha niya ang pag-ngisi pero hindi ko yun magagawa kase....errrr nahihiya ako noh atska ang gwapo kaya niya.
O(≧∇≦)O
" Ah.... Eh... Ih... "
" Should I continue? "
I look directly on his eyes then I saw him smirk.
" W-what do you mean? "
" Hmmm. Nothing. 3 o'clock in the afternoon. Heartly Triangle. "
" W-what am I going to do? "
" Meet me there. Date. Bye. "
-End-
He just left me dumbfounded. Like what the? Hindi ako nakasagot sa kanya non at hindi ko rin namalayan na naka-alis na siya sa harapan ko.
Nandito na ako sa Heartly Triangle at naka-upo ako sa isang mga benches.
Mga 30 minutes na rin akong naghihintay dito pero baka kase na traffic lang siya noh?
Pero hindi naman traffic...
" I'm sorry. I'm late. "
Napatingin ako kay Kuya Cliff na nakahawak ngayon sa tuhod niya.
:)
Dumating siya.
" You don't disappoint me Kuya. " bigla ko siyang niyakap kaya bigla siyang napahinto sa ginagawa niya.
" Ahm... So? Let's go. "
Ikinawit ko ang kamay ko sa braso niya at naglakad kaming dalawa papuntang isang stalls ng mga street foods.
" Anong gusto mo, Rainy? "
Napa-ngiti ako sa pagtawag sa akin ni Kuya Cliff.
Rainy.
'Yan ang tawag niya sa akin dati...
" Hehehe. I want 10 pesos of fishball. "
Sinabi niya doon sa lalaking nagtitinda at bumili na rin siya ng sa kanya.
Lagi kaming nandito dati noong mga panahong dito pa kami nakatira sa Quenerie's Subdivision na pagmamay-ari ng lola ko na si Lorrain Quenerie.
Nilagay ng mama yung fishball ko sa isang baso at nag-simula na akong kainin iyon.
Napatigil lang ako sa pagsubo ng makita si Kuya Cliff na nakatitig lang sa akin.
" Gusto mo? "
Nilapit ko sa mukha niya ang fishball na hawak ko pero agad siyang lumayo.
" No thanks. "
Ng matapos kong kainin ang fishball bigla niya akong hinila papuntang carnival.
*Q*
Waaaa!! Nakakamiss pumunta dito.
Last time na nakapunta ako dito, 10 years ago.
" Kuya...."
" No... Just call me Clifford. "
Ngumiti ako kay Ku--- Clifford at tumakbo kami papasok sa loob ng carnival.
" Saan mo gusto? "
" Ferris wheel. "
∞∞∞∞
Kanina pa kami nakapila ngayon dahil maraming taong nakapila sa ferris wheel.
Kadalasan yung mga nakikita kong sumasakay dito ay mga lovebirds.
Hihihi.
Magkakaroon rin ako ng lovelife.
Sooner or later.
" Rainy, tayo na. "
Hindi ko na namalayang kami na pala ang next na sasakay kaya sumakay nalang ako kahit wala na ako sa wisyo.
Bale, magkatapat kaming dalawa ngayon ni Clifford habang siya ay nakayuko lang at ako naman ay nakatitig lang sa kanya.
" Ahm.../ Ahm... "
Sabay kaming nagkatinginan sa isa't-isa kaya napayuko nalang ako.
" So Rainy, kamusta ka na? "
Napa-angat naman ako ng tingin at nakita kong nakangiti sa akin si Clifford.
" Ehh? Ahm... Ok lang naman, ikaw? "
" Still the same. " sagot niya sa akin at nagkibit-balikat.
Simula noon, hindi na uli kami nag-usap at sa kasamaang palad, tumigil ang ferris wheel kaya nasa bandang itaas pa kami.
" K-kuya... "
Napahawak ako kay Kuya Clifford at napatabi ako sa kanya habang isinisiksik ko ang sarili ko sa dibdib niya.
" Hey calm down, Rainy..... Naalala mo ba yung panahong na-stuck rin tayo dito sa ferris wheel at ganto rin ang posisyon natin? "
Tumango lang ako kase hindi ko kayang tumingin sa ibaba dahil nalulula ako at nahihilo.
" Naalala mo ba yung ginawa ko sa ten years ago? "
Napa-angat naman ako ng tingin at mistulang naging kwago ako dahil sa laki ng mata ko.
" Y-yung... "
" Yes. "
" .... Kung anong sinabi ko sa'yo noon, I mean it. Mahal kita Rainy. Bakit mo ako iniwan? Ano bang nagawa ko? Hanggang ngayon Rainy, mahal pa rin kita. Can we start again? Don't leave me again please??. "
Napatulala ako sa sinabi ni Kuya Clifford kaya medyo napalayo ako sa kanya ng konti.
" Ahm... "
" Rainy... Please? "
Unti-unting nilapit ni Kuya Clifford ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa napasandal na ako.
" Don't leave me. Still, I love you. "
Then, I just felt my lips onto him. He's kissing me torridly like there's no tomorrow at kasabay non ang pagputok ng fireworks mula sa itaas.
" Starting this time, you're mine Rain. Only mine. "
~~~~
QUEEN_RAINIVEE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top