Twenty Six
"Oh, nagge-general cleaning ka ah, may bisita ka?" Tanong sa akin ni Macky nang madatnan niya ako sa bahay na naglilinis. Linggo ngayon, may duty si kuya at wala ding kasama si ate kaya nandito muna ako sa bahay nila. Hindi ko sya sinagot at nagpatuloy lang sa ginagawa. Nilagpasan lang din nya ako at tuluyan nan gang pumasok ng bahay. Narinig ko pang inutusan sya ni ate na bumili ng pwedeng lulutuin mamaya sa media noche.
"Walang kwentang kapatid." Bulong ko sa aking sarili nang marinig ko syang umayaw. "Sinong gusto mong papuntahin sa palengke? Ako?" ani ate. May hiwa pa yan sya sa tyan nya kaya hindi pwedeng gumalaw masyado. Gusto kong magbubulontaryo pero tinatamad ako. Isa pa, gagawa kami ng buko salad ni ate mamaya. Natural lang na si Macky ang mamalengke since may motor naman siya. Kaso, ayaw nya e. Bahala sya.
Oo nga pala, ngayong gabi ang punta ni Ed dito sa bahay. Tapos bago maghahating gabi, aakyat kami sa taas. Doon sa may bundok para may magandang view. "Yow!" tawag ko sa kapitbahay namin na si Ariel. "Ano yun yow?" mabuti at kaagad syang sumagot. Sinabi ko yung plano sa kanya, ang planong pag akyat mamayang gabi. "Pupunta kasi dito yung student teacher ko na kaibigan ko rin, gusto raw nyang mamasyal at manuod ng fireworks mamaya."
Ang lawak pa ng ngiti ng gaga. Bahala ka dyan, isipin mo kung ano ang gusto mong isipin. Good thing pumayag naman sya. Aba, dapat may kasama kami noh. Hindi naman pwedeng kaming dalawa lang ang aakyat mamaya. Komportable naman na ako sa kanya at pakiramdam ko rin wala naman syang masamang gagawin sa akin, pero kahit na. Hindi ko pa rin sya lubusang pinagkatiwalaan.
"Ilang oras nalang makikita ko na ulit si Siby, namimiss ko na kasi sya." Literal na umikot talaga ang eyeballs ko habang may malawak na ngiti. "Si Siby ba talaga Ed o ako?" pang-aasar ko sa kanya. "Well, ahm, ikaw din syempre. Pero mas namiss ko talaga si Siby." Sus, palusot ka pa. "I can't wait to see you."
"Este, to see Siby." Hahaha, oh see? Tss.
"Sus, huwag ka ngang masyadong excited dyan. May ilang pa akong mag backout." May misa din mamayang 10pm, salubong sa bagong taon, gusto ko sanang isabay sya. "Wala ah. Sinong excited ba?" Napangiti ako sa reply nya. "Pero depende pa rin naman yan sa'yo Em. I will understand." Sarap din talaga kutusan ng kumag, ano?
Naging abala na ako sa sumunod na mga oras hanggang sa hindi ko na namalayan na maggagabi na din pala. Ang bilis naman yata ng oras.. O ako lang 'tong may maraming ginagawa?
Napaisip din ako, kailangan ko na palang gumawa ng move. Alamm kong naguguluhan na din sya sa mga inasta ko lately. Kahit naman hindi ko na isipin, alam ko na kung ano ang gagawin ko. Ang nararapat kong gawin. Before Christmas, may namuo na talagang idea sa utak ko, hindi ko lang pinansin. Hanggang sa umabot nga sa puntong nagkusa nalang sya. May nararamdaman na akong kakaibang reaksyon. Tulad nalang noong nagtampo ako sa kanya, yung Aira thing.
Kahit nga ako, naguguluhan noong mga oras na yun. Kaya muli akong naglakbay sa mga nagdaang mga araw na palagi ko syang ka chat. Pati na rin yung lumabas ako na kasama sya. First time kong gawin iyon sa isang kaibigang lalaki. Ni minsan ay hindi ko nga nagawa yun sa mga kaibigan kong babae pwera nalang kung kinakailangan. Ewan pero, ang sarap nya kasing kasama. Hindi ako mabuburyo. Hindi naman sya palabiro o ano, nakuha lang talaga nya ang interes ko.
Malungkot kasi syang tao. Parang kapag kasama ko sya, parang kasama ko rin ang sarili ko. I mean, yung totoong ako, yung malungkot na ako pero nasa katauhan nya. Tapos kapag parehas kaming tahimik at walang imikan, ang gaan sa pakiramdam. Natutuwa din akong pagmasdan syang natutulala, malalim ang iniiisp, naguguluhan, nahihiya, lahat na.
Wala sana akong balak sabihin sa kanya kung ano ang iniisip ko pero pakiramdam ko kasi, kailangan. Alam kong nanghuhula sya kung ano ba talaga sya sa akin. Kaso, he's stopping himself to come closer kasi nga dahil sa sinabi ko sa kanyang hindi ako mag-eentertain ng kahit na ano hangga't hindi pa ako graduate. Ganun naman talaga ang goal ko since I decided to be alone almost 3 years ago.
Marami akong nakilala along the way pero I maintained the gap. Friends lang dapat. Na kahit di ko sabihin, ramdam naman nila. Kaya bago pa man nila magbalak pumasok, umatras na sila. Which is good dahil ayaw kong manakit ng tao.
Pero ayun at nabansagan pa ring pafall at manhid. Wala naman akong pakialam kung ano ang tingin nila sa akin.
Kaso, itong isang 'to. Ang vocal nya e. Minsan na din nya akong napagsabihan na ang hirap daw gibain ang wall ko. Pero wala din naman syang balak gawin yun since sabi nya, friends lang kami, kontento na sya dun. At least daw ba nakakausap at nakakullitan pa nya ako kahit papaano. Nirespito din kasi nya ang disesyon ko. Mabuti naman.
Pero sa mga inasta ko, alam kong unti unti na rin syang naguguluhan. Kahit nga ako hindi ko mapangalanan e. Hindi naman 'to nangyari sa akin dati kaya medyo naninibago ako. Dumating pa sa punto na nanghingi ako ng sign sa Kanya kung tama ba itong gagawin ko. Ewan, nababaliw na yata ako.
"Parang alam ko na rin kung anong sasabihin mo. I should prepare myself for that. Magdadala na ba ako ng tissue?" aniya nang mapag-usapan namin na may sasabihin nga ako sa kanya. To clarify things. Gusto ko kasing magkalinawan na kami. "Depende na yan sa'yo. Hahaha" alam kong kinakabahan na yan sya at nalulungkot na naman. Negative kasi yan mag-isip minsan. Nakakainis nga e. Yugn sobrang positive ko tapos sya negative.
"Grabe ang kaba sa puso ko Em."
"Pero at least, I'll be able to spend may last year and beginning of new year sa'yo."
Hindi ko maiwasang mapangiti. At least, naging positibo ka na rin.
Maya maya pa, hiningi nya yung number ko para may kontak kami mamaya. Mahihirapan na kasi kaming makahanap ng mabilis na signal since maraming tao na at mahirap din naman talagang makahanap ng signal dito sa lugar namin. Alam din nyang hindi ako namimigay ng personal number ko pero no choice e.
"Em?" Yan ang kauna-unahang text nya sa akin. "Anong atin?" ang totoo nyan, natutuwa ako. Hahaha, parang ang close na talaga namin. Charrot lang. "This feels new. Magkatext na tayo. Hahaha layo na ng narating natin." Bigla akong nagutom. Lol
Nagkwento ako sa kanya ng mga hinaing ko dito sa bahay. Kung anong ginawa ko pagkarating dito. Pati yung pagrereklamo ko nang madatnan ang bahay na maraming kalat. Parang ewan lang. Nonsense naman yun, shinare ko pa talaga. Mema lang e noh? "That's life. Okay lang yan. Just finish it para akin ka lang mamaya." I frowned.
"Joke lang. basta, let's enjoy this new year."
Alas siete na ng dumating si kuya at agad nyang tinanong sa akiun kung nasaan na raw ang bisita ko. Right, nagpaaalam din pala ako sa kanila na may dadalhin akong bisita dito mamaya. First time 'to actually. "Boyfriend mo ba yan?" usisa nya. Sinabi ko naming hindi at student teacher ko sya sa isang minor subjet namin na gustong mamasyal ditto. "Manliligaw mo ba yan?" kaagad akong umiling na natatawa. "Di ah, grabe ka kuya."
"Wrong answer. Sana sinabi mong, hindi pa kuya." Aniya nang kinuwento ko sa kanya ang naging usapan namin ni kuya kani kanina lang. "Yan ang isasagot mo ha kapag tinanong ka mamaya." Tingnan lang natin kung kakayanin mo ba. Naiimagine ko tuloy ang pagmumukha mong pulang pula na sa hiya.
Nagpaalam muna sya na aatend ng party saglit sa bahay ng pinsan nya. Kanina pa raw kasi sya tinatawag. Hindi din naman sya magtatagal since may lakad nga daw kasi syang importante.
Wala pang isang oras nagtext sya na tumakas daw sya doon since nag-iinuman naman daw sila. Ayaw nya talagang ma late noh? "Em, by 9, nasa Bulacao na ako." Agad nanlaki ang mga mata ko. Shookth naman! "Hala! Bakit ang aga naman yata?" jusko naman, ganyan ba sya ka excited makita ako?
"Don't worry, I won't arrive sa bahay nya sa oras na yan." Pero kahit na uy, bakit nag aga di ba? "You seem rattled Ms. Caro." Aniya. Malamang, magbibihis pa kaya ako nyan para sa misa. Ayaw ko namang paghintayin sya ng matagal. Tsaka, ang totoo nyan, gusto ko rin kasing hindi kami masyadong magtagal dito sa bahay. Nandito kasi si kuya.
Madali lang lumipas ang oras at malapit na ring mag 9:30. Yun kasi ang usapan naming kanina. "Baka naman at naghihintay ka pang mag 9:30 dyan sa waiting shed ha?" text ko sa kanya. May pakiramdam kasi akong dumating na sya at naghihintay lang sa itinakdang oras saka na sya sasakay ng motor papunta dito sa amin.
"You really know me well, ano?"
Sabi na nga ba e. Pinapunta ko nalang sya dito kesa naman sa maghintay pa sya doon ng matagal. Sina kuya naman ay natulog na. Gigising lang yan sila mamaya kapag alas doce na. Kaso gumising si kuya nang sabihin kong nandito na yung bisita ko. Lumabas ng kwarto, pati na rin si ate. Karga karga pa niya si baby Rere.
Iniinterrrogate ang bisita kong naka all black na naman at sobrang nangamatis ang mukha. Pinakain ko lang sya ng konti, aba, konti lang talaga na may kasamang dessert. Kakain pa kami mamaya sa malaking bahay, ano. Madali din kasi itong mabusog tulad ko rin. No wonder, same lang kami ng laki ng katawan. Parehas slim na parang isang ihip mo lang, titilapon na agad.
Matapos kong magbihis ng isang kulay pink na dress na humapit sa katawan ko pero flowy naman sya na 3 inches above the knee, ay lumabas na ako ng kwarto. Pinasadahan pa nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. First time nyang makita na babaeng babae ako tonight. Nagdedress naman talaga ako kapag nagsisimba. Tinaasan ko lang sya ng kilay sabay sinuot ang hoodie. Lamigin kasi ako tsaka sleeveless din itong dress.
Sabay kaming naglakad at pansin ko talaga ang mga tinginan at lingonan ng mga tao. Wala naman akong pake. "Ang daming nakatingin sa'yo oh." Bulong nya. Malapit lang naman ang chapel dito at marami ding mag-aattend ng misa. "Nope, ikaw tiningnan nyan. Bago ka kasing salta." Bulong ko rin pabalik. Ganyan naman kasi yan sila kapag may bagong panauhin.
Saktong nag-umpisa ang misa nang makarating kami. Punuan na pala kaya sa labas nalang kami pumwesto. Maganda ang homily ni father. Come what may daw for this new year. "I'm hoping for the best but expecting for the worst din." Aniya na nag-agree sa sinabi ni faher. Sabagay. Pero kasi ako, hindi akoo nag-aasume, hindi din nag-eexpect. I don't usually look forward sa future. I'm living for the moment kasi. Tho, I have dreams and goals din naman. But I don't make plans. Kahit naman kasi paanong plano ang gagawin mo, hindi naman yan lahat nasusunod.
May mga bagay kasing hindi mo aasahang darating na sisira sa mga plano mo o magpapabago ng plano mo. There's no certain in life kasi, everyday nangangapa at naghuhula ka kung ano kaya ang mangyayari sa'yo today o sa susunod.
Pagsapit ng ama namin ay kailangan maghahawak kamay kami. Kaso, mukhang nahihiya kasi talaga sya. Kaya, kinuha ko nalang ang kamay nya at hinawakan. Hindi nya inexpect yun. Normal lang naman yan para sa scenario na ito. Kao sang hndi normal ay itong kaba sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok nya, grabe! Halos mabingi nga ako at hindi makapag concentrate sa kanta. Tanging yung mainit nyang kamay ang nararamdaman ko lang.
Para akong nakukuryente na pakiramdam komabubuwal ako sa kinatatayuan ko kaya palihim akong gumalaw para kunwariinaadjust ang tayo ko. Akala ko kasi naparalisa na ang boung katawan ko. Lalo nanung biglang humigpit ang hawak nya sa kamay ko at para akong nalusaw bigla. Ramdamko rin ang panunuyo ng lalamunan ko na para akong masusuka na ewan. Pati angpag-akyat ng dugo ko sa kabuuan ng mukha ko. Jusmiyo, anong nangyari ba? Bakit namanmay ganito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top