Twenty Seven

They said, "I want to protect you at any cost." .. "I would catch bullets for you." .. "I don't mind if I got hurt as long as you're safe." The she said with remarks, "Nah. I'm fine. I'm on bulletproof and I can handle myself very well." With glacial orbs she looked up to only one and smiled. Eyes were glowing as her smile became wider and wider.

***

Palalim na nang palalim ang gabi pero may kaunting liwanag pa rin na nagmumula sa maliwanag at malaking buwan. Malamig na simoy ng hangin ang humahampas sa kabuuan ng mukha ko. Ang peaceful ng gabi at mahahalata mong lahat ng tao ay excited salubungin ang bagong taon. Nagkukwentuhan lang kami ng kasama naming si Ariel at paminsan minsan din ay babanat ng isang joke. Nilingon ko sya na aliw na aliw sa mga kaganapan.

Karga nya si Siby na animo'y isang bata habang binabaktas ang kahabaan ng kalsada paakyat ng bundok. Yun kasi ang request ni kamahalan, dalhin daw namin si Siby para daw happy family. Akala mo naman kung ano. Napatitig ako sa mga kumikinang na butuin sa langit. Ang totoo nyan, excited ako sa mangyayari mamaya. I'm sure magugustuhan nya ito. Napangiti ako sa aking naisip at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ikaw pala ang student teacher na sinabi ng anak ko na bisita nya." Ani mama nang ipakilala ko sya sa kanya pagkatapos magmano rito. Tumingin siya sa akin na may ngiti sa mga labi. Hindi alam ang sasabihin kaya sumang-ayon nalang sya. "Ma, mahiyain yan si Sir, pagpasensyahan mo na." Pang-aasar ko which is totoo naman, mahiyain talaga siya. "Aba, ke gwapong bata 'to, wag kang mahiya." Lumawak ang ngisi ko dahil sa sinabi ni mama. Nilingon ko sya na kahit dim ang light dahil nasa labas kami ng bahay, naaninag ko pa rin ang namumula nyang mukha.

"Parehas pala kayong payat nitong anak ko." Pansin ni mama sabay pinasadahan ako ng tingin tapos sa kanya. Ang ingay ng paligid, marami kasing mga tao. Lahat sila may kanya kanyang pinagkakaabalahan. "Kahit naman kasi anong kain namin ng marami, di naman kami nataba." Sabi ko sabay tiningnan ulit si Ed na kanina pa nakangiting nakatingin sa akin. Saglit pa silang nag-uusap ni mama at hinayaan ko nalang. Paminsan minsan ko rin syang napapansin na madalas nya akong tignan habang nag-uusap sila ni mama. Hindi naman ako makasingit, hinayaan ko lang sila at kami ni Ariel ang nag-usap.

Sinabi ko sa kanya ang plano kong pumunta sa itaas na bahagi ng bundok upang makita ang kabuuan ng syudad at mapagmasdan ang magandang fireworks mamaya. Excited naman syang pumayag. "Oh Melody, ipakilala mo sya sa papa mo. Nag-iinuman sila kasama sina Sir at mga kabarkada nya doon." Aniya sabay turo sa may maliit na balcony. "Nahihiya na ako Em.' Bulong nya sa akin. Tinawanan ko lang. Pumunta kami doon at hindi ko namalayan na sumunod pala si mama at siya na mismo ang nagpakilala sa bisita ko kay papa.

Biniro sya ni papa at nag-apir pa sila. Halata na talaga sa itsura niya na nakainom at medyo lasing na din. Tho, hindi naman madaling tamaan si papa ng alak kaya alam pa nya ang pinanggagawa nya. Bigla syang inalok ni papa ng isang shot, agad nya akong nilingon ppero nginitian ko lang. Pinipigilan lang nya talaga ang sarili nya, mahirap na. "Ah pass muna ako dyan kuya. May pupuntahan pa raw kasi kami."

Natawa si papa dahil hindi nya yata akalaing tatanggihan sya. "Hindi ka ba umiinom?" Tanong sa kanya ng ama kong lumapit pa talaga sa kanya. Samantalang abala naman ang iba pa nilang kasama sa pagkukwentuhan. Tawa lang ang sinagot ni Ed sabay sapo sa bibig nya. "E tubig, umiinom ka ba ng tubig?" Inasar sya ni papa at napairap nalang ako. Ang korny e. "Opo naman kuya."

Nagpaalam kami agad sa kanila na aakyat muna kami sa taas at di rin naman sila umangal pa. "Ang kulit ng papa mo." Aniya nang makalayo kami. "Ganun talaga yun, pagpasensyahan mo nalang." Makwela kasi yang si papa kahit nga hindi nakainom e. Pero seryosong tao naman yan.

"Ano, dito nalang tayo. May bakanteng lote e." Sabi ko nang makarating sa taas. Pwede na siguro ditto, kita na nga ang city lights e. Si Mary Ariel naman ay nasa likuran namin, abala sa cellphone nya. Paminsan minsan din syang sumasali sa usapan namin. Pero panay ang bulungan namin sa isang topic na tinanong nya, yung tungkol kay Macky.

Nagtanong kasi sya kanina kung sino kaya sinabi ko. Ang sama nga ng tingin nya noong makita nya e. Speaking of, baka naman tigilan na ako nun since may dinala na akong lalaki sa bahay, sana nga.

Hindi ko alam kung nahahalata ba nyang bigla akong nalungkot pero pinilit ko lang ngumiti sa harap nya. "Bakit kaya may mga taong ganun sa? Ni hindi nga ako nagsusuot ng mga revealing na damit e." Bumuntong hininga nalang ako. Mabuti talaga at sinulat ko nalang yung sasabihin ko sana sa kanya dahil hindi ko alam kung masasabi ko ba lahat lahat sa estado kong ito?

"Wooohh, seconds nalang new year na!" Biglang sigaw ni Ariel sa likuran namin. Nilingon ko sya na papunta na sa harapan namin at nakalive pala sya. Sunod sunod nang nagputukan ang mga fireworks. Parehas kaming nakatingala sa maliwanag at makulay na kalangitan. Saktong sakto yung napiling lugar ko since tapat lang namin ang fireworks display din nina Maam at Sir. Nasa harapan namin mismo kaya ang ganda tingnan, ang lapit.

"Woah!" What a sight! Ngayon ko lang ito nakita sa ganitong angle, sa totoo lang. Para tuloy akong nasa isang palabas. "Ang ganda." Mahinang bigkas ko at nilingon ko sya na nakatitig na pala sa akin. "Oo nga." I frowned at nag-alok na umupo sa damuhan, makikita pa rin naman ang mga fireworks. Ang ingay ng paligid dahil sa mga walang tigil na putukan.

"May ipapabasa ako sa'yo." Kinuha ko yung maliit na notebook ko na galing pa sa workshop na dinaluhan namin dati. "Sorry kung sinulat ko." Natawa sya kasi expected na daw nya kasi yun kahit pa sinabi kong sasabihin ko yun face-to-face. Alam din nya kasing mas makakapag express ako kapag sinulat ko. Well, mas naarrangge ko kasi ang mga sasabihin ko kapag sinulat ko silang lahat. Sa gulo ng utak ko kailangan ko talaga itong i-arrange.

Kinuha naman nya at kahit may kadiliman sa pwesto naming ay nababasa pa rin naman nya. May poste din kasi sa likuran naming at pati may mga fireworks display pa kaya nabibigyan ng liwanag ang pwesto naming. Pinanoud ko lang syang buklatin ito. Hindi ko talaga sinulat sa sa pages mismo kundi sa mga sticky notes na nakalagay dito.

Tumayo ako ako nakapamulsang humakbang. Hindi pa rin tumigil ang mga putukan at ang kabuuan ng syudad ay nagmistulang city of fog. Naaamoy ko na rin ang mga polbora at usok na nagmumula sa mga paputok.

Sumabay sa alon ng malamig na simoy ng hangin ang may kahabaan kong buhok. Kasabay ng lamig ang init ng paligid kaya hindi ko masyadong nararamdaman ang lamig ng gabi. Bahagya ko syang nilingon na tutok pa rin sa binabasa. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinulat ko.

Hindi ko alam kung anong kasunod nito. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Masaya akong nakikita syang masaya dahil sa akin. Marami akong hindi sinasabi sa kanya pero sa gabing ito, sa ilalim ng mga fireworks, sa pagsalubong namin ng bagong taon together, sa gitna ng malamig at mainit na gabi, magbabago ang takbo ng mundo naming parehas.

I WANT YOU TO BE HAPPY

ACCEPT YOURSELF, LOVE YOURSELF, FREE YOURSELF...

You already have my permission to have it. It is up to you to take it or break it. Xoxo 1-1-18

Ed, sorry if I couldn't say it out loud, I don't think I can manage having different emotions at a ttime. Hope you'd understand.

Tbh, I've been thinking this before Christmas that is why I'm asking you na huwag mo akong i-trigger, I might spill it. I want it to be special so you won't ever forget. I'm hoping as well after this you will be happy.

I know you're confused with what is really my intent. As the saying goes, "Actions speak louder than words but words without action is confusing." So here I am now, making clarfications. Actually, I also asked Him why I'm doing this. I got no response so I think of possible answers that would make me understand as well. Cause kahit ako, hindi ko alam. So I came up with "making you happy". This is what I've told you before, right? I want to make you happy by means of being yourself. As to what I've written on the first page, I want you to be happy by accepting yourself, encouraging to love yourself more and to free yourself, means give yourself a chance. A chance to be happy.

You deserve it. Love your flaws and everything that is within you. However, I couldn't explain my actions. Yes, I love making people happy and you're not an exception but not to this extent that I would make an effort and go out from my comfort zone. Yes, I've been in a relationships before but never have I ever done this. Expressing my thoughts? Long messages? I would rather write a story nalang. I could tell I'm not really that expressive that is why walang ideya ang mga tao kung ano talaga ang nafifeel ko.

But here I am now, making a change maybe this is part of growing up. See? I always find a reason why I need to do this but I know deep inside, it is different. Really different. What I'm having with you is different. I always want to make an effort for you to be happy and it's not because naawa ako sa'yo but I'm happy as well doing this.

Tbh, I never looked at you na pitiful. I find you super duper lonely and parang may kulang always. That is why I'm putting colors sa life mo. See? Even my main intent nasabi ko na rin. Tsk, I'm no longer the mysterious girl on fire. Hindi na ako cool! Pero masaya ako na I am making you happy din pala.

And for the hidden message beneath the pink sticky notes. I think I need to expound it more. I really don't know if mahal kita or gusto kita. All I know is I'm happyt being with you. You read it right. I'm giving you my permission to have it but it is up to you if you take it or break it. See? Kahit naman dito sa pagpapasok ng ibang tao sa buhay ko, dapat may proseso ako sana di ba, pero dumeritso ka e. Maybe because ako na yung nag-offer sa'yo before I even notice it.

I just let it flow to the point na nahihirapan na akong bumalik. I've said too much, I've done too much which is beyond na sa mga limitasyon ko. So keep going...

Tapos nagalit ka noong tinawag kong infatuation lang ang nararamdaman mo para sa akin kahit hindi pa naman ako tapos nun pero ganun talaga ang thought. What I'm suuppposed to ask you is that, let me fulfill my promise na makapagtapos ng kolehiyo na not in a relationship.

Like I said, I''m true to my words. But I'm not asking you anything like you need to wait for me or whatnpt. Tht is why I'm tellin you, it is up to you to break it. I would understand if you will find and love someone else on the process. But if you are firm enough to hold on and wait for another year that would be great. Bottom line is, we need to do first our main plans and goals to achive before we buikd our own world.

In other words, I want us to grow individually. Cause ayaw kong masira ang mga plano natin for ourselves. Like I said, keep going. I'm telling or writing this rather to assure you na may patutunguhan ang nararamdaman mo if the time is right. Promise, behave lang po ako. xD Happy New Year!

EM-_-    

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top