Twenty One

"Was it just me or I really felt it that you were comfortable habang magkasama tayo?" Biglang message nya sa akin. Hindi agad ako nakasagot, naisip ko rin kasi. Sa dalawang araw na magkasama kami, parang nasasanay na din ang sistema ko. Pero alam ko ring sa kanya lang ako ganito kahit pa sabihin nating ngayon ko lang din ito ginawa. Malakas kasi talaga ang pakiramdam ko na may magbabago. Hindi ko lang alam kung ano o sino.

"Anyways, I wanted to say it kanina but you seem a bit tired na. Gusto ko lang namang ipaalam sa'yo na, I am here for you as a friend not a suitor." Kasi nga alam mong I don't entertain sa ngayon. Paano pala kapag hindi kita sinabihan nyan dati? Will you still say the same? Alam mo ba kung bakit sinabi ko yun sa'yo? Kasi alam kong may potential na maging suitor ka nga. Napailing nalang ako sa naisip. Mabuti at naramdaman mong ayaw ko ng manliligaw. Kaya ayan at pinili mong maging kaibigan ko lang.

"If not friend, someone you know you can rely on." Sana nga ay sinsiro iyan. Baka kasi sa paglipas ng panahon, bigla ka nalang maglaho na parang bula. "I don't want to hinder you sa mga goals mo instead I want to contribute kahit isang porsyento lang. I decided to buy that dog kasi you really love animals but giving you a real one might hurt you kasi baka mamatay lang din." I really don't know what you are up to. Aware naman ako sa mga pinanggagawa mo. Kailan lang din tayong nagkakakilala tapos gumaganyan ka na. Ewan, baka nagoover think lang siguro ako.

"I will never forget this day tsaka yung kahapon din. I get to see, talk and really know the woman I think I love na." Ang bilis mo palang ma in love Sir. Seryoso ba tayo dyan? Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapakla. Ayan tayo e. Nakikipag-usap lang, sinama sa lakad nya, in love ka na agad? Ganito na ba talaga ang mga tao ngayon? I'm just being nice to you lang naman, hindi big deal. Hindi ko nalang yan sinabi sa kanya, baka isipin pa nito ang arte ko. "Thank you so much for giving me the opportunity."

"You're welcome Sir, salamat din." Reply ko sa mahabang mensahe nya. Parang nagpapaalam naman ito. "Anyways, I'll be in your hometown na in a few days from now." Aniya. Napasimangot ako, kasi naman namimiss ko na yung lugar namin. Kung sana pwede akong makabisita man lang doon kahit saglit lang di ba? Kaso, hindi kasi ako papayagang bumyaheng mag-isa e. Jusko naman, bente uno na ako, ang daming bawal sa akin. Oh well, masunurin kasi akong anak.

"Sir, pagdating mo doon, huwag mong kalimutang pumunta sa tulay ha?" sobrang ganda kasi roon. May plaza sa gilid ng malawak na karagatan. May mahabang tulay din. May sinend ako sa kanyang picture kung saan nandun ako sa tulay mismo. Hindi naman talaga sya mukhang bridge, isang mahabang kalsada lang sya papunta sa bandang gitna ng karagatan.

"Wow, ikaw yan?" Aniya. "Short hair ka pa ah." Oo nga pala, this year lang yan, noong February. Umuwi kasi kami ni papa noon sa lugar nila pero isang araw lang. Kabitin nga e. "Pero kahit anong style naman ng buhok mo, you are still beautiful." Napairap ako sabay ngiti, "Matagal ko nang alam yan Sir." Tumawa sya dahil ang taas daw ng confidence level ko.

"Ate, uuwi ako sa probinsya ngayong miyerkules. Sama ka." Alok bigla ng pinsan ko kinabukasan. Agad nagningning ang mga mata ko sa narinig. Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan ng dugo. Weird. Uuwi lang naman kami. "Maaaaa!" sigaw ko sabay bumaba sa higaan. Ang laki ng ngisi ko, jusko naman. "Uuwi si Lyn-lyn sa Moalboal ngayong miyerkuless, sama ako ha?" Tumingin naman si Mama sa pinsan ko na sumunod din pala sa akin.

"May pera ka ba?" Napasimangot ako, alam naman nyang bakasyon, wala akong allowance. "Alam mong kakaanak lang ng ate mo, ang laki ng bills sa hospital." Nanlumo ako bigla, kahit naman kasi may kasama akong umuwi doon, wala din naman akong pamasahe. Alangan namang lalakarin ko di ba? Ang layo ng Moalboal sa Bulacao, aba.

Naiinis nga ako sa kanila minsan e. Ilang beses ko na kasing sinabing magpapart time job ako, kasi naman nakakaburyo kaya sa bahay minsan. Ayaw naman nila akong payagan. Kesyo focus daw ako dapat sa pag-aaral ko. Tsaka, baka daw hindi kayanin ng katawan ko. Stress na nga daw ako sa school, dadagdagan ko pa raw ba. Namimiss ko na tuloy magtrabaho. May work kasi ako dati, noong mga panahong tumigil muna ako sa pag-aaral.

"Don't worry ma, akong bahala sa kanya." Nilingon ko ang pinsan ko. Nakakahiyang isipin pero bigla akong nagkaroon ng pag-asa dahil sa sinabi nya. Naweweirduhan na talaga ako sa sarili ko. Ni minsan hindi naman ako ganito ka excited na umuwi sa probinsya namin. May panahon nga na inalok nya rin akong umuwi kasama sya pero hindi ko tinanggap kasi nakakatamad bumyahe ng malayo.

"Huwag na, nakakahiya naman sa'yo." Sabi ko sa kanya. "Okay lang ate, ano ka ba. Huwag mo lang kalilimutang ilibre din ako kapag nagtatrabaho ka na." Aniya na natatawa. Napailing ako, syempre naman no. "Kahit saan mo pa gusto, treat ko." Natatawang sabi ko sa kanya. Kung pwede lang sana hilahin ang oras e, ginawa ko na. Titiisin ko nalang, malapit na din naman akong grumadwet.

"Ang malas naman, hindi natuloy ang plano kong magtravel alone." Biglang chat sa akin ni Sir kinagabihan. Dadating daw kasi ang uncle niya mula sa ibang bansa. Bilin din ng auntie nya na samahan ito magbakasyon sa Moalboal din. Napangisi ako, wala syang alam na uuwi din ako doon. Gusto ko kasi syang surprisahin. Tuleg, hindi ko na naman mapigilang mapangiti. Ano kaya ang itsura nya kapag makita nya akong palaboy laboy doon?

"Okay lang yan Sir. Enjoy mo nalang din ang bakasyon mo." Naisip ko kasi, since may sticky note naman akong dala lagi sa bag ko, baka pwedeng magsulat ako ng welcome to my hometown Sir! Tapos ididikit ko ito sa isa sa mga posti ng ilaw sa tulay. Sasabihin ko naman sa kanya na puntahan nya ang posteng ito habang pinapanuod ko sya mula sa malayo. Ang kyut kaya siguro nun.

Tinulog ko nalang ang ideya na yun. Malabo kasi yung mangyari dahil may bagyong paparating at sa south ito dadaan. Ibig sabihin, maulan sa Moalboal ng ilang araw. Baka sumaktong mag landfall ang bagyo sa araw mismo kung kailan sya pupunta sa tulay. Matanggal lang yun at masira. Sayang naman.

Miyerkules na at nasa loob na nga kami ng bus ng pinsan ko. Bago nga pala kami umalis, binigyan ako ni mama ng 500. Hindi ko nga alam bakit nagbago ang isip nun. Kaso, hindi ko naman maubos 'tong lahat. Ibibigay ko nalang kay lola ang natirang pera at bibili din ako ng pasalubong para sa ibang mga pinsan ko. Napangiti ako, Moalboal here I come!

Wala pa ring ideya si Sir na uuwi ako ngayong araw, nandun na kasi sya kahapon since hindi na tuloy noong Monday dahil may chirtsmas party sila. Dalawang oras mahigit ang byahe kaya natulog muna ako. Yakap yakap ko si Siby na ginawa ko ring unan. Dinala ko talaga sya para may mayakap ako sa byahe at matutulogan. Ang dami ngang naiinggit sa kanyang mga pasahero. Gusto nga din sana nilang hingin e. Balakayodyan.

Pagdating namin doon ay agad kaming pumunta sa tulay. Sinalubong agad kami ng isang mainit na hangin pero sobrang sarap sa pakiramdam. Pumikit ako ng mariin at bahagyang dinama ang pagdampi nito sa balat ko. Ang sout kung kulay blue na dress ay nilipad lipad din sya ng hangin. Pumatong ako sa gutter at doon mas dinama ang maaliwalas na kapaligiran.

Maraming nagbago, may mga bangkang de motor na pwede mong arkilahin kung gusto mong mag island hoping. Sa harapan ko ay ang malawak na karagatan. Nagmistulang mga crystals ang bawat alon ng tubig dahil sa sinag ni haring araw. Sa likuran ko naman ay mga bulubundikin. Nasa probinsya na nga ako ng Moalboal. Alas dose na kasi ng tanghali. Ang ganda ng panahon ngayong araw, sa totoo lang. Pero bukas mag-iiba na ito since may bagyo. Sayang kung hindi ito makita ni Sir.

Oo nga pala, si Sir nga pala. Bakit ko nga ba nakalimutan yun? Nag picture taking muna kami ng pinsan ko at may isang litrato akong sinend ni Sir, katabi ko si Siby habang naka-upo kaming dalawa sa gutter. "Yep, I'm here and we're breathing the same air Sir. Enjoy your vacation Sir at welcome sa hometown ko. Sana mapuntahan mo ang lugar na ito." Yun ang nilagay kong kapsyon at umalis na kami doon. Babyahe na naman kasi kami ng motor papunta sa lugar namin mismo.

May kalayuan din talaga ang barangay namin sa lungsod. Mga trienta minutos mahigit din kaming nakasakay sa motor at ang sakit na ng balakang at pwetan ko. Pagdating namin doon ay agad naman kaming sinalubong ng iba pang mga pinsan naming. Si lola nga umiyak pa. Bakit daw ba kasi madalang lang akong bumisita. Napatawa nalang ako at sinabing busy kasi sa school at alam naman nyang hindi ako papayagan nina mama na bumyaheng mag-isa.

Ako na din ang nagprinsinta sa pagluluto ng tanghalian namin. Ulam nalang naman kasi ang kulang. Tinulungan din ako ni Kuya Alan, ama ni Lyn-lyn, sa paghahanda. Nagkamustahan lang kami doon, kwentuhan at nakatulog din ako ng mahigit isang oras din. Ang sarap kasing matulog dahil sa malamig na simoy ng hangin kahit tirik na tirik ang araw.

Alas tres nang napagdisesyonan naming lamabas ng bahay at pumunta sa likuran kung saan makikita na nasa pinakatuktok kami ng bukid. Nakatanaw ako sa kabilang bukid at bahagyang napatitig sa pagitan nito, para syang sapa pero wala namang tubig. We used to have a house here. Pero dahil nga nasa syudad na kami, sinadya nila itong gibain. Sayang nga e. Sa likuran ko naman ay ang malawak na karagatan. Tuwing alas siete ng umaga, tanaw mula dito ang bulkang kanlaon ng Negros Occidental.

Hindi ko alam kung nakita ba ni Sir ang message ko, hindi kasi ako maka konekta sa data ko. Mahina ang signal. Kalaunan, nagpaalam na din kami baka kasi gabihin kami sa daan kapag nagtagal pa kami masyado. Umiiyak na naman si lola pag alis namin. Madalang nga lang daw bumisita, uuwi pa agad. Inalok nga nya kami na pwedeng bukas nalang daw kami umuwi pero hindi pwede e. Marami pa kaming gagawin at may trabaho naman itong si Lyn-lyn.

Gabi na nga kami nakarating sa syudad at malas naman kasi lowbat ang phone ko. Napagod din sa mahabang byahe at agad akong nakatulog pagkauwi. Nang magising ay saka ko lang naalala ang mensahe ko kay Sir. Agad kong ino-on ang wifi at dumiritso sa messenger. Hindi daw nya inaasahan na nandun ako kahapon sa tulay. Sira kasi daw ang wifi kahapon at nahihirapan din syang kumunekta sa data. Sabagay, mahina nga kasi ang signal doon.

"Hahaha, we're not destined to meet kahapon Sir. Ganun lang yun." Sabi ko nalang ng bigla syang nalungkot noong sinabi kong nakabalik na kami sa syudad. "I really don't want to say this pero, I really miss you so much." Natawa ako sa sinabi nya at sinabing nagutom ako. "Funny how you love food but avoided it when I'm around." Excuse ko lang naman talaga yun. Pero, totoong nagutom ako, hindi pa kasi ako nag almusal, ito naman.

Sa sumunod na mga araw ay simbang gabi na. Dalawang taon ko na ring nakompleto ko ang pagdalo ng simbang gabi tuwing madaling araw. Gusto ko kasi yung feeling na umaga pa lang, sisimulan ko na ang araw ko ng good vibes at pakiramdam ko, lagi akong blessed. "Good morning Em." Oh, aga naman nitong nagising. "Aga ah." Alas tres pa lang kasi ng madaling araw. Papasok na ako ng chapel na nandito lang sa barangay naming. Wala pa naman si father.

"Si uncle kasi, inaya nya akong makipag-inuman kasama ang mga kaibigan nya sa kabila. Nandun pa nga sya, iniwan ko na. Pagod na ako e tsaka inaantok na din." Paliwanag naman nya. "I see, later na muna ha? Nandito na kasi si father. Pahinga ka na dyan."

Pagsapit ng hapon ay wala naman na akong ginagawa kaya ito at babad na naman sa messenger, ka chat ulit si Sir. "Really, wala akong wish. I'm just doing this to pay sa mga pagkukulang ko sa kanya." Totoo naman. Kailangan ba talagang may wish ka kapag misa de gallo? "Huwag ka ngang tutulad sa akin na walang wish." Kontra din nya. Mahilig talaga syang kumuntra.

Lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa kusina, nagugutom ako. Pagbalik ko ay saglit pa akong napatitig kay Siby. Para kasi talaga syang totoong tuta. Ang ganda ng mata nya na parang nakatitig sa akin lagi. Yung klase pa ng tingin na parang may sinasabi. Ang weird pero yun ang nakikita ko. Is that even possible? Or ako lang 'tong may sira na sa utak.

"Tbh, natatawa ako kay Siby. Para kasi syang totoo at ang ganda pa ng mata nya. Pakiramdam ko tuloy palagi syang nakatingin sa akn." Pahayag ko sa kanya. "May wish na pala ako." Basa ko doon sa reply nya kanina. "I wish for you to finally forget the scars of the past and be blessed pa lalo ng true happiness." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dito. Magthank you ba ako dapat? Wala naman na akong scars, matagal na panahon na kasi yun. "Yan lang ang wish ko and hope it will come true." Hindi nalang ako nagreply at muling binasa ang reply nya sa sinabi ko kanina.

"I forged all my feelings and care to Siby before I gave it to you. I hugged him a lot of times para madeliver nya sa'yo since there is no chance I'll be able to hug you, so yun. Ingatan mo si Siby ha?" hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi nya o ano. Bakit kasi parang pinaparating nya na hindi ko na sya makikita pa? "Hahaha iba din." Tanging nasambit ko lang.

"Para lang akong humuhugot pero seryoso yan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top