Twenty Four
I wasn't really like this before. Two years ago, I was just building myself. Building myself to be better. Wala akong ibang iniisip kundi ang sarili ko lang. Yes, I accommodate people but with limitations. Hindi ko hinahayaan ang sarili kong maattach masyado dito dahil pakiramdam ko hindi nila deserve ang isang tulad ko. I was completely broken at nahihirapan din akong iahon ang sarili ko. Sobrang nalulunod ako nun sa sariling kong katangahan. I punished myself kasi yun ang nararapat. I closed my door, I never let anyone in. Hanggang sa unti unti ko na ring napapasaya, naalagaan at nakilala ang sarili ko.
Mahirap mamuhay araw-araw na ikaw lang din ang nakakaalam sa mga pinagdaanan mo. Takot ako noong mag open up sa nangyari hindi dahil sa nahihiya ako at baka i-judge ako ng mga tao. Kundi ay naawa ako sa sarili ko mismo. Nang mabasa ko nga ang diary ni mama dati, doon ko narealize na hindi pwedeng matulad ako sa kanya, isang parausan. Pero ganun pa rin ang kinalabasan. Parang hindi matanggap ng kalahati ng pagkatao ko ang nangyari. Nagpadala ako at hinayaang kontrolin ng mga taong nakapaligid sa akin. Kasi yun ang gusto nila, ang ikakatuwa nila. Nakalimutan kong kailangan ko rin palang pahalagahan ang sarili ko. Kailangan ko ring mahalin ito. Kasi walang ibang nagmamay-ari ng pagkatao ko kundi ako lang din mismo.
Hindi porket may responsibilidad ka sa kanila ay kalimutan mo na rin ang sarili mo. At ngayong nagawa ko na yan sa loob ng mahigit dalawang taon, gusto ko ring gawin yan sa kahit na sinong taong may kaparehas ng pinagdaanan ko. Hindi maghihilom ang sakit ng nakaraan kung hindi mo ito matutunang tanggapin. Matapos mong tanggapin, palayain ang sarili at gumawa ng mga bagay na ikakasaya at ikabubuti mo bilang tao. Mahalin ang sarili at gawing importante dahil doon mo mararamdaman ang totoong kasiyahan. Kasiyahan na ikaw lang din mismo ang makakagawa.
Hanggang sa nakilala ko si Sir, si Ed. Ang kaisa-isang lalaking una kong nakita ang totoong katauhan bago pa niya ipakilala ang totoong siya. He reminds me of my old self. Lost, broken, and alone. Unang tingin ko pa lang sa kanya nun, ramdam ko na kung gaano kalungkot ang aura nya. Mahirap mamuhay araw-araw na iba ang katauhang dala mo. Yung pakiramdam na kahit ginagawa mo ang tama at nararapat ay malungkot ka pa rin deep inside. Hindi mo alam kung ano ba talaga ang kulang. Ginawa mo na ang lahat ng kaya mong gawin pero bakit pakiramdam mo hindi ka pa rin bou? Hindi pa rin bou ang pagkatao mo.
Kaya gusto ko syang kaibiganin. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi sya nag-iisa. Na may taong nakakaintindi sa kanya. Hindi man nya sabihin alam kong may problema. "Why? Why would you be jealous?" bakit nga ba ako biglang nakaramdam ng inggit? Saan nga ba ako naiinggit? Sabi ko kasi sa kanya, dadalhin ko sya dito sa amin para mameet nya ang mga magulang ko. Dahil gusto kong iparamdam sa kanya na parte na sya ng buhay ko, na may kaibigan syang masasandalan sa oras ng pangangailangan. I always care for his welfare, kasi hindi ko gustong maramdam nya na he's alone at walang taong gustong damayan at samahan sya. Pero may nauna na pala. Nakakainggit na nakakairita na gusto ko nalang umiyak.
"I don't understand." Maging ako ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla akong nainis. Ano namang pakialam ko kung nagkaayaan sila at nasa bahay sya ng kaibigan nyang babae? Aayin ko rin naman sya. Maliit na bagay lang naman pilit ko pang pinapalaki. "Em, I do not like Aira okay. I preferred going out with her aunt and mother para may kasama lang ako." I see, close pala talaga sila. "Because if I were with my classmates, magulo." As if namang may paki ako kung sino ang kasama mo. "Em, I don't really get why nagseselos ka. Do you—do you also feel the same way for me?"
Bigla akong kinabahan. Gusto lang kitang kaibiganin at damayan. Yun lang yun, okay? Hindi nalang ako nagreply. Naiinis kasi talaga ako at nabubwesit din. "Tsk, you should rest then. Em, I just wanna say you have no idea kung gaano ka kamahal sa daddy ni Siby. If I could only open up my mind and thoughts, it would sure make you blush." Umiral na naman ang pagiging poetic nya.
"I will not bother you for now, if you really need the space to think. But I am always here for you okay? You know that. Sana lang hindi ma cancel ang December 31." I am true to my words naman kahit nabubwesit ako ngayon. Tumutupad ako ng usapan.
"My heart only beats for you.
My heart only hears your voice.
My heart could never ask for anything else.
If I am at fault then forget the fault, the fault alone.
Em."
Ang dali lang naman sabihin ang mga yan at hindi din ako apektado sa mga pinagsasabi nya. Pwera nalang kung kaya nyang panindigan yan. Tinulog ko nga ang poot na nararamdaman kahit labag sa kalooban ko. Kailangan ko lang pakalmahin ang sarili ko at kapag ganitong wala ako sa mood, itutulog ko nalang ang lahat.
"Em, my heart hurts a lot. Will I lose you? Sabihin mo na sa akin agad, masikip sa dibdib." Wala ka namang dibdib kaya paanong masikip? Feeler din nito e. Yan ang bumungad sa akin pag gising ko mula sa isang oras na tulog. "Hindi naman." Hindi mo din naman kasi ako iyo. Idagdag ko sana kasi parang banat ba pero baka masasaktan na naman ito, ang seryoso pa naman ng loko, huwag nalang. "Tuloy pa rin ba yung December 31?" naiinis lang ako pero hindi ako bumabawi ng usapan. "I'm true to my words."
"Hindi ka ba maa-out of focus nyan? I'm just worried." Luh sya, ano bang mga pinagsasabi nito? "I won't naman, mawalan lang ako ng focus kapag bothered ako." Which is true. Nahahati kasi ang atensyon ko nyan kaya minsan natutulala ako at nag-iisip ng malalim. Kasi kailangan ko kasing timbangin kung bakit nangyari to at anong dahilan at naging ganito, ganyan, basta mga ganun.
"Alam mo, sorry ah pero, ang cute mo pala magselos." Hindi ako nagseselos. Wala namang dapat na pagselosan. Bahagya kong naramdaman ang dugo kong unti unting umakyat sa mukha ko. Napabusangot ako, bwesit. "Don't be bothered, you have my heart. Only you, remember that." I'm not really the jealous type of a person. But like seasons, people change. Tsk. Bakit ko nga ba kailangan magselos? Tsaka, hindi nga kasi talaga ako nagseselos, pampabebe lang yan. Di naman ako pabebeng tao. Sus.
"Okay ka lang ba talaga? Sigurado ka?" ang kulit din ng lahi nya, oo. Okay nga lang ako. Nakatulog na ako e. "Perfectly fine." Sabi ko nalang para hindi na sya magtanong pa. "So, you feel the same way? Ayokong mag assume, so." Huwag kang mag assume talaga. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging uncomfortable. "Maliligo muna ako, mainit e. Bye." Bigla tuloy akong natawa sa sarili ko. Sus naman, maliligo lang e. "Ngayon gusto mo ng maligo." Malapad na ngisi ang nakabalandara sa mukha ko habang papasok ng banyo, nakakainis talaga.
Kakatapos ko lang maligo at abala ako sa kakanuod ng palabas nang biglang pumasok sa sala ang bunsong kapatid ni ate, si Macky. Parang magkababata na kami nito since bata pa lang ako, kilala ko na sya at minsan ko na din syang nakalaro dati. Tho, he's four years older than me. Sina mama at papa kasi, nasa Leyte pa nun nagtatrabaho kaya naiwan ako sa kapatid kong lalaki at sa asawa nya. Madalas din akong dinadala ni ate sa bahay nila dati dahil mag-isa nga lang ako sa bahay at malayo pa ang mga kapitbahay namin, mabuburyo lang ako. Doon ko nakilala si Macky. Mabait naman yan sya, masungit nga lang minsan.
Tumabi sya sa akin nang makita nya ako. Kinuha nya si Siby na nasa lap ko at humiga sya sa lap ko mismo. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Hindi naman nya gawain ito. Ni minsan hindi sya humiga sa hita ko, ngayon lang. Kakalapat pa lang ng ulo nya agad akong gumilid para hindi nya ako tuluyang mahigaan. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko. Tumingala sya sa akin na nakangisi, "Huwag kang maarte, ito naman. Pahiga lang." Kung gusto nyang matulog, doon sya sa kabilang sofa. "Akin na nga yan." Sabi ko na medyo namutla na, pilit lang akong ngumiti. Kinuha ko si Siby at yun ang niyakap ko. Sinadya ko talagang ipatong ito sa mga hita ko para tuluyan ng mahulog ang ulo nya.
Ngumisi ulit sya at saka nagsalitang ang arte ko raw. Kinuha nya ang throw pillow sa gilid nya at yun ang niyakap nya. Hindi talaga ako komportable na may kasamang lalaki sa iisang lugar lalo na at katabi ko pa. Pero kilala ko naman na sya, wala naman siguro syang gagawing hindi maganda. Tsaka, nasa kwarto lang si ate. Maliit lang naman ang inuupahang bahay namin.
Maya maya pa, bigla syang nag-unat pero alam kong sinadya nya iyon. Hanggang sa dumapo ang magkabilang kamay nya sa katawan ko. Bale nakayakap sya sa akin pataas na nakahiga. Hindi ako agad nakakilos dahil sa bigla. Nararamdaman kong nanginginig ang boung katawan ko. Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko lalo na nung bahagyang pisilin nya ang tagiliran ko. Napapikit ako at gusto kong umiyak nalang. Maraming ala-ala ang pumasok sa isipan ko. Noong bata ako hanggang ngayon. Tangina, ito nalang ba talaga ang role ko?
Narinig ko syang mahinang tumawa at tiningala ako. Natutulala na pala ako ng wala sa oras. "Tinigasan ako." Aniya at dahan dahan akong tumayo. Yakap yakap ko si Siby na tila nanenermon sa akin. Gusto kong umiyak ngunit hindi ko magawa. Bakit nya ginawaa yun sa akin? Hindi na ba talaga ako karespirespito? Lahat ba talaga ng lalaking makikilala ko are trying to get into my pants? Bwesit! Anong akala nyo sa akin? Laruan? Parausan? Libangan?
If Siby could talk tho, sinesermonan na ako nito. Gumawa ako ng my day. Gusto kong aluin ang sarili ko na wala lang yun. Namimiss lang nya ang ex nya kaya nya yun nagawa sa akin. Bwesit, sa akin pa talaga? "May sekreto ang asawa at anak ko sa akin? I'm a bit jealous." Isa pa 'to sya. Nagreply kasi sya sa my day ko. Tinanong kung bakit daw ba, sabi ko secret. Paano pala kapag nalaman nya? Panigurado, mag-iiba ang tingin nun sa akin. Well, ano naman ngayon kung mag-iiba ang tingin nya sa akin? Wala naman akong pake kung ano ang tingin ng ibang tao sa akin. Pero hindi kasi sya ibang tao para sa akin.
Kinagabihan ay maaga akong natulog. Hindi ko nalang sya nireplyan at hindi na din ako nag online. Galit ako sa sarili ko kasi hinayaan ko lang na gawin nya yun sa akin. Gusto kong makalimot sa nangyari kaya maaga akong natulog. Hindi naman talaga ako dito natutulog kundi sa malaking bahay kung nasaan ang mga magulang ko nagtatrabaho. Pero wala kasing kasama si ate kanina boung araw sa pag-aalaga kay baby Rere. Partida, CS sya kaya nahihirapan pang kumilos. Gabi na ding umuwi si kuya galing trabaho kaya hindi nalang ako pumunta sa kabilang bahay at sinamahan si ate.
Naalimpungatan ako nang biglang may mainit at magaspang na kamay ang humahagod sa bandang tyan ko. Pataas baba ito hanggang sa bumaba pa ito papunta sa hita ko. Dahan dahan hanggang unti unti kong nararamdaman na papunta na ito sa gitna ng hita ko. Papikitpikit pa ang mga mata ko at pinilit minulat ang mga ito. Naaaninag ko ang mukha nya at parang nagbalik ako sa nakaraan. Dim lights, isang kwarto, lalaking nanlilisik ang mga mata na nagmistulang kulay pula at bahagya pang nakaawang ang bibig na parang tumutulo ang laway. Pinning me in the wall. Shit.
Aagd kong hinawi ang kamay nya pero hindi ko akalaing halikan nya ako bigla. Lahat ng diwa ko nagising at tinulak sya dahilan para mapahiga sya sa sahig. Sa sofa ako natutulog since wala naman talaga akong sariling kwarto dito. "Wala ka namang boyfriend, okay lang yan." Tangina mo! Hindi ko akalaing gaganituhin mo ako sa pamamahay pa mismo ng kapatid ko. Wala kang respite.
Dali dali akong pumasok sa CR at kahit gusto ko mang umiyak, hindi ko magawa. Pilit ko nalang pinapakalma ang sarili ko at lumabas na matapos maghilamos at magmomog ng ilang beses. Nandidiri ako sa kanya at sa sarili ko. Sa ibang sofa ako natulog, yung malayo sa kanya. Sana lang talaga huwag na syang lumapit pa kundi tatadyakan ko na talaga sya sa bayag. Hayop sya, anong akala nya sa akin?!
Nang magising ako kinaumagahan ay ang hapdi ng mata ko. Right. Umiyak nga pala ako kagabi hanggang sa nakatulugan ko na. Boung araw wala akong imik. Gusto ko nalang umiyak. Gusto ko nalang patayin ang sarili dahil parang nakulam yata ito na parang lahat ng lalaki ay pagsasamantalahan ako. Mula pagkabata, tatlong beses akong muntik ng magahasa, mapa matanda man yan, binatilyo o kaya kaedad ko lang. Maswerte nga at palagi akong makakatakas o di kaya ay may ibang taong dadating. Hanggang sa ang kaisa-isang taong pinagkatiwalaan ko na akala ko ay hindi nya magawa sa akin ang mga bagay na yun pero wala syang pinagkaiba.
Tulad nila, muntikan na din nya akong gahasain. Hindi pa ba sya kontento na binigay ko na nga sa kanya ang sarili ko dahil kapag hindi ko ginawa, magagalit at inaaway ako? Tapos nakuha nya pang pwersahin ako dahil lang sa tinanggihan ko sya ng ilang beses? Sawa na kasi ako, ayaw ko na. Nasisira na kasi ang boung pagkatao ko. Naawa na ako sa sarili ko. Pwedeng, konting respito man lang sa akin bilang babae? Hindi ko naman sila inakit. Kaya hindi nyo rin ako masisisi kung bakit mailap ako sa mga lalaki. Pakiramdam ko kasi, lahat nalang sila gustong angkinin ako. Para bang I'm a walking pussy at may nakalagay sa noo ko na, 'come and fvck me'.
Muli na naman akong napaiyak. Sinusumpa yataako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top